Saturday, May 30, 2009

news news news

Kon. Brizuela, nagtataguyod ng Scholarship Program
nina Lyn Tutorat King Formaran
Dahil naniniwala sa kakayahan ng bawat kabataan partikular na ng mga nagmula sa maralitang pamilya ngunit may angking talino, patuloy na itinataguyod ngayon ng isang miyembro ng Sangguniang Panglunsod ang Scholarship Program.
Sa panayam ng programang Punto por Punto sa himpilan ng DZAT (napapakinggan tuwing Sabado, alas 8-9 ng umaga), sinabi ni Brizuela na patuloy na dumarami ang bilang ng mga nabibiyayaan ng Scholarship Program na pangunahing programa ng Benito J. Brizuela Development & Foundation, Inc.

Ipinaliwanag ng opisyal na batid umano niya ang hirap ng isang pamilya laluna kung may anak na kailangang makapagtapos ng pag-aaral kaya’t isa sa kanyang prayoridad ay ang matulungan ang mga ito.
Isa sa requirements upang mapabilang, ayon sa konsehal ay kailangang hindi bababa ang marka sa 85% nang sa gayon aniya ay matiyak na sulit ang suporta na ibinibigay sa mga ito at mula talaga sa mahirap na pamilya na kailangan ng suporta ng mga sibikong samahan.

Mindoro troopers clashed NPA in a fierce gun battle
By Lyn Tutor and King Formaran
Camp Gen Mateo Capinpin, Tanay Rizal- Elements of 80th Infantry Battalion under Lt.Col. Alden Juan C Masagka encountered a band of ten (10) NPA rebels yesterday, May 23, 2009 about 5:30 in the morning at Sitio Tugas Brgy Tangkalan, Mamburao, Occidental Mindoro.
The firefight resulted to one (1) NPA killed, seizure of One (1) M16 Rifle, One (1) homemade shotgun, two (2) laptops, six (6) cell phones and one (1) Icom radio. One (1) civilian was wounded during the encounter and was immediately evacuated to Mamburao Hospital.
The information of the NPA’s location was tipped by a concern civilian in the area. Allegedly, the NPA are doing their mass works to entice new recruits to fill up their depleted ranks. As of the moment, the killed NPA is identified KA ASERO and he is the platoon leader of platoon 2 of the NPA’s ISLACOM Mindoro. The wounded civilian is in a stable condition and recuperating at Mamburao Hospital.
A hot pursuit operation is currently underway to track the fleeing rebels.

Isang paghamon sa bagong assignment
Husay ni Lt.Col. Valencia, masusubukan
nina Lyn Tutor at King Formaran
Positibong tinanggap ng bagong namumuno sa Army’s 76th Infantry (VICTRIX) Battalion ng Phil. Army ang paghamon sa kanyang kakayahan ng mga nakatataas sa kanya gayundin ng bawat mamamayan kung paano niya pamamahalaan ng maayos at mapayapa ang ilang bayang sakop ng Bondoc Peninsula gayundin ang Ikaapat na Distrito ng lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Lt,.Col. Cornelio Valencia, Jr., maituturing na isang hamon sa kanyang kakayahan ang bagong assignment na ipinagkatiwala sa kanya ng 2nd Infantry Division. Nangako ito na kanyang pagsusumikapan na magampanan ang inaasahan ng bawat isa sa kanya at ipagpapatuloy ang anumang magagandang prorama na ipinatupad ng kanyang pinalitan na si Lt.Col. Rommel Tello.
Sa nakalipas na Change of Command Ceremony na ginanap mismo sa base ng Army’s 76th IB sa Villa Principe, Gumaca, Quezon, hinikayat ni 2nd ID Commander MGen. Rholand Detabali si Valencia na gawin at ipagpatuloy ang mga magagandang serbisyo na ipinagkaloob noon ni Lt.Col. Tello sa bawat mamamayan dahil napatunayan aniyang kaya ng sundalo na magwagi hindi lamang sa bawat laban na kanilang sinasagupa kundi maging sa puso ng mga tao.
Binigyang-diin ni Detabali na dapat ipagpatuloy ng Army’s 76th IB ang pagtulong sa bawat tao laluna sa panahon ng pangangailangan ng mga ito. Mahalaga aniyang maipakita ng kasundaluhan na malaki ang kanilang malasakit sa kapakanan at ikabubuti ng bawat isa.
Ang paghamon na ito ng opisyal kay Valencia ay kaugnay ng mga inaning papuri ni Lt.Col. Tello noon mula sa mga lokal na opisyal, bumubuo ng mga Non-Government Organizations at iba pang mga samahan. Sa panahon ng huli, nagapi din nito ang ilang Guerrilla Front Committee sa kanilang AOR kung kaya’t marami ang nagsasabing mahusay itong opisyal.
Kaugnay nito, hiniling ni Lt.Col. Valencia sa kanyang pahayag sa harap ng mga dumalo sa ginanap na turn-over ceremony na suportahan din ang kanyang gagawing pamamahala at tulungan siya na maisakatuparan ang mga magaganda pang programa para sa kanilang AOR.

Programang pansakahan ni Gov. Nantes, epektibo
nina Babes Mancia at Edgar B
Isinusulong na programang pansakahan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ng gobernador dito na ipinagkakaloob sa bawat magsasaka sa may apat na distritong nasasakop nito.
Isang patunay dito ay ang inihilera at ipinakitang produkto ng bawat bayan sa nakalipas na Quezon Harvest Festival na ginanap sa may Perez Park ng lungsod ng Lucena kamakailan.
Ang nasabing Quezon Harvest Festival ay taun-taon na ipinagdiriwang upang maipakita ng bawat bayan na malaki ang iniuunlad ng kani-kanilang bayan sa larangan ng arikultura at pangisdaan.
Ayon kay Mr Domingo J. Mamasig, Provincial Agriculturist na ito’y bunsod ng kampanya ni Governor Raffy P. Nantes na mapaunlad ang agrikultura ng lalawigan.
Sinabi naman ng gobernador sa harap ng mga dumalo at nakiisa sa nasabing Quezon Harvest Festival na nalalapit na ang katuparan ng kanyang pangarap sa Quezon na maging food basket hindi lamang sa buong CALABARZON kundi pati na din sa buong bansa.
Naniniwala umano siya na sa tulong ng National Government at aktibong pakikiisa ng bawat bayan, ng mga Local Government Units (LGUs), at sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ay madali iton maisasakatuparan.
Kasabay nito, pinasalamatan din ng gobernador ang pamahalaang nasyunal sa mga ipinagkaloob na farm equipment na ipinamahagi naman sa bawat bayan ng lalawigan na inaasahang makakatulong ng malaki sa mga magsasaka.
Kaugnaya nito, nangako naman si Mamasig na sisikapin ng kanyang tanggapan na matulungan ang mga magsasaka na mas mapaunlad pa ang kanilang sinasaka gayundin sa pangisdaan upang matugunan ng mga ito ang kani-kanilang pangangailangan at malampasan ang nagbabantang krisis sa pamumuhay.
Kasabay ng okasyon ay ang ginanap na patimpalak sa mga dumalo sa naturang festival kung saan nahirang na may Biggest Delegation ay ang Plaridel, Quezon (nearest) at ang bayan ng Guinyangan sa kategorya ng pinakamalayo. Nakopo naman ng Guinyangan ang Farm Family Costume Award, pumangalawa ang Dolores at pumangatlo ang Gumaca, Quezon.
Nahirang naman na Best Baluarte ay ang Mauban, Quezon at nagwagi sa Rice Cooking Demo ay ang Pagbilao, pumangalawa ang Guinyangan at Third Prize ang bayan ng Atimonan. Tumanggap naman ng Consolatipon Prizes ang mga bayan ng Tayabas at Mauban sa nasabing kategorya.
Sa kategoryang Talentadong Magsasaka, nagwagi ang Lucban, pumangalawa ang Gumaca at pumangatlo ang San Francisco, Quezon.
Nanalo naman ang Real, Quezon ng First Prize sa Youth Poster Making Contest, pumangalawa ang Mauban at Sampaloc, Quezon ang pumangatlo. Pinagkalooban naman ng Consolation Prizes ang Mulanay at Guinyangan, Quezon.
Nagwagi naman ng First Prize sa Quiz Bee Competition ang Lucbam Quezon, pumangalawa ang Guinyangan at Third Prize ang Pagbilao, Quezon.
Samantala, nagwagi din ang bayan ng Padre Burgos sa Patinikan Contest, pumangalawa ang Agdangan at pumangatlo ang Atimonan, Quezon.
Ang bayan ng Mauban na pinamamahalaan ni Mayor Rex P. Bantayan ang nagwagi naman sa PINAKA Contest sa tilapia, bangus, talong, kalabasa at lakatan. Kabilang din sila sa nahirang bilang may pinakamagandang booth, gayundin ang Guinyangan at Perez, Quezon.

