Saturday, June 13, 2009

PASAYAHAN SA LUCENA




Please read....CHAMI EATING CONTEST:Naging makulay at Masaya ang isinagawang chami eating contest bilang isa sa mga naging bahagi ng Pasayahan sa Lucena.Kabilang ang National Union Journalist of the Philippines Quezon Chapter sa mga lumahok sa nasabing pacontest. Chona Reglos
Jetline
Ni Jet Claveria

Sabon at alcohol sa paaralan
Sa lumulubong kumpirmadong kaso ng A H1N1 sa Pinas dapat daw na panatilihin ang kalinisan sa katawan.

Ngayong umpisa na ng pasukan kumusta naman sa mga paaralan?
Noong nakaraang sesyon sa Sangguniang Panglunsod ng Lucena narinig ko ang naging talumpati ni Konsehal Benny Brizuela patungkol sa update reports ng City Health Office on drug-resistant TB at AH1N1.
Katulad ng panawagan ng Department of Health sa buong bansa na pamalagiing maghugas ng kamay kung saan ito ang dapat eencourge sa mga bata at mga guro sa mga paaralan.
Sabi ni Brizuela dapat na imonitor at tingnan din ng mga kinauukulan kung ang mga paaralan ba ay may sapat na tubig,lababong hugasan at mga supply ng sabon at alcohol.
Sa bahagi naman ng mga opisyal sa paaralan dapat na mapanatili nilang malinis ang itinitinda nilang pagkain sa mga canteen.Dapat din na paalalahanan ang mga estudyante na huwag bibili sa mga itinitinda ng mga ambulant vendors lalo na’t alam na hindi malinis ito.

Dapat din na maging malinis ang kapaligiran ng paaralan upang hindi pamahayan ng mga lamok.
Maganda ang naging talumpating ito ni konsehal ang kailangan lamang ay maimplementa ito upang masubaybayan kung naipapatupad ang panawagan ng Department of Health lalo na sa mga paaralan.
Baka naman kasi ang talumpating ito ay hanggang SP na lamang ngunit pagkalipas na maideliver ay tapos na rin.

Kunsabagay,hindi naman ganon ang pagkakilala ng Jetline kay konsehal Benny.Kapag sinabi nito ay kaniyang tinutupad.’
Hindi lamang virus na AHINI ang dapat na imonitor dahil laganap din ang may sakit na TB.
Pero mukhang ang mga ganitong sitwasyon yata ang hindi naiireport ng city health office kaya tama lamang ang ginawa ni Konsehal Brizuela na kalampagin ang mga ito upang maireport ng tama ang mga kaso ng sakit sa Lucena.
Okey ang “Sagip Baga program” na inirekomenda ng konsehal kung saan dapat lamang na maisabuhay kaagad upang hindi lamang “baga” ang bagay na sagipin kundi buhay ng ating mga kababayan.
TUBA SA MARINDUQUE
Tunay nga palang maraming produkto sa Marinduque na hindi masyadong nakikilala dahil na rin sa kulang ang pagbibigay ng impormasyon ng mga kinauukulan.
Ito ba’y dahil nakilala at nakagisnan na ng mga mamamayan sa Marinduque ay ang dating nanunungkulan dito na ito pa rin ang kanilang itinuturing na may kapangyarihan o natatakot silang suwayin ito.
Sabi nga ng nakakwentuhan ng Jetline,maliit pa siya ay ang mga ito na ang nanunungkulan,lumaki siya at nagka-asawa ay ito pa rin…tama na daw naman at sobra na.

Parang gusto ko na tuloy paniwalaan na totoong ang matinding pulitika ang sagwil sa mga kaunlaran sa naturang lalawigan.

Masuwerte daw ngayon ang Marinduque sa pagkakaroon ng isang Gov. Bong Carrion na walang sawa sa mga programang ginagawa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

Subalit totoo ba ang nababalitaan na laging sabotahe ang mga programa nito?



Kaliwat Kanan
Ni Jet Claveria

Formula ng Pinoy
Kahit saang larangan ay pwedeng isabak ang Pinoy dahil sa akin nitong talino at galing sa iba’t ibang larangan.KAILANGAN LAMANG ANG TAMANG FORMULA PARA LALONG MAKILALA ANG MGA PINOY AT PINAY SA MUNDO.
*****
Panawagan ngayon ng Department of Health na dapat panatilihin ang kalinisan upang makaiwas sa sakit.GANON TALAGA KUNG KELAN MAYROONG MGA KASO NG VIRUS SAKA LANG ANG KAMPANYA SA KALINISAN.

****
Hinahanapan ni Lucena City Councilor Benny Brizuela ng report ang City Health Office hinggil sa kung anong kaso ng sakit ang nasa Lucena ngayon at kung anong assistance ang kailangan ng mga pasyente.DAPAT NGA NAMAN AY NAMOMONITOR ITO NG MGA KINAUUKULAN.

***
Dapat daw ay mayroong tubig,lababo, sabon at alcohol ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Lucena.KUNG COMFORT ROOM NGA KULANG SILA YON PA KAYA ANG MAGKAMERON.
:




Bagong palengke ikinatuwa ng mga taga Catanauan
Ni gladys alfonso
CATANAUAN- Ikinatuwa ng mga taga Catanuan Quezon ang pagkakaroonng bagong palengke at makalipat na ang mga maninindahan ditto,
Ito ang masayang ibinalita ni Catanauan Mayor Ramon Orfanel na nakalipat na mga maninindahan sa bagong palengke sa bayan ng Catanauan Quezon mula sa lumang palengke na sa loob ng poblacion.
Ayon kay Orfanel binuksan ang kongkretong palengke noong Mayo a-15 ng taong ito na proyekto ng Local na pamahalaan ng Catanauan sa pamamagitan ng paglo-loan ng halagang 33-milyong piso sa Land Bank of the Philippines na na- isakatuparan na.
Pagkalipat ng palengke agad naman denemolish ang lumang palengke upang ihanda naman ang paggagawa ng Municipal Trial Court ng Catanuan na itatayo sa pinag-alisan ng lumang gusali.
Nasa mahigit dalawang linggo na nauumpisahan ang MTC samantalang sa malapit din dito ay itinatayo naman ang Fish Port na nasa 70 porsiyento naman ang nagagawa ng konstruksyon nito.
Itoy sa pamamagitan din ni Cong Danny Suarez sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.






Lamon Bay tumataas ang level ng tubig
Ni gladys alfonso

ATIMONAN QUEZON- Malala na at masyado na ang pagkasira ng kalikasan ayon sa Patnubay isang Non-Government Organization na naka base sa ika-apat na distrito ng Quezon.
Base sa kanilang ginawang pag-aaral sa bahagi ng Lamon Bay tumataas ang level ng tubig sa karagatan kumpara noong una.
Itoy bunga na rin ng lumalalang Global Warming sa iba’t ibang dako ng bansa.
Upang makatulong sa nasabing problema isa ang Patnubay sa gumawa ng inisyatibo na isailalim sa isang pagsasanay ang mga kabataan dahil sa paglipas ng panahon ay nakita ng grupo na dapat suportahan ang mga kabataan at maimulat sa kahalagahan ng Kalikasan.
Ang pangangalap ng Patnubay sa mga kaliliitan na bata kasama na ang magulang ay upang makatuwang nila sa programa na kahit papaano ay makagawa ng kaparaanan upang maisalba ang inang kalikasan at maresolba ang suliranin sa Climate Change.






Palaka pinag isang dibdib
Ni gladys alfonso

CONGRESS- Ikinatawa ni Rep. Danilo Suarez ang titulong pinag-isang dibdib na “ Lakas-Kampi –CMD” para tawaging Partidong lakas-Kampi o Palaka.
Sa panayam sa mambabatas natatawa itong ipinahayag ang pagsasama ng partido na na tatawaging Palaka na ang ibigsabihin ay lulundag sila sa Kaunlaran.
Wala naman problema sa nasabing solon kung nagkasama ang Lakas-CMD at Kampi na mas maganda nga ito dahil magkakasama lulundag sa kaunlaran ang mga kabilang sa partido.
Sa kabila ng di-umanoy walang kaukulang nagging konsultasyon dahil ikinasal ang dalawang lapian na ginanap ang makasaysayang pagsasanib sa Manila Hotel.




