PAALAM KA ERDY: Iba’t ibang uri at desenyo ng naggagandahang bulaklak ang makikita sa bulwagan ng Templo Central sa Diliman Quezon City .Ito’y bilang pagkilala at pagmamahal ng mga kaibigan kaanib man o hindi sa Iglesia ni Cristo na nakidalamhati sa pagyao ni Ka Eraño G. Manalo Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC sa buong mundo.Si Ka Erdy ang itinuturing na isang tunay na lider kung saan napamahalaan niyang mabuti ang kalipunan ng mga miyembro ng INC sa 90 Kontinente ng daigdig sa loob ng 46 na taon.Ang tinaguriang Sugo ng Dios ay pinagpahinga na sa edad na 84. Jet Claveria
onblur="try {parent.deselectBloggerImageGracefully();} catch(e) {}" href="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgArhyXKzRbX4lZhSfhyphenhyphenB6vuoQ2-DScec8cFmAB5kN7ajdnBEwNEwBefeg71RPKFboK8zTQetIp-E1MRMXUiNFnKqUxd6h0u9gbsLTTTKaBYbJqTaDOkhk6X8SMtycdDV145NpGYta0aKU/s1600-h/soya+ni+jet+066.jpg">
Please read....
Saturday, September 5, 2009
newsSeptember 7-13/09
Please read...
.Sa naganap na aksidente na ikinamatay ng 9 at ikinasugat ng 40 iba
DPWH, kumpleto ang warning signs – Engr. Racelis
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Sinisikap ng pamunuan ng Quezon 2nd District Engineering Office na maisaayos ang mga pangunahing lansangan sa may limang bayan at isang lungsod na sakop ng kanilang tanggapan gayundin tinitiyak ng mga ito na kumpleto ang inilalagay nilang warning devices upang maiwasan ang aksidente.
Ito ang ipinahayag ni Engr. Willy Racelis, Maintence Division Chief ng Quezon 2nd DEO. Sa panayam ng programang Punto por Punto na napapakinggan tuwing Sabado, alas-8 hanggang alas-9 ng umaga sa DZAT, sinabi nito na hindi nagpapabaya ang kanilang tanggapan sa mga dapat nilang ilagay na warning signs o paalaala sa mga motorista nang sa gayon ay maiiwas ang mga ito sa aksidente.
Binanggit pa na may kaukulan silang budget para sa mga warning devices na inilalagay sa mga accident prone areas. Ito aniya ang nagsisilbing babala sa mga drivers kung kailangan ng mga ito na magdahan-dahan sa pagmamaneho.
Ipinaliwanag pa nito na sa bawat asphalting project nila ay may kasama din itong budget para sa paglalagay ng mga luminous marker o anumang tanda na magbibigay babala sa mga driver ng tamang pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.
Bawat daang aspaltado aniya sa Segunda distrito ay may mga luminous marker na nakalagay ngunit ang nakakalungkot lamang, ayon kay Racelis ay kinukuha o ninanakaw ito ng ibang tao kaya’t kahit anong pagsisikap ng kanilang tanggapan ay nawawala din ito.
Dahil dito, nanawagan si Racelis sa bawat mamamayan na bantayan ang proyekto ng kanilang tanggapan hindi lamang para sa mga taga-DPWH kundi para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Racelis na madalas din umano sila na nagsasagawa ng inspeksyon kaya’t anumang ‘di magandang bahagi ng lansangan ay kaagad nilang naisasaayos.
ABS-CBN Medical Mission, kaisa ang TF Lucena
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Tinatayang mahigit sa 500 mamamayang residente ng Barangay Dalahican sa lungsod ng Lucena ang nabiyayaan ng programang Medical and Dental Mission na itinaguyod ng ABS-CBN katuwang ang Southern Luzon Command (SOLCOM), Task Force Lucena at City Health Office dito.
