Saturday, February 21, 2009

news news news

Quezon Fitness Gym and Wellness Center sa QCC, bukas na
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Isa pang sangay ng income generating facilities ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng pangangasiwa ng Economic Enterprise ang binuksan sa publiko. Ito ay ang Quezon Fitness Gym and Wellness Center na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Quezon Convention Center (QCC).
Sa pamamagitan ng pagputol ni Governor Raffy P. Nantes ng laso sa pintuan ng naturang airconditiones fitness gym ay hudyat na rin ito upang pasukin ng publiko at tangkilikin ang mga makabagong equipment katulad ng bench press machine, electronic bicycle, rubberized dumb bells at iba pang kagamitan na magiging katuwang sa paghubog ng magandang pangangatawan.
Sa kasalukuyan ay pawang kumikita at nakadaragdag na sa pinagkukunan ng pondo ang Quezon Convention Center, Bulwagang Kalilayan, PARUDEV-Catanauan, Alcala Sports Complex, Employees Multi-Purpose, Quezon Rural Development Academy, Perez Park at QMC Kiosk.
Bago isagawa ang pagbubukas ng fitness gym ay pinangasiwaan ng mga kawani ng Economic Enterprise Unit ang isang 2.5km Fun Run na nilahukan ng mahigit sa 40 professional joggers mula sa lalawigan ng Quezon at mismong ang gobernador ang nagkaloob ng mga regalo sa Top Ten finishers.
Habang isinasagawa ang flag raising ceremony sa loob ng QCC na nagsilbing host ang nasabing tanggapan ay tinagubilinan ng opisyal sina provincial Administrator Aris Flores at HRMO Dr. Henry Buzar na magpalabas ng isang memo para sa mga kawani.
Ang naturang memo umano ay nagsasaad na obligado ang lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan na lumahok sa 5 km ALAY-LAKAD. Ang nasabing aktibidad umano ayon kay Gov. Nantes ay nilalayon na maging malakas at maganda ang pangangatawan ng lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan. Tatawaging ALAY-LAKAD sa pag-unlad ng lalawigan ang programa at inimbitahan ng gobernador ang apat na Kongresista upang sumamang tumakbo at maglakad para sa higit na pag-unlad ng lalawigan.
Binanggit din nito na bagamat nakaranas ng Economic Melt down ang makakapangyarihang bansa sa daigdig katulad ng Estados Unidos at Gran Britanya ay hindi ito gaanong mararanasan sa lalawigan.
Ayon pa kay Nantes, nai-programa na niya ang mga alternatibong paraan upang harapin ang financial crisis. Isa dito ang P4.3B Jathropa Plantation project at sa proyektong ito ay tiyak na panalo ang mga magsasaka.
Samantala, sa kanyang pag-uulat bilang punong tagapangasiwa ng Economic Enterprise Unit ay tinukoy ni COS Sevilla na tumaas ang koleksyon ng mga income generating facilities ng probinsiya sa nakaraang taong 2007-2008.





FFS, Field Demo at Graduation Day, ginanap sa Pitogo
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Ginanap kamakailana ang Farmers’ Field School on Palaycheck System sa Barangay Ibabang Burgos, Pitogo, Quezon. Ipinakita dito ang Field Demonstration at Graduation ceremony ng mga nagsilahok sa nasabing FFS.
Ang proyektong ito ay may kaugnayan din sa maigting na kampanya ni Governor Raffy P. Nantes na mapaunlad ang agrikultura ng lalawigan ng Quezon sapagkat dito itinuturo sa mga magsasaka ang mga makabagong teknolohiya upang mapalago ang ani ng palay at kung papaano kikita ng malaki.
Ayon kay Kgg. Dante U. Buñag, Sr., punong bayan dito, ang mga magsasaka ang nakikita niyang pag-asa ng bayan subalit sinabi niya na ang pag-unlad ng bawat isa ay nasa pag-uugali.
Bilang tanda ng pakikiisa sa programang ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Nantes at sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pangunguna ni G. Domingo J. Mamasig ay tutuparin niya ang kanyang pangako na isang kalabaw para sa mga magsasaka na nagsipagtapos sa nasabing FFS.
Kaugnay nito, dumalo sa nasabing pagtatapos ng mga magsasaka si Engr. Joselito Bunyi bilang kinatawan ni G. Domingo Mamasig, na sinabing malaking bagay sa Pitogo ang pagtugon ng bawat magsasaka sa proyektong ito ng pamahalaan sapagkat ito ang pamamaraan upang mapadali ang pagtatanim ng palay para sa mga magsasaka at higit sa lahat ay matuto ang lahat ng magsasaka kung paano palalakihin ang kita sa maliit na gastos sa pagtatanim.
Dumalo din si G. Apolonio Bobadilla, Gng. Estrella Mendoza at Gng. Aurora Odejar na kapwa kawani ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at siyang nagsilbing facilitator ng nasabing pagsasanay.
Naging bahagi din ng pagtatapos ng mga magsasaka ang ikalawang punong bayan ng nasabing bayan na si Kgg. Rodante V. Cortez, Kgg. Fe Laceda, G. Felipe Livado na siyang Pangulo ng Farmers’ Federation Association at si G. Noel Capisonda ang farmer cooperator ng nasabing FFS.


Please read....

news news

PNP CALABARZON Gunned Down Notorious Drug Pusher in Quezon; Numerous Illegal Drugs Seized

A notorious drug pusher was killed in a shoot-out after the police disguised as a buyer during the conduct of buy-bust operation yesterday evening, February 19, 2009 in Tayabas, Quezon.
Report reaching this office disclosed that at about 8:00 p.m. of said date, elements of Quezon Police Provincial Special Operations Group (PSOG) while conducting buy-bust operation against suspected drug pushers at Leveriza Heights, Bgy Isabang, Tayabas, Quezon, engaged in a shoot-out with a group of drug pushers.
Initial investigation disclosed that a day before the incident, February 18, 2009, an information was received from a confidential informant that a certain @ Boy D/@Demonyo from Calauag, Quezon will deal at least one (1) kilo of Marijuana in Lucena City and nearby towns.
On February 19, 2009, the suspect contacted the informant and set the drug deal at the vicinity of Max’s Restaurant in Brgy. Isabang, Lucena City at 8:00 PM. However, when the operatives were already posted thereat, a text message was again received from the suspect and this time, he is directing the informant and poseur-buyer to proceed inside Leveriza Heights Subdivision located in Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon. The team proceeded to the area and PO2 Nino Sayco who was designated as the poseur-buyer together with the informant were meet by two (2) malefactors, one of them identified by the informant as “@ Boy D”/Demonyo. Negotiation was initiated with the suspects and one (1) brick of marijuana of less than a kilo was shown and offered to the poseur-buyer pegging the price in the amount of Php7,000.00 but was declined by the poseur buyer as he was only capable of buying around Php1,000.00. When it was about to be paid by the poseur buyer, the companion of @ Boy D/Demonyo became suspicious and started to confront PO2 Sayco. Afterwhich, said unidentified malefactor drew a handgun and at the same time pointed at him. Scuffle of firearms transpired. @ Boy D/@Demonyo also drew a handgun and shots rang out. The back-up of PO2 Sayco rushed to the scene when they saw that PO2 Sayco was about to be overpowered and being shot by one of the suspects. P02 Sayco released @ Boy D/@Demonyo from his grab and tried to seek cover. A running gun battle ensued until @ Boy D/@Demonyo was cornered and wounded in a grassy canal. Unfortunately, the unidentified companion of @ Boy D/@Demonyo who also traded shots with the police operatives was able to escape.
Immediately, the suspect was rushed to Lucena United Doctors Hospital but was pronounced Dead on Arrival (DOA) by the attending physician.
Recovered at the crime scene were one (1) self-sealing transparent plastic sachet for cellphone accessories, undetermined quantity of suspected dried marijuana leaves and fruiting tops, one (1) piece of suspected marijuana brick of undetermined quantity wrapped in a packing tape, one (1) Homemade Pistol cal 5.56 MM, one (1) empty shell of cal 5.56mm and one (1) pair of slippers.
The slain suspect was identified by his relatives as Arnold Enguero y Reyes, 27 years old, single, jobless and a resident of Bgy Sta Maria, Calauag, Quezon
Recovered pieces of evidence from the suspect were one(1) black wallet containing his Identification cards; one (1) pack of cigarette rolling paper; Turkish bill amounting to 5,000,000; two(2) pieces of foreign bills of unknown denomination; cash money amounting to Php420.00; one (1) pack of condom; three(3) photographs of a woman; two(2) pcs SIM cards (Smart and TNT); one (1) silver necklace and one (1) Nokia 1200 cellular phone.
Follow-up operations conducted by elements of Quezon PPO resulted to the recovery of one (1) black back pack containing assorted personal belongings and one (1) brick of marijuana leaves and fruiting tops and small branches allegedly left behind/entrusted by the deceased suspect at the residence of Genora G Alfuerto and Eduardo Alfuerto located at Lot 7, Block 29, Enverga Avenue, Leveriza Heights, Bgy Isabang, Tayabas, Quezon. The Alfuertos claimed that the deceased suspect is known to them and had passed by their residence at around two hrs before the incident to visit their son and subsequently left after few minutes.
The recovered suspected marijuana bricks, leaves, twigs and fruiting tops were forwarded to PNP Crime Laboratory for examination. The other pieces of evidence are in the custody of Quezon PPO for proper disposition. Cadaver of the suspect was claimed by his relatives at Lucena United Doctor’s Hospital after it was subjected to paraffin examination and autopsy.
Follow-up investigation is still being conducted to locate the other suspect and their cohorts.