Magsasaka sa Segunda Distrito, umaasenso
nina Lyn tutor at King Formaran
Umaangat ngayon ang pamumuhay ng bawat pamilyang magsasaka na naninirahan sa mga bayang sakop ng Ikalawang Distrito ng Quezon Province dahil na rin sa walang sawang pag-agapay at pagsuporta sa kanila ng tanggapan ng Kongresista dito.
Sa ilalim ng programang pansakahan ni Cong. Proceso “Procy” J. Alcala, tinutulungan nito ang mga magsasaka na matutunan ang mga tamang pamamaraan at gawain sa pagpili ng akmang pananim na gulay at iba pa sa kanilang pag-aaring lupa at nagpapahiram din ng puhunang salapi para magamit sa pag-uumpisa ng kanilang pagsasaka.
Ipinaliwanag ng Kongresista na mahalagang may edukasyon ang bawat magsasaka hinggil sa tamang pagtatanim nang sa gayon aniya ay hindi masayang ang pagod, salapi at oras ng mga ito.
Sa kasalukuyan, ang tanggapan ni Alcala ay nagkakaloob ng mga pagsasanay sa bawat interesadong magsasaka sa suporta na rin ng iba’t-ibang samahan na may malaking puso sa mga magsasaka.
Nasisiyahan umano siya sa bawat tagumpay ng kuwento ng bawat magsasaka na kanyang naririnig kaya’t patuloy niyang tinutulungan ang mga ito. Sa maliit na halagang puhunan ng mga ito, ilan aniya ay nakapagpatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak, lumaki ang negosyo at nadagdagan ang pag-aaring lupain, nakabili ng mga inaalagaang hayop at iba pa.

CHAMI EATING CONTEST-PASAYAHAN LUCENA




Please read....CHAMI EATING CONTEST:Naging makulay at Masaya ang isinagawang chami eating contest bilang isa sa mga naging bahagi ng Pasayahan sa Lucena.Kabilang ang National Union Journalist of the Philippines Quezon Chapter sa mga lumahok sa nasabing pacontest. Chona Reglos

quezon news

Please read....CSWDO, tuloy sa pagkalinga sa kabataan
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Patuloy na ginagabayan ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO) ang mga kabataan na nasa Reception and Action Center (RAC) sa Zaballero Subd. Lucena,City .
Ito’y bilang pagtugon sa kanilang responsibilidad sa komunidad lalo’t higit sa mga musmos at kabataang inabandona ng kanilang mga magulang.
Tiniyak ni Mrs. Lulu Ruanto, CSWD Officer na iminumulat nila ang mga kabataan sa magandang asal. Itinuturo sa mga ito ang mga wasto at dapat nilang maging kilos at lumaking may takot sa Diyos, paggalang sa kapwa at sa mga nakatatanda.
Bagama’t aminado si Ruanto na mahirap ang papel na nakaatang sa kanila, ginagampanan nila ang lahat ng ito dahil sila mismo ay naniniwalang may pag-asa ang mga kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay , kailangan lamang umano ay maituwid ang mga ito .
Ang RAC, ay isang tahanan para sa mga batang walang magulang, sa mga batang kalye ang naging lansangan at sa mga batang napariwara ang buhay dahil sa masamang bisyo at bunga ng pagkakaroon ng masamang barkada.
Sa RAC aniya, binibihisan ang mga ito, nakakapag-aral at kumakain ng maayos sa tulong na rin ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr., ilang personalidad at mga may mabubuting loob na tumutulong sa araw-araw na pangangailangan ng nasabing tahanan.

Turismo sa Mauban, umaangat
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Malaki ang paniniwala ni Mayor Rex P. Bantayan na higit na tumanyag ang kanilang bayan dahilan sa pagpapakilala sa publiko ng mga produktong kanilang ipinagmamalaki tulad ng Nipanog. Ang Nipanog ay alak na mula sa sasa o nipa na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito.
Sinabi ng alkalde na buo ang suporta ng pamahalaang bayan sa mga gumagawa ng Nipanog. Sa katunayan aniya, ang nakalipas na pagdiriwang ng Maubanog Festival na pinuri ni Governor Raffy P. Nantes ay malaki ang naitutulong upang hanapin ng karamihan at maging interesado sa produkto nilang Nipanog.


Quezon Harvest Festival, matagumpay
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Matagumpay na ipinagdiwang ang Quezon Harvest Festival kamakailan sa lalawigan ng Quezon na dinaluhan ng mga magsasaka mula sa iba’t-ibang bayan gayundin ng mga Local Government Units (LGUs) at mga namumuno dito.
Malaki ang paniniwala ni Governor Raffy P. Nantes na isang sukatan din ito upang matiyak kung ang mga magsasaka ay natutulungan ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang ikinabubuhay laluna sa paglago nito.
Binigyang-diin ng gobernador na kayang-kaya ng mga taga-Quezon na manguna sa mga lalawigang sakop ng CALABARZON sa aspeto ng pagsasaka. Kailangan lamang aniya ay sipag, tiyaga at pagtutulungan ng bawat isa.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng kahandaan si Mr. Domingo J. Mamasig, Provincial Agriculturist na tutulungan ng kanilang tanggapan ang mga magsasaka upang mas mapaunlad pa ng mga ito ang kanilang sinasaka gayundin sa pangisdaan upang matugunan ng mga ito ang kani-kanilang pangangailangan.
Kasabay ng Quezon Harvest Festival, ipinagkaloob ni Nantes ang ilang farm equipment sa bawat bayan sa Quezon na magagamit ng mga magsasaka sa pagpapayabong ng kanilang sakahan.
Please read....JETLINE
NI Jet claveria

