Saturday, May 30, 2009

Please read....JETLINE
NI Jet claveria

Public School CR
Hindi lamang mga classrooms, electric fan at mga libro ang tiyak na magiging problema sa isang public school, maging ang kubeta o comfort room ng mga mag-aaral.
Ito ang madalas na maging reklamo ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.Paano nga naman sila makapagconcentrate sa mga itinuturo sa klase kung mayroon silang nararamdaman na tawag ng kalikasan subalit wala naman silang mapuntahan.
Mabuti kung ang mga mag-aaral ay malapit lamang ang kanilang bahay at magtitiis ang mga ito hanggang recess at saka tatakbo sa kanila upang gumamit ng CR.
Paano kung malayo ang bahay at ihing-ihi na o naeebak, san sila pupunta?
Tapos laging may babala ang Department of Health na maghugas ng kamay ang mga estudyante pagkagaling sa kubeta.Eh,paano sila makakapaghugas ng kamay kung hindi naman makagamit ng comfort rooms.
Dapat ay isa ito sa mga napagtutuunan ng Parents Teachers Association dahil nakakaawa naman ang mga batang mag-aaral.
Alam natin kung gaano kasidhi ang hangarin ng pamahalaan na mapataas ang antas ng edukasyon sa bansa .
Sa Quezon alam natin na si governor Raffy Nantes ay ito rin ang nais na mangyari sa mga mag-aaral na Quezonian.Ang mapataas ang edukasyon kaya naman patuloy ang kaniyang mga programa hinggil sa edukasyon.
Patuloy ang kaniyang pagbibigay ng mga classrooms sa mga pampublikong paaralan.
Kaya sana naman sa bawat classrooms ay mayroon ding mga comfort rooms na pinagagamit sa mga estudyante.

Marami kasing nagsusumbong sa Jetline na mayroong kubeta sa loob ng classrooms subalit hindi naman ito pinagagamit dahil katwiran dawn g mga guro ay magdudumi ito at nakakahiya kapag mayroong naging bisita.

Ang katwiran naman ng iba ay walang tubig kaya hindi maipagamit.

Marahil ay marapat din na magkaroon ng masaganang tubig ang bawat eskwelahan upang magkaroon naman ng katuturan ang sinasabi ng DOH patungkol sa kalinisan atkalusugan ng mga mag-aaral.

Kelan pa kaya kikilos kapag mayroon ng mga nagkasakit .
Lalo ngayon na mayroon ng mga kaso ng Swine flu.

PASAYAHAN SA LUCENA
Naging masaya nga ba ang mga taga Lucena sa kanilang mga napanood sa panahon ng Pasayahan?
Syempre mayroong nasiyahan at mayroon din namang hindi.Hindi naman panay papuri ang maririnig sa mga nakasaksi sa isinagawang Pasayahan.Depende sa kanilang nasaksihan .
Pero ang mahalaga don kahit hindi palangiti ang chairperson ng Pasayahan ay mayroong magandang kahahantungan ang matitirang pondo
nito. Kumbaga mayroong makikinabang.

Kunsabagay may mga tao naman talaga maganda ang layunin subalit pilit na sisirain dahil lamang sa pansariling interest.
Masuwerte ang Hermana Fausta Elementary School na nasa Silangang Mayao dahil sila ang napiling benipisyaryo ng Pasayahan.
Kawawa pala ang mga estudyante rito dahil kulang na kulang sila sa kanilang classrooms.
Mabuti naman at sinundan ni Mr. Rholand Roxas ang mga magagandang adhikain ni James Cooper na naging chairperson din Pasayahan.
Ngayon pa lang ,tiyak na matutuwa ang mga magulang at mga estudyante ng nasabing eskwelahan dahil sila ang napili na tulungan.
MGA SCHOLAR SA SM
Lubos na nasisiyahan ang Jetline kapag ang nakikita at naririnig ay panay pagtulong sa kapwa.
Salamat at mayroon pa ring mga foundation na prayoridad pa rin ang kinabukasan ng mga kabataan.
Ito ang layunin ng SMFI,at katuwaan na ng pamilya ni Mr Henry S yang tulungan ang mga kabataan na maiakyat sa nais nilang akyating tagumpay.Inaalalayan sa paghakbang upang hindi mahulog sa hagdanan na kanilang ibinigay .
Kaya naman ang mga magulang ng mga estudyanteng napagtapos ng SMFI ay lumuluha sa kagalakan sa kanilang walang hanggang pasasalamat sa malaking tulong na ibinigay sa kanilang mga anak.

No comments: