Saturday, May 2, 2009

new news news news


Catherine Loria


Catherine Loria ... After Winning In WCOPA, Hollywood, USA


Catherine Loria's amazing voice does not end up in Hollywood, California, USA after capturing two grand titles in 2008 World Championships Of Performing Arts (WCOPA) as the Junior Vocalist Grand Champion and the Junior Grand Champion Performer of the World who bested 42 countries with 5, 000 acts in a one week grueling competition.
Truly gifted with a big and soulful voice and a projection of a very refine singer, this young lady from Tiaong, Quezon continues to inspire the young generation in fulfilling their dreams.
After her win in Hollywood, Catherine invited to perform in different top-rated local TV shows in the Philippines like in ASAP '08, RATED K, TFC connect, ABS-CBN 2008 Upload and in NBN-4 'Ani Ng Sining' (Harvest of the Arts) and BantayOCW 'Galing Ng Pinoy'. The Philippine’s President GMA has awarded her a plaque of appreciation through her great contribution in Music and Arts by bringing honor and pride in winning on this prestigious 'Talent Olympics'.
She had done a couple of concerts with Jed Madela nationwide, special appearance on Sam Concepcion’s birthday concert and recently appeared in Singapore through a charity concert with the 1st Philippine Idol Mau Marcelo together with the Singapore's Pinoy Talents.
A very promising Album of Catherine Loria under MART production (Music Avenue for Real Talents) own by Mart Ilagan, a songwriter, talent manager and a record producer based in Singapore will be expected to finish by April 2009 and this will be launched in Singapore on May 2, 2009 at DXO Esplanade for another charity event.
The album is being collaborated by MART with no other than the HITMAKER of great Original Pilipino Music (OPM), Mr. Vehnee Saturno. Very promising songs had been selected carefully to cater the tender age and the innocence of Catherine that will be hitting different radio stations soon in the Philippine archipelago.
7 original cuts had been included in this album, ‘Care About’ music by Vehnee Saturno and Lyrics by Popsie Saturno is a moving song that tells us to care about our humanity. Another song from the Saturno tandem is a feel good music about a love blossoming for a life of a teenager, ‘When I’m With You’ which could be a potential hit in the radio airwaves.
Festival songwriter, performer and producer from Singapore, Mr Sean Wong who will be representing Singapore in this year WCOPA 2009 offered his song to Catherine upon seeing and hearing her video clips in Youtube under marlon1112 channel. The song ‘I Believe In You’ with a touch of a contemporary Chinese melody brings out an inspiring message of a true believer.
Mart Ilagan penned out 4 songs about love, hope and faithfulness. ‘Pag-ibig Ko Ay Ikaw’ (You Are My Love) is the only Tagalog song which could be a classic song for a wedding ceremony and could be a potential theme song from a movie or a ‘Pinoy Teleserye’ (Philippine’s TV drama). One Dream, One Hope, One Nation was written to bring a message to the world that the Philippines is a Nation bind by true love with rich Filipino culture and harmony. Keep On Dreamin’ with a pop and RnB tune conveyed a message that there’s always hope in the power of dream. The album title ‘This Is My Moment’ is such a moving song for a someone like Catherine who had been through a lot of hardships and trials, who experienced early failures and defeats but instead of stopping her dreams, she continues to move-on till the right moment in her life finally came true upon capturing the hearts of the judges in Hollywood via 2008 WCOPA with her moving rendition of ‘I Believe I Can Fly’.
Fly high Catherine, a brilliant singer like you will soon be shining not only in the Philippines but throughout the world …
Please read....

kaliwat kanan ni Jet Claveria

Kaliwat kanan
Ni Jet Claveria

Jobapalozaa

Sa dami ng nagtungo sa lahat ng SM sa bansa para magkaroon ng mga trabaho.TIYAK NA MARAMING PAMILYA ANG SASAYA KAPAG NATANGGAP SA TRABAHO ANG KANILANG MGA MAHAL SA BUHAY .

****
Wala ka na daw hahanapin pa kapag ang sumuporta sa mga walang trabaho ay mga negosyante.Libong aplikante ang dumagsa sa lahat ng SM sa bansa kung saan nagkaroon ng tinatawag na jobfair.KAYA NAMAN BINIGYAN NG AWARD SI MR. HENRY SY NA TINAWAG NA LAKAN NG KALAKALAN.MABUHAY KA SIR!

****
Sa dami ng mga natutulungan ng SM, mga kabataang maraming parangarap na di maabot subalit dahilan sa scholarship grant ng SM naakyat nila ang hagdan ng tagumpay.KAYA NAMAN DALANGIN DIN NG MGA EMPLEADO NG SM NA MATAGAL NA SERBISYO MARAMI PANG BENIPISYO ANG IPAGKALOOB SA KANILA AT MAGING PERMANENTE NA.

****

Umaariba na ang World Championships Of Performing Arts (WCOPA) as the Junior Vocalist Grand Champion and the Junior Grand Champion Performer Catherine Loria.Isang 13 taong gulang na tubong Tiaong Quezon ay magkakaroon magla-launch na ng kaniyang International album.IBA TALAGA ANG MGA TAGA QUEZON.MARAMING ITINATAGONG TALENTO LALO NA ANG MGA KABATAAN.

****



Minsan nagkakwentuhan kami ng ilang mga kasamahan sa media at nabanggit sa kwentuhan na kayanin kaya ng dalawang bagong kauupong director na sina Andal at Sumilang ang kanilang tungkulin ay nababalitang maraming anomalya sa QMWD. Hinamon ng Kaliwa’t Kanan ang dalawa na baka patulog-tulog lamang at maiwan sa pansitan..ABA’Y AKALAIN BANG NAGING MALAKING ISYU PALA ITO .KURUIN MO IYON BONG ? NABANGGIT LANG ANG ANOMALYA AY MAYROON AGAD NAG REACT. IMBIS NA MANAGER ANG MAGPALIWANAG AY MAYROONG TAGA INGAY.BAKIT?ANO BA IYON?

****

Kung kailangan mong kumuha ng passport .Dapat hindi ka na magpunta pa sa mga travel agency dahil imbis na mapadali ang iyong kukuning passport ay tatagal pa ito ng ilang linggo.Subukin mo naman na magderetso sa Department of Foreign Affairs.MAGANDA AT MABILIS NAMAN PALA ANG PROSESO.SAN KA PA KUNG ANG MGA GWARDYA AY TUMUTULONG DIN SA PAG-AASISTI NG MGA KUKUHA NG PASSPORT.MAGALING ANG PAMALAKAD MO MR. MANGUBAT.

****

Kaya maraming aksidente sa daan dahil sa malalalim na lubak sa Maharlika Hiway .Sa may lugar ng Calumpang Tayabas Quezon tiyak na kapag hindi napansin ang mga butas ay basag ang gulong ng kotse at tiyak na aksidente pa ang magaganap.KUNG SAKOP IYAN NI 2ND DISTRICT ENGR. CELY FLANCIA TIYAK NA IPAPAAYOS KAAGAD NIYA.SINO BANG DISTRICT ENGINEER NG UNANG DISTRITO NG QUEZON?


****

Mayroong isang alkalde sa ikalawang distrito ng Quezon na lubhang mapagmahal sa kaniyang mga tauhan.KAYA NAMAN TODO MINAHAL NIYA ANG KANIYANG SEKRETARYA AT BALITA’Y BINUNTIS PA.KAINAMAN DI MAN LANG DAW LUMAYO.

****

Birthday Nina Panga Violet Quinto –Cabral nong May 3 at May 9, ni Noreen Villalva-Hoffman,Siya ang babaeng may dalawang birthday celebration.Isang December ano nga date Belly? Yon ang itanong natin sa nanay niya kung bakit?SAN KAYA ANG BLOW-OUT? SARADO KAYA ANG CHANNEL 8 AT PNP STATION?





Please read....

news news news




FARM IMPLEMENTS. Kumakaway sina Quezon 3rd district Cong. Danilo Suarez at Mayor Ramon Orfanel (gitna) makaraang nilang ipagkaloob ang 36 units ng hand tractor at 36 units thresher sa mga farmer ng may 36 na rural barangays at barangay chairmen ng Catanauan, Quezon para mapabilis ang sistema sa sakahan noong Linggo Abril 26 sa nasabing bayan. Ang pondo na mahigit sa P12 milyon ay galing kina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Juan Poce Enrile at Cong. Suarez sa pamamagitan ni Orfanel. (DANNY ESTACIO)




Biomass plant, sisimulan ng itayo sa Unisan, Quezon

PITOGO, Quezon- Ibinalita ng isang mambabatas sa Kongreso ang nalalapit na pagtatayo ng isang 11-megawatt Biomass power plant na kauna-unahang planta ng kuryente sa bansa na ang gatong ay mula sa bunot, kayakas at bao ng niyog sa mga kasapi ng Quezon Electric Cooperative 1 (QUEZELCO 1) sa ginanap na ika-37 membership general assembly noong Abril 24 ng bayang ito.
Ito ang tinuran ni Quezon 3rd district Cong. Danilo Suarez matapos makumpirma ang pagdating ng 15 inhinyero Pranses at Indian upang bisitahin ang lugal na pagtatayuan sa Unisan, Quezon.
Sinabi pa ng Quezon solon na dalawang buwan simula ngayon ay malaking posibilidad na masimulan na ang nasabing biomass power plant.
Ani ni Suarez na kapag naisakatuparan ito sa pamamagitan ng nasyunal na pamahalaan ay hindi naasa ang QUEZELCO 1 sa National Power Corporation (NAPOCOR) para masuplayan ng kuryente ang mga bayan ng ikatlo at ika-apat na distrito ng Quezon,
AYon pa sa mambabatas na bukod pa na magkakaroon ng dadgdag na pagkikitaan ang mga magsasaka ng niyog, sapagkat ang mga tuyong kayakas, bao, bunot mula sa niyog ay bibilhin ng P1 bawat kilo.
Ang QUEZELCO 1 ay kumukuha ng suplay ng kuryente mula sa NAPOCOR na 22 megawatt, kaya kung makapag-ooperate ang planta ay 11 megawatt na lang ang dadagdagan ng kooperatiba.
Subalit, idinagdag pa ni Suarez na maliban sa plantang itatayo sa Unisan ay may dalawa pang biomass power plant ang nakatakdang itayo sa Catanauan at Calauag, bukod pa ang isa sa Camarines Sur. sa distrito ng sakop ng Cong. Datu Arroyo.
Kaya kapag naganap ang programang ito ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Suarez para sa Quezon ay ang QUEZELCO 1 na ang magbebenta ng sobrang kuryente na lilikhain ng mga planta.
Ang BioGen, isang banyagang imbestor ang mamumuhunan ng nasabing planta.
Danny Estacio
Abril 25
Please read....


Pilipinas pumangalawa sa basura
NI Gladys Alfonso



METRO MANILA- Pumapangalawa na ang Pilipinas sa may pinakamaraming basurang nakuha sa karagatan base sa ulat ng Ocean Conservancy Organization na na ka base sa Amerika.



Nanguna sa listahan ang Estados Unidos at ikatlo ang Costra Rica, kaugnay nito isinulong ni Senator Ramon Bong Revilla ang Senate Bill 777 na naglalayong ikulo angsinumang magtatapon ng solid toxic, hazardous o kahit na domestic garbage sa dagat, beach, ilog at iba pang daanang tubig sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.



Ayon sa Ocean Conservancy may 1,355,236 piraso ng basura ang narecover mula sa mga bahagi ng karagatan at baybaying dagat ng Pilipinas sa kanilang isinagawang International Coastal Clean-up noong Setyembre ng nakaraang taon.



Nanguna sa talaan ng trash items na nakuha mula sa karagatan ng Pilipinas ay mga plastic bags, paper bag, at food wrappers.



May mga nakuha rin na piraso ng damit, sapatos. Tobacco related items kabilang ang mga upos ng sigarilyo, lighter, at kaha gayundin ang diapers.



Sinabi ni Revilla na maliwanag na ginawa ng ” open dumpsite” ang karagatan dahil sa kawalan ng batas na maaaring ipataw sa mga nagtatapon ng basura.


DTI improves CLEEP in CALABARZON

Government will help CALABARZON cope up with the financial slump.

Launched on Friday by President Gloria Macapagal Arroyo, the Enhanced Price and Supply Monitoring project of the Department of Trade and Industry (DTI) will strengthen the Comprehensive Livelihood and Emergency Employment Program (CLEEP) in the region where the number of displaced workers is significantly high.

“Yan pong CLEEP natin…dalawang bagay po ang matutumbok na ito…hindi lang po emergency employment kundi patuloy na pagmomonitor natin sa presyo ng bilihin sa merkado,” said Deputy Presidential Spokersperson Lorelie Fajardo.

The monitoring project will help ensure products in the region will be safe, high quality and reasonably-priced.

It will also hire displaced workers as price monitors to be deployed in Laguna, Batangas, Cavite, Quezon and Rizal for the next six months.

Each price monitor will receive Php 5,082 monthly allowance.

Apart from watching prices, the monitors will be helping business establishments to comply with the Price Tag and Labeling laws, Product Standard Law and other trade laws.

In Laguna, DTI will hire at least 500 for the next three months.

To date, more than 527 displaced workers were trained on how to put their own businesses under the CLEEP in Laguna.

Ninety-seven entrepreneurs have applied for loans worth P855,000 with the Small Business Corporation while 180 applied for loans with the Postal Bank. #

Saturday, April 11, 2009

Gulang-gulang National HighSchool



TURN OVER CEREMONY OF THE SCHOOL STAGE:Pinangunahan nina Gulang-gulang Brgy. Captain Jun Regis,Mr. Carlo Villafranca representative of Gov. Raffy Nantes, Vice Mayor Philip Castillo, Principal Ms. Anni Villaruel at iba pang opisyal at Parent Teachers Association ang pagpuputol ng ribbon.Ito’y bilang pasinaya sa isinagawang turn over ceremony sa Gulang-Gulang National Highschool sa pamamagitan ng barangay council. JCPlease read....

news ...Sariaya Quezon

Illegal Quarry operations talamak sa Sariaya
Ni Jet Claveria

Hindi pa rin nasasawata hanggang sa kasalukuyan ang mga iligal na nagku-quarry sa lalawigan ng Quezon.Ito pa rin ang malaking problema ng mga residente na malalapit sa lugar at mga nagmamalasakit na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa ilang residente na nakapanayam ng Eyewatch, natatakot sila sa maaaring mangyari sa kanilang lugar sa may ilaya ng Sariaya sapagkat kung bibisitahin ito ng mga kinauukulan ay makikita nilang lubha na itong mapanganib.

Marami umanong nagku-quarry na mga iligal pa rin at hindi nakakatulong sa flood control program.Dapat umanong imbestigahan at puntahan ng PMRB ,DENR at mga kinuukulan ang nagkukwary lalo na sa bayan ng Sariaya upang makita na mas malalim pa umano sa taas ng puno ng niyog ang ginagawang ito sa mga ilog.

Maari umanong kapag dumating na naman ang mga tag-ulan ay tiyak na marami na namang mapipinsalang lugar sanhi ng walang habas na pagkukwary.
.

Kaugnay nito, base sa natatanggap na report mula sa lalawigan ng Quezon tuloy-tuloy parin ang pagbibiyahe sa loob at labas ng probinsya ng daang-daang mga truck na kargado ng mga nakukuhang mineral gaya ng bato, graba na ipinagbabawal dahil nakakasira ng kalikasan at hindi pagbabayad ng tama ng mga ito sa buwis na sanay nakikinabang at naiilagay sa proyekto para sa mamamayan.

sm city lucena

3 day sale sa SM Lucena dinumog
Ni Kristine Ayra Lacza

Muling dinagsa ang SM City Lucena ng mga shoppers mula sa iba’t ibang lugar at mga kalapit na lalawigan noong nakaraang 3 day sale.
Ayon sa ilang mga shoppers,matagal na nilang hinihintay ito at pinag-ipunan dahil alam nilang marami silang mabibili sa murang halaga lamang.

