Saturday, October 18, 2008

BOKAL NG BAYAN NI BILLY L. ANDAL

BnB Oct 20 – 26 2008
20k from GMA, wanna bet?

President Gloria Macapagal-Arroyo, currently the subject of an impeachment complaint, despite allegations of massive corruption by the opposition and the civil society is known for her generosity towards any of our compatriot who shines in their field of excellence.

We see front page photos, banner stories in print and broadcast media of our head of state presenting gifts of the Republic on many occasions to Manny Pacman Pacquiao and many other Filipinos who has brought honor and glory to the Philippines. I remember seeing many other athletes who shone in Asian tilts receiving hundreds of thousands if not a million from the President.

If I am not mistaken, Pacman got a million pesos each after vanquishing Barrera twice, Morales thrice and Marquez and lately, Diaz.

Willy Wang produced the only gold in the Beijing 2008 Wushu Tournament and got a million peso reward from the Philippine government.

Not one took a jab on the President. Some even says a million is not enough for bringing out into the world the best in the Filipinos.

Truly deserving the cash rewards. Their victories not only heighten the Filipino spirit but has produced heroes our country direly needs under the circumstances.

But how do we understand the case of 12 year-old Catherine “Kat” Loria who won as Junior Vocalist and Grand Champion of World Championship of Performing Arts 2008 (WCOPA)?

The poor young talented girl from Tiaong Quezon brought immeasurable honor to this country when she bested the best talents from over 40 countries worldwide.

Being at the competition in Los Angeles, California itself was a rare feat for Kat. Where it not for Quezon Gov Raffy Nantes who shared out of his pocket, crisp bills amounting to 100,000 pesos for airfare and pocket money, she would not be able to compete.

The municipal government of Tiaong did not pork out a single cent but managed to put up a 2ft x 4ft tarp streamer infront of the town hall building. Nothing more.

When Kat went home tucking the trophy in hand, no one from the officialdom; local or national bothered to welcome her. As if the WCOPA grand champion title has no value at all whereas high officials who robs (spelled love ) this country are showered with garlands at the airport and holds press con at the initiative of the NAIA executives.

At the invitation of the President for some sort of reception, ala Pacman, Kat went to see GMA in mid-August at Malacanan on a borrowed van.

Noel and Evelyn, the grand champs’ parent who escorted Kat to the Palace was shocked to see in the program for the night that it was PGMA who financed Kat’s trip to Los Angeles. For obvious reason, President Gloria did not share even a penny and it was only Nantes who provided fare and pocket money to the young girl.

The mother has to stress to a Palace employee that there is no basis for the Malacanan claim as printed in the program in fairness to the man who they fear may be around then and slighted by the false statement. It’s good, the Palace got their point.

Then, at the end of the program, Carlos Osorio, who co-managed Kat handed out to Noel 20,000 pesos. The amount according to Osorio is the reward given by President Arroyo to the World Champion Kat.

Being a newcomer in the entertainment industry and one who has to borrow money just to go to Malacanan, 20,000 bucks is good money enough. Noel even asked Osorio to take his share but refused saying they’re taken cared of already.

Did President Arroyo gave only 20,000 via Osorio’s hand?

I am sort of wondering whether the President really handed out only 20k to Kat because that is not the Gloria I know when it comes to recognizing excellent talents by any Filipino in whatever field of endeavor.

I wouldn’t be wrong that most Filipinos common belief is that PGMA usually rewards outstanding performers; be it in boxing or not with a million pesos. Not 20k o something less than 1-M for sure.

To me, first, the President gave more than that and perhaps a million pesos for Kat. Why only 20k reached her is a question only the Palace can answer and confirm whether nothing more than that was shared by the President. Second, Kat deserve more than what Osorio handed her that night.

Press Secretary Jess Dureza, known for his uprightness, would know perhaps the real score on the cash rewards and we would appreciate hearing from the good secretary
whether Kat, the World Champ was shortchanged or not. 20K cash reward from GMA, wanna bet?

THE WEEKLY MARINDUQUE

This month of October, The Weekly Marinduque (TWM) turns 1 year old.

TWM has since its first issue a year ago was able to fulfill the commitment of coming out with fair, truthful and relevant newspaper for all. Being the only regular weekly newspaper of Marinduquenos, it has withstood the test of time both in terms of content and financial integrity.

Some publications attempted to breakthrough but vainly made to come out regularly and most Marinduquenos including those in government and the private sector appreciate what the publisher and editors, contributors and staffers had to go through to keep goin with heads up.

Marinduquenos are really nice people and we are grateful for their valuable support. Without them, TWM may probably be out of circulation already.

Correctly, no genuine publication would earn the trust of readers if it is partial to an individual or vested groups interest, whether politically or economically.

The reason why we don’t seriously consider prominent individuals, politicians and officials’ offer or promises of these and that, in support of our endeavor to keep the people informed and educated on the real score obtaining in and out of the island province.

We are fully aware at TWM from the very start that politicians PROMISE/S are generally NOTHING but HOT AIR. It is like a check issued but returned by the bank due to non-availability of funds.

Newspaper publishing is probably the most difficult enterprise in the world. More demanding than hospital care and services. It knows no holidays, good or bed weather and illness are no reason by which to justify absence in circulation at any given week for that matter.

Hospitals can refuse patients and direct them to other medical centers. Publications cant do that or asked somebody else to do it for us. Issues have to be out regularly hook or crook.

Some individuals thought it is peanuts to run a paper. Perhaps on the first and second issues and that has been the case for most who tried it out.

On this opportune time, we would like to thank our readers, advertisers, editors, contributors, columnists and staffers and all of you guys out there for your valuable and immeasurable support which smoothened the rocky road and lightened the pain of venturing into publications.

A year of The Weekly Marinduque, ang pahayagan ng Marinduqueno is glorious enough. Surely, we’ll keep the bar up for you, our boss, you dear readers.

kolum ni Jet Claveria

Kaliwa’t Kanan
Ni Jet Claveria

Swerte nga ba ang Quezon?


Kung susumahin daw ang mga nangyayaring kalamidad at mga kaunlaran sa bansa,masasabi nating swerte pa rin ang Quezon.

Swerte dahil nakakapamuhay pa ng payapa at walang anumang gulo ,maliban sa ilang mga insidente ng krimen.

Marami pa ring kumakain ng tatlong beses sa isang araw mapwera sa mga mahilig magdiet.Nakakaagapay pa rin sa takbo ng buhay sa lipunang ginagalawan.

Sabi nga ni Tita Naden isa sa mga pinagtitiwalaan ng isang Foundation na sinusuportahan nina Mam Cora Buenaflores ng Gems Outreach Foundation.Mapalad pa ang Quezon dahil marami pang mababait dito.Kaya mayroong nais na tumulong na mas maiangat pa ang pamumuhay at bigyang kaligayahan lalo na ang ating mga lolo at lola.

Andyan din ang SM Foundation na walang tigil sa pagtulong at paglulunsad ng mga proyektong pakikinabangin ng Quezonian.Salamat sa isang Ms. Cristy Angeles na kahit pagod na ay nakangiti pa ring humaharap sa mga tao.

Sabi nga ni Ms. Beth ang PR Manager ng SM Lucena, masuwerte ang Lucena sa pagkakaroon ng SM na kaagapay ng pamahalaan.