Turismo sa Quezon, lumalago
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Pinatutunayan ngayon ni Quezon 1st district Board Member Alona “Baby” Obispo, na lumalago ang turismo sa lalawigan ng Quezon.
Sinabi nito na malaki ang posibilidad na makilala ang buong lalawigan hindi lamang sa buong CALABARZON kundi sa buong bansa dahil sa nagtataglay ito ng mga magagandang lugar bukod pa sa ang mga Quezonians ay kilalang hospitable.
Ipinagmalaki nito na sa Quezon matatagpuan ang mga magagandang beach resorts. Hindi lamang aniya bayan ng Sariaya o Gumaca, Plaridel, Padre Burgos, Gen. Luna at iba pa ang may magagandang beach resorts kundi unti-unti aniya na nakikilala ngayon at Cagbalete Island sa Mauban, Quezon.
Sinabi pa nito na ang mga native products ng Lucban at Tayabas at maging sa Sariaya ay paborito din ng mga dayuhan.
Kinakailangan lamang, ayon pa sa opisyal ay pagtutulungan mismo ng mga mamamayan at ng pamahalaan nang sa gayon ay tuluyang magtagumpay ang pagsusulong ng turismo dito.
Naniniwala din siya na ang pagdaraos ng mga kapiyestahan sa iba’t-ibang lugar dito at pagkakaroon ng magagandang konsepto ang dahilan kung kaya’t nagiging mabenta sa mga turista ang mga okasyon na ginaganap sa iba’t-ibang bayan.

TF Lucena at Army’s 201st BDE, nagsagawa ng YLS
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Patuloy na nagsasagawa ng Youth Leadership Summit ang Army’s 201st Brigade ng Phil. Army at ang bumubuo ng Task Force Lucena sa mga lugar na sakop ng kanilang Area of Responsibility (AOR).
Sa pangunguna ni TF Lucena Commander Col. Narciso R. Alamag at Army’s 201st BDE Commander Col. Nestor AƱonuevo, isinailalim sa YLS ang may 210 mga kabataan mula sa iba’t-ibang eskuwelahan ng lungsod ng Lucena, maging mga Out-of-School Youth at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa tatlong araw nilang pagsasama-sama sa West III Elem. School sa lungsod noong Biyernes.
Ayon kay Col. Alamag, ito ang kauna-unahang YLS na ginanap sa lungsod kung kaya’t umaasa sila na ang mga kabataang mapalad na nabiyayaan ng ganitong programa ay higit na magiging makabuluhan ang serbisyong ibabahagi sa pamayanan.
Naunang tinuran ni Col. AƱonuevo na isang patunay din ang Youth Leadership Summit na hindi militarisasyon ang pinaiiral nila sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas kundi ang pagbibigay ng magagandang serbisyo sa mga mamamayan, kabilang na ang pagsasagawa ng mga Medical & Dental Missions, pagtulong sa mga tao sa panahon ng kalamidad at iba pang trahedya gayundin ang pagsasagawa ng YLS nang sa gayon ay maimulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagiging isang mabuting tagasunod dahil nangangahulugan din ito ng pagiging isang mabuting lider sa mga susunod na panahon.

Serbisyo ng Quezon 2nd DEO, patuloy
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Nananatiling nagsisikap ang pamunuan ng Quezon 2nd District Engineering’s Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maibigay sa bawat mamamayan ang magandang serbisyong panlasangan.
Nabatid na patuloy sa pagsasaayos ng mga pangunahing daan ang mga tauhan ni District Engr. Cely S. Flancia sa mga lansangang sakop ng kanilang tanggapan.
Dahil dito, hinihingi ni Flancia ang pang-unawa ng mga motorista sa tuwing naaabala ang mga ito dahil sa mga inaayos nilang bahagi ng daan sa distrito ni Cong. Procy Alcala partikular na sa mga daang sakop ng bayan ng Sariaya, Candelaria, Tiaong at Maharlika Highway na sakop ng lungsod ng Lucena.
Kaugnay nito, nauna namang sinabi ng Kongresista sa panayam ng programang Punto por Punto sa DZAT na nais niya na maibigay ang magandang serbisyo sa kanyang mga constituents kung saan malibang sa mga Scholarship Program, Programang Pansakahan at marami pang iba, prayoridad din niya na maisaayos ang mga daan sa distritong kanyang pinamumunuan.


