Saturday, October 25, 2008

BANNER STORY SA EYEWATCH

7 preso sa QPJ ipinuslit ng NPA
Mga jailguard nalusutan , mga pulis na humabol sugatan
Nina Jet Claveria, Celine Tutor at King Formaran

Naisahan na naman ang mga bantay ng Quezon Provincial Jail ,itoy matapos na muling matakasan at ipuslit ang mga presong NPA na nakapiit dito mula pa noong buwan ng Hulyo.

Tila namamasyal lamang sa parke ang 20 rebeldeng New Peoples Army na pumasok at nagpuslit sa pitong kasamahan na nakakulong sa Quezon Provincial Jail.

Ang mga itinakas na preso ay sina Gemma Carabido, Cecillia Mondia,Noel Santos, Gerson Carabido, Fernando Tawagon, Arnold Valencia at Rogelio Monteverde.

Ang tatlo sa pitong kasamahan ng mga ito ay matataas ang ranggo na nasakote ng 201st BDE noong buwan Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ang nabanggit na 20 NPA ay sakay ng 3 van na mayroong dalang mga malalakas na kalibre ng baril.Nakasuot ang mga ito ng black fatigue na may nakasulat na SWAT at PDEA .Pinadapa at kinuha ang baril ng mga nabiglang jailguard.

Napag-alaman na inabandona na ng mga ito ang isang van na kanilang sinasakyan matapos na masiraan sa may likod ng Regional Trial Court na katabi lamang ng QPJ.Ang isa naman ay iniwan sa may Coca Cola sa may Barangay Isabang at naglakad na ang mga ito patungong Brgy. Talim

Nauna rito, pagdaan ng nasabing mga NPA sa may Quezon National High School ay pinasabugan ng Granada ang mobile ng PNP na naka blocking force dito na nagbunga ng malubhang pagkasugat ng dalawang pulis na nakasakay dito. Ito’y matapos naman na makipaglaban sila sa nakasakay sa van kung saan lulan ang mga NPA .

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na kinokober nina King Formaran at Celine Tutor ang nagaganap sa Quezon Provincial Jail kung saan patuloy umano ang ginagawang hot pursuit operation.


Samantala, ayon naman sa report ni Babes Mancia na nagkokober sa Tayabas Quezon, sa mga oras na itong ginagawa ang balita ay normal naman at patuloy ang Aguyod Festival kung saan napaulat na pagkatapos ipuslit ang mga kasamahan sa QPJ ay nilusob naman. ang Tayabas PNP.

KALIWAT KANAN NI JET CLAVERIA

Kaliwat kanan
Ni Jet Claveria


GO ZERO;MARITIME

Maganda ang ginagawang kampanya ng Maritime na maglinis ng karagatan upang mapangalagaan ang kalikasan.Mapaglapit ang ugnayan sa mga local executives upang magkatulungan.

Maganda ang ganitong mga adhikain ng Maritime.Yon bang maaalis na sa kanila ang katawagang moneytime.

Kunsabagay minsan naman wala ring magawa ang Maritime.Manghuhuli ng illegal fishermen ay kulang naman sa mga pasilidad ay nakalayo na lamang baga ay wala pa silang gagamiting bangkang panghabol.

Minsan naman saka kikilos ang mga iyan kapag mayroong babatikos sa kanilang ahensya na walang ginagawa kundi ang mangotong.Araykupo…..

Hala maganda ang inyong naisin ang pangalagaan ang kalikasan at yamang dagat ..Goooo

Okey ang ginagawang ito ng Maritime Batangas ah…

Sa Quezon mukhang tahimik… ang karagatan ba o ang ahensya…baket?

BULAKLAK…KANDILA…BIRTHDAY

Hindi ko alam kung sinasamantala o talagang mataas ang presyo ng mga bulaklak at kandila ngayon .Kaya naman sabi nong isang nakausap ko na binata na mahilig magbigay ng bulaklak sa kanyang nililigawan ,di siya makabili now kasi ang mahal.

Kaya malas ng kanyang nililigawan di makakatanggap ng bulaklak hanggang mataas pa ang presyo nito.Kuripot din .


Pero dahil All Saints Day marami pa rin ang bibili nito at dadalhin sa puntod ng kanilang mga kamag-anak na namatay .Maglilinis sila ng mga puntod at minsan ay dito pa sila nagdaraos ng kanilang reunion.

Tradisyon na sa mga katolikong Pilipino ang magtungo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay upang doon sila magsama-sama.

Kaya naman lahat ng mga traffic enforcer ngayon ay naghahanda na para sa posibleng maging daloy ng trapiko.Mayroon nang mga inihahandang programa ang PNP para mapanatili ang peace and order sa mga lugar.

Ngayong November 1,mahalaga rin sa aming pamilya ang araw na ito.Kasi kwento ng aking Ina ,noong ipinanganganak niya ang ikatlo sa aming magkakapatid ay mayroong nangangaluluwa sa aming bahay noon sa Binagbag.


Birthday ng aking kapatid na si Yolly, ikatlo sa aming apat na magkakapatid na siyang huling nagka-asawa sa aming apat.

Nawili kasi itong si Yolly sa pagtatrabaho sa Hong Kong sa piling ng kanyang mga kaibigan doon.

Kakaiba nga itong kapatid kong ito na siyang pinakatahimik sa aming magkakapatid na hindi aakalaing siya ang malalayo sa amin ng mahabang panahon.

Siya rin ang maituturing kong pinakamasipag sa aming magkakapatid noong mga dalaga pa kami dahil napakalinis niya sa bahay at sa mga gamit.

Kaya naman kapag narito siya sa Pilipinas galit siya sa kaniyang mga pamangkin na tatamad-tamad.


Masuwerte ang aming pamilya sa pagkakaroon ng isang Yolly na siyang tumatayong taga-pangaral ng lahat.Pangaral as in lagi siyang nagre-remind sa aming lahat .kahit sa text at tawag sa phone na baka panay trabaho at nakakalimutan na si Lord.

Lagi niyang ipinaalala sa amin na ang lahat ng ginagawa natin ay panlupa lamang at di naman madadala sa kabilang buhay.Kaya sabi niya huwag makakalimot na mag pray palage.

Ganon ang aking kapatid…napakamaalalahanin,lalo na sa Inay....

Hehehe…may pasalubong kaya ako nito pagdating…Birthday kasi niya November 1 at syempre di namin siya makakasama kaya isang pagbati na lamang ang ibibigay namin sa kaniya.Happy birthday mula sa Tatay at Inay sa iyong mga kapatid at sa mga pamangkin at higit sa lahat sa iyong apo sa pamangkin, si Wisdom.



HATI QUEZON,NALILITO ANG TAO

Tunay nga namang nalilito na ang mga taga Quezon kung ano ba talaga Irog?

Samut saring mga balita ang naglilitawan na magkakaroon na ng plebisito sa paghahati sa lalawigan.

Meron namang nagsasabi ng hindi naman matutuloy ito dahil maraming aayaw.

Mayroon na daw pondo ang COMELEC ,sabi naman ni Atty. Sonny Pulgar ay wala naman daw katotohanan iyon.

Tapos sabi ang plebisito ay Nov. 22 sabi naman ng iba Nov 10.. ano gang totoo?

Marami kasing mga mamamayan ang nagtatanong.nasa anong status na ba ang nasabing usapin at nagkakaroon na ng mga pag-aalinlangan sa mga lumalabas na balita.

Marami tuloy nabubuo sa kaisipan ng mga taga Quezon,kapag nahati ito ay tiyak na lalabang gobernador si Mayor Ramon Talaga Jr. at sa kabilang hati ay mga Tanada at Suarez.

Hala ano na iyan baga.