Mt. Banahaw, sarado pa rin sa publiko


Lucban, Quezon – Muling dinagdagan ng panibagong tatlong (3) taong pagkakasara ang ipinasa ng Protected Area Management Board (PAMB) para sa ng Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape sa kanilang pagpupulong na ginanap sa Southern Luzon State University (SLSU) sa bayang ito kamakailan.

Ngayong 2009 ay ang ika-limang taong pagkakasara ng Mt. Banahaw simula nang ito ay ipasara noong Marso 9, 2004 sa pamamagitan ng PAMB Resolution No. 2004-0001. Pinakamabigat na dahilan kung bakit isinara ang Bundok Banahaw ay ang pagka-diskubre ng mga experto na ang inuming tubig na nanggagaling dito ay kontaminado na ng coliform bacteria o bakteryang nagmumula sa dumi ng tao at dala na rin ng basurang naiiwan ng mga dumadayo rito tuwing panahon ng semana santa.

Sa pag-aaral ng PAMB, kanilang napag-alaman hindi pa handa ang Bundok Banahaw upang muling akyatin ng mga tao. Kung kaya’t ang pagpapalawig ng moratorium ang kanilang inerekomenda para mas higit na maprotektahan ang pagkasira ng bundok.

Inihahanda pa rin ng PAMB ang management plan nito para sa paggamit sa mga lugar na idineklarang strict protected zone at multiple-use zone at ang kaukulang carrying capacity sa dalawang bundok.

Matatandaan na noong taong 2006, sa ika-dalawang taong pagkakasara nito ay nai-dokumento ng Tanggol Kalikasan ang pagkakaroon ng “rafflesia” na sinasabing pinakamalaking bulaklak sa buong mundo kaalinsabay nito ay ang muling panunumbalik ng tubig sa Cristalino Falls.

Ang Mt. Banahaw ay tanyag sa pagiging mystical nito na dinarayo ng mga tao tuwing semana santa./Lito M. Giron, PIA-Quezon





DPWH- Quezon holds jobs fair

LUCENA CITY---The Quezon 4th Engineering District Office based here will start holding a massive jobs fair on Monday, February 23.

District Engineer Ronnel Tan said the jobs fair which will be launched simultaneously by the Department of Public Works and Highways (DPWH) nationwide aims to provide employment to displaced or affected workers due to the current global crisis.

"This is timely and a very good opportunity for our skilled or unskilled workers here and abroad who are now jobless as initial result of the worldwide recession", said Tan.

According to Tan, Quezon has thousands of jobless residents even before the occurence of global crisis, and that the jobs fair will definitely help to reduce the percentage of unemployment in the province enspecially in the 4th district.

"We were told by our regional director, Engr. Bonifacio Seguit to see to it that those qualified applicants will be accomodated and hired properly", said Tan.

Starting at 8:00 a.m., job seekers particularly those in the construction field may file their application at more than 30 booths of contructors at the DPWH grounds, he said.