SICT ng NSO, sinisimulan na sa Quezon
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Sinisimula na ngayon ng National Statistics Office (NSO) sa buong lalawigan ng Quezon ang “2008 Survey on Information & Communication Technology” (SICT) kaalinsabay ng isang major survey na “2008 Annual Survey on Philippine Business & Industry (ASPBI)” na sabay-sabay na ginagawa sa buong bansa.
Ito ay naglalayong mangalap ng makatotohanan, husto, tamang datos at impormasyon hinggil sa “Information and Communication Technology (ICT) na taglay ng mga napiling establisimento. Kagaya halimbawa ng paggamit ng mga computers, telecommunication equipments at iba pang makabagong paraan ng teknolohiya.
Ang lalawigan ng Quezon ay may 105 sample na establisimento sa SICT, samantalang 288 naman sa ASPBI. Ang SICT questionnaires na ipamamalagi at sasagutan ng mga awtorisadong kawani ng mga napiling establisimiento, ay naglalaman ng mga katanungan tungkol sa mga gingamit ICT equipment, kaalaman tungkol sa system and application software na gamit sa computers, paggamit ng internet , mga transaksyon sa pagbebenta ng produkto at serbisyo gamit ang internet at marami pang iba . Kasama din sa mga impormasyong kinukuha ang tungkol sa dalas ng pagbili ng ICT equipment at paraan ng pagtatapon o pag-alis ng mga ito.
Sa pamamagitan ng survey na ito, malalaman ang antas ng kaunlaran sa Information and Communication Technology ng mga industriya at kalakalan dito sa ating bansa


Kampanya laban sa A(H1N1) virus, palalakihin ng BHERT
Ni
Edgar Borja

Palalakasin ng mga Barangay Health Emergency Response Team(BHERT) ang kampanya laban sa A(H1N1) virus, upang maging kaugnay ng pamahalaang panglungsod at ng City Health office sa pagpapatupad ng programang pangkalusugan kasama na ang pag-iwas sa A(H1N1) virus.
Ito ay isa lamang sa mga napagkasunduan sa ginanap na Orientation on Influenza A(H1N1) para sa 33 barangay sa lungsod ng Lucena kamakailan.
Sa ginanap na orientation, inihayag ni City Health Officer Dr. Wilfedo Frondoza na umaasa siya na magiging handa ang Lucena City sa anumang pangyayari kagaya ng A(H1N1) virus bagama’t wala pa naming naitaalang kaso sa lungsod ng Lucena Idinagdag niya dito na upang mas maging tiyak na ligtas ang mga mamamayan ng lungsod, isa sa mga dapat gawin ay ang maagap na paghahanda para dito.
Samantala , inihayag naman ni Quezon 2nd district Board Member Romano Franco C. Talaga na siyang kumatawan kay Mayor Ramon Y. Talaga Jr. sa nasabing okasyon na sinusuportahan niya ang programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.
Dagdag pa niya, nararapat buksan ang mata at kaisipan ng lahat sa mga impormasyon maaari nilang makapangalap at ibahagi ito sa nakakarami. Base umano sa tala ng World Health Organization noong Mayo 13, may 33 bansa sa buong mundo ang may kaso na ng A(H1N1) virus at may 5,728 na ang bilang nga mga taong nabibiktima nito. Aniya, dapat mas maging alerto ang lahat ngayong sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Sa administrasyon ni Gov. Nantes
Quezon Province, nakahanda sa A(H1N1) virus
nina Edgar Borja at Babes Mancia
Dahil sa nais ng gobernador ng lalawigan ng Quezon na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan dito, nakahanda ang lalawigan sakaling magkaroon ng kaso ng A (H1NI) bagama’t patuloy ang panalangin na hindi makarating sa lalawigan ang virus na unang natuklasan sa bansang Mexico at kumuha na ng mahigit sa 100 buhay.
Kamakailan lamang, sinabi ni Provincial Administrator Aristeo Flores na sa kabila ng ang Quezon ay nananatiling “Free to A (H1N1)”, mahalaga aniyang maging alerto ang mga mamamayan at doblehin ang pag-iingat sapagkat nakapapasok na rin sa bansa ang nasabing virus, at sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang DOH ng 16 na kaso nito sa Pilipinas
Bilang unang hakbang ng paghahanda laban sa nasabing virus, kaagad na nagbuo ng komite ang Pamahalaang Panlalawigan na kinabibilangan nina Florez, Dr. Henry Buzar at Dr. Agripino Tullas na kung saan ay nagbigay ng kasiguruhan na may plano ang Integrated Provincial Health Office (PHO) upang resolbahan kung sakaling magkaroon ng kaso nito sa lalawigan.
Bagama’t abala si Governor Raffy P. Nantes sa pagpapatupad ng mga iba’t-ibang proyekto sa lalawigan, nakipag-coordinate na ito kay Dr. Tullas, Flores at Mr. Buzar upang magbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa A (H1N1) virus at kung paano ito maiiwasan.
Ang pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pangangasiwa ng Public Affairs information and Assistance Division (PAIAD) na pinamumunuan ni Mr. Carlo Vince Villafranca ay namahagi ng mga flyers na nagsasaad ng mga impormasyon tungkol sa virus.
Sa bisa naman ng ipinalalabas na Memoramdum para sa 40 Municipal Mayors ni DILG Provincial Director Romulo Calvario ay inaatasan nito ang mga Municipal Government Operations Officer na imonitor ang mga naba-balikbayan.
Tinukoy naman ni Dr. Tullas na kailangan pa rin ang Healthy Lifestyly sa pang-araw-araw na Gawain. Mahahadlangan umano ang nasabing virus at iba pang sakit kung malakas ang resistensya ng isang individual . Naisasalin umano sa kapwa ang A H1N1 sa pamamagitan ng pagbahing kung kayat importante ang personal hygiene3, at paghuhugas ng kamay kung galing sa CR at iba pang maruruming lugar.