Ang nasabing libreng gamutan ay kaugnay ng pormal na pag-uumpisa sa buong Rehiyong Apat ng mga programa ng nasabing TV network na tinawag na TV Patrol Southern Tagalog ng ABS-CBN Regional Network’s Group ng makabagong programa ng pagbabalita na sumasakop sa CALABARZON at MIMAROPA tungkol sa pulitika, serbisyo publiko, entertainment at marami pang iba.
Kasabay ng nasabing gawain, nagsagawa din ng Milk Feeding Program para sa mga undernourished na bata sa nasabing barangay kaugnay ng programang Kalusugan Patrol ng ABS-CBN.
Nasisiyahan namang ipinahayag ni Col. Narciso R Alamag, Task Force Lucena Commander at Army’s 201st Deputy BDE Comdr na isa ang kanilang tanggapan sa nakakatuwang sa ganitong makabuluhang gawain.
Maliban dito, ang Task Force Lucena ay nakatuwang na ng iba’t-ibang sibikong samahan sa lungsod sa mga ginanap na Medical & Dental Mission tulad ng Pugad Lawin.
Dahil dito, nasisiyahan si Lt. Gen. Delfin Natividad Bangit, Commanding General ng Philippine Army sa serbisyong ipinagkakaloob ng Task Force Lucena sa mga mamamayan. Ayon sa opisyal, pinatunayan ng bumubuo ng TF Lucena na ang sundalo ay makatao, maka-Diyos,responsable at sandigan ng mamamayan sa lahat ng pagkakataon.
Cong. Alcala, nakipag-ugnayan sa PNP
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Dahil sa paniniwalang higit na mareresolbahan ang problema at mga pangangailangan ng hanay ng kapulisan sa mga lugar na sumasakop sa buong Segunda Distrito ng Quezon Province, nakipag-ugnayan ang Kinatawan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dito kamakailan sa isang ginanap na dayalogo.
Ayon kay Cong. Procy Alcala, nais niyang mabatid at marinig mismo sa mga Chief of Police at ilang pulis ang pangangailangan ng mga ito at kung ano ang posibleng maitulong ng kanyang tanggapan para sa higit na ikapagtatagumpay ng kampanya ng PNP sa kanyang distritong nasasakupan.
Malaki ang tiwala ng mambabatas sa kakayahan ng PNP na mapapanatiling tahimik at maayos ang mga bayan ng Dolores, Tiaong, San Antonio, Candelaria, Sariaya at maging ang lungsod ng Lucena.
Dahil dito, buo ang suportang ipinagkakaloob ni Alcala sa kapulisan. Kabilang sa mga pinaglalaanan niya ng pondo ay ang pagkakaloob ng mga kagamitan sa mga ito na makakatulong sa operasyon ng PNP.
Ito’y dahil sa naniniwala ang mambabatas na kailangang-kailangan ng pulis ang mga gamit para sa pang-araw-araw na pagtugon ng mga ito sa kanilang tungkulin na mapangalagaan ang mamamayan laban sa mga sindikatong grupo o kaninuman.
Sa harap ng mga opisyal ng PNP sa lalawigan sa pangunguna ni Provincial Director PS/Supt. Elmo Francis Sarona, sinabi ni Alcala na patuloy niyang susuportahan ang kapulisan sa pagtataguyod ng iba’t-ibang programa lalo’t kung ito ang makabubuti para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Sa ginanap na ISO Briefing ng SOLCOM sa Media
Army’s 2nd INF Division, protektor ng mamamayan
ni King Formaran
Naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa mga naghahasik ng kaguluhan ang isa sa mga pangunahing ginagampanan ng 2nd Infantry (JUNGLE FIGHTER), kaugnay ng pangangalaga ng Internal Security Operation (ISO) sa buong Area of Operation.
Ito ang ipinahayag ni MGen. Jorge V. Segovia sa harap ng hanay ng mga mamamahayag sa lalawigan ng Quezon at Laguna noong Agosto 28 sa ginanap na ISO Briefing sa Camp Guillermo Nakar, lungsod ng Lucena.
