Saturday, January 17, 2009

Jetline and Kaliwat Kanan ni Jet Claveria

Kaliwat Kanan
Ni Jet Claveria

Ego ni Cong. Suarez

Mukhang nasaling ang ego ni Cong. Danny Suarez ah….Maraming nakakwentuhan ang Kaliwat kanan na mga galing sa kaarawan ni Cong.Danny( happy b-day po) mukhang nagpaparamdam na ang kongresista ng kaniyang naisin sa 2010.

Ito ang naging obserbasyon ng mga dumalong opisyal noong birthday niya.Parang hindi matanggap ng solon ang pagkatalo ng Yes sa nagdaang plebesito .Marahil ay pakiramdam niya’y naisahan na naman siya.

Naging hamon nga kaya sa kongresista ang muli niyang pagkatalo sa labanan na ang pinag-ugatan ay pulitika pa rin.

Kunsabagay hindi marunong madala si cong Danny, mukhang kahit nadalwahan na siya ni Gonv. Nantes ay hindi pa rin niya ito uurungan.

Naku, kapag nagkataon magiging mabigat ang labanan sa arena ng pulitika sa Quezon.

Dito magkakaalaman kung sino ang tunay na hari ng Quezon?

Kung si Mr Yes or si Mr No….ito ang naririnig ng kaliwa’t kanan sa mga political observer sa lalawigan.

Hindi daw takot ang mga Suarez na matatluhan pa .

Kaya naman hindi padadaig si dating Gov. Eddie Rodriguez kung saan nagpahayag na rin na lalaban siyang congressman sa 3rd district dahil pakiramdam niya ay maalis na sa pwesto ang mga Suarez.

Ibig bang sabihin ang tinaguriang Suarez country ay magiging Rodriguez satellite ang Bondoc Peninsula.

Magtatayo daw kasi si Rodriguez ng capitol satellite dahil ito din lamang ang gusto nila.

Ibig sabihin tiyak na magkakaroon ng matinding labanan sa Quezon sa 2010.Kung sa Masbate ay may mga ulat na isang sakong salapi ang iginagatong sa litsong baboy sa tindi ng labanan sa pulitika . Sa Quezon tiyak na “baka” ang lilitsunin para sa kanilang ambisyon.




KAUNLARAN O SAGAD NA KAHIRAPAN


Sabi ng ilang nakakwentuhan ng Kaliwat Kanan, parang nakiraan lamang ang pasko at Bagong Taon.

Para bagang bagyo na nag-iwan ng sakit sa mga naging biktima ng kalamidad.

Ganyan ang nakalipas na pasko at bagong taon may mga nalungkot at mayroon din namang naging masaya.

Nalulungkot dahil ang karamihan ay pinadaan lamang ang pasko at bagong taon.Masaya dahil ito ang panahon ng reunion ng mga magkakamag-anak.Kahit nga naman walang pera o mga bagong dami ay naging masaya naman ang kanilang pagkikita-kita.

Ngayong taong 2009, ano nga kayang kapalaran ang naghihintay sa sambayanan.Kaginhawaan ba?,kaunlaran o sagad na kahirapan?

Sa mga ulat, kung maraming nakaramdam ng hirap ng 2008 ay lalong grabeng paghihirap ang mararamdaman ngayong 2009.

Ibig sabihin lamang kung ang mga maralitang Pilipino ay nagdidikdik ng asin ngayon ,wala na silang madidikdik dahil pati asin ala na rin.

Ganito na kahirap ang mundo…kunsabagay ang lahat ng nararanasan natin ngayon ay alam na nating mangyayari.Hindi lamang natin alam kung anong saktong panahon.

Sabi nga ng isang kaibigan, lahat daw ng kahirapan ay mararanasan ng buong mundo at pagkatapos ay mararamdaman naman ang kaginhawaan dahil sa isang may ginintuang puso na magkakaloob ng tulong sa darating na panahon.

Kung sakaling magkakatotoo ito, masuwerte daw ang Pilipinas dahil makakatikim ng biyaya .Tanong ko nga ay ito ba’y isang hula o mayroong nagbabalak na naman na kumandito sa 2010 kaya maraming lumalabas na gimmick.

Napakayaman daw ng Pilipinas ang pera nito ay hindi kayang ubusin .Ngunit nasaan ang salapi,sinong mayhawak ng susi?

Kailangan ipamimigay ang biyaya?Dapat ay ngayon na …ngayong ramdam na ng taumbayan ang grabeng kahirapan.

Sabi nga ni kabise , nagtatrabaho tayo pero parang laging shoot sa bulsang butas.Yon gang ala namang nangyayari.Kabi-kabila ay kautangan pa rin.

Pero pati nga daw ngayon magpa five six ay wala na ring maipautang.ibig sabihin ganyan na kahirap ang bansa.Pero anong ginagawa ng ating mga opisyal.Ayon at patuloy pa rin sa kanilang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Lalo ngayong isang taon na lamang at muling magkakaroon ng halalan.Sino ang dapat na maluklok at sino ang dapat maalis sa kanilang pwesto.

Abangan!!!





Please read....Jetline
Ni Jet Claveria

Suarez Alcala Nantes = sa hati Quezon
Yes or No




Ang isyu nga ba ng paghahati ng Quezon ay labanan lamang ng Suarez at Nantes kung saan nasa gitna lamang ngayon ay si Cong. Procy Alcala.

Sabi ni Cong.Procy tapos na ang kanyang papel sa isyu ng hati Quezon.Ibig sabihin ba non, alam niyang kaharian lamang sa pulitika talaga ang pinaglalabanan?


Dahil sa init ng usapin sa paghahati ay nanatili lamang siya sa gitna na ibig sabihin hindi siya nakikialam dahil sa isip niya marahil ay mayroong tama,subalit ayaw niyang masaktan ang magkabilang panig.Ganon nga ba?

Tama ba congressman ang sinasabi ng ating mga kababayan na ang pagkakaroon ng Quezon Norte at Sur ay para lamang sa mga pulitiko at sa mga mayroong pangarap sa malawak pang pulitika?

Dahil naniniwala ang Jetline na kung totoong pagmamalasakit ang isinisigaw ng Yes at No ay tiyak na mayroong papanigan ang kongresista.

Hindi daw naman kaya takot lamang si Cong. Procy na masira ang kanyang political career?

Sa isang banda ay may katwiran naman ito ,dahil marami pa siyang pangarap sa kanyang mga constituents di ba? Kung tutuusin ay wala siyang problema sa kanyang distrito dahil marami siyang proyekto.Kaya tama lang na ipaliwanag niya ang advantages at disadvantages para sa higit pang kaalaman sa RA 9495.

Eh, ano naman kaya ang reaksyon ni Alcala sa paggigiit ni Mayor Ramon Talaga Jr, na nagpahayag ng Yes sa hati Quezon.Sabi ng kampo ni mayor ,Hindi kaya isipin ni Mayor na duwag ka congressman?


CHECK AT KULAY


Galing akong Manila noong isang araw,mayroong nagkukwentuhan sa unahan kong upuan tungkol sa Quezon.Nakatulog kasi ako, Tiaong na pala…maraming mga streamer at tarpaulin na yes at no hati Quezon.Yon ang topic ng kanilang usapan.

S’yempre Suarez at Nantes,para bang ang pagkakaintindi nila ay labanan ito ng Suarez at Nantes.Mukhang hindi nila naiintindihan ang RA 9495 at kung sino ang mga author nito.
Ang naririnig ko’y bagong kaharian ang itatayo sa Quezon del Sur. Ginagawa nilang katatawanan ang mga streamer na yes at no ,mahilig daw talaga si Suarez sa check kaya kahit wrong check pa rin.Bakit daw kulay blue ang nakasulat na No hati Quezon, sabi nong isa kasi daw yon ang paboritong kulay ni Suarez,kaya daw ba pula ang yes at biglang nagtawanan.