PalayChecks System sa Candelaria, papalaganapin
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Matagumpay na idinaos ang pagtatapos ng humigit kumulang tatlumpung magsasaka sa pag-aaral sa Farmer’s Field School on Palaycheck System sa bayan ng Candelaria. Quezon noong nakaraang Mayo 26 taong kasalukuyan. I
Ito ay may kaugnay pa din sa maigting na kampanya ng ama ng lalawigan ng Quezon, Gobernador Rafael P Nantes na paularin ang agrikultura sa lalawigang ito. Kung kaya’t sinusoportahan ng pamahalaang local ng lalawigan ng Quezon ang lahat ng Proyekto at programa ng Tanggapan ng Agrikultura at nga pamahalaang nasyonal sapakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor sa pamumuno G. Domingo J. Mamasig.
Ayon kay Provincial Agriculturist Mamasig sana ay hindi kasabay ng kanilang pagtatapos sa kanilang pag-aaral sa FFS on Palaycheck System ang pagsasagawa ng kanilang mga natutunan bagkus ay kanila itong pagyayamanin at ibahagi sa kapwa nila magsasaka na hindi nakadalo nang sag anon ay mapalawak ang ganitong uri ng makabagong teknolohiya upang mapadali ang pag-unlad hindi lang ng kanilang bayan kundi ng buong lalawigan upang ang sigaw ng lahat na Pilipinas , Quezon Naman! ay makamtan.

Samantala, bukod sa mga sertipiko na ipinagkaloob ng pamahalaang lokal ng bayan ng Candelaria at ng OPA sa mga magsasaka, binigyang parangal naman ang limang nagsipagtapos bilang Responsableng Magsasaka sina G. Eduardo de Guzman, Patricio Dimaunahan, Elias Albay, Pablo Escal Jr. at Vivincio Alday pinarangalan din ang limang naguna sa klase na sina Gng. Angelina Alday pinarangalan din ang limang nanguna sa klase na sina : Gng Angelina Alday at G. Benedicto Malaluan bilang ikatlong karangalan banggit (1st honorable mention), G. Roberto Ebora at G. Marcelino Malaluan bilang ikalawang karangalan baggit (2nd honorable mention) at G. DAnilo Tatlonghari bilang unang karangalan banggit (1st honorable nmention). Lubos naman ang pasasalamat ni G. Dominador Evaculada – Municipal Agriculturist ng baying ito sa lahat ng mga nagsidalo upang maging saksi at panauhin sa matagumpay na pagtatapos na iot ng mga magsasaka. ,Aniya sana ay magsilbing tulong ito sa lahat ng mga magsasaka upang amg mga ito ay umangat ang pamumuhay gayundin ang bayan ng Candelaria.










Pagputol ng punong niyog hindi totally ban
Ni gladys alfonso

QUEZON- Ipinahayag ni PCA Regional Director Ed de Luna na hindi totally ban ang pagpuputol ng puno ng niyog at transportasyon nito sa lalawigan ng Quezon kundi regulated lamang, taliwas sa napapabalitang pinatigil na ito sa buong probinsya.
Ayon kay PCA De Luna ang pinapayagan lamang na putulin ngayon ay ang mga punong may sakit, natumba o naapektuhan ng bagyo at yaong matatanda ng puno.
Dahil sa paghihigpit ng PCA 80 porsiyento umano ang nabawas sa illegal na pagpuputol ng niyog,kung saan ang bayan ng Mauban ay may pinakamalaking coconut producing town samantalang ang 3rd District ang pinakamalaking mag produce ng produkto sa Quezon.



Away sa lupa problema sa 4th district
Ni Gladys Alfonso

LOPEZ QUEZON- Away sa lupa ang kadalasang problema na naidudulog sa himpilan ng pulisya sa ika-apat na distrito ng Quezon ayon ky P/ Supt. Benedicto Cabillo Group Director ng 417th Mobile Group na naka base sa Gumaca Quezon.
Ayon sa opisyal tahimik at normal ang sitwasyon sa mga bayan na kanyang nasasakupan gaya ng Gumaca, Lopez, Calauaga at iba pang bayan sa 4th district, maliban lamang sa ilang suliranin nila duon na alitan sa ari-arian ang sumbong na nakakarating sa kanila.
At ito ang kanilang inaasyos na magkasundo-sundo dahil karamihan sa nasasangkot ditto ay magka-kamag-anak at ayaw idaan sa tamang proseso kundi nauuwi ito sa mga sakitan at personalang awayan.
Dahil napakalaki ng land area ng 4th District karamihan ng naninirahan sa mga barangay ay iisang pisa o hindi mag-iibang tao, at hatian sa ari-arian ang pinag-uugatan ng away.
Noong una daw kasi ay hindi uso ang paglalagay ng papel sa mga kalupaan sa mga lugar ditto kundi nanatilling hanggang sa verbal na usapan lamang ng mga ninuno ang pinagbabatayan.
Dahil ang iba naman ang nakapag-aral na idinadaan sa tamang proseso hindi ito mauwaan ng magkakabilang panig kung saan nauuwi ito sa bantaan at hindi na di-umano uso ditto ang dadalhin pa sa korte ang usapin o nangyayari na lamang ay gantihan na ito ngayon ang tinutukan ng pulisya na humantong sa mga ganitong insidente.





Pagkulong sa dating Prime Minister ng Burma kinondina ni Cong.Tanada
gladys alfonso
CONGRESS- Isang House Resolution ang ipinalabas ng tanggapan ni Quezon Rep. 4th District Lorenzo “ Erin” Tanada III kaugnay sa pagkondena sa ginawang pananatili sa kulungan ni Laurete Daw Aung San Suu Kyi na kilalang nakikipag laban sa Human Rights Violation sa bansang Burma at dating Prime Minister duon.
Sa nasabing resolusyon na may bilang na HR 1183 sinasaad na tinatawagan ng pansin ang pangulo ng Pilipinas na manguna bilang kasapi sa Asean ang bansa upang kondenahin ang ginawa kay San Suu Kyi para sa mabilis na pagpapalaya ng Government of the Union Myanmar kasabay ng pagpapairal ng Human Rights.
Matatandaan si Daw Aung San Suu Kyi ay nabilanggo 13-taon na at na-house arrest pagkatapos ng pangyayari sa isang American Vietnam War Veteran na si John William Yetaw na nagkaroon ng Traumatic Stress Disorder matapos itong lumangoy sa patungong sa bahay ng suspect.
Dahil ditto matindi ang hangarinni Cong Erin Tanada na mapalaya ito at maipatupad ang Human Rights bilang miyembro ng Asean Inter-Parliamentary ang bansa na dapat manguna at suportahan din ito ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.




Isa lang ang OIC ng Provincial PNP
Ni Gladys Alfonso

LUCENA CITY- Pinabulaanan ni Officer Incharge Capacity Quezon PNP Provincial Director P/ Senior Supt. Delfin Bravo na hindi dalawa ang opisyal ng pulisya ang nangangasiwa sa lalawigan ng Quezon kundi nag-iisa itong OIC ng PNP.
Ayon kay Col.Bravo siya ang opisyal na itinalaga ng pamunuan ng PNP sa lalawigan upang mamalakad sa buong probinsya.
Nagsimula ito noong bigyan ito ng order na maging Provincial Director ng Quezon noong April 28 hanggang sa kasalukuyan.
Dapat aniyang mabura ang agam-agam ng tao na maliban sa kanya ay may isa pang opisyal ang tumatayong PD ng lalawigan.
Nilinaw nito na anuman ang mangyayari sa lalawigan ng Quezon ay nasa kanyang pananagutan at lahat ng pamamalakad sa lahat ng himpilan ng pulisya ay na sa ilalim ngayon ng kanyang pangasiwaan.