Ang nasabing ISO Briefing ay kauna-unahang ginawa sa mga mamamahayag sa panahon ng pamumuno ngayon ni SOLCOM Commander Lt.Gen. Roland M. Detabali. Isang pagpapatunay aniya ito na mahalaga ang hanay ng mga media sa Quezon at Laguna Provinces upang ipabatid ang nakaraan at kasalukuyang sitwasyon hinggil sa Peace and Order sa buong Area Command.
Kaugnay nito, inilatag din ng mga Division Commanders at Deputy SOLCOM Commander sa mga media ang kanilang mga accomplishments at kasalukuyang programa.
Unang nag-ulat sa pamamagitan ng mga data presentation ay si MGen. Jorge V. Segocia, Commanding General ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division.
Sinabi nito na ipabatid sa media community ang role ng 2nd INF Division sa pagpapanatili ng peace/development sa kanyang area tulad ng Region 4A at Region 4B. Ang buong Southern Tagalog Region na may 9 na provinces, 11 cities, 182 municipalities at mahigit sa 5,000 barangays na nasa area ng mahigit 28,000 square kilometers at may population na 12.2 million na pinapangarap ng national government na maging kasama sa Super Region pagdating ng 2010.
Sa usapin ng Internal Security Operation (ISO) ay sinabi ni Segovia na patuloy na nilalabanan ng 2nd INF Division ang pananakot at pangambang idinudulot ng itinuturing na lokal na teroristang grupo na may mga base sa Central at Northern Quezon, Rizal Province, Cavite, Batangas at Mindoro samantalang sa bahagi ng Laguna at Marinduque ay nabuwag na noong nakalipas na taon.
Tinatayang malaki ang ibinaba ng lakas ng puwersa ng lokal na terorista sa Southern Tagalog Region mula sa pinakamataas at mahigit 2,000 noong taong 2001 na ngayon ay 307 na lamang sa unang bahagi ng quarter ng taong kasalukuyan. Bunga ng paghina ng lakas na pwersa ay napilitan ang grupo ng mag-recruit ng mga kabataan. Sa unang quarter ng taong ito ay tinatayang bumaba din ang bilang ng armas mula sa dating 1,102 na ngayon ay 490 na lamang.
Patunay na ang mga sunud-sunod na pagkakadiskubre at pagbawi sa mga arms cache ay sa ngayon ay nanatiling mas marami pa ang armas kaysa sa mga tao ng lokal na terorista, gayundin ang ilang apektadong barangay ng mga terorista ay patuloy na nawawalan ng mga base at suporta ng taong-bayan.
Malaki din ang epekto ng ginagawa ng 2nd INF Division tulad ng massive information campaign upang tuluyang walang makuhang suporta sa masa ang mga terorista.
Samantala, patuloy ang lokal na terorista sa kanilang plano sa mga pag-atake sa ilang mga vital installations tulad ng telecommunications facilities at infrastructure projects at heavy equipments upang ipakita na sila ay kaunti pang lakas na natitira bagama’t ito’y may epekto sa ekonomiya ng rehiyon.
Binigyang-diin naman ni Segovia na patuloy na nagsisikap ang 2nd INF Division upang pigilan at dakpin ang mga terorista gayundin ay nananatiling malakas ang mga preparasyon sa pagpapanatili ng operasyong panloob na seguridad sa buong Region 4 A at 4 B habang patuloy na pinupuksa ang mga elemento ng lokal na terorista upang makamit ng mamamayan ang ligtas na kapaligiran at akma sa pag-unlad sa hinaharap.
Ang 2nd Infantry Division ay nakabase sa Camp Gen. Mateo Capinpin Tanay, Rizal ay binubuo ng mga Army Brigades sa pangunguna ng 201st Brigade sa ilalim ni Col. Nestor Añonuevo na nasa Calauag, Quezon at may operational commander sa tatlong (3) battalions, 74IB, 76IB at 1st SFBN at may area of operation sa Southern at Central Quezon kasama ang isla ng Marinduque.