Public School CR
Hindi lamang mga classrooms, electric fan at mga libro ang tiyak na magiging problema sa isang public school, maging ang kubeta o comfort room ng mga mag-aaral.
Ito ang madalas na maging reklamo ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.Paano nga naman sila makapagconcentrate sa mga itinuturo sa klase kung mayroon silang nararamdaman na tawag ng kalikasan subalit wala naman silang mapuntahan.
Mabuti kung ang mga mag-aaral ay malapit lamang ang kanilang bahay at magtitiis ang mga ito hanggang recess at saka tatakbo sa kanila upang gumamit ng CR.
Paano kung malayo ang bahay at ihing-ihi na o naeebak, san sila pupunta?
Tapos laging may babala ang Department of Health na maghugas ng kamay ang mga estudyante pagkagaling sa kubeta.Eh,paano sila makakapaghugas ng kamay kung hindi naman makagamit ng comfort rooms.
Dapat ay isa ito sa mga napagtutuunan ng Parents Teachers Association dahil nakakaawa naman ang mga batang mag-aaral.
Alam natin kung gaano kasidhi ang hangarin ng pamahalaan na mapataas ang antas ng edukasyon sa bansa .
Sa Quezon alam natin na si governor Raffy Nantes ay ito rin ang nais na mangyari sa mga mag-aaral na Quezonian.Ang mapataas ang edukasyon kaya naman patuloy ang kaniyang mga programa hinggil sa edukasyon.
Patuloy ang kaniyang pagbibigay ng mga classrooms sa mga pampublikong paaralan.
Kaya sana naman sa bawat classrooms ay mayroon ding mga comfort rooms na pinagagamit sa mga estudyante.

Marami kasing nagsusumbong sa Jetline na mayroong kubeta sa loob ng classrooms subalit hindi naman ito pinagagamit dahil katwiran dawn g mga guro ay magdudumi ito at nakakahiya kapag mayroong naging bisita.

Ang katwiran naman ng iba ay walang tubig kaya hindi maipagamit.

Marahil ay marapat din na magkaroon ng masaganang tubig ang bawat eskwelahan upang magkaroon naman ng katuturan ang sinasabi ng DOH patungkol sa kalinisan atkalusugan ng mga mag-aaral.

Kelan pa kaya kikilos kapag mayroon ng mga nagkasakit .
Lalo ngayon na mayroon ng mga kaso ng Swine flu.

PASAYAHAN SA LUCENA
Naging masaya nga ba ang mga taga Lucena sa kanilang mga napanood sa panahon ng Pasayahan?
Syempre mayroong nasiyahan at mayroon din namang hindi.Hindi naman panay papuri ang maririnig sa mga nakasaksi sa isinagawang Pasayahan.Depende sa kanilang nasaksihan .
Pero ang mahalaga don kahit hindi palangiti ang chairperson ng Pasayahan ay mayroong magandang kahahantungan ang matitirang pondo
nito. Kumbaga mayroong makikinabang.

Kunsabagay may mga tao naman talaga maganda ang layunin subalit pilit na sisirain dahil lamang sa pansariling interest.
Masuwerte ang Hermana Fausta Elementary School na nasa Silangang Mayao dahil sila ang napiling benipisyaryo ng Pasayahan.
Kawawa pala ang mga estudyante rito dahil kulang na kulang sila sa kanilang classrooms.
Mabuti naman at sinundan ni Mr. Rholand Roxas ang mga magagandang adhikain ni James Cooper na naging chairperson din Pasayahan.
Ngayon pa lang ,tiyak na matutuwa ang mga magulang at mga estudyante ng nasabing eskwelahan dahil sila ang napili na tulungan.
MGA SCHOLAR SA SM
Lubos na nasisiyahan ang Jetline kapag ang nakikita at naririnig ay panay pagtulong sa kapwa.
Salamat at mayroon pa ring mga foundation na prayoridad pa rin ang kinabukasan ng mga kabataan.
Ito ang layunin ng SMFI,at katuwaan na ng pamilya ni Mr Henry S yang tulungan ang mga kabataan na maiakyat sa nais nilang akyating tagumpay.Inaalalayan sa paghakbang upang hindi mahulog sa hagdanan na kanilang ibinigay .
Kaya naman ang mga magulang ng mga estudyanteng napagtapos ng SMFI ay lumuluha sa kagalakan sa kanilang walang hanggang pasasalamat sa malaking tulong na ibinigay sa kanilang mga anak.