Kaya naman sang-ayon dito si Mayor Ramon Talaga jr.Malaki ang inasenso ng Lucena sa pagkakaroon ng SM Mall at syempre ang Metro Gaisano.

Kahit na nga sabihing mayroon pa ring mga nagbabangayang pulitiko at masidhi pa rin ang hangaring mahati ang lalawigan ay tuloy naman ang mga foundation na kaagapay ng pamahalaan para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.

Kung lubusan nga naman iaasa ng isang pamilya ang kanilang pamumuhay sa itutulong ng isang opisyal o ng gobyerno ay maraming nagsasabi na mamatay na lamang ng dilat ay wala pang asenso.

Lahat naman ng nais na gawin ng mga opisyal na nakaupo sa kanilang trono ay malasakit daw para sa tao….

Sa tao nga ba o sa kanilang bulsa...syempre ang isasagot nila ay mahal nila ang mga tao na siyang dahilan kung bakit sila nakaupo sa kanilang mga silya ngayon.

Tamang itaguri nating silya sapagkat ito rin ang inuupuan ng mga pinagpipitaganang Bokal sa Sangguniang Panlalawigan.

Masuwerte ba ang Quezon sa pagkakaroon ngayon ng mga Bokal na tamad…Akala ko ba Walang Tamad sa Quezon…Tiyak na mayroong magre-react dyan.

Pero kahit sino ang tanungin ng Kaliwat Kanan, mga empleado ng SP at ibang opisyal..Ibang-iba daw ang mga Bokal ngayon.Wala ng tatamad pa…Nakakahiya naman!Baka biglang bumangon ang yumaong Vice Gov. Jovito Talabong at muling pasiglahin ang Sanggunian.

Kahit wari anong sipag ng gobernador kung maganit namang katrabaho ang mga nasa Sanggunian,mabigat sa balikat.Totoo ba iyon Gov?

MERALCO BATANGAS NAGBIGAY NG REFUND

Sa Batangas uunahing bigyan ng refund ay ang mga consumers na mayroong mababang bill. Ang mga residential customers na may mababang konsumo ng kuryente ang uunahing bigyan ng schedule upang makuha ang refund. Ito ay ipapaalam sa pamamagitan ng anunsyo na ilalagay sa Meralco Statement of Bill. Nakasaad dito kung ang isang customer ay qualify kumuha ng refund ang proseso ng pagkuha at ang mga kailangang ipresenta na mga dokumento tulad ng : resibo ng meter deposit, 1 valid ID na may picture at signature, halimbawa nito ay ang driver’s license, Passport, PRC license, Philhealth ID, senior citizen at iba pa. Ang duplicate copy ng mga naturang ID ay isusumite sa Meralco.
Sa ibang Meralco Branch kaya, naibigay na rin ?

OPISYAL NA MANYAKIS

Ano nga kayang mayroong kaisipan ng mga taong gahaman sa laman.Marami na tayong nababalitaan na kahit sanggol ay nire-rape.Kabilang na sa mga ulat na ito ang isang Municipal Treasurer sa San Francisco Quezon na inirereklamo ng kanyang 12 anyos na kasambahay na di umanoy kaniyang ginahasa sa loob mismo ng sasakyan.Kung sa Quezon ay ganito ang ulat ,mayroon din sa Cavite na isang professor naman ng La Salle ang mahilig din.Aba’y kapag mayroong estudyanteng babae na bagsak ang grades ay kapalit ang pakikipagsex sa kanya.At kapag nagsumbong ay pinagbabantaan pa.Grabe naman,sana mabulok sa bilangguan ang ganitong mga uri ng nilalang.








Jetline sa EW
Ni Jet Claveria

Rape at kidnapping


Naimbitahan ako kamakailan ni tita Nida J na mag kober sa DOJ sa preliminary hearing patungkol sa kasong rape ng Municipal treasurer ng San Francisco at kasong kidnapping naman kay Mayor Ernani Tan.

Di ko lam na ang pagtungo don ay nagkaroon pala ng kontrobersya na may kinalaman sa isang Vice Mayor Alega.Ganon?Ang alam ko Boss ni tita Nids ang nagpakober at nagkataon na hindi naman ako masyadong busy kaya go ang beauty ko.Kasi ala namang binanggit na Alega, ang Boss daw niya ang binabanggit.Hindi na nga lamang ako nakasama nitong ikalawa niyang imbita at masama ang pakiramdam ko , isa pa’y may miting ang lahat ng mga Publisher sa Quezon.

Nagulat na lamang ako na lumitaw ang name ni Vice Mayor Alega, kung hindi ako nagkakamali ,ito marahil yong dating konsehal Alega na maraming mga pangulong ba iyon?Yong inirereklamo ng mga mangingisda sa San Francisco na kaya wala silang mahuling isda ay dahil sa mga pangulong ni Alega?

Ganunpaman, nag-observe ang lola sa paunang pagdinig ng kaso na ginawa sa sala ni Judge Catherine Kuong.Puno ang kanyang sala sa dami ng mga taong testigo na magpapatunay umano na walang kinalaman ang alkalde sa mga ibinibintang dito.

Sa panig ng biktima, tinitingnan ko ang dalagita,malaking bulas ito at maganda ang kutis sabi nga ni Bong Rivera ay talagang pag-iinteresan.

Nakakatuwa naman ang suportang ginagawa ng DSWD ng Candelaria sa bata kahit hindi pa gaanong malinaw para sa Jetline kung bakit nadawit dito ang DSWD ng Candelaria.nakita ng Jetline kung paano niya ito alalayan pati na ang mga magulang nito.

Itinuro sa akin ni Danny Ordones ang tatay ng biktima sa isang sulok, nilapitan ko ito at tinanong sa ilang bagay.Dalawang beses na pala itong ginawa daw umano sa kaniyang anak.Kaya lang talagang ayaw niyang magsalita pa ng mga nangyari sa kanyang anak, di niya marahil kayang magkwento dahil bilang isang ama ay nasasaktan pa siya.

Sinikap kong kunan ng pahayag si Mayor Tan tungkol naman sa kung bakit nadawit ang kanyang pangalan sa kasong kidnapping.Ay ayaw….palabas na sana siya ng pintuan ng sala ni Judge Kuong..Nagmagandang araw pa nga kaming mga media sa kanya, ay biglang bumalik sa loob at sinaraduhan ang pinto.Tameme kami…

Pero bukas naman sa mga interview ang kanilang mga abogado.Ayon nga sa abogado ng mga akusado, masyadong maselan ang kaso kaya,hindi sila padalos-dalos at pinag-aaralan nilang mabuti ito….Sabi naman ng abogado ng biktima kahit sampung bus pa ang dalahin sa DOJ kung ang mga ito naman ay nagsasabi ng kasinungalingan ay wala rin.

Malayo pa ang mararating ng kaso ito…ang mabilad nga naman sa isang maselang kaso ang pangalan ng isang personalidad ay nakatatak na ito sa kanyang pagkatao.Kaya dapat malinis ni Mayor Tan ang kanyang pangalan.Siya pa mandin ay pangulo ng mga alkalde ,tapos biglang maiisyu na sangkot sa kasong kidnapping.Malaking kahihiyan sa kanyang panig.

Ewan ko nga lamang kung totoo ang nabalitaan ng Jetline na sinabi daw nitong si mayor Tan sa isang flag raising ceremony na bakit siya ang napapag-initan ay hindi naman siya ang rapist at si Flores.

Kung maraming nakakarinig ay ito’y isang malaking kahihiyan naman sa panig ni Mr. Floro Flores na sinasabing siyang nanggahasa sa 12 taong gulang na kaniyang kasambahay.

May tikas nga naman ang tindigan pa nitong si Flores at hindi imposibleng makagusto sa isang magandang bata kahit siyay may-asawa na.

Pero suportado ng kanyang asawa si Mr. Flores, ngunit ang nakakaawa sa pangyayaring ito ay kaniyang mga anak na kahit sabihin pang hindi totoo ang ibinibintang sa kanilang ama ay isang napakalaking kahihiyan.Eh lalo na kapag napatunayan.

Kung isang trauma sa biktima ng mga nangyari ay tiyak na isang trauma rin ang mangyayari sa mga anak nitong si Mr. Flores.Sabi nga ay maisyu ka na sa ibang bagay huwag lamang na mabalita kang manyakis.

Eto pa ang isang pangyayari at nadamay naman ang pangalan nitong si Dra. Dela Pena (nakalimutan ko ang name).

Sa kaniyang kwento ay hindi niya kilala ang mga nasa sala ni Judge Kuong at noon lamang daw niya nakita ang mga akusado?

Pero ano naman itong lumilitaw na balita Doktora na ikaw daw ang family doctor ng mga Flores. Ano nga bang totoo at humaba na at marami nang nadamay sa kasong ito.

Basta ang ginawa daw nitong si doktora ay gumawa siya ng sertipikasyon na magpapatunay na virgin pa itong 12anyos na sinasabing ginahasa ng Municipal treasurer.

Ang hindi ko maintindihan sino ang nagpakuha ng certificate, kasi lumalabas sa kwento ng doktora ay ang magulang nito dahil sa gustong malaman kung totoo o hindi ang kumakalat na tsismis sa San Francisco na ni rape ang kanilang anak.Kaya binigyan niya ng sertipikasyon na magpapatunay na virgin nga ito?

Ibig bang sabihin ay hindi naeksamin o basta na lamang binigyan ng certificate na ito’y virgin at hindi pa nagagalaw ng kahit na sinong lalake.

Naguguluhan kasi ang Jetline sa kanyang kwento,tapos sasabihin niya saan siya hihingi ng tulong sa NPA ba daw Bong?

Baket?

Kung hindi lilinisin ng doktora ang kanyang pangalan ay talagang dawit siya at kapag nagkataon at hindi siya consistent sa kanyang mga sinasabi ay nanganganib siyang mawalan ng lisensya.At yon ang pinakamasaklap na pangyayari sa kanyang buhay kung hindi siya nagsasabi ng totoo?

Kapag ganitong mayroong mga kasong maseselan at kung isa ka sa mga nag-oobserba ,mapapailing na lamang sa ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Parang mag-iisip ka na lamang na sino nga kaya sa mga ito ang nagsasabi ng totoo?

Kung ito’y dala lamang ng isang pamumulitika ay isang masamang biro ito na dapat tuldukan.Subalit kung mayroong katotohanan ang kasong isinampa laban sa kanila dapat marahil na pagdusahan naman ito para makamit ng biktima ang katarungan.


HENRY SY SR.PINAKAMAYAMAN

Totoo ang kasabihang kapag bukas ang palad sa pagtulong ay dobleng blessings ang makakamtan.

Ganyan si Tatang,kung anong biyayang dumarating sa kanya ay ibinabahagi pa rin niya ito sa mga taong nangangailangan.

Napakabait din niya sa kanyang mga empleado,kaya naman ang isang katulad ni Ms Beth Azores PR Manager ng SM Lucena ay masisipag din dahil alam nilang mababait ang may ari ng SM.

Ay sobrang sipag niyan ngani at lagi ngang pinag-uusapan na kung ang lahat ng PR Manager ay katulad niyan ay mas masigla ang lahat ng SM.

Teka bakit napunta sa PR Manager….Balik kay Mr. Philippine Retailer, naungusan ba naman niya si Mr. Lucio Tan.Ibig sabihin lamang ay napapanatili ng mga Sy ang kanilang kasipagan at patuloy ang pagtulong sa kapwa.Kumbaga mahal nila ang kanilang mga empleado at mga parukyano.Pinapahalagahan at iyon ay isang malaking blessings para sa SM.

news news news

SM Foundation, namahagi ng libong aklat
nina Lyn Catilo at King Formaran
Ipinadama na naman ng SM Foundation, Inc. sa mga kabataang mag-aaral sa mga bayan ng Real, Infanta at General Nakar (REINA area) sa lalawigan ng Quezon ang pagpapahalaga sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libu-libong aklat na kanilang magagamit upang higit na madagdagan ang kaalaman.
Tinatayang umaabot sa may 13,100 na mga libro ang ipinagkaloob sa may tatlumpung (30) Day Care Centers, 58 Elementary Schools at sa may labindalawang (12) Secondary Schools sa nasabing mga bayan.
May ngiting iniabot ni Ms. Cristy Angeles, Project Director ng SM Foundation, Inc. ang naturang mga libro sa mga guro at principals ng iba’t-ibang eskuwelahan noong Biyernes ng hapon sa Infanta Action Center, Infanta, Quezon.
Ipinaliwanag ni Angeles sa mga guro ang tunay na hangarin ng SMFI sa pamamahagi ng libro. Ito aniya ay upang matulungan ang mga batang higit na matuto sa pamamagitan ng pagbabasa. Hindi aniya maitatanggi na sa hirap ng buhay ngayon ay ilang pamilya na lamang ang may kakayahan na ibili ng libro ang kanilang mga anak.
Gayundin, marami aniyang eskuwelahan sa bansa ang kulang na kulang ang libro dahil sa kakapusan ng pondo ng pamahalaan.
Ang pamamahagi ng libro ng SMFI sa ilang mga lugar sa buong bansa ay kaugnay ng programang pang-edukasyon ng negosyong pagmamay-ari ni Mr. Henry Sy, Sr., ang nangunguna ngayon sa Pilipinas sa larangan ng pagni-negosyo.
Ibinahagi din ni Angeles ang iba’t-ibang nakitang emosyon sa mga pinagkalooban na ng libro ng SMFI ngunit ayon sa kanya, nasisiyahan siya dahil masaya ang mga guro sa REINA na tinanggap ang mga ito. Nangangahulugan ito, dagdag pa ng Project Director na ang libro ay ibabahagi ng mga guro sa kanilang mga estudyante at ipapaliwanag ng mabuti ang mga makikita dito.
Ang pamamahagi ng libro na ayon kay Quezon 1st district Board Member Alona Obispo ay “REINA makes reading a national habit” ay isang malaking tulong para sa kanyang mga kababayan.
Naniniwala din ito na maraming mga kabataan ang kulang ang librong ginagamit at ang programa ng SMFI ay isang solusyon sa ganitong problema.
Si Obispo, katuwang ng SMFI at ng SM Lucena sa pagbibigay ng magagandang programa sa Unang Distrito sa Quezon ay nagsabing masuwerte ang mga taga-Quezon dahil ang tulad ng ganitong kalaking negosyo ay tinutugunan ang kanilang social responsibility.
Bilang isa din sa naglingkod ng kompanyang pag-arri ng pamilya Sy, sinabi nitong isang maka-Diyos, makatao at makabayan si Mr. Sy, Sr. at pamilya nito kaya naman hitik sa mga ibinibigay ng proyekto sa community at bawat tao.
Ang libu-libong libro na ipinamahagi na inilulan sa truck na pag-aari ng kompanya naman ni Obispo ay walang pagod na binuhat ng mga staff nito na inaasahang magiging sandata ng mga kabataan para higit na madagdagan ang kanilang kaalaman.
Ang REINA area ay madalas na bigyan ng proyekto ng SMFI. Ang pamamahagi ng libro ay isa lamang sa mga naipagkaloob na. Magugunitang noong dumanas ng matinding trahedya ang nasabing mga bayan, ang SMFI ay isa sa nagkaloob ng tulong para sa mga mamamayan dito bilang pagkalinga na rin at pagpapakita ng suporta.
Sinaksihan naman nina SM City Lucena Mall Manager Engr. Jason Terrenal at Ms. Lilibeth Azores, PR Manager ng SMLC ang naturang Distribution of Books.






After the rice crisis: What next?

The latest from Rice Today, the magazine of the International Rice Research Institute (IRRI)
Los BaƱos, Philippines – Now that the dust has settled—a little—following the rice price spikes of early 2008, the latest issue of Rice Today takes a step back to look at exactly what happened and, just as important, what should be done now. The Rice facts column examines the challenges ahead and calls for a second Green Revolution that will have to expand productivity with fewer available resources. In this light, the popular Maps section takes a global look at how lack of irrigation water affects rice yields.
Country reports take readers to Africa and Asia . In Ethiopia, exciting initiatives to boost rice production are set to help the country achieve food security, while rice production in Sri Lanka faces steep challenges if its future is to be as bountiful as its past. In Japan , rice flour-based products are booming, forcing the country to change the way it thinks about agriculture.
The October to December issue also focuses on crop nutrition. Forty-five years of painstaking research—otherwise known as IRRI’s Long-Term Continuous Cropping Experiment—have shown that modern, intensive rice farming can be sustainable and can even improve soil health. In Indonesia and the Philippines , a new decision-making tool is helping rice farmers optimize their use of nutrient inputs. And the magazine’s Grain of truth column asks if organic agriculture can feed Asia . Rice Today also profiles the coauthor of this article, soil scientist and IRRI’s new Deputy Director General for Research Achim Dobermann.
With different governments trying different strategies to deal with higher prices, the magazine looks at the situation in Thailand. Remaining in that country, the IRRI pioneer interview features Kwanchai Gomez, the Thai statistician who spent more than 3 decades at the Institute and helped change the way plant breeders approach their work.
All of this, plus the latest news, views, recipes, and books, is available now in the October–December 2008 issue of Rice Today. Magazines are now in the mail to subscribers. To subscribe to Rice Today’s electronic newsletter, which includes links to the full content of the magazine, contact Lourdes Columbres and copy your request to publisher Duncan Macintosh. Send editorial inquiries to Adam Barclay.
To access the PDF files in the above links, you need Adobe® Reader®, available free at www.adobe.com.
# # #
The International Rice Research Institute (IRRI) is the world’s leading rice research and training center. Based in the Philippines , with offices in 13 other countries, IRRI is an autonomous, nonprofit institution focused on improving the well-being of present and future generations of rice farmers and consumers, particularly those with low incomes, while preserving natural resources. IRRI is one of 15 centers funded through the Consultative Group on International Agricultural Research ( CGIAR ), an association of public and private donor agencies (www.cgiar.org).
# # #
For information, contact Duncan Macintosh , IRRI, DAPO Box 7777, Metro Manila, Philippines;
tel +63-2-580-5600; fax: +63-2-580-5699; email irrimedia@cgiar.org.
Web sites: IRRI Home (www.irri.org), IRRI Library (http://ricelib.irri.cgiar.org), Rice Knowledge Bank (www.knowledgebank.irri.org)

news news news

News In Quezon

Probinsya ng Aurora at Quezon muling magsasama
Ni Jet Claveria


Sa kabila ng pagpupursigi ng mga nagsusulong na magkaroon ng Quezon del Sur at Quezon del Norte na umano’y isang paraan ng pag-unlad ay patuloy naman ang pag-iisip ng pamahalaang local upang mapabilis ang kaunlaran hindi lamang sa lalawigan ng Aurora kundi maging sa lalawigan ng Quezon.


Muling mapag-iisa ang pinaghating lalawigan sa pamamagitan ng tulay na siyang mag-uugnay sa dalawang nagkahiwalay na probinsya.

Kapag naisaayos na ang pag-uusap ng patungkol sa konstruksyon ng Umiray bridge sa pagitan ng Dingalan, Aurora province at General nakar , Quezon ay tiyak na magsisimula na ang proyekto.Ito ang naging paniniyak ni Quezon Provincial Administrator Aris Flores sa isang panayam.

Aniya kung mayroong tulay na magdudugtong sa Aurora at Quezon ay mas bibilis ang pag-unlad ng dalawang lalawigan.

Binigyang diin ng provincial administrator na walang gagastusing pera ang dalawang probinsya kung saan itoy popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na aabot sa 500 milyong piso.

Ang malaon ng pangarap na nais maisakatuparan noon pa man ni Gov. Raffy Nantes na magkaroon ng Umiray Bridge ay suportado rin ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora.

Kapag nakagkaroon na ng Umiray Bridge na dudugtong sa Dinggalan ay mapapadali na ang pagdadala ng mga kalakal sa Maynila at maging ang mga motorista.

Hindi na kailangang umikot pa ang sinumang biyahero sa Maynila, Bulacan,Nueva Ecija sa Nueva Viscaya bago marating ang Aurora.


Kaugnay nito, nasisiyahan naman ang mga negosyante nang malaman ang planong ito sapagkat higit na uunlad ang kanilang mga negosyo at mas marami pa silang matutulungang Quezonian.

Kung mayroong tulay na mag-uugnay sa dalawang bayan Dinggalan at General Nakar ay sisigla ang komersyo ng magkabilang panig.Tiyak na maraming mga negosyo ang magbubukas na mayroong kinalaman sa agrikultura at turismo,ito naman ang ipinahayag ng Quezon Lucena Chamber of Commerce.

Kaunlaran ang prayoridad ng mga nanunungkulan sa Quezon at kailangan lamang ay magkaroon ng political will ang bawat isa,ito naman ang pahayag ng mga negosyante sa Lucban Quezon.


Sa kabilang dako, patuloy pa rin na pinag-uusapan ang paghahati ng lalawigan kung saan maging ang iba’t ibang sector ng lipunan ay nahahati ang kanilang mga pananaw kung dapat nga bang magkaroon pa ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.

Masidhi pa rin ang hangarin ng mga nagsusulong na magkaroon ng plebisito kung saan ayon na rin kay Cong. Erin Tanada ay hindi naman iniiwanan ang nasabing usapin at iisa pa rin ang kaniyang tinatayuan ang pagkakaroon ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.


Magugunitang nagbigay ng komento si Pilontropist Berting Licup na isang kalokohan lamang ang paghahati sa lalawigan.