Ang 202nd Brigade sa ilalim ni Col. Aurelio B. Baladad na nakabase sa Rizal, Laguna at may operational control sa dalawang (2) battalions, 1st IB at 16th IB kasama din ang dalawang |(2) combat groups mula sa Phil. Air Force, 730th at 740th Combat Groups gayundin ang Division Reconnaissance Companies, 21st DRC at 22nd DRC at may area of operation sa lalawigan ng Cavite, Batangas, Laguna at Northern Quezon.
Ang 203rd Brigade sa ilalim ni BGen. Bonifacio T. De Castro na nakabase sa Naujan, Oriental Mindoro at may operational control sa dalawang (2) Battalions 4IB at 80IB kasama din ang DRC at may area of operation sa lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro at Romblon Province.
Ang pagtutulungan sa pagitan ng 2nd INF Division at local executives mula sa Regions 4A at 4B ay makatitiyak na magbubunga ng walang labanan na magaganap upang makamit ang kapayapaan at katahimikan tungo sa pag-unlad ng mga lalawigan.
Liquefied Natural Gas Hub Terminal groundbreaking, isinagawa
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Matagumpay na ginanap ang groundbreaking ceremony para sa kauna-unahang Liquefied Natural Gas (LNG) Hub Terminal at 300 MW Power Plant sa Barangay Ibabang Polo sa Pagbilao, Quezon kamakailan.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P2 bilyon o US|$300 million mula sa Energy World Corporation (EWC), isang Australian exploration company na pinamumunuan ni Stewart Elliot bilang Chairman and CEO. Si Elliot ang nanguna sa pagtatayo ng Hopewell Power Plant, ang 740 MW Power Plant sa nabanggit ding bayan.
Samantala, ayon kay dating Governor Eduardo Rodriguez, isa sa nakipag-ugnayan sa EWC upang maitayo sa lalawigan ang nasabing rpoyekto, malakai ang maitutulong nito upang mapaunlad ang ekonomiya ng lalawigan ng Quezon dahilan sa karagdagang trabaho at negosyo para sa mga mamamayan dito.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si Governor Raffy P. Nantes sa muling pagkakaroon ng power plant sa lalawigan ng Quezon at sa kauna-unahang LNG Hub Terminal. Aniya, muli na namang makakatulong ang lalawigan sa bansa dahilan sa tutugon ito sa kinakailangang supply ng kuryente bukod pa sa mga oportunidad na mabubuksan para sa mga mamamayan sa usapin ng trabaho at negosyo.
Naging panauhin sa ginanap na groundbreaking ceremony si Department of Energy (DOE) Undersecretary Samsamin Ampatuan. Kabilang din sa dumalo ang mga opisyales ng bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Venus Portes, Board Member Alona Obispo, Mrs. Evelyn Abeja bilang kinatawan ni 1st District Representative Mark Enverga at Barangay Chairman Freddie Martinez kasama ang Sangguniang Brgy ng Ibabang Polo kung saan itatayo ang nasabing planta.
Bilang pangangalaga sa Inang Kalikasan
Gov. Nantes, nanguna sa Coastal Clean-Up
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Upang mapanumbalik ang ganda ng kalikasan at maging huwaran ng mga kabataan, nagsagawa ng Coastal Clean-Up ang mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon gayundin ng mga opisyal dito sa pangunguna ng gobernador.
Naniniwala si Governor Raffy P. Nantes na malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng mga punongkahoy at paglilinis ng mga baybaying-dagat upang makatulong sa problemang Global Warming.
Ang nasabing aktibidad na ginanap sa mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan at Unisan ay dahil sa naging ideya ni Mr. Enro Beloso, Environment and Natural Resources Office ng Quezon.
Binigyang-diin ni Nantes sa kanyang mensahe na ang naturang programa ay upang ipakita din sa mga kabataan ang tunay na paglaban sa mga nagsasagawa ng pagtatapon ng basura at gumagawa ng illegal logging.
Makakatulong din aniya ito sa paglago ng turismo sa Quezon at upang dayuhin ng mga lokal na turista ang mga magagandang beach resort dito.