Pati nga ako’y napangiti rin ng maisip ko ang pinag-uusapan ng nasa harap ko eh.Ibig sabihin marami pang taga Quezon ang hindi nakakaalam ng tunay na kahulugan kung bakit dapat na magkaroon ng Quezon del Norte at Quezon del Sur ay paano na sa plebesito.

Wala naman dapat tayong pakialam kung siya si Cong. Suarez at siya si Gov. Nantes eh, mga pulitiko lamang sila na mawawala din sa kanilang pwesto pagdating ng takdang panahon para sa kanilang mga political career.

Pero tayong mga taga Quezon…mananatiling Quezonian kahit pa ilang henerasyon ang dumaan at dumating….

Nagtataka nga lang ang Jetline kung bakit maraming natatakot sa dalawang pulitikong ito na kung anong sabihin ng mga ito ay sunod ang mga sipsip sa pundilyo ng dalawa.

Yon bang hindi na iniisip na kailangan namang ipagtanggol nila ang kanilang karapatan bilang isang mamamayan at hindi utusan na kung anong ipagawa ay sunod na lamang ng sunod kahit na mali na.

Tiyak na nagtaasan na naman ang kilay ng ilang mga intrigera kung bakit nakapagsasalita ng ganito.Sabi nga ni Kabise ay bakit daw nakapagsasalita ng ganon ay malapit ako kay ganire at si ganireng opisyal.Hindi ko naman itinatangging kaibigan pero ang magkakaibigan ay magkakaiba rin ng prinsipyo sa buhay.

Kung mayroon mang sinumpaang tungkulin ang mga opisyal ay mayroon din naman sinumpaang tungkulin ang Jetline at mga kasamahang media bilang isang mamamahayag na ibigay ang tamang impormasyon sa mga tao at ipagtanggol ang kanilang karapatan at hindi interest lamang ng iilan.

Ang Jetline ay media at hindi robot….o di ba mas maraming tumaas ang kilay?Ang Jetline ay hindi tagapagsalita ng kung sinong pulitiko pero tagapagsalita ako ng sambayanan. Ganon talaga kapag mga kababayan na natin ang nasasangkot ipaglalaban ang prinsipyo para sa kanila.

Pinapatay na daw ngayon ang matatapang….sino bang nagsabi na matapang …Hehehe…Pero kung walang tamang magpapaliwanag sa kanila …SINO?

Susunod na lamang kahit mali na…eh ang mga opisyal na iyan ay mawawala rin sa kanilang mga pwesto at sinong maiiwan di ba tayong mga taga Quezon…Kung hindi maiwawasto ang lahat anong mangyayari sa buhay ng taga Quezon…..Sige nga?

Mga kababayan, ito na marahil ang panahon na gamitin naman sa tamang pagpapasya ang inyong mga karapatan bilang isang mamamayan.Kung napadala ang ilan noong nakaraang eleksyon sa tawag ng salapi ay huwag ngayon.Minsan na silang nanlinlang….nangako…pero hanggang ngayon..Nasaan…Nasa pusod pa ba ng karagatan ang kaunlaran?

HAPPY BIRTHDAY MUNA!

Dalawang kaibigan ang nagdiwang ng kanilang kaarawan sa magkasunod na petsa .Isang December 4 at isang December 5.

Isang maligayang kaarawan para kay King na nagdaos ng kanyang kaarawan noong December 4.Parang batang tingnan ang kanyang mukha pero nasa 50 na po siya?(joke)

Kay Celine nitong December 5, parang kelan lang kabi-birthday niya .ngayon ay bday na naman.Pero looking young pa rin…

Wala man akong maiabot sa inyo ay narito naman ang aking kamay upang bumati sa inyo ng Maligayang Kaarawan.Sabi nga ni King hindi naman nasusukat sa material na bagay ang lahat.hehehe.Pero nagpadala pa rin ako …I check ko lang kung naideliver ha! Okey daw naman! HAPPY BIRTHDAY !

1 comment:

Unknown said...

te Jet si sam ito ng PINASNEWS! WOW galing! nakita na kita!