OPLAN KALULUWA 2008 KASADO NA
By:Public Information Office

Kasado na para sa darating na Nobyembre 1 ang OPLAN KALULUWA ng Lucena City Police Station kaugnay sa pagdiriwang ng All Saints Day kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa lahat ng sementeryo dito sa lunsod.

Ang OPLAN KALULUWA ang programa upang maging maayos ang daloy ng trapiko at kombeyente para sa lahat. Nakapaloob dito ang gagawing traffic re-routing kung saan sa isang araw ay magkakaroon ng pagbabago sa mga linya ng mga jeep lalo na ang papuntang Dalahican, Ibabang Dupay at city proper. Tinanggihan din ang panukala ng mga tricycle driver na makapasok ang mga tricycle malapit sa mga sementeryo. Wala din naman aniya na nabago sa mga nagdaan OPLAN ang magaganap, bukod sa bilang ng mga organic personnel, mayroon pang augmentation at ang dagdag na mga bagong police officers 1.

Sang-ayon kay P/Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, hepe ng LCPS, maghihigpit sila sa mga taong magdadala at mag-iinom sa loob ng sementeryo at ipinagbabawal din ang pagdadala ng nakamamatay na armas maging ang malalakas na tugtog. Aniya, ang lugar na ito ay isang pook na kailangan ang katahimikan upang bigyan daan ang pagdarasal ng mga naiwan nilang kaanak. Idagdag pa dito ang maiwasan ang anumang kaguluhan sa loob ng sementeryo.

Pinaalalahan din ni P/Supt. Ylagan ang lahat na maging alerto lalo na ang mga taong walang maiiwanan sa kanilang bahay na tiyakin na safe at hindi mapapasok ng magnanakaw ang kanilang bahay habang sila ay nasa sementeryo. Dito aniya makakakuha ng pagkakataon ang mga magnanakaw na pumasok sa bahay na walang naiwan o kaya naman ay hindi nakakandado ng maayos.

Koordinasyon at kooperasyon ang panawagan ng naturang hepe ng pulisya para sa lahat tungo sa maayos at tahimik na pagdiriwang ng araw ng mga patay.

UNITED NATIONS AT SM LUCENA CITY




IPINAKITA SA GINANAP NA UNITED NATION DAY SA SM EVENT CENTER AY UPANG IPAKITA ANG PAGKAKAISA NG BUONG MUNDO. IPINAGKALOOB NINA SM ASSISTANT MALL MANAGER MARICEL ALQUIROS AT MARKETING MANAGER MILDRED DE CASTRO ANG P25,000.00 GIFT CHECK MULA SA SM SACRED HEART COLLEGE NA NAGWAGI SA NASABING AKTIBIDAD.                            ALA