Samantala, ayon naman kay Bokal Alona Obispo ng Unang Distrito, ang nasabing Coastal Clean-Up ay palagiang ginagawa sa bansa at sa buong mundo ipang ibalik ang tunay na kagandahan ng kalikasan at karagatan kung kaya’t ito ay patuloy na isagawa.
Ipinagmalaki naman ni Mayor Cesar Alpay ng Unisan ang mga beach resort sa kanyang bayang nasasakupan tulad ng Malatandang Beach Resort na nasa Barangay Kalilayan Ilaya na kung saan ay ditto isinagawa ang programa.
Ang Coastal Clean-Up na ginanap noong Miyerkules ay dinaluhan din ni Quezon PNP Provincial Director PS/Supt. Elmo Francis Sarona at ng mga Chief of Police ng nabanggit na tatlong bayan, dating Gobernador Eddie Rodriguez at mga department heads ng pamahalaang panlalawigan.
Sa naganap na road accident na ikinasawi ng 9 katao
DPWH, walang kasalanan
nina Celine M. Tutor at King Formaran
Malinaw na pagkakamali ng driver ng pampasaherong bus na nagbanggaan kamakailan sa Barangay Domoit sa lungsod ng Lucena ang pangunahing dahilan ng itinuturing na pinakamalagim na aksidente ngayong taong kasalukuyan na nagresulta sa pagkasawi ng may siyam na katao at pagkasugat sa mahigit sa may 40 pasahero ng Bragais Lines.
Ito ay base sa mga naunang imbestigasyon na isinagawa ng mga awtoridad hinggil sa nasabing pangyayari.
Bagama’t sa umpisa’y nagtuturuan ang driver ng Lucena Lines at Bragais Lines kung sino ang may kasalanan sa kanilang dalawa sa naganap na aksidente, lumilitaw naman na human error ang mga pangunahing dahilan ng road accidents na nangyayari sa bansa, base sa rekords na ipinakita ng Highway Patrol Group sa hanay ng mga mamamahayag sa isang Press Conference kamakailan na ginawa sa accident site ng Lucena at Bragais Lines.
Nabatid na iba’t-ibang rason ng human error tulad ng inaantok na driver, nagti-text o may kausap sa cellphone o kaya naman ay nakakainom kaya’t di nito naiiwasan ang kasalubong na sasakyan o kaya ay ang minamaneho nitong sasakyan ang bumabangga sa poste, kabahayan o kapwa sasakyan.
Sa panayam naman ng programang Punto por Punto kay Engr. Willy Racelis,Chief Maintenance Division ng Quezon 2nd District Engineering Office, sinabi nito may mga warning signs at luminous marker silang inilalagay sa bawat daan upang magsilbing giya sa bawat motorista.
Sinisikap umano nila na ang lahat ng warning signs ay mailagay sa mga lansangan para na rin sa kapakanan ng bawat mamamayan upang maiiwas ang mga ito sa anumang aksidente na posibleng mangyari.
Ikinalulungkot ni Racelis ay ang ginagawang pagsamantala ng iba sa mga luminous marker na kanilang inilalagay dahil sa kinukuha naman aniya ito ng iba at ibinibenta kaya’t kahit anong pagsisikap nila ay may mga lugar na wala nito bagama’t nauna na nilang nalagyan.
Binigyang-diin pa ni Racelis na madalas silang nagsasagawa ng inspection sa mga pangunahing lansangan sa pangunguna ni District Engr. Cely S. Flancia hindi lamang sa maintenance ng mga daan kundi upang matiyak din ang kaayusan nito at ng mga motorista mismo.
Ang mga warning devices, paliwanag pa nito ay nagsisilbing paalaala o babala sa mga motorista. May kaukulan silang budget para sa mga warning devices na inilalagay sa mga accident prone areas.
Sa bawat asphalting project ng Quezon 2nd DEO ay may kasama din itong budget para sa paglalagay ng mga luminous marker o anumang tanda na magbibigay babala sa mga driver ng tamang pagmamaneho upang makaiwas sa aksidente.