He said in this big job generation spearhead by the DPWH, the agency is in partnership with the Department of Labor and Employment (DOLE), the National Contractors Association of the Philippines (NACAP) and the Philippine Constuction Association (PCA).

Among the positions offered are for civil engineers, foremen, masons, carpenters, heavy equipment operators and surveyors, he said.

In the past years hundreds of youths were already employed by the 4th Engineering District office under the Task Force OYSTER (Out of School Youths Serving Toward Economic Recovery). (GEMI FORMARAN)





DOLE, nagsagawa ng job fair

SARIAYA, QUEZON – Upang maibsan ang problema sa pagkawala ng trabaho dito sa Quezon, nagsagawa ang Department of Labor & Employment (DOLE) Region IV-A ng 2nd CALABARZON Job Fair Caravan na ginanap sa bayang ito kamakailan kung saan ay mahigit na ilang libo OFWs na nawalan ng trabaho at job seekers ang nag-apply dito na isa sa programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Lubos ang katuwaan ni Sariaya Mayor Rosauro Masilang dahilan sa marami sa kanyang mga kababayan ang mabibiyayaan at matutulungan na mabigyan ng hanapbuhay. Ang ganitong uri ng gawain ay napapanahon sa kasalukuyan dahil sa maraming mga tao ang nawalan ng trabaho dahilan sa pandaigdigang krisis, dagdag pa ni Mayor Masilang.

Sinabi naman ni DOLE Usec Marianito Roque na may epekto ang pandaigdigang krisis sa mga magsasaka ng niyog kung kaya’t kanilang pinulong ang sektor na ito upang bigyan ng solusyon ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka at para matulungan din ang industriya ng pagniniyugan.

Ayon kay DOLE Provincial Director Virgilio Magsino, na patuloy na nagsasagawa ng livelihood training ang DOLE dito sa Quezon upang matugunan ang problema ng kawalan sa trabaho.

Ilan sa mga programang ito ay ang passion fruit and vegetable grower na ang beneficiary ay ang Marketing Association of Lucban na kung saan ay pinagkalooban nila ng P480,000 para mapalawak pa ang kanilang negsoyo.

Mahigit namang P1 milyon ang ipinagkaloob sa sektor ng mag-ta-tricyle at magsasaka upang magamit nila sa alternatibong hanapbuhay. Ang Small Farmers Association sa bayan ng Agdangan ay napagkalooban ng P100,000, samantala P98,320 ang ipnagkaloob sa Municipal Agriculture and Fishery Council sa bayan ng Catanauan.

Sa bayan ng Guinyangan, Quezon, ang Farmers Club Multi-Purpose Cooperative ay pinagkalooban ng P99,157.48; P634,315 naman ang ipinagkaloob sa Unlad Quezon Foundation, Inc. at ang Arbismen Sipag-Tiaga Multi-Purpose Cooperative ay napagkalooban ng P164,600.

Sinabi ni Dir. Magsino na patuloy nilang sinusubaybayan ang mga grupong ito upang masiguro na sa tamang paraan ginagamit ang perang kanilang ipinagkaloob sa mga samahang ito./Lito M. Giron, PIA-Quezon

Pagdedeklara kong magpresidente -biro lang Escudero
Ni Jet Claveria

Ipinahayag ni Senador Chiz Escudero na isang biro lamang ang kaniyang pagdedeklara sa kaniyang paglaban sa pagka presidente ng bansa sa taong 2010.

Ito ang kanyang sinabi nang siyay magtungo sa Marinduque State College kamakailan kung saan ang kaniyang sinasabi ay isang biro lamang sa mga kabataan sa nasabing eskwelahan.


Ito’y naging taliwas naman sa kaniyang ipinahayag sa lalawigan ng Quezon na ang pinal niyang pagsasalita sa umuugong na kandidatura ay sa darating pang buwan ng Oktubre kung saan sasapit ang kaniyang ika-40 taong kaarawan.


Binigyang diin nito sa harap ng mahigit n na isang isang libong estudyante na ang kaniyang pagdalaw sa mga probinsya ay hindi “politicking “ kundi bilang bahagi ng konsultasyon sa kanyang mga constituents.

Hindi niya binanggit dito ang kanyang planong pagkandidato bilang presidente ng bansa sa taong 2010 ngunit tinanong nito ang mga estudyante kung ano ang criteria na kanilang pipiliin sa mga kandidato.Dapat aniyay ang piliin ay ang mga batang kumakandidato sa posisyon na tumutungkol naman sa kaniya.

Subalit bigla nitong binawi na isang biro lamang ang kaniyang sinasabing kakandidato siya sa darating na pampanguluhang election.


Katulad ng kanyang sinabi ng magtungo siya sa lalawigan ng Quezon,kung pipiliin ng mga botante kung sinong iboboto mas mainam na ang bata at dahil nakatitiyak ng pagbabago sa bansa.




Dahil sa patuloy na pangangalaga sa karagatan
Pawikan, Dumagsa sa Gasan
Ni Jun Melendez



Dinagsa ng mga pawikan ang Brgy. Masita Sitio Quatis sa bayan ng Gasan sa Marinduque

Sinabi ni Brgy. Kagawad Rodel Saludo ,madalas na nilang nakikita ang mga nasabing pawikan na namamasyal sa kanilang lugar at pinababayaan lamang nila.

At silay lubos na nasiyahan sapagkat hindi nila akalain na napakarami na pala ng mga ito at ginawang parang tahanan na ang nasabing barangay ayon naman kay kagawad Jaime Sadicon at Elizadro Seño.

Napag-alaman na mahigit ng 20 taon nakikita ang mga pawikan na nagsimula sa bilang na 50 na umaalis din ang mga ito matapos na makapangitlog Ngayon ay nagkaroon na ng parang hukay ang mga pawikan kung saan dito na ang mga ito nangingitlog at naninirahan.

Ayon kay Saludo ang nasabing pawikan ay may habang 35 inches at may lapad na 20inches.

Aniya, bilang opisyales ng brgy. agad nilang ipinaaalam sa tanggapan ng DENR ang nasabing pagdagsa ng pawikan upang malagyan ng ng tag o ng plate ang mga ito at agad ito pinapawalan muli sa karagatan. Ayon pa sa mga dalubhasa at mga eksperto sa ganitong pag-aaral ang mga pawikan ay bumabalik sa lugar na kanilag pinagsilangan at pinagmulan matapos ang dalawampu’t limang taon sa kanilang pakikibaka sa ilalim ng dagat. At sa pamamagitan ng bituin sa langit at talas ng kanilang pag-iisip at pakiramdam, natutunton nila ang tamang daan pabalik sa lupang kanilang sinilangan.
Kaugnay nito nagsilbi namang mabubuting pastol sina G. Henry Sumo, G. Gerardo Olivar ,mga opisyal ng barangay Masiga pamumuno ni Kgg. Eden Sadicon, Kgwd. Lolita Natal ng committee on Environment Chairman,Mayor ng Gasan Vicky Lao Lim at ang mga DENR-PENRO.
Mahigpit na ipinagbabawal sa Marinduque ang pagpatay sa mga pawikan at kaagad nilang ipinaalam sa mga kinauukulan kung mayroong lumalabag sa kanilang kautusan.
Kaya naman sa pagmamalasakit ng mga mamamayan sa yamang dagat ay lagi silang naglilinis sa mga coastal area upang mawala ang mga basura na itinatapon ng mga taong hindi nagmamalasakit sa karagatan.

Nagpakuha ng souviner photo kina Spokesman United Opposition Adel Tamano ,dating Vice Gov. Ricky Recto at Quezon Gov. Raffy Nantes sina (mula sa kaliwa) Darcie de Galicia DZRH, QMWD Director Billy Andal,Adel Tamano,Economic Enterpise Oscar Bunyi,Gov. Raffy Nantes, Ricky Recto at Editor In chief Jet Claveria ng magtungo ang oposisyon sa Quezon. Please read....

new news

Cong. Alcala, namahagi ng truck
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Ikinasiya ng mga mamamayan ng may tatlong (3) barangay sa Tiaong, Quezon ang ginawang pagkakaloob kamakailan ng Kongresista ng Ikalawang Distrito ng lalawigan ng may tatlong (3) mini-truck.
Malugod na tinanggap nina Kapitan Cesar A. Pesigan ng Bulihan, Kapitan Santo G. Roales ng Del Valle at Kapitan Gerardo M. Quita ng Sampaga ang tig-iisang truck para sa kani-kanilang barangay mula kay Cong. Procy Alcala.
Ayon sa nasabing mga opisyal, patuloy silang nakakatanggap ng mga proyekto sa Kongresista kung saan pinakikinabangan naman ito ng lubos ng kanilang mga kabarangay.
Pinatunayan din ng mga ito na si Alcala ay madalas na nagtutungo sa kanilang lugar at patuloy na nagdadala ng iba’t-ibang programa at proyekto.
Ang nasabing mga truck ay ipinagkaloob ni Cong. Alcala kasabay ng isinagawang Medical & Dental Mission sa covered court ng nasabing bayan gayundin ng kaarawan mismo ni Mayor Aniano Wagan, Jr.
Paliwanag nito sa isang panayam, sa halip na ang alkalde ang kanyang regaluhan, mas mainam aniyang sa mga mamamayan upang mapakinabangan ng mga ito ng direkta ang tulong ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Mayor Wagan na madalas silang bigyan ng proyekto ng kanilang Kongresista.
Mismong ang pamahalaang lokal ng San Antonio ang bumili ng nasabing mga truck na ang pondo ay mula naman sa ipinagkaloob ng Kongresista na budget galing sa kanyang PDAF o Public Development Assistance Fund.
Tiniyak naman ni Cong. Alcala na marami pa siyang ipagkakaloob na proyekto sa bayang ito bilang bahagi ng kanyang maayos na pagseserbisyo sa mga mamamayan na patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Reaksyon sa mga batikos na pangako lamang ang ginagawa
Tinutupad ko anumang ipinangako ko - Kon. Brizuela
Mga proyektong pinakikinabangan na ngayon ng mga mamamayang Lucenahin ang makakapagpatunay na may mga naipagkaloob na at naipatupad ang isa sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula pa noong siya ay naghangad na mamuno dito.
Binigyang-diin ni Konsehal Benny Brizuela na bukod tanging siya lamang ang konsehal na hindi kumukuha ng buwanang suweldo bilang opisyal ng pamahalaan bagkus tinutumbasan pa niya ito at ipinagkakaloob sa BENITO J. BRIZUELA Foundation, Inc. upang magamit namang pondo para sa iba’t-ibang proyekto at sa katuparan na rin ng kanyang mga ipinangako noong siya ay kumakandidato pa lamang.
Isang halimbawa na dito ay ang ginawang pagkakaloob ng ilang gamit sa Barber Shop sa ilang barangay sa lungsod bilang kanyang tulong sa pangkabuhayan sa mga tao gayundin ang Scholarship Program para sa ilang kabataan na matatalino ngunit walang kakayahan ang mga magulang na makapagpaaral ng kanilang mga anak dahil sa kawalan ng sapat na salapi.
Sa pamamagitan din ni Brizuela, isinusulong ngayon ng BJB Foundation, Inc. ang pagkakaroon ng Botika sa Barangay para sa murang gamot na mabibili ng mga tao. Naniniwala ang opisyal na makakatulong ito ng malaki lalo na sa mga mahihirap na pamilyang walang kakayanang bumili ng gamot sa mga kilalang botika.
Ayon sa nakararami, ang nasabing opisyal ay marami ng naitulong sa mga Lucenahin simula noong mag-umpisa itong manungkulan.
“Tinutupad ko lamang sa taumbayan anumang ipinangako ko noong eleksyon”, paliwanag naman ni Brizuela.
Sa kabila ng mga serbisyong naipagkakaloob ng opisyal, may mga kumakalat pa ring pagpuna dito tulad ng reklamo umano ng ilang taga-Barangay Gulang-Gulang na hindi tinupad ang pagkakaloob ng school classrooms sa isang paaralan dito.
Paliwanag naman ni Brizuela, wala siyang natatandaan na anumang ipinangako na magkakaloob siya ng classrooms o building sa alinmang eskuwelahan sa lungsod sapagkat ito aniya ay proyekto na ng isang alkalde.
Wala rin umano siyang natatandaan na humiling sa kanya ng tulad ng nabanggit kung kaya naniniwala itong ito’y pawang paninira lamang sa kanya.


Please read....