HULING HIRIT NG MGA KABATAAN



Naging masaya at matagumpay ang isinagawang event na ginanap sa Poctoy White Beach sa Brgy. Poctoy sa bayan ng Torrijos na tinaguriang “HULING HIRIT SA TAG- INIT.”

Umaga pa lang nag- datingan na ang mga kabataan particular mga SK ng lalawigan na nag-mula pa sa mga iba’t- ibang bayan ng nasabing lalawigan. Agad inumpisahan ang mga palaro tulad ng Beach Volleyball. Nag- datingan din ang mga pamailya- pamilya upang maligo sa nasabing beach at dito nalibang din ang mga nagsisipag- ligo sa panonood ng mga palaro. Nag- mistulang isang maliit na Boracay ang naturang White Beach sa Brgy. Poctoy bayan ng Torrijos sa dahilang nag- karoon din ng Battle of the Band pagsapit ng hapon at nagkaroon din ng Bikini Open sa gabi. Dinagsa ito ng mga kabataan particular na ang mga kalapit Brgy ng naturang bayan. Nagkaroon din ng Beach Party pagkatapos ng nasabing mga event kaya’t ang mga kabataan ay nag- enjoy sa nasabing party. Nagdatingan ang mga lokal na opisyal tulad nila Bokal Jojo Alvarez at ang kaniyang pamilya, naroon din sina Bokal Quirubin isa sa mga hurado ng nasabing Bikini Open. Dinaluhan din ito ng mga Sangguniang Bayan ng Sta.Cruz, naroon din ang Punong Bayan ng Torrijos na si Mayor Gil Briones at ang Pangalawang Punong Bayan na si Vice Mayor John Fernandez at siyempre naroon din ang masipag at masigasig at nag- sagawa ng naturang event na si Provincial Administrator Atty. Lord Allan Velasco.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Lord Allan Velasco ang nasabing event na kanilang isinagawa ay handog niya sa mga kabataan at para na rin maipromote ang Turismo sa lalawigan at upang mag- karoon ng pagbabago ang Life Style at mapaunlad ang nasabing lalawigan. Ang nasabing Huling Hirit Sa Tag- Init aniya,sa huling araw ng bakasyon binigyan niya ng kasiyahan ang mga kabataan bago pa ito magpasukan sa eskuwela. Aniya, gusto niya madala ang Life Style ng Boracay Beach sa nasabing Poctoy White Beach upang dayuhin na rin ng mga turista at negosiyante ang naturang lalawigan particular ang nasabing White Beach. Ayon pa rink ay Prov’l. Admin.Atty. Velasco bagama’t pilot pa lamang ang nasabing event, sisiguruhin niyang taon- taon niya isasagawa ang ganitong event. Ngayong darating na buwan ng Setyembre sa pag- seselebrasiyon ng Battle Of Pulang Lupa aniya, magkakaroon ng re-enactment sa naturang White Beach at sa gabi aymagkakaroon ng Live Band sa naturang beach. Di- umano dito din gaganapin ang Family Day ng mga empleyado ng Kapitolyo. Kaya’t mag- mimistulang maliit na Boracay ang Poctoy White Beach. Kalimutan na muna ang pulitika bagkus tayo ay magtulungan at magkaisa para mapaunlad ang Lalawigan ng Marinduque, pahabol na salita ng magiting at masigasig na si Prov’l. Admin. Atty. Lord Allan Velasco. Laking tuwa din ni P.A. Atty. Velasco sa dahilang sa unang pagkakataon sa isinagawa niya ang nasabing event ito’y naging matagumpay sa tilong na rin ng Punong Lalawigan Governor Jose Antonio N. Carrion at kaagapay din dito ang Municipality of Torrijos sa pangunguna ni Mayor Gil Briones gayun na din ang mga SK at KABATAAN ng Marinduque. Dumalo din sa nasabing event ang panganay na kapatid ng Governor na si Ramonsito Carrion.

N