Bawat daang aspaltado aniya sa Segunda distrito ay may mga luminous marker na nakalagay.
Dahil sa ninanakaw o kinukuha ito ng mapagsamantalang tao, nagpahayag ng panawagan si Racelis sa bawat mamamayan na bantayan ang proyekto ng kanilang tanggapan hindi lamang para sa mga taga-DPWH kundi para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.
Apat na truck na basura nakuha sa coastal clean –up
Ni Ronald Agbaya
Tinatayang apat na truck na basura ang nakolekta sa mga bayan ng Padre Burgos,Agdangan at Unisan Quezon .Ito’y matapos naisagawa kamakailan ang coatal clean- up na pinangunahan ni Gov. Raffy Nantes at mga department heads ng provincial government.
Ito’y naglalaman ng mga bunot ng niyog,palapa, recap na pinagputulan ng puno ng niyog, mga plastic bag, at iba pa.
Kasabay nito ay nagkaroon din ng pagsasagawa ng “Waste Segregation”upang maging maayos ang paglalagay sa landfill sa Unisan ng napakaraming basurang nakuha sa Coastal Area ng nabanggit na tatlong bayan.
Ang Coastal Clean-up ay isinasagawa ng buong mundo tuwing buwan ng Setyembre na ang layunin ay mapanatili ang kalinisan ng Coastal Area at mapangalagaan ang “Ecological Balance” ng lalawigan , dahil na sa nararanasang banta ng Global Warming.
Umabot sa mahigit 2,000 mga kawani ang nakiisa sa paglilinis ng mga baybay dagat,at kasabay ding isinagawa ang pagtatanim ng 90 mahogany trees sa pangunguna pa rin ni Gob. Nantes, Mayor Rhadam Aguilar ng Agdangan, Mayor Cesar Alpay ng Unisan, kasama sina Provincial Admin. Aries Flores at ENRO Gene Beloso at Dr. Agrifino Tullas ng QMC maging si BM. Alona Obispo.
Grandparents Day,ikakasa na sa SM City Lucena
Lucena City – Muling ikakasa ng SM City Lucena ang Grandparents day simula September 6, 11, 12 at 13. Ito ay gaganapin sa Event Center at sa iba pang bahagi ng naturang Mall. Uumpisahan ang selebrasyon sa isang Fashion Show sa September 6 ( linggo) na pangungunahan ng 15 senior citizen mula sa iba’t-ibang barangay na susuportahan ng X-quisite at Preppy.
September 11 ( biyernes ) naman gaganapin ang Grandparent’s Health Camp kung saan may mga Free Hearing Test and Trial Fitting of Hearing Aid para sa mga lolo at lola na medyo mahina na ang pandinig. May Free Eye check up sa mga may deprensya na sa paningin, Free Blood Pressure Monitoring at Free Blood Sugar Screening. Ito ay mag uumpisa simula ika-10 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi sa pagitan ng Department Store at Supermarket. Sa ika-apat naman ng hapon ng pareho ding araw ay gaganapin ang That “70s Show (Retro Band) sa Event Center sa naturang mall.
Magiging kaagapay naman ng ating lolo at lola ang mga piling mag-aaral at guro mula sa Sacred Heart College para sa Techie Lolo, Techie Lola. Isang free internet tutorial sa mga senior citizens na gaganapin sa SM Foodcourt sa ganap na ika-11 ng umaga sa September 12.
Dahil regular na nagsasagawa ng misa sa Atrium ng naturang mall tuwing araw ng linggo, sa September 13, isasabay sa naturang misa ang “Misa Pasasalamat sa ating mga Grandparents” sa ganap na ika-9 ang umaga. Inaasahan na dadalo dito ang mga senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay sa naturang lungsod maging taga ibang lugar.
Sa huling araw ng selebrasyon magtitipon-tipon ang nasa 165 na senior citizens mula sa 33 barangay sa naturang lungsod. Ito ay ang mga opisyales ng senior citizen association ng bawat barangay. Kapapalooban ang programa ng Social Ballroom Dancing at Dance Presentation ng bawat barangay.