PARA SA BAYAN NI CELINE TUTOR

Mayamang karanasan sa Tanggol Kalikasan
Isang makakalikasang araw sa ating lahat. Isang malaking karangalan po na makatuwang ang inyong lingkod ng Tanggol Kalikasan sa ganitong makabuluhang gawain na naglalayong maibahagi ang kaalaman at mayamang karanasan hinggil sa paggawa ng balitang may kaugnayan sa ating inang kalikasan.
Sa lahat ng participants mula sa lalawigan ng Camarines Sur, Batangas at Laguna, welcome po sa Quezon Province at sana’y ang ilan sa mga sasabihin ko base sa karanasan sa pagsama sa Tanggol Kalikasan, isang nangungunang environment group sa buong Timog Katagalugan ay higit na makapagbigay ng inspirasyon sa ating lahat.
Bago ako tuluyang mag-umpisa, batiin ko muna ng isang espesyal na hapon ang aking itinuturing na kapatid sa mundo ng pamamahayag na si Ms. Jet Claveria, gayundin si Ms. Lilibeth Azores, ang masipag at mahusay na PR manager ng SM City Lucena. Nagpunta ‘lang po dito ang dalawang ‘yan para suportahan ako, ganyan po nila ako kamahal ngunit natitiyak ko bago sila umalis sa lugar na ito, magpapasalamat sila dahil marami silang matututunan sa seminar & workshop na ito na itinaguyod ng Tanggol Kalikasan.
Tunay na ang kalikasan ay dapat po nating pangalagaan. Ito ang ating tahanan. Sa halip na abusuhin, marahil dapat nating pagyamanin.
Ang mga salitang ito ay itinuturo na po ngayon hindi lamang ng mga responsableng magulang sa kanilang mga anak kundi maging sa mga paaralan. Kampanya na rin ito ng iba’t-ibang samahan kabilang na si Cong. Procy Alcala, isang kilalang environmentalist bago pa napasok sa mundo ng pulitika.
Saludo ako sa mga batang lumaki hanggang sa magkaroon ng kani-kanilang buhay na may pagpapahalaga sa bawat bahagi ng kalikasang kaloob sa atin ng Maykapal.
Sabi nga, tayo ang mangangalaga nito, tayo ang makikinabang at sakaling masira dahil sa walang humpay na pag-abuso at pagwasak ng mga bahagi nito, tayo ring mga tao ang apektado.
Isang bagay na maipagmamalaki ng inyong lingkod ay bukas ang aking kaisipan sa kahalagahan ng kalikasan dahil mula po ako sa ipinagmamalaki kong maliit na bayan ng San Francisco sa Bondoc Peninsula. Isang munting bayan kung susukatin ngunit mayroon po kaming karagatan at kabundukan na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng aking mga kababayan.
Akala ko ng mag-kolehiyo ako ay malalayo na ako sa lugar na aking kinagisnan. Nagkamali ako. Hindi po pala dahil noong estudyante pa ako, sa Immersion Program ng AKMA o Alyansa ng mga Kristiyanong Mag-aaral, masuwerte akong nakabilang sa mga nakipamuhay sa mga mahihirap na pamilya sa Kalinga, Apayao.
Doon ko nakita ang buhay ng walang sariling pag-aaring lupa, ng mga magulang na kapos ang kakayahang pinansiyal para makapagpaaral ng kanilang mga anak at kung pa’no pagyamanin ng mga naninirahan doon ang kanilang bukirin bilang source of income nila na gastusin sa araw-araw nilang pangangailangan.
Higit pa akong namulat sa reyalidad ng buhay ng pasukin ko ang industriya ng pamamahayag.
Hindi lamang paggawa o pagbasa sa harap ng kamera o habang nagbabasa ng balita sa radyo ang tungkol sa current events o political news ang itinuro sa apat na sulok ng mga naging professors ko noon sa Manuel S. Enverga University Foundation. Itinuro din sa amin ang paggawa ng balitang may kaugnayan sa kalikasan. Ito ay dahil sa ang kalikasan ay bahagi ng ating ginagalawan. Mahalagang mabatid ng bawat isa, ng bawat mamamayan kung ano ang nangyayari sa ating komunidad.
Nag-umpisa ako bilang field reporter ng DZEL ng Eagle Broadcasting Corporation. Sumunod dito ay ang pagiging newswriter sa mahabang panahon hanggang sa humawak na ng sariling programa.
Bahagi na ng araw-araw kong pagpoprograma ang pagtalakay sa kalalagayang pangkalikasan ng Quezon Province.
Dito na nag-umpisa ang pagsugod ng mga taong nasasagasaan sa araw-araw kong pag-komentaryo. Ngunit hindi po ako tumigil dahil ang pananaw ko sa buhay, alam ko ang ginagawa ko at kilala ko ang sarili ko.
Hindi ko kailangang pumuri dahil sa kinang ng salapi o bumanat ng isang tao dahil sa dikta ng iba.
Dahil wala akong iniiwasan sa pagtalakay, may mga naaapektuhan. Ilan sa mga ito ay nasa puwesto pa ngayon sa gobyerno at marahil hindi nila ako makakalimutan.
Higit na nagbigay ng tapang na nasa katwiran sa inyong lingkod ay bunga ng mga seminars at tulad nito na ginawa ng TK ilang taon na ang mga nakalipas.
Lalo po akong walang iniwasan, maging sa porma ng panulat o pagtalakay sa pagpoprograma sa radyo.
Ang mga opisyal ng pamahalaan o ilang personalidad na lumalabag sa RA 8550 o may kaugnayan sa iligal na pangingisda ay hindi po nakakalampas sa malupit kong panulat, gayundin ang nangyayaring pagmimina ng ginto sa bayan ng Buenavista. Ang dalawang malaking problema na ito na kinakaharap hanggang ngayon ng mga taga-Buenavista ay patuloy kong tinututukan, gayundin, hindi ko inaalis ang aking mapanuring mata sa mga opisyal na ginagamit ang kapangyarihan para mangibabaw ang pagsamantala sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng Tanggol Kalikasan, madali na sa akin na makita ng personal ang ginagawang paglabag ng ilang personalidad o grupo sa batas pangkalikasan.
Nakakatulong ito dahil nahihimay ko ng husto kung ano ang kanilang violations. Hindi yaong personal na banat lamang o puro hearsay o kaya’y opinion lamang. Dahil kung ang isang broadcaster ay magbabase sa naririnig sa iba o kokopyahin sa ibang dyaryo ang balita, baka sumablay kayo at pagtawanan ng makakabasa ng inyong write-ups.
Dahil tayo ay bahagi ng Fourth Estate, dapat natitiyak natin na kita natin ang pangyayari, nasa lugar tayo at higit sa lahat, alam natin ang issue.
Tinitiyak ng TK na sa bawat pangyayari na nag-aaya sila ng media. Maraming beses na akong nakasama. Puno ng saya, kantyawan, halakhak ang bawat lakad ng grupo ngunit ang halaga nito ay hindi matutumbasan.
Ang tahimik na Bundok Banahaw na sumasakop sa Quezon at Laguna Province ay maraming beses ko ng naakyat.
Sa lahat ng narito, maipagmamalaki ko at alam ito ni Atty. Sheila de Leon na kahit anong lakas ng ulan at putik ng daan paakyat at pababa ng Bundok Banahaw, ang akin pong paa ay hindi nagkakadumi at hindi ako kahit kailan nadapa sa kilo-kilometrong paglalakad ng grupo. Ang sikreto ay wala po sa brand ng tsinelas o sapatos.
Magkagayunman, bilib din ako sa mga kasama kong media na umaakyat ng bundok na kahit nadadapa at nadudumihan ang kanilang damit ay patuloy at patuloy na sumasama sa lakaran ng Tanggol Kalikasan.
Tunay na dapat na pangalagaan ang Bundok Banahaw. Isang lugar ito na ideneklara bilang protected area.
Kahit ang isang pulitiko ay napupuna ko sa ilang aspeto, kapag kalikasan naman ang nasasangkot at alam kong mas malaki ang epekto sa mga naninirahan, kakampi po ako. Isang patunay dito ay ang alkalde ng lungsod ng ito. Marami akong nagawang balita at pagtalakay sa radio na negatibo tungkol sa kanya ngunit dahil may treasure hunting na nangyayari sa ilang barangay na sakop niya, kasama po ako ng libu-libong mamamayan ng lungsod ng Tayabas na sumugod sa lugar.
Dito ko nakita na kahit minsan nagkakawatak-watak sa ilang issue, nabubuo naman ito kung para sa kalikasan.
Nakakatuwang makita na ang tao ay sama-sama kapag sangkot ang kalikasan.Hindi sayang ang maghapon na isinama ko sa Tanggol Kalikasan dahil napatunayan kong ang Tayabasin ay may pagkakaisa.
Maimpluwensiya ang nasa likod ng treasure hunting na iyon at hanggang ngayon, naninindigan ang mga Tayabasin na kung babalik ang mga treasure hunters para maghukay uli sa mga kabundukang lugar dito, babalik at babalik din po ang Tanggol Kalikasan at ang nasabing libong bilang ng mamamayan para tutulan.
Hindi rin namin pinalampas ang mga punong nadadaanan naming ni Atty. Sheila, paakyat at pababa ng bundok na iyon para hindi makapagpa-picture at ilan sa kuha naming ay nakikita po n’yo ngayon.
Kabilang din po ako at hindi ko pinalampas ang byahe ng Tanggol Kalikasan sa lalawigan ng Pangasinan. Sa ilang araw na pagtigil doon, iba’t-ibang lugar ang tinungo at syempre ang Hundred Islands na ngayon ay nadagdagan na ay hindi rin pinalampas ng grupo.
Sa Tanggol Kalikasan, laging bago ka umuwi, may saya.
Ang inyong pong lingkod ay hindi naman natakot sa malalaking alon na humahampas noon sa aming sasakyang pandagat patungo sa Real, Quezon. Ito ay noong dumapo sa mga kababayan natin sa REINA area o Real, Infanta at General Nakar ang tila bangungot na trahedyang dumating sa kanila.
Maaaring hindi nakakalimutan ng lahat ang pangyayaring binabanggit ko. Ito yaong libong bilang ng mamamayan sa REINA ang nasawi at sumira sa bilyong pisong halaga ng pananim at alagang hayop ng mga residente doon.
Importante sa akin na aktuwal kong makita ang sinapit ng mga taga-REINA. Ang ginawa ng TK na pagtungo sa lugar ay hindi ko makakalimutan. Dahil sa sama ng panahon, hindi na nakayanang umuwi sa Lucena City ng hapon ding iyon kung kaya’t Dec. 5, 2004 ay inabot na ako ng birthday ko sa Real kasama ang TK family at ilang kasama sa pamamahayag.
Ang nangyari na iyon sa REINA ay isang malinaw na halimbawa na dapat hindi inaabuso ang kalikasan. Dahil kapag nangyari ito, tila walang bukas na naghihintay ngunit nakakatuwa namang ng bumalik ako noong isang linggo lamang sa bayan ng Infanta ay unti-unti na itong nakakabangon.
Sana’y mula sa trahedya ay natututo ang tao.
Isa naman sa masayang naging biyahe kasama ang Tanggol Kalikasan ay ang pagtungo sa lungsod ng Baguio noon.
Walang pagod na ipinasyal ng TK ang media noon sa mga magagandang lugar ng Baguio City.
Napakaraming IEG seminar na ang nadaluhan ng inyong lingkod para sa mga elected officials ng iba’t-ibang bayan. Pagbabahagi ng kaalaman sa batas pangkalikasan sa mga ito at kung ano ang gagawin sa implementation nito.
Ang TK at SM City Lucena ay partner po laluna sa tamang pamamahala ng basura. Tuwing ikalawang Sabado ng bawat buwan, nagsasagawa sila ng Waste Market Day. Hindi ba’t isang balita ito? Na sa halip na itapon ang basura kung saan-saang lugar ay ipunin na ‘lang at ibenta tuwing may waste market day. Kung magagawan natin ito ng balita, malaking tulong ito sa pagresolba sa lumalalang problema natin sa basura.
Matuturuan pa natin ang tao na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura.
Kabilang din ako sa ginawang pagpapakawala ng mga pawikan noon ng TK sa baybaying-dagat na sakop ng Pagbilao, Quezon kasama ang mga naggagandahang Kinatawan ng iba’t-ibang bansa para sa Ms. Earth 2002.
Dahil dapat lamang na pangalagaan ang lahat ng mga hayop kabilang na ang mga ibon na gubat ang tahanan, walang takot na sumama ako noon sa ginawang panghuhuli ng TK sa ilang mga kalalakihan sa isang barangay sa lungsod pa rin ng Tayabas na ginagawang hanapbuhay ang panghuhuli ng mga ibon at ibinebenta.
Sumama din ako sa pagdadala ng mga agila na nasagip ng TK patungo sa UPLB Los Banos, Laguna.
Kapag ang pag-uusapan ay kalikasan, kahit saang lugar ako magtungo, malakas po ang loob ng inyong lingkod dahil sa mayaman kong karanasan. Bilang nasa Fourth Estate, marami tayong magagawang balita. Tumingin ka lang sa isang puno ng kahoy, marami ka ng puedeng gawing balita tungkol dito.
Inis ako sa mga may nakikita ngunit wala namang masabi o maisulat. May isang lalawigan ako sa CALABARZON na napuntahan na may malaking isang problema ngunit talagang nakakapagtaka kung bakit wala talagang lumalabas na balita sa kanilang lugar tungkol sa isang problema na bunga ng kapabayaan ng ilang nasa ahensiya ng pamahalaan kung kaya’t ang nasabing problema kahit nakakaperwisyo na ng isang negosyo ay patuloy pa rin.
Ayaw kong isipin na ang balita ang kailangang lumapit sa kanila kundi tanging ang iniisip ko na ‘lang ay baka hindi ‘lang nila napapansin.
Ang pagsama sa Tanggol Kalikasan ay hindi para sa kanila at hindi rin para ating mga mamamahayag. Sa uri ng propesyong ating niyakap, ang lahat ng ito ay maituturing na public service. Tumutulong tayo para sa ating kapwa. Nagsisilbi tayong eye-opener para sa mga nasa gobyerno na tila hindi natutugunan ng maayos ang kanilang sinumpaan sa bayan. Binubuksan din natin ang isipan ng ilang mapagsamantala sa ating kalikasan.
Sana ang ilan sa mga naibahagi ko ngayong hapon na ito ay makapagbigay ng inspirasyon sa inyong lahat. Ang pagsulat ng balitang may kaugnayan sa ating kalikasan ay hindi sa dahilang para maiba naman kundi dahil kasama ito sa dapat nating maipabatid sa publiko. Interes ito ng lahat.
‘Wag nating hayaan na tuluyang masira ang kabundukan dahil sa walang humpay na pagpuputol ng kahoy, masira ang mga coral reefs dahil sa walang tigil na dynamite at illegal fishing at kung anu-ano pang porma ng pagsira sa kalikasan. Kapag nakasilip tayo ng butas at may pruweba, gawan na natin ng balita upang hindi na lumaki pa ang problema.
Gamitin natin sa makabuluhang bagay ang ating panulat at ang pagtalakay sa ating mga programa sa radyo’t telebisyon.
Mabuhay po kayo, ang Tanggol Kalikasan at ang mga mamamahayag!

(EDITOR’S NOTE: Ito po ang nilalaman ng mensahe ni Ms. Celine M. Tutor sa harap ng mga mamamahayag mula sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna at Camarines Sur, makaraang isa sa naging speaker at nagbahagi ng karanasan sa pagsama sa Tanggol Kalikasan, kaugnay ng isinagawang “Mainstreaming Environmental Information and Education Campaign Seminar & Wokshop” sa Nawawalang Paraiso Resort and Hotel sa Tayabas City noong October 22-24, 2008).

JETLINE NI JET CLAVERIA

Lucena PTA Federation officers



Isang matagumpay ang isinagawang election ng set of officers ng Lucena PTA Federation .Sabi nga ng nanalong pangulo si Marvin Fuentes,(West district) ngayon lamang nagkaroon ng tahimik at payapang election.





First time ko lang kasing umatend sa ganong election ng PTA ,pumunta lamang ako bilang Vice President ng Gulang-gulang National Highschool at para suportahan ang aming pangulo na si Mr. Gil Rivera.Siya ang naging Vice President ng Federation.



Nagpapasalamat din ang Jetline sa mga nagtiwala sa aking kakayanan na iboto nila ako sa 15 opisyal ng PTA federation kung saan napapwesto naman ako bilang PRO.



Bagama’t parang sa pulitika rin, mayroong iba na hindi tumatanggap ng pagkatalo subalit naging malinaw ang ginawang pagbilang sa mga balota ng mga board of canvassers na sinaksihan ng mga magulang at guro.Nagsimula ang election ganap na alas dos ng hapon at inabot ng gabi dahil sa pagbibilang ng mga boto para sa 15 magiging opisyal ng nasabing pederasyon.



Tuwang-tuwa nga si konsehal Felix Avillo kasi nga matahimik ang naging election at kitang-kita na naging malinis ito.



Kung ganon ang election sa pulitika ay tiyak na matutuwa ang taumbayan.Congratulations sa lahat ng mga naging officers.





INANG KALIKASAN



Kung pag-uusapan din lamang mula ng mapasok ako sa media simula 1993 ,nakita ko na kung paano magtrabaho ang Tanggok Kalikasan pagdating sa mga impormasyon na dapat gawin para alagaan ang Inang kalikasan.



Kung anong igting ng kanilang ginagawang kampanya.Marami na rin akong narrating na lugar dahil sa Tanggol Kalikasan.Sila ang tagapagtanggol ng inaaaping kalikasan.



Kaya naman kahit babae si Atty. Shiela ay kaya niya labanan ang lahat ng mga gumagawa ng iligal kung tungkol din lamang sa kalikasan ang pag-uusapan.



Nakakatuwang pakinggan si Celine ng ibahagi niya ang kanyang karanasan sa isinagawang seminar sa Tayabas ng TK. Feeling nga namin ni tita Beth ay nakikinig kami ng radio.

Kahit nangalay si Ola ng kavi-video ay masaya siyang dumalo sa aktibidad ng Tanggol.Kaya naman sabi ni King sa susunod ay siya naman ang magbabahagi ng kanyang karanasan sa TK.



PAGKAIN SA LUCBAN



Hindi ko akalain na sa bayan ng Lucban isang bayan na sagana sa tanim na gulay ay walang tindang mga gulay sa mga Carinderia .Kakaiba naman don, dapat marami silang tindang gulay sa mga tindahan ng ulam .Sagana daw sa iba’t ibang putahe na luto ng karne.Walang mabibili kundi karneng baka ,baboy at manok.Ni isda daw ay di rin nagtitinda,kung meron daw ay bangus lamang.Kahit saang carenderia ba?

Tanungin mo ang ilang Lucbanin ang isasagot nila ay hindi daw kasi mabili kaya walang nagtitinda ng mga lutong gulay at isda.Ganon!





UNITED NATION DAY SA SM



Habang ginaganap ang eleksyon ng PTA Federation sa West 1 ay dinumog naman ang SM Lucena ng mga participants mula sa iba’t ibang school sa Lucena.



Umabot sa halos isang libong mga estudyante ang lumahok dito at sabi nga ni Bosing Billy Andal na isa sa mga hurado hindi na halos nila makita ang mga nasa stage sa dami ng mga tao.



Aliw na aliw si Bosing sa kanyang panonood sa mga batang suot ang iba’t ibang costume ng iba’t ibang bansa.



Ipinakikita sa okasyong ito na dapat na magkaroon ng pagkakaisa maging anuman ang iyong lahi.



Kaya lang makikita talaga ang pagkakaiba ng mga batang nag-aaral sa pribado at publiko na nakilahok dito,sapagkat sa kanilang mga costume na suot ay naniningkad ang mga mag-aaral sa pribado.Kaya naman perfect ang ginawang score ni Bosing sa lahat ng mga costume.



Ang nakakatuwa naman sa opisyales ng SM lagi ang kanilang suporta sa ganitong mga aktibidad.Siguro ng mga oras na iyon na naalala nina tita Beth, Ms Mildred at Ms Maricel ang kanilang kabataan,sapagkat panay mga bata ang nakita nila ng sandaling iyon.



Kaya naman feeling ni Bosing Billy bumalik siya sa pagkabata dahil nakapalibot sa kanya ay pawang mga bata.





RIGHT OF REPLY



Tunay nga namang nakakabahala ang batas na isinusulong nitong sina Cong. Puentavella at cong. Abante sa Kongreso patungkol sa mga media.



Parang ginagawa nilang engot ang media sa batas na ito at tuturuan ng mga dapat na gawin gayong sa code of ethics ng isang journalist ay nakasaad naman ang dapat na gawin.



Aba’y tunay na hahawakan sa leeg ang media kung makakalusot ito sa Kongreso at Senado.



Wala nang saysay ang pagiging media dahilan sa susunod na lamang pala kami sa lahat ng gustong ipalabas o ibroadcast.



Paano na Celine kapag pala ikaw ay nag broadcast at di sinasadyang nasaktan sa iyong pagtalakay ang isang personalidad o opisyal ,ora mismo kinabukasan ay kailangan mo ring pasagutin sa iyong program.At lahat ng iyong sinabi ay kaniyang babawiin at siya ang magdidikta sa iyo ng ibobroadcast at kapag di sumunod ay may nakalaang multa at mabibilanggo pa ng 6 na buwan.



Magapabilanggo na lamang tayo di ba? Kesa naman bawiin ang sinabi at magmukhang tanga.Yano baga ay!Kaya kung di magsasama-sama ang media at hindi naiintindihan ang bill na ito ay baka makalusot sa senado ng di namamalayan at maging ganap na batas.Yari ka!



Kaya naman si Bosing Billy ay ganon na lamang ang pagpupursigi at panawagan sa lahat ng nasa media industry na sama-samang tutulan ito at huwag pagkakakitaan.Marami na kasing nakakarating na mayroong mga media na kung sino-sinong pulitiko ang iniinterbyo sa bagay na ito subalit mas pinapaboran ang bill dahil na rin sa ibinibigay na pakimkim ni pulitiko.At syempre papaboran ito ng mga pulitiko dahil sila ang makikinabang dito.Anuman nga ang kanilang gawin ay tiyak na makakalusot na at walang pupuna dahil sa batas.Kaya walang lumalabas na balita patungkol dito.Yong mga hindi nakakaintindi kung ano ang nilalaman ng nasabing bill.



SOBRANG HIRAP



Ramdam na ramdam na natin ang kahirapan.Subalit makikita mo pa rin sa mga mall ang mga tao.Ito ba ang tanda ng kahirapan o pilit lamang itinataas ang antas ng pamumuhay.



Mabuti kung nakakasunod sila sa mga nais nilang bilhin at sobra sa kanilang kinikita subalit kung kulang naman at walang makain ang pamilya sa susunod na araw,sila ang mga taong kawawa naman.



Mas kawawa pa sila sa mga taong tunay na nagdarahop kesa sa kanilang nagpipilit na mabili ang kanilang luho.



Kasi ang mga nagdarahop ay masaya na sila na mayroong kinakain sa loob ng tatlong beses isang araw. Subalit sa mga nagpipilit na itaas ang antas ng kanilang pamumuhay na hindi naman kaya ay patuloy sa kanilang pagpipilit.Suskupo Inang!



























Please read....

NEWS IN QUEZON PROVINCE

Please read....




25% DISCOUNT IPAGKAKALOOB NG GENERICS PHARMACY

LUCENA CITY- Inihayag ni G. Normel Panganiban ng The Generics Pharmacy Lucena City na may 25 percent na diskwento ang maaari nilang ipagkaloob sa mga senior citizens na bibili ng gamot hanggang October 30, 2008.

Ang nasabing pahayag ay ginawa ni Panganiban sa ginanap sa pagtitipon ng mga senior citizens ng lungsod ng Lucena na ginanap sa Social Welfare Complez, Zaballero Subdivision Lucena City . Dito ay tinalakay ni Panganiban ang mga kagalingan at pangtangkilik ng generic medicine na sinasabi ring mas mura kapag bibilhin sa alinmang generics pharmacy.

Ayon pa kay Panganiban kapag natapos na ang buwan ng Oktubre muling ibababalik ang regular na diskwento na 20 percent ng generics medicine sa mga senior citizens. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 153 branches ng The Generics Pharmacy sa bansa ang maaaring puntahan ng mga senior citizen para makabili ng murang gamot. Idinagdag pa niya dito na dapat dalhin ng mga senior citizen ang kanilang ID kapag bibili ng gamot sa sa generics pharmacy upang mabigyan ng diskwento.

Ang pagtitipon ng mga senior citizens sa nasabing lugar ay kaalinsabay din sa pagdiriwang ng National Family Unity Week na may tema na Fathers and Families: Responsibilities and Challenges “Maabilidad si Dad” kung saan may mga isinagawang programa ang CSWDO sa pangunguna ni Gng. Lourdes Ruanto na sinuportahan naman ng punong lunsod Mayor Ramon Y. Talaga Jr., gayundin ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at mga paaralan sa lungsod na ito.

WORLD RABIES DAY INILUNSAD SA QUEZON

PAGBILAO,QUEZON- Mahigit sa 200 mag-aaral ng Pagbilao Central Elementary School ang dumalo sa Rabies Symposium na isinagawa ng Integrated Provincial health Office (IPHO-Quezon) sa pakikiisa ng Department of Health Region IV-A at ng Provincial Veterinarian Office sa Pagbilao Central Elementary School- Social Hall sa bayang ito.
Ang nasabing symposium ay ginawa kaugnay sa pagdiriwang ng World Rabies Day. Kabilang sa mga naging tagapagsalita sa Rabies Symposium sina Sheila Berbano (World Rabies Day Celebration); Randolfo Tolentino (Status of Rabies in Quezon & The Philippines); Dr. Elma Ladiana (Anti-Rabies Act of 9482); Dr. Venus Victoria (Integration of Rabies Program in School Curriculum) at Dr. Isagani Requizo (A look on Tayabas Rabies Program).
Nauna dito, nagkaroon din ng motorcade na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na miyembro ng Provincial Anti-Rabies. Nakiisa rin sa motorcade ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao at ang DOH Region IV-A.
Pagkatapos ng motorcade, isinagawa rin ang isang maikling programa sa PCES-Social Hall at isa sa mga naging tagapagsalita dito si Dr. Nimrod Villanueva ng CHD-IV-A Extension Office-Quezon.
Dito ay binigyang diin ni Dr. Villanueva na dapat maging responsible owner ang mga taong nag-aalaga o may-ari ng aso upang makaiwas sa rabies at ito ay aniya ay magagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod: Pagpaparehistro ang alagang aso sa lokal na pamahalaan.
Kailangan din na pabakunahan ang alagang aso taun-taon; Huwag hayaang gumala ang alagang aso sa labas ng bahay o bakuran at kailangan din aniyang sagutin ang pagpapabakuna ng taong nakagat ng alagang aso.
Ipinapayo rin na kapag nakagat ng aso o pusa ang isang tao, kailangang linisin agad ng sabon at tubig ang bahagi ng katawan na nakagat at pagkatapos ay magsadya kaagad sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center.
Tampok din sa isinagawang programa ang pagbibigay ng premyo at certificate sa mga mag-aaral na nagwagi sa isinagawang Poster Making Contest gayundin ang paglagda sa Pledge of Commitment ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan kagaya ng PNP, DepEd, PIA, Provincial Veterinarian Office, Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, DOH Region IV-A, Lokal na pamahalaan ng Pagbilao at iba pang ahensiya ng pamahalaan na tanda ng pagsuporta sa R.A 9482 o Anti-Rabies Act of 2007.



HEADQUARTERS
76TH INFANTRY (VICTRIX) BATTALION, 2ND INFANTRY DIVISION, PA
Brgy Villa Principe, Gumaca, Quezon

TROPA NG 76IB, 2ID, PA NAKA RECOVER NG MGA PAMPASABOG
(16 October 2008)
GUMACA, Quezon – Isang Brgy Kapitan sa bayan ng Macalelon ng lalawigang ito ay dumulog sa himpilan ng Bravo Company, 76IB noong ika-15 ng Octobre 2008 sa ganap na alas 10:00 ng gabi at nagbigay impormasyon tungkol sa nakatagong mga kagamitang pampasabog sa isang bahay sa sitio Bunga ng kanyang Barangay.

Dahil sa impormasyon na bigay ni Brgy Captain Victor Orijuela, agad na nagplano si 1LT JESSIE BERGONIA, punong opisyal ng Bravo Coy, 76IB at inatasan ang kanyang dalawang squads na pinamunuan ni 2LT EDUARDO PRECIOSO JR upang aksyunan ang nasabing impormasyon.

Noong ika-16 ng Octobre 2008 sa ganap na ala 5:30 ng umaga, agad na pinuntahan ng tropa kasama si Brgy Kapitan Victor Orijuela at mga kagawad nito ang kinalalagyan ng kagamitang pampasabog. Sa ganap na alas 9:00 ng umaga ay natagpuan nila ang tatlong timba na naglalaman ng mga Improvised Explosive Devices (IED).

Ayon kay LT COL TELLO, pinuno ng 76IB, ang pagbigay impormasyon ni Brgy Kapitan ay nagpapatunay na gusto na nila ng katahimikan sa kanilang lugar. Isa itong malaking tulong sa ating mga kababayan sapagkat naiwasan natin ang malagim na planong pagpasabog ng mga CPP-NPA-NDF sa mga publiko at pribadong mga istraktura. Ang ganitong mga pangyayari ay isang indikasyon na wala ng sumusuporta sa organisasyon at karahasan ng CPP-NPA-NDF, kung kayat patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kasundaluhan sa ating mga kababayan at lokal na pamahalaan upang manumbalik ang kanilang tiwala sa ating gobyerno, muling bumalik ang dating sigla at katahimikan ng ating bayan at tayo ay magkaisa tungo sa maayos at demokratikong lipunan.


HEADQUARTERS
76TH INFANTRY (VICTRIX) BATTALION, 2ND INFANTRY DIVISION, PA
Brgy Villa Principe, Gumaca, Quezon
Battalion Contact Number: 0918-437-3479


“LIBRENG GAMUTAN HATID NG ROTARY CLUB, APO Fraternity AT NG 76IB”
(13 October 2008)

GUMACA, QUEZON – Isang libreng gamutan ang ipinagkaloob ng Rotary Club, APO Fraternity at ng 76th Infantry Battalion, Philippine Army na ginanap sa Brgy Mabunga, Gumaca, Quezon, noong ika-12 ng Octobre taong 2008.

Ang nabanggit na gamutan ay dinaluhan ng ibat-ibang residente ng Brgy Mabunga, Brgy Bungahan, Brgy Casasahan Ibaba, Brgy Bitaog at Brgy Mataas na Bundok ng nasabing bayan na kung saan umabot sa kabuuang bilang siyam napo at anim (96) ang nabigyan ng benepisyong medical at dental.

Ang mga doktor ay pinamunuan ni Dr Elchor M Caralian ng Rotary Club Gumaca, Dr Adiente ng Calauag, Qzn at sina Maj Toraray at Cpt Suarez naman ang namuno sa Dental at Medical team ng SOLCOM.

Ayon kay LT COL ROMMEL K TELLO, punong opisyal ng 76IB, napakahalaga ng ganitong gawain sapagkat ito’y isa sa mga paraan upang maihatid ng mga nagmamalasakit na mamamayang nasa kalunsuran ang mga serbisyong kinakailangan ng mga maralitang nasa kanayunan. Ipinakikita dito ang pagtitibay ng pagkakaisa ng mga mamamayang nagdadamayan upang maramdaman ng ating mga mamamayan na sila ay hindi natin kinakaligtaan at pinababayaan.

Certified correct:

Lieutenant Colonel ROMMEL K TELLO
Commanding Officer

IRON WILL NI CELINE TUTOR

IKALAWANG PAGTITIPON 2008. Ipinaliwanag ni Quezon 2nd district Rep. Procy Alcala kina Celine Tutor ng pahayagang ito at Randy Remontigue ng Channel 8 na naglalayong higit na magkatulungan ang mga magsasaka partikular na ang mga maggugulay sa Quezon , Benguet, Cavite, Bukidnon, at Ilocos Sur ang isinagawang Ikalawang Pagtitipon 2008 na may temang "Kwentuhang May Kabuluhan, Sama-Samang Pagtiyak sa Pagutulungan" na isinagawa sa Pueblo Por La Playa sa Pagbilao, Quezon. Isa aniya itong pagtiyak na de-kalidad at sapat ang suplay ng mga gulay sa mga susunod na panahon. King Formaran



Ikalawang Pagtitipon 2008
Ito ang titulo ng ginawang pagsama-sama ng may dalawang araw ng mga malalaking negosyante sa Pilipinas mula sa sektor ng maggugulay. Ginawa ang IKALAWANG PAGTITIPON 2008 noong Huwebes at Biyernes sa Pueblo Por La Playa sa Pagbilao, Quezon.
Hindi ordinayong nagtatanim ng gulay ang nakita ko sa Pueblo Por La Playa dahil sabi nga ni Cong. Procy Alcala ng 2nd district ng Quezon Province ay mga multi-millionaire ang mga ito at umangat ang buhay dahil sa gulay at iba pang naaaning produkto. Marami ring natulungan ang mga ito na magsasaka sa kani-kanilang lugar.
Mula sa Baguio, Benguet, Bukidnon, Cavite, at Ilocos Sur ang dumalo sa nasabing pagtitipon na may temang: “ KUWENTUHANG MAY KABULUHAN, SAMA-SAMANG PAGTITIYAK SA PATUTUNGUHAN”.
Paliwanag ni Cong. Alcala kung bakit kwentuhan lamang ang ginamit nilang salita sa kanilang pagpupulong ay dahil sa walang pulitiko sa Glory to God Food Corp. o GTGF.
Kung meron man, tulad niya ay hindi siya kabilang sa GTGF dahil sa siya’y Kongresista kundi dahil siya’y isang magsasaka.
Kasama niya sa GTGF ang mga milyonaryong nagsu-suplay ng gulay sa iba’t-ibang bansa.
Tuwang-tuwa ang mga taga-Benguet kay Cong. Alcala. Ito’y dahil sa personal umanong tinutungo ng Kongresista ang mga gulayan sa kanilang lugar at hindi tulad ng ilang nasa ahensiya ng pamahalaan na pumupunta lamang para magpa-picture lamang.
Sabi nga ni Mr. Francis ng Benguet, ‘nung una ay hindi sila maniwalang Congressman si Cong. Alcala dahil wala umano itong ipinag-iba sa mga magsasaka ngunit nang magtungo sila sa Quezon at nakita nila ang mukha nito sa mga billboards ng mga pagawaing pang-imprastraktura ay naniwala na sila.
Bilib sila kay Cong. Alcala. Bihira umano ang tulad nito na talagang nagpapakahirap at hands-on sa ibinibigay na programa sa mga tao.
Ang pagtitipon na ginagawa ng grupo ng GTGF ay ginagawa tuwing ika-anim na buwan ng bawat tao. Sama-sama silang nag-aaral kung pa’no magkakatulungan lalo’t higit kung may problema ang isang lalawigan.
Ikinasisiya naman ni Cong. Alcala ay ang gagawin din na paggamit ng Organic Fertilizer ng mga taga-Benguet at iba pang lalawigan sa kanilang pagtatanim.
Bagama’t ngayon pa lamang pag-aaralan ng tulad nina Mr. Francis ang paggamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim, matagal naman na itong ginagawa sa 2nd district ng Quezon Province.
Ipinagmamalaki ni Cong. Alcala na ang paggamit ng oganikong pataba ay naiiwasan ang pagkakaroon ng ilang problema tulad ng pinangangambahan ngayon ng mga taga-Benguet na namamatay ang kanilang lupa dahil sa mga commercial fertilizers.
Ito aniya ang epekto ng mga commerciala fertilizers. Dumarami nga ang ani ngunit may problemang dulot ito na sa paglipas ng panahon ay magdudulot ng pagkamatay ng lupa na hindi na mapapakinabangan pa upang magkaroon ng maganda at maraming bunga ang bawat pananim dito.
Isang malinaw na halimbawa sa mga negosyanteng nagtungo sa lalawigan na maganda ang programa ni Cong. Alcala at t’yak na gagawin din nila ito sa kanilang mga lugar.
Sabi nga nila, napakaswerte ng mga taga-Quezon dahil may isang Kongresista na masipag at hindi tulad sa kanila. Kung meron man aniyang programa ay hindi katulad ni Cong. Alcala na personal na nakikipag-usap sa mga magsasaka.
Kita n’yo, hindi lang ako ang nagsasabing mahusay talaga si Cong. Alcala.

SMFI Dental Mission
Hindi nauubos ang mga programang magaganda na ipinagkakaloob ng SM Foundation, Inc. sa mga taga-lungsod ng Lucena at sa mga karatig-lugar nito sa Quezon Province.
Kamakailan lamang ay nagsagawa ng Medical Mission ang grupo ng SMFI at SM City Lucena sa Talipan District Jail sa Pagbilao, Quezon. Matapos lamang ang ilang araw, heto’t nagbigay naman sila noong Martes ng Dental Mission sa nasabi pa ring piitan.
Isang pagpapatunay ito na may malaking puso ang SMFI sa mga nangangailangan. Kahit mga inmates, hindi nila nakakalimutan na tulungan. Ang IRON WILL ay naniniwalang hindi lahat ng mga preso ay nagkasala. Ilan sa mga ito ay biktima lamang ngunit magkagayunman, walang pinipili ang SMFI sa mga bibigyan ng tulong.
Daan-daang inmates ang natulungan ng nasabing dental mission. Salamat sa SOLCOM, kay Lt.Gen. Delfin N. Bangit at sa mga taga-Antipolo at Calamba District Jail na tumulong sa programa.
Tandaan n’yo, ang SMFI ay tulad din ni Quezon 2nd District Engr. Cely Flancia na tila ‘di napapagod basta’t para sa kapwa.

LUCENA PTA FEDERATION OFFICERS


.LUCENA PTA FEDERATION OFFICERS: President G. Marvin Fuentes ( West), Vice President Gil Rivera ( secondary) Treasurer Liezel Dagos (teacher-South ) at Adelina Quimson ( parent –East) Treasurer Flora Sarmiento (North) Auditor George Sta. Ana (West ) Business Manager Maximo Monsarrat (East) P.R.O.s Vicente Gaetos Jr. (secondary) at Jet Claveria-Lacza (secondary) Board of Directors: Mary Jane Jatico (East) Reynante Luistro ( North) Ruben Villania (West) Jimmy Oliva (North) Cezar Cuasay (South) Leopoldo Origenes (South).
Please read....

SMB NATIONAL BEER DRINKING FINALS ON OCT. 24



Another opportunity of earning half a million pesos while enjoying the country’s iconic beer brand, San Miguel Pale Pilsen, awaits this year’s champion of the ongoing National Beer Drinking Contest sponsored annually by San Miguel Brewery, Inc. (SMB).


Six semi-finalist teams, each composed of five members, are aspiring to make it to the October 24 national finals in Cebu and beat the 43.5 seconds record of last year’s top team from Bacolod . This year, South Luzon is represented by the Samahang Mindoro Bros., the area champions hailing from Bliss, Brgy. Marfrancisco, Pinamalayan, Mindoro .


“This will be SMB’s 9th year of nourishing friendships and cultivating teamwork among our kababayan thru this colorful competition. We are also hoping that the financial rewards will contribute to their enjoyment of life,” says SMB National Sales Manager Debbie D. Namalata.


According to Namalata, the company has also prepared more exciting activities to bring the trademark SMB fiesta spirit to the contest venues. She adds that the National Beer Drinking Contest is one significant activity that shows SMB’s commitment to spread fun and enjoyment, in line with its recently-unveiled company slogan “Drink to Life.”


This time, the national finals will mark a three-day celebration, from October 23 to 25 at the MEZ1 Football Field, Lapu-lapu City in Cebu .


During the contest proper on October 24, popular bands Rivermaya and Brownman Revival plus several local bands are expected to spice up the night.

BATANGAS NEWSS

Please read....

Go Zero-MARITIME
The Reportorial Team


BATANGAS CITY-Malakas ang kampanya ng Maritime Industry para sa pangangalaga ng kalinisan ng karagatan at kaligtasan sa pagbibiyahe. Ito ang sentro ng isang linggong pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng Maritime Industry na nagsimula noong ika-22 ng Setyembre.

Ang naturang selebrasyon ay may temang “GO ZERO : ZERO MARITIME POLLUTION, ZERO MARITIME INCIDENTS’. Nakapaloob dito ang iba’t ibang gawain na mag-aangat sa kamalayan ng publiko ukol sa mga programa ng industriya at kampanya nito sa pangangalaga sa kapaligiran. Layunin din nito na lalong mapaigting ang magandang ugnayan ng lahat ng ahensiyang bumubuo sa industriya.

Tulad ng mga nagdaang taon ang selebrasyon ay inumpisahan ng Banal na Misa sa PPA Grounds. Kasunod nito ay ang Motorcade, at ang pagbubukas ng selebrasyon na idinaos sa Port Area, Passenger Terminal.

Kabilang pa rin sa mga gawain ay ang film showing sa Port Passenger Terminal 3 at talakayan na may titulong “Maghuntahan Tayo” sa Lyceum Maritime Academy (LIMA) kaninang umaga. Dito ay tinalakay ang mga hakbang na ginagawa ng Maritime Industry upang maiwasan ang polusyon sa karagatan at ang aksidente dito.

Dito ay ipaalam rin ang mga state of the art facilities at equipment ng Batangas Port na ginagamit para sa mas maayos, mabilis at ligtas na serbisyo sa lahat ng gumagamit ng pantalan. Sa pamamagitan din ng mga makabagong pasilidad na ito ay naiiwasan ang anumang ilegal na gawain sa port.

Ang mga gawain para sa pagdiriwang ay pinamamahalaan ng mga pangunahing ahensiya ng Maritime Industry tulad ng MARINA, PPA-Batangas Port, Clear Maritime Training Center at ang Montenegro Shipping Lines.
PONDO NG PLEBISITO INILABAS NG DBA
Danny Estacio

LUCENA CITY- Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang
Special Allotment Release Order (SARO) para gamitin
sa gaganaping plebisito sa Quezon base sa kahilingan ng Commission on Election (COMELEC) na nagkakahalaga ng P38 milyon.
Ang SARO na may bilang 08-08496 ay nilagdaan ni DBM Usec. Mario L. Relampagos
na iniisyu noong Oktubre 16, 2008 alinsunod sa Republic Act 9495, para sa paglikha ng Quezon del Sur.
Ayon sa DBM " release of allotment to cover expenses for the holding of
plebiscite in Quezon Province pursuant to RA 9495".
Ang nasabing pondo ay magmumula sa Calendar year 2008 budget.
Si COMELEC commissioner Jose Melo ay humiling sa DBM para pondohan ang nasabing
plebisito.
Ayon sa sulat ni Melo kay DBM secretary Rolando Andaya na may petsa Setyembre
25, 2008 " we are respectfully requesting that your good office provide the
said amount necessary for the conduct of the plebicite.Considering that numerous
petitions for recall have already been filed with the Commission".
Ayon pa sa sulat ni Melo na ang COMELEC ay
walang sapat na pondo para sa
plebisito " the COMELEC does not have the funds to conduct the plebiscite
for the division of Quezon province. The amount appropriated for the conduct of
unscheduled political exercise, such as referenda, plebiscite, recall and
initiatives for the Fiscal Year (FY)2008 budget of the COMELEC is only
P5,000.00. The current year's budget of COMELEC is just enough to cover its
operating expenses up to December 31, 2008.
" The estimated ezpenses for the conduct of the said Plebiscite is
P37,957,800.00", ayon sa ulat ni Melo.
Nauna rito, sumulat muna si Quezon 3rd district Cong. Danilo Suarez noong Marso
2008 kay DBM director Luz M. Cantor na humihiling ng nasabing pondo para sa
gaganapin plebisito.
Ang araw ng plebisito ay depende sa en banc resolution na itatakda ng komisyon.






FORUM ON RIGHT OF REPLY , IKAKASA NG QPA
Belly M. Otordoz,
QPA-Secretary

LUCENA CITY: Sa pangambang tuluyang maipapasa sa Kongreso at Senado ang dalawang ‘killer bills’ patungkol sa press freedom, ikakasa ng bagong tatag na Quezon Publishers Association ang isang forum na may layuning imulat ang mga miyembro ng lokal na pamamahayag sa Lucena at Quezon hinggil sa isyu ng House Bill 1001 at Senate Bill 2150 – ang Right of Reply Bill.

Ayon kay Billy Andal, Editor in chief ng Monday Times at nahalal na pangulo ng QPA, nakakaalarma ang naturang dalawang bill dahil diktadurya ito sa malayang pamamahayag kaya’t nararapat na agad silang kumilos upang hindi ito maaprubahan sa Kongreso at Senado, bagama’t ito ay nasa final reading na.

Nakapaloob sa Right of Reply Bill na may karapatan ang sinumang pinuna o binatikos ng isang media practitioner na i-publish/i-ere ang kanyang sagot sa mismong bahagi ng pahayagan/programa kung saan siya pinuna.

Inuutusan din ng bill na ito ang publications/TV/Radio stations na kung ano ang haba ng pagpuna sa taong sangkot ay ganoon din ang habang dapat ipagkaloob dito sa kanyang sagot na pahayag.

Kung mabibigong gawin ito ng media entity na sangkot, magmumulta ito ng hanggang P200,000.00 at maaring mabilanggo ng hanggang anim na buwan,

Dagdag pa ni Andal, malinaw na ginagawang ‘tanga’ ng bill na ito ang mga media practitioners dahil nag-uutos sa aspetong matagal nang isinasagawa ng mga mamamahayag dito – ang pagsusulat/pagbo-broadcast ng lahat ng panig sa isang news story.

Kaugnay nito, nagdesisyon ang buong kasapian ng QPA na maglabas ng isang “pooled editorial” upang ipakita ang matinding pagtutol nito sa panukalang tila balaraw na nakatarak sa puso ng mga mamamahayag.

Nanawagan din si Andal sa lahat ng mga individual, may-ari ng mga publication,stasyon ng radio at telebisyon ganon din ang mga organisasyon na nasa industriya ng pamamahayag na makiisa upang tutulan ang mapaniil na panukalang batas na isinusulong nina Cong. Monico Puentevella at Cong. Bienvenido Abante.



Sa forum na pangungunahan ng QPA, mag-iimbita ang grupo ng mga resource speakers mula sa Philippine Press Institute at iba pang national media organizations upang magpaliwanag ng mga probisyon na nakapaloob sa Right of Reply Bill.

Itinakda ang forum sa Nobyembre 14 kung saan iimbitahan bilang participants ang pangulo ng iba’t-ibang media organizations sa Lucena at Quezon gaya ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, NUJP-Quezon, Quezon Tri-Media Group at Camp Nakar Press Corps at iba pang media organization sa Quezon.

Mag-iimbita rin ng mga personalidad na may kinalaman sa legal practice .

Ang Quezon Publishers Association ay muling binuhay na organisasyon ng mga court-accredited publications sa Lucena at probinsya ng Quezon.



Child-Friendly Malls

This October, SM Supermalls takes the lead in celebrating the National Children’s Month through the launch of nationwide activities that would promote and protect a child’s rights, as well as ensure their safety and convenience inside the Mall.

SM City Lucena together with the SM Supermalls Children’s Council, SM Breastfeeding Committee, UNICEF, DSWD, DOH, PNP and the Council for Welfare of Children (CWC), have conducted a re-orientation program entitled A Kid’SMall: Caring for Children for SM Mall employees, tenants, security guards and janitorial personnel.

In addition to training seminars, SM City Lucena have also incorporated child-friendly facilities that would assure families of a safe and fun “malling” experience.

“Kiddie” waterless urinals and baby diaper changers have been installed inside the Mall’s comfort rooms. Likewise, buzzers/chimes can be found near comfort rooms, for the handicapped/children requiring assistance. Protective railings and child-friendly reminders have also been installed at Mall escalators. Selected public payphones are made accessible. Lower drinking fountains and top quality children’s high chairs are also available at the SM Foodcourt for a secure and convenient dining experience. Similarly, breastfeeding stations were made specifically for infants to feed in a clean and comfortable, private area, while toddlers can use kiddie carts, to make malling both convenient and enjoyable for the whole family. The Mall also offers various specialized children’s shops and services, such as a kid’s salon, kiddie dental clinic, infant boutiques, children’s library and numerous “edutainment” play centers, which create a fun and learning environment for children of all ages.

The latest innovation of your favorite child-friendly Mall is a “Safe-for-Kids” program @ Cyberzone, duly recognized by UNICEF. Cyberzone houses gaming, gadgets, and i-cafe stores in the Mall.

Celebrate United Nations Day by joining the Costume Parade on Friday, October 24, 2008 at 1PM at SM City Lucena. Enjoy and have fun on October 26 with the Jollibee Kids Club on their Halloween Party. Childrens of 12 years old and below can join the Trick and Treat for FREE. Be dressed in colorful costumes and bring along Pumpkin Pails and look for the trick and treat signages of participating stores.

With all these activities and new innovations, there’s no doubt each visit to the SM Supermalls, will leave wider smiles and bring out the child in you! Happy Children’s Month!



LUCENA PTA FEDERATION

Isang matagumpay at tahimik na election ng PTA Federation Officer ang naganap sa West 1 Elementary School nitong nakaraang biyernes Oct 24.

Ito’y dinaluhan ng mga magulang at guro mula sa limang distrito ng Lucena na binubuo ng West, South, North, East at Highschool o secondary.

Ang bumubuo ng PTA Federation Officer sa Lucena ay pinangunahan ng mga Board of Canvasser at ni City Councilor Felix Avillo.

Ang naging President ng nasabing Pederasyon ng mga magulang at guro ay si G. Marvin Fuentes ( West), Vice President Gil Rivera ( secondary) Treasurer Liezel Dagos (teacher-South ) at Adelina Quimson ( parent –East) Treasurer Flora Sarmiento (North) Auditor George Sta. Ana (West ) Business Manager Maximo Monsarrat (East) P.R.O.s Vicente Gaetos Jr. (secondary) at Jet Claveria-Lacza (secondary) Board of Directors: Mary Jane Jatico (East) Reynante Luistro ( North) Ruben Villania (West) Jimmy Oliva (North) Cezar Cuasay (South) Leopoldo Origenes (South).

Ang pagbuo ng nasabing pederasyon ng PTA mula sa elementary at highschool ay bilang pagtalima sa isang resolution No.1-4-225 mula sa Sangguniang Panlunsod.Ito’y nagsasaaad ng pagbibigay sigla upang buuin ang district level hanggang division level.

UNITED NATIONS DAY IN SM CITY LUCENA OCT.24,2008
Please read....