Samantalang yes naman sa paghahati si City Mayor Ramon Talaga jr. dahilan sa paniniwalang ito ang makapagpapadali ng minimithing kaunlaran ng mga taga Quezon.

Gayunman, inaabangan pa rin ng mga mamamayan kung anong kahihinatnan ng nasabing usapin at nakahanda naman sila sa anumang pagpasyahan.

Kailangan tayong sumunod sa time table as mandated by the law- Cong. Suarez
Plebisito sa hati Quezon tuloy o hindi?
Hindi ito tuloy dahil walang pondo-Cong. Enverga
Ni Jet Claveria


Nalilito na ang mga taga lalawigan ng Quezon sa samu’t saring ulat patungkol sa isyu ng paghahati ng lalawigan.Lahat ng mga may kinalaman sa isyung pagkakaroon ng Quezon del Sur at Quezon del Norte ay kaniya-kaniyang pahayag ng kanilang mga opinion na nagdudulot tuloy ng kalituhan ng mga taga Quezon.

Ayon sa pahayag ni Cong. Danny Suarez, ng ikatlong distrito ng Quezon kailangang sumunod sa time table as mandated by the law.” The plebiscite is now a go.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa kongresista, sinabi nitong ipinatawag siya kamakailan ni Comelec Chairman Jose Melo kung saan ang plebisito ay nakatakdang isagawa sa huling sabado sa buwan ng Nobyembre.

Sinasabing ang RA 9495 ay nagkabisa upang mapasimulan ang countdown para sa pagdaraos ng plebisito sa mainit na usaping hati Quezon.

Binigyang diin pa ng solon ang kanyang panawagan sa mga local na opisyal ng lalawigan na huwag ilihis sa mga impormasyon ang mga mamamayan upang malaya ang mga itong makapagpasya sa paghahati sa Quezon.

Dagdag pa nito, na nagbigay ng P50Milyong piso ang Comelec upang gamiting panggastos sa isasagawang plebesito.

Kaugnay nito, mariin naman ang naging pahayag ni Cong. Mark Enverga ng unang distrito ng Quezon , sa naging panayam ni King Formaran reporter ng Monday Times na hindi tuloy ang plebisito dahilan sa wala naman itong pondo.

Pinarunggitan pa nito ang mga namiminuno sa ikatlong distrito ng Quezon na bigyang pansin ito dahilan sa ang Bondoc Peninsula ang may pinakamataas na antas ng mga mahihirap sa Quezon.

Sa naging pahayag naman ni Cong. Erin Tanada, sinabi niyang hindi niya inabandona ang pagbubuo ng Quezon del Sur at Quezon del Norte, kung saan sinabi nitong walang problema sa kanya kung marami mang magsulputang grupo na kokontra sa RA 9495.

Ang nasabing paghahati ng lalawigan ay buong igting naman na pinipigilan ng grupong Save Quezon Province Movement na pinangungunahan nina Hobart Dator at Atty. Sonny Pulgar.

Kaugnay nito, sinikap naman ng Monday Times na kunin ang pahayag ni Governor Raffy Nantes kung ano ang kanyang reaksyon hinggil sa isyung ito lalo na sa mga ulat na wala siyang palabra de honor sa kaniyang binitiwang pagpabor noong isa pa siyang kongresista na mahati ang Quezon .Subalit walang sumasagot sa kaniyang telepono.

Magugunitang maraming mga personalidad ang nagpahayag ng kani-kanilang pananaw sa paghahati ng lalawigan.

Nagbigay ng komento si Pilontorpist Berting Licup na isang kalokohan lamang ang paghahati ng Quezon kung saan dapat na political will lamang ng isang opisyal ang magpapaunlad ng lalawigan .

Samantalang pabor naman si Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr. dahilan sa malaki ang kaniyang paniniwala na madaling umunlad ang Quezon kung mahahati ito.

Ang apo naman ni Quezon na si Manuel Roxas 111 ay hindi rin pumapayag na mahati ang Quezon sapagkat aniya’y ang lalawigan ng Aurora at Marinduque ay dating sakop pa rin ng Quezon.

Nawala sa Quezon ang Aurora at Marinduque subalit halos wala ring nababago .

Gayunman, sa usaping ito ay nahahati rin ang mga pananaw ng mga taga Quezon ,mayroong nalulungkot at mayroon namang natutuwa.

Mayroon ding nagsasabi na baka isugal lamang ang gagawing pagkakaroon ng Quezon del Sur at del Norte subalit mas magiging aba ang isa sa kanila.

Bunga nito, dapat rin umanong mag-isip ang lahat kung dapat nga bang mahati ang Quezon o hindi at kung anong naghihintay na kapalaran sa mga Quezonian .

News in Marinduque



Vice President inisnab ng mga gobernador ng Mimaropa
Ni Jet claveria


Kaniya-kaniyang mga dahilan ang mga gobernador ng MIMAROPA area kung bakit hindi sila nakadalo sa isinagawang Regional Development Council Meeting kung saan ang naging Host ay ang lalawigan ng Marinduque.

Mistulang inisnab ng mga punong lalawigan ang pagdating ni Vice President Noli de Castro sa RDC meeting kung saan sana’y nakipagkaisa ang mga ito sa pag-aaral ng mga suliranin pang kinakaharap ng kanilang mga lalawigan.

Bagama’t hindi halata kay de Castro ang pagkadismaya ay hindi naman ito naitago ni Marinduque Gov. Bong Carrion kung saan sinabi nitong ang ikinatwiran sa kanya ng gobernador ng Mindoro ay abala sa pagdating naman ng pangulong ng bansa.Ang iba naman ay nangakong darating subalit hindi naman nakarating.

Hindi man nakarating ang mga gobernador ay mainit ang naging pagtanggap ng Marinduque sa pamamagitan ng kanilang tradisyunal ng Putong na isinasagawa sa mga nagtutungo sa lalawigan.

Itinuring na parang isang hari na inawitan at pinutungan ng korona ang bagong dating na bise presidente bago ito pumasok sa meeting ng RDC.Bukod sa pagputong ng korona ay isinayaw pa ito ng grupo bilang pagtanggap na maging isang panauhing pandangal ito sa kanilang lugar.

Ang hindi pagdating ng mga gobernador ay hindi naman naging hadlang upang hind imaging matagumpay ang RDC meeting kung saan halos kompleto naman ang mga representante ng bawat lalawigan.


Kaugnay nito, nagpahayag pa rin ng pagtulong si Vice Noli de Castro at marami rin siyang pinirmahan na mga resolusyon na pakikinabangan ng mga probinsya.

Dinalaw din ng pangalawang pangulo ang Provincial Hospital at tiningnan kung ano ang magagawa niya para ito ay higit na maganda at hindi mahirapan ang mga pasyenteng dinadala dito.


Sa nasabi ring RDC meeting, inamin naman ni Gov. Bong Carrion na ang lalawigan ay isa pa rin sa itinuturing na mahirap na probinsya sa buong bansa .Kahit pa nga pinupulitika ang kanyang mga ginagawang programa ay tuloy pa rin ito dahilan sa kanyang mitiin na maiahon ang kanyang mga kababayan sa kahirapan.

kolum Para sa Bayan

Pamamahagi ng libro ng SM Foundation.
Ni Celine tutor

Pinatunayan na naman ng SM Foundation, Inc. at ng SM City Lucena na may malasakit sila at may malaking puso para sa mga kabataang Pilipino. Tunay na isa ang edukasyon sa mga prayoridad na programa ng higanteng mall na pag-aari ng nangunguna ngayong negosyante sa bansa na si M. Henry Sy, Sr.
Isa lamang ang pagbibigay ng mga libro at pagkakaloob ng libreng pagpapaaral sa mga batang kapus-palad ngunit matatalino na kabilang sa programang pang-edukasyon ang tinututukan ng SMFI.
Noong Biyernes, libu-libong aklat ang inihatid at ipinagkaloob ni Ms. Cristy Angeles, project director ng SMFI at ni SM City Lucena Mall Manager ng. Jason Terrenal sa mga kabataang mag-aaral ng Real, Infanta at General Nakar, Quezon.
Ang nasa 13,100 piraso ng mga libro na tinaggap ng mga school teachers at principals ay may saya at tila walang pagod na binuhat ng mga staff ni Quezon 1st district Board Member Alona Obispo.
Opo. Si Bokal Alona ay isa sa naging katuwang ng SMFI at ng SMLC sa nasabing maganda at makabuluhang gawain.
Maaaring hindi dahil sa kababayan niya ang makikinabang kundi dahil sa malaki ang paniniwala ni Bokal Obispo na mahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon upang umangat ang pamumuhay ng isang tao.
Distrito ni Bokal Obispo ang REINA area. Ang mga bayang sinalanta ng matinding hagupit ng trahedya ilang taon na ang nakakalipas ngunit ngayon ay nakakatuwang bumabangon na ito sa tulong na rin ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon na hini tumitigil sa pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan.
Ang ginawang pagtungo noong Biyernes sa REINA ay hindi unang pagkakataon.
Sabi nga ni Ms. Angeles, ang nasabing mga libro ay kaloob ng mga may mabuting puso sa bawat booth ng SM malls kaugnay ng SM Donate-a-Book at ilan din ditto ay binili pa ng SMFI para matiyak lamang na may mababasang libro ang mga mag-aaral na kapupulutan nila ng dunong na tanging sandata kahit saan man magtungo laban sa kahirapan.
Nakakatuwa ang sinabi niyang ang libro ay mula sa puso ni Mr. Sy, Sr. at ng pamilya ng SM. Ang intensyon ay para sa kabutihan ng mga kabataan.
Batid ni Bokal Obispo na ang SM Foundation, Inc. ay matagal ng gumagawa ng pagkakaloob ng nasabing mga progama. Naging bahagi din siya ng nasabing higanteng negosyo kaya naman tuwang-tuwa ang opisyal dahil ngayong bahagi na siya ng gobyerno ay kasama pa rin niya ang SM sa pagseserbisyo sa bayan.
Isang masayang biyahe ang pagtungo sa Infanta. Masaya dahil nakangiting tinanggap ng mga teachers ang mga libro at masaya dahil muli’y nakasama ang SMFI family at ang grupo ni Bokal Obispo na palaging nakangiti. Ganyan dapat ang mga nagseserbisyo sa bayan.
Natitiyak ng IRON WILL na marami pang bubuhos na tulong mula sa SMFI para sa mga kapus-palad na mamamayan sa buong Quezon Province dahil sabi nga ng masipag ng PR Manager ng SMLC na ito ang nais ni Tatang (tawag kay Mr. Sy, Sr. ng mga malalapit na kaibigan) na…makatulong sa lahat ng nangangailangan. Ibahagi ang biyaya sa kapwa.
Sana’y ganito rin ang panuntunan ng lahat para sama-sama at nagtutulungan.
Tanggol Kalikasan at mga media
Malaki ang pagpapahalaga ng grupong Tanggol Kalikasan sa Timog Katagalugan sa pangunguna ng Area Director dito na si Atty. Sheila de Leon na isa sa epektibong makakatuwang nila upang higit na maigiya ang mga mamamayan at opisyal ng pamahalaan sa tamang pangangalaga ng kalikasan ay ang mga mamamahayag o nasa hanay ng Fourth Estate.
Bunga nito, sa darating na Oktubre 22-24, isasagawaa sa Nawawalang Paraiso esort & Hotel sa lungsod ng Tayabas ang Mainstreaming Environmental Information and Education Campaign Seminar & Wokshop na lalahukan ng mga kasama sa industriya ng pamamahayag mula sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna at Camarines Sur.
Ang Tanggol Kalikasan ay matagal ng nagmumulat sa kaisipan ng bawat isa. Sila ang walang sawang nagbibigay ng mga seminars sa lahat para mabatid ang kahalagahan ng kalikasan at ang epekto ng pag-abuso nito.
Magkita-kita po tayo sa seminar na ito.

# # #
Tunay na dapat papurihan ni Quezon 2nd district Cong. Procy Alcala si DPWH 2nd District Engr. Cely Flancia dahil sa sipag at husay nitong pamamahala sa kanyang tanggapan at mga pagawaing pang-imprastraktura. Sayang masuwerte ang Segunda Distrito dahil masipag na si Cong. Alcala, magaling pa ang patner niyang si istrict ngr. Flancia. Para sa anumang reaksyon o suhestyun, email n’yo lang ako sa brilliantceline@yahoo.com

Local news


SM Foundation Distributed Books in San Juan Batangas


Just recenlty SM Foundation headed by its Project Director, Ms. Cristie Angeles donated 13,000 books to different schools in Batangas, Quezon and Laguna.

The distribution was held in San Juan West Elementary School last October 2, 2008 where 30 day care centers, 25 high schools and 60 elementary schools benefited from the project. It was attended by the representatives of the different school beneficiaries from the towns of San Juan, Padre Garcia and Rosario in Batangas, Tiaong and Candelaria in Quezon and San Pablo Laguna.

It is a project in coordination with the Rotary Club of San Juan headed by its President Ms. Merlie Pasatiempo and Project Chairman Mr. Rawi Luistro.





Jueteng nasa likod ng STL

QUEZON PROVINCE- Kinuwestiyon ng isang sekta ng relihiyon ang legalidad ng operasyon ng Small Town Lottery(STL) sa lalawigan ng Quezon.
Isang leader ng nasabing sekta na tumangging magpakilala ang nagtatanong kung bakit karamihan umano ng mga kubrador (nagpapataya) ng STL ay walang balidong ID at uniporme subalit pinahihintulutang kumolekta ng taya ng wala ding kaukulang “Black and White Appointment”mula sa franchised operator.
Ayon sa source, dapat kumilos ang mga awtoridad , at hulihin ang mga kubrador na mabibigong magpakita ng kaukulang ID o pagkakakilanlan bilang mga lehitimong empleyado ng STL.
Ilan din sa mga kubrador at kabo ang nagsabing nagagawa talaga nilang mangolekta ng taya at magsulit sa jueteng o bookies operation dahil sa di pagbibigay ng tamang porsiento mula sa operator ng nasabing STL.
Napag-alamang ang STL operation sa Quezon ay ipinagkaloob sa Perouette Corporation sa pamamahala diumano ng isang Mr.Gonzales alyas “Bangus”, na ayon sa pa rin sa source ay pag-aari ng isang iligal gambling Lord na nakatira sa Medex Subd. San Pablo City, Laguna.
Napag-alaman rin na isang milyon umano kada isang araw lamang ang under remittance naman ni Aling Charing sa Provincial Government na dapat na pitong milyon daw ito ayon sa source.
Napakalaking halaga umano ang nawawala para mapapunta sa kabang yaman ng pamahalaang panglalawigan.
Nangunguna ang Lucena City sa pinakamalaking koleksyon ng STL,at pumapangalawa ang bayan ng Sariaya kung saan kumukoleksyon ito ng dalwang milyon.Hindi pa umano dito kasama ang ibang koleksyon mula sa ibang bayan. Maging ang ilang lokal na opisyal ay aminadong hindi malinaw ang guidelines ng STL kung kaya sila man ay nalilito sa tunay na porsientong dapat ipagkaloob sa bawat munisipyo.
Hindi rin lingid sa kanilang kaalaman na ang STL ay front o maskara lamang ng jueteng,upang makapag-operate ito ng Malaya at legal, base na rin sa pahayag ng ilang empleyado mismo ng Perouette Corp.




Old cemetery proposed to be PNP Station

Chelle Zoleta

Lucena City---- A partial of land intended to the house of the dead will soon be bustling with activities of 150 police member of Lucena Police Station.

City council had passed recently a resolution authorizing the city mayor to enter into an absolute deed of donation with the Philippine National Police (PNP) for a portion of lot which estimated to 1, 000 square meters located amidst the residential area of Barangay Market View at the aforesaid place.


The lot is intended for a public colorful painted cemetery however due to the resistance of people residing at the area, the proposed public cemetery was put on hold.


Recently, the building of the Lucena PNP station is a squatter at the back of City hall wherein the lot is also being lent by a private individual.


If the proposed PNP building will have its own lot, it will be better to construct a model building for a conducive working atmosphere.


However, the city will only give the lot but the construction’s budget will come from the national headquarters.


The proposed station is a two-storey building complete with amenities and spacious for the people who needs police service.


It is also beneficial to the area since the said Barangay allegedly has bunch of lawless elements.

Consultation & Planning Workshop sa Research Dev’t & Extension Program, isinagawa
nina King Formaran at Babes Mancia
Matagumpay na isinagawa kamakailan sa lungsod ng Tayabas ang Consultation & Planning Workshop on Research Development (RDE) Program ng lalawigan ng Quezon.
Isinagawa ang pograma sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni G. omingo Mamasig. Ang gawaing ito ay sinupotahan ni Governor Raffy P. Nantes sa layuning mapaunlad ang lalawigan sa larangan ng agrikultura.
Layunin ng nasabing gawain ang mga pangangailangan ng lalawigan sa larangan ng agrikultura ukol sa pananaliksik at extension. Naging tampok ang pagdalo ni Provincial Administrator Aristeo Flores at ayon sa kanya, ang “research” ay isang kasangkapan sa pag-unlad kung kaya hinihikaya niya na ipagpatuloy ang pananaliksik kung paano mapapalaki ang produksyon ng pangisdaan, pagtatanim ng bigas, mais, niyog at jathropa.
Ibinigay na halimbawa ni Flores ang mga bansang China at Japan na doon ay ginamit ang pagsasaliksik upang makagawa ng inobasyon at nagbigay daan sa pag-unlad ng dalawang bansa.
Nagkaroon ng presentasyon ng mga programa at proyekto ng lalawigan at mga lumahok na national agencies katulad ng DAR-Quezon II, BFAR, DA, DA-SIARC, PCA-Quezon I an II, BSWM at ATI. Sumangguni rin ang mga kalahok sa bawat distrito ng mga pangangailangan sa pangunahing kalakal nito sa agrikultura.
Ilan sa mga tinalakay ay ang pagpapataas ng produksyon ng palay at mais sa pamamagitan ng “vaietal trials”, pagsugpo sa mga sakit ng saging, pagbibigay ng daan sa maayos na merkado ng mga gulay, pagtaas ng antas ng lahi ng kalabaw at paglalagay ng “techno demo ng seaweeds” at abalone.
Sa larangan ng “extension”, ang patuloy na pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga kawani at magsasaka ang natukoy na pangangailangan ng lalawigan. Hinikayat ng kinatawan ng DA-STIARC na si Gng. Rosemarie Olfato na isama sa RDE Program ang pagtukoy sa ‘special commodity’ na bawat munisipyo o distrito. Ito ay upang mabigyan ng supota ang pangangailangan nito hindi lamang sa lokal kundi sa Regional o National na pamahalaan.
Ang resulta ng gawain ay isusumite sa DA RFU IV upang mapasama sa Regional RDE Agenda Program ng RRDEAP.





A Kid’S Mall: Caring for Children

Today, as we celebrate the National Children’s Month, the management of SM City Lucena conducted an orientation/seminar on how to fully understand the needs and rights of a child. Attendees were employees, tenants, security guards and janitorial personnel of SM City Lucena. The program proper started with a brief review of the mall’s facilities. Then one of the speakers was Ms. Lourdes G. Ruanto, City Social Welfare Officer. She talked on Children’s Rights and/or Development and Social Protection or Proper Handling of Children with Disability She explained that any one under the age of eighteen or if a person is over eighteen years of age but visibly unable to take care of himself due to physical or mental incapacities , then he or she is considered a child. She added that children must be protected against cruelty, abuse, exploitation and human trafficking among others. She said that while a child is in shopping malls, he or she must engage in play and recreational activities appropriate to the age of the child. Her example was to bring the child to Kiddos and Kids Place at SM City Lucena.

Atty.Rhaetia Marie Abcede explained the intricacies on Crime Prevention and/or Proper Handling of Apprehended Minor or the Republic Act 7610 and RA 9344.

Ms. Azenith Allegre, Nutrition Officer of City Health Office talked on the Guideline's for Breastfeeding Station and Child Nutrition-The right of children to assistance, including proper care and nutrition.

In respect and observance of these rights, SM City Lucena has placed child friendly facilities and signages around the mall to ensure the safety of children.










Crew Mechanix ng Batangas City, Makikipagtunggali sa Australlia
Ni Alvin M. Remo
Nakatakdang kumatawan hindi lamang sa Batangas City kundi sa buong Pilipinas ang grupong “Crew Mechanix” sa 4th World Supremacy Battlegrounds International Hip Hop Dance Competition na gaganapin sa Sydney Australlia sa ika-7 ng Disyembre.

Nakamit ng grupo ang ika-4 na pwesto sa finals na isinagawa noong Oct. 11 sa Crossroad 77 Convenarium, Quezon City. Kasama nila sa top 4 ang Company of Ateneo (2nd), Next Block ng Mindanao (1st) at ang Exquizite ng General Santos City (Champion). May 36 na grupo mula sa buong bansa ang lumahok sa finals.

Ang Crew Mechanix ay naging grand finalist ng U Can Dance Version 1 & 2 ng ABS CBN at naging kampeon sa mga local & regional dance competitions. Ang grupo ay naitatag noong April 2006 at tumatayong choreographer si Limuel Arias. Ang ilan pa sa mga miyembro nito ay sina Chester Samonte, Ivan Villanueva, Robert Serrano, Joseph Axalan, Dwight Gines, JC Amparo, Jeffrey Aldrin Sanggalang, Daimin Reyes, Christopher Maranan, Reagan Bautista, Ronald Espina at Angelo Cesar Lado.