Ang selebrasyong ito ay maisasakatuparan dahil sa suporta at tulong ng X-quisite, Preppy, Sara Lee, Watsons, SM Department Store, Active Hearing, Sarabia Opitcal, City Health Office, St. Anne College Lucena Inc., Calayan Educational Foundation Inc., Sacred Heart College. SM Foodcourt, Smartbro at Office of the Senior Citizens Association sa pangunguna ni Mrs. Aurora Garcia.
2 were arrested in Illegal Possession of Firearms
And Ammunition in Quezon
Members of Regional Special Operation Group (RSOG), Regional Mobile Group, PIB Quezon PPO, Police Special Operation Group and Buenavista Municipal Police Station conducted search operation at Brgy Lilokin, Buenavista, Quezon last September 4, 2009, around 1:30 in the morning, In like with the Philippine National Police Letter of Instructions 29/09 Kontra Boga.
In his report to PCSUPT PERFECTO P PALAD, Regional Director PRO CALABARZON, PCINSP MIGUEL LUIS FONTANILLA, Chief, RSOG, averred that the Search Warrant was issued by Exec. Eloida R De Leon-Diaz, RTC, 4th Judicial Region, Branch 58, Lucena City with Search Warrant #2009-02 for Violation of RA 8294. The search resulted to the arrest of Formerly Mayor Ramon Reyes, Ricardo Cortez, Eduardo Rivera, both ex-army and identified goons of Ex-Mayor Reyes and Dante Wagan a suspect in the shooting to death of the former municipal secretary of Buenavista, Quezon about a month ago.
Recovered pieces of evidence during the search are the following:
a. four (4) caliber 45 with six (6) magazines and sixty four (64) ammunitions;
b. one (1) 12 gauge shotgun with five (5) ammunitions;
c. two (2) caliber 380 with four (4) magazines and twenty eight (28) ammunitions;
d. one (1) caliber 22 rifle with twelve (12) ammunitions;
e. one (1) m16 rifle baby armalite with eleven (11) magazines and four hundred nineteen (419) ammunitions;
f. two (2) scopes;
g. two (2) caliber 38 revolvers with twenty (20) ammunitions;
h. fifty (50) ammunitions for caliber 9mm;
i. thirty three (33) ammunitions for caliber 357 and three (3) ammunitions boxes.
The implementation of search warrant was done in orderly manner and witnessed by Brgy Capt Felix Pilarca of Brgy Lilokin, Buenavista, Quezon.
Apprehended persons and the confiscated items were brought to Quezon Police Provincial Office for proper investigation. Criminal Complaint for Violation of RA 8294 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) are being prepared Cases to be filed in court against them.
SM City Lucena’s Awesome 3-Day Sale
Three days of great shopping deals mark the start of CHRISTMAS shopping at SM City Lucena as it holds its awesome 3 DAY SALE on SEPTEMBER 18, 19 & 20, extended until Sept. 21, 2009.
Shoppers will enjoy value for their money with savings up to 50% on the widest selection on apparels, fashion accessories, home furnishings, baby needs, sporting goods, electronic gadgets and home appliances with SM City Lucena's more than 200 mall establishments.
There's more to shopping at SM City Lucena's 3 DAY SALE -winning 1 of 3 Devant 55.88 (22-inch) LCD TVs and 1 0f 3 Yamaha Mio Soul Motorcycles.
To join the promo, the customer must:
Purchase one (1) or more SM Greenbags plus a P500 minimum purchase from SM Department Store, SM Supermarket or any participating mall establishment.
§ Purchase one (1) or more SM Greenbags plus a P150 minimum purchase from SM Foodcourt.
§ Purchase one (1) or more SM Greenbags plus a single receipt purchase of four (4) cinema tickets from SM Cinema, or
§ Purchase one (1) or more SM Greenbags plus a P150 minimum purchase of tokens from the Amusement Centers.
2. Raffle coupons will be given as follows:
§ 1 coupon for every SM Greenbag purchased.
§ 1 coupon for every P500 single/ accumulated receipt purchase from SM Department Store, SM Supermarket or any participating mall establishment.
§ 1 coupon for every P150 single receipt purchase from SM Foodcourt.
§ 1 coupon for every single receipt purchase of four (4) cinema tickets from SM Cinema
§ 1 coupon for every P150 single purchase of tokens from the Amusement Centers.
3. To claim raffle coupon, customer must present proof of purchase at the designated redemption center/s anytime during mall hours within the 3-Day Sale promo period.
4. The customer will have to fill-in his/ her name, age address, telephone numbers and affix signature on the raffle stub, and drop the raffle entries at dropboxes at the designated areas inside the mall.
5. Prizes at stake:
w 3 winners of Devant 55.88cm (22-inch) LCD TVs (TAX FREE)
w 3 winners of Yamaha Mio Soul Motorcycles (TAX FREE)
***Registration and other requirements of the motorcycle shall be shouldered by the winner
6. Raffle draw will be on September 21, 2009 - 9:45 p.m. at SM City Lucena Event Center, to be witnessed by a DTI representative. Deadline for submission of entries is on September 21, 2009 - 9:30 p.m.
7. A total of 6 lucky winners will be drawn at SM City Lucena. A participant can only win once for the whole promo duration. Participants who are drawn more than once will be awarded the prize with the highest value.
Breakdown of winners:
3 winners of Devant 55.88cm (22-inch) LCD TVs
3 winners of Yamaha Mio Soul Motorcycles
8. Winners will be notified by phone & registered mail. Winners’ names will be posted in the mall.
9. Prizes are not convertible to cash.
10. Tax for prizes exceeding P10,000 will be shouldered by Shopping Center Management Corporation.
Devant 55.88cm (22-inch) LCD TVs P17,474.23
Yamaha Mio Soul Motorcycle P 71,200.00
11. To claim prize, winner must present his/ her raffle stub, notification letter and one (1) valid I.D. At the Shopping Center Management Corp. Administration Office c/o Marketing Department during office hours from Monday to Friday, 10am - 6pm. Organizer reserves the right to require submission of additional document/s to validate identity of winners.
12. Unclaimed prizes after 60 days upon receipt of notification will be reported to DTI and upon approval by DTI shall be forfeited in favor of Shopping Center Management Corporation.
13. The promo organizer’s decision is final with the concurrence of DTI.
14. Shopping Center Management Corporation, its affiliates, ad agencies, mall tenants, their respective officers and employees and relatives of the latter up to the second degree of consaguinity or affinity are not qualified to join the promo.
Have fun shopping also at SM Department Store and get up to 50% OFF on great selections!
Shop to the max with these exciting promotions:
Take Extra 10% OFF on September 18, FRIDAY ONLY, FROM 10AM - 12NN... Just present your SM Advantage, Prestige and BDO Rewards Card to get extra savings.
Win every hour! Get a chance to win 1 of 30 PLDT CALL ALL with FREE CELLPHONE! Every P500 purchase entitles you to join!
Enjoy 5% Rebate when you use your BDO Credit Card for a minimum amount of P5000 purchase. Plus, take home a BDO Eco Bag and Mini-Toblerone too!
Shop and swipe to enjoy 0% INTEREST ON 3 MONTHS INSTALLMENT! Available for a minimum aggregate purchase of P5000, using major credit cards!
Get FREE Globe Sim for every P200 purchase or for every renewal or purchase of SM Advantage Express Kit.
So come and shop at SM Department Store - Lucena on September 18 until September 21, 2009
At SM Department Store, WE’VE GOT IT ALL FOR YOU!
Per DTI-NCR Permit #4679, series of 20
Don't miss the awesome 3 DAY SALE at SM City Lucena on Sept. 18, 19 & 20. Grab more awesome savings at the Discount Market at the Event Center.
Enjoy more shopping, more dining with SM City Lucena's extended sale until Sept. 21, 2009 and extended mall hours from 10am until 10pm!

Subscribe to:
Posts (Atom)