Samantala, lubos ang pasasalamat ng nasabing grupo sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanila lalo na kay Punong lungsod Eddie B.Dimacuha. Hangad din nila ang patuloy pang suporta ng kanilang mga kababayan, pinansyal man o spiritwal para maipagpatuloy ang kanilang pakikipagtunggali sa ibang bansa. (, PIO Batangas City)


Crew Mechanix of Batangas City together with Exquizite of Gen. Santos City in the recently concluded finals of the 4th World Supremacy Battlegrounds International Hiphop Dance Competition held last Oct. 11 at Crossroad 77, Convenarium, Quezon City. (Photo by: Jeffrey B. Ona)


PRIDE OF BATANGAS CITY - Crew Mechanix courtesy call to City Administrator Felipe M. Baroja and Mayor Eddie B. Dimacuha after the employee’s flag Ceremony last Monday Morning. (PIO, Batangas City)



Youth and Student Forum

Outside the Classroom

By Kenneth P. Pornasdoro


I gaze at the white, glossy board in front as I sit leg-tucked at a desk near the aisle. I watch the teacher scribble nifty words and phrases on the board. After a while, the board resembles a scratch paper with numbers and equations, circles and figures, notes and reminders. I tried to write everything in my notebook, careful not to miss a detail. Just another day in the university. While drowning in the sea of words and numbers, I found a sign of hope in my teacher's signal to end the class. Too much learning can be indeed exhausting. But as I step out of the room, the class over and done, I couldn't help but wonder if learning stops there. In my opinion, learning continues well beyond the four corners of the classroom.


I traded my twelve peso loose change for a banana cue from a lady vendor. I strolled towards the next building while eating the sweet snack. Many of us probably do the same: eat while walking, while riding a jeepney or in a tricycle. It is a sad fact that a common habit of most Filipinos is to dispose our trashes as quick as possible. As a result, clutter piles up everywhere. A common Philippine street would not be complete without these lying on the sidewalks: plastics, used sticks and paper plates smeared with kwek-kwek sauce. No wonder rodents like the city so much.


Inside the classroom, Environment Science 1 taught me the chemical composition of common household wastes. I remember memorizing them all, so that I could ace the exams. But the truth is what good is my knowledge of the properties of polyethylene terephthalate if I only put it in paper? Enumerating them flawlessly in the exam can't change the society as I know it. It is the application of this knowledge that matters most to me. Know the situation and act accordingly. It is knowing that plastics don't decompose and acting by disposing them properly. Just like what I did with my plastic and banana cue stick--hold it in my hand until I see a garbage can and put them there where they belong.


Luckily, I found a garbage can beside the tambayan of an organization I'm affiliated with. It has been my habit to drop by the place during free times. I saw my orgmates doing a variety of things: eating, chatting, studying, and even sleeping. I thought mingling with people of mixed personalities is hard enough, let alone be one of their leaders--but that is what I exactly did.


I nearly failed Industrial Engineering 31, a course in Industrial Organization and Management. I did poorly, considering that it's a subject that, for once, did not dwell with numbers. It's a course that pushed me to memorize pages and pages of concepts about management. I did not enjoy the subject at all. I rebelled at the fact that they are teaching management through concepts. I am more interested in applying management in real settings--in handling people, in organizing events, in managing resources, time and effort of a working system.


My frustration of real management lessons pushed me to be active in student organizations. The experiences I gained in dealing with different situations improved my leadership and decision-making skills. I enjoyed the moments where my skills are rated not by numerical grades in class cards but through real feedbacks from people attending an event I helped organized. Good feedbacks make me feel better, bad ones make me stronger for I strive better next time I organize something. The experience itself is way better than teaching it in lectures. It is way, way better.


One should recognize that learning doesn't stop in the classroom; neither does it halt after finishing your college degree. Learning is a continuous process that we undergo, until we age, until we die. It is much better if we open ourselves to the world, recognizing that there's more to it that is within our immediate surroundings. Experience new things, teach, and share ideas. The world is a big classroom, and all of us are here are learners.




Editor’s note:

The contributor Mr. Kenneth Pornasdoro is an Engineering student at UP Diliman and is a native of Pagbilao Quezon.
LIBRO MULA SA PUSO. Bahagi ng pagkalinga ng SM Foundation, Inc. ang magkaloob ng libreng edukasyon sa mga batang may angking talino ngunit kapos sa pag-aaral at ang pagkakaloob ng libro sa mga kabataan. Noong Biyernes, ipinadama ng SMFI sa pamamagitan ni Ms. Cristy Angeles, Project Director ang ganitong programa ng dambuhalang negosyo na pag-aari ni M. Henry Sy, Sr. ang nangunguna na ngayon sa talaan ng pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas. Libong libro ang ipinamahala ng SMFI sa tatlong bayan sa Unang Distrito ng Quezon na kinabibilangan ng Real Infanta at General Nakar na kilala sa tawag na REINA Area. May ngiting tinanggap ng mga guro mula sa iba't-ibang eskuwelahan dito ang nasabing mga libro na inaasahang magiging daan sa pagtamo ng magandang bukas ng mga kabataan. Kaisa ng SMFI sa nasabing pograma at nagpakita ng suporta si 1st distric Board Member Alona Obispo gayundin si SM Lucena Mall Manager Engr. Jason Terrenal at Ms. Lilibeth Azores, PR Manager.    Lyn Catilo





Parehong magaling na performing artist sina Joseph Jonas na sikat sa amerika sa larangan ng band at si Catherine Loria isang batang Pilipina na bagong kampeonado sa nakaraang World Championship of Performing Artist WCOPA na ginanap sa Hollywood California.

Hindi kaya kapag nag krus ang kanilang mga landas ay tuluyang ma-inlove si Kat kay Jo?

Crush ni Kat ang isa sa mga Jonas brother na ito at kung makikita ang pintuan ng kaniyang kwarto ay andon ang iba’t ibang picture ng kaniyang hinahangaan.

Si Kat ang isa sa mga batang Pilipina na nagdala ng magandang karangalan sa bansa subalit dahil sa tindi ng competition at mga humaharang sa kanyang pagsikat ay patuloy pa rin sa kanyang pamamayagpag.

Gintong tinig ang kanyang sandata at puhunan upang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Naniniwala siyang isang araw ay maiiahon din niya sa kahirapan ang kanyang mga magulang at matutupad ang kanyang mga pangarap.

Ito ang batang kahit alam niyang ang titulo na kanyang nakuha ay hindi na kayang pantayan pa ng iba ay nakatapak pa rin sa lupa.Walang ere sa katawan at tuloy sa kanyang normal na buhay.

Sa kaniyang edad na labintatlong taon ay malaki ang kaniyang paniniwala na malapit nang matupad ang kanyang mga pangarap.

Tulad ni vice President Noli de Castro na iniidolo si Regine Velasquez, isa rin si Kat kat na humahanga sa boses naman ng Song bird.






Tinakluban ng folder si Mayor Ernani Tan ng kaniyang mga kasama habang kinukunan ng picture ng mga mamamahayag matapos ang isinagawang preliminary hearing sa Department of Justice.Sa kabilang larawan makikita ang alkalde habang kinakastigo ang mamamahayag na kumuha ng larawan sa kaniya.                                                                          Courtesy of Bong Rivera