Ang SM City Lucena ang itinuturing na higanteng mall sa lalawigan at mga kalapit lugar kung kaya’t laging dinadagsa ng mga tao ito dahil na rin sa mga mura at quality na mga bilihin.

Naging abala rin ang mga opisyal ng SM at maging si Ms. Lilibeth Azores ay hindi inalintana ang pagod sa pagtungo naman ng mga personalidad na nais rin na mamili sa 3 day sale.

Bagama’t maraming namimili sa SM sa mga ordinaryong araw ay naging special ang naganap na 3 day sale sapagkat dinagsa ito ng mga tao .Ang karamihan ay mga nagsipagtapos sa paaralan dala ang kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan upang doon na rin iselebrate ang kanilang pagtatapos sa pamamagitan na rin ng kanilang pagkain at pamimili sa SM.

Punong –puno rin ang mga fast food chain at mga kainan sa SM dahil ng mapagod ng mamili ang mga shoppers ay kumain naman sila sa kanilang mga paboritong kainan.

Bunga nito, lubos na nasiyahan ang mga tenants ng SM sa pagdagsa ng mga mamimili kung saan halos maubos ang kanilang mga paninda sa isinagawang 3 day sale noong nakaraang Apr. 3,4 at 5 kung saan na extend pa hanggang noong lunes.


Please read....

opinion page

Jetline
ni Jet Claveria

Ang minsan….

Sobrang stress kaya dapat na mag relax at magpahinga….

Kaya ang ilang araw na walang pasok ay isang magandang pagkakataon upang magkasama-sama ang pamilya,ang magkakaibigan at magkakamag-anak.

Ilang araw bago sumapit ang Semana Santa ng mga katoliko.Maraming mga balakin at plano kung saan pupunta upang magbonding ang lahat.

Sa mga resorts,swimming pool,bundok ,ibang bansa at mga lugar na nais nilang puntahan upang doon magkasama-sama ang kanilang pamilya.

Sabi nga ay ito’y minsan lamang nangyayari sa mga magkakamag-anak o mga pami-pamilya ang magkasama-sama.Ganito rin ang plano namin kaya naghahanda na kami ng gabing iyon.

Ngunit minsan dumarating talaga sa buhay natin ang mga pagsubok kung gaano tayo katatag upang harapin ito.

Yon bang hirap na hirap na ngang mag-isip kung paano malalampasan ang kahirapan, nagsisikap kung paano mabuhay subalit minsan, dumarating ang tinatawag na kamalasan.

Mga pangyayaring hindi kagustuhan ay dumarating na lamang minsan ng hindi inaasahan.Sino bang mag-aakala na mawawala ang cellphone ni tita Chona ng ganong kabilis na pangyayari kung saan ingat na ingat na niya ang kaniyang cellphone ay mawawala pa.

Sino bang mag-iisip na sa mahinang kita ng isang munting negosyo na nagpipilit makabangon ay papasukin pa ng magnanakaw at mag-iiwan pa ng takot sa mga biktima nito.Wala talagang pinipili ang magnanakaw basta mayroon silang makukuha ,arya lamang sila.

Mabuti na lamang at hindi nasiraan ng loob si Krishan ng tutukan siya ng baril ng isang magnanakaw ng pasukin ang internet shop.Kahit naman nawalan ng boses si Sherwin sa matinding takot ay nagawa pa rin nitong humingi ng saklolo yon nga lang huli na ang lahat.Nakuha na ang kaniyang cellphone.

ANG PULIS SA EKSENA


Sa ganitong kabilis na pangyayari.

Talagang hindi aabot ang mga pulis upang sumaklolo sa mga biktima ng ganitong modus operandi ng mga magnanakaw dahil na rin sa mayroon itong kasapakat na traysikel drayber na mabilis na tatakas habang mga tulala ang naiwan.


Minsan lagi naging sinisisi ang pulis dahil parang laging pelikula, huli kung dumating sa eksena.Pero may mga pagkakataon nga pala na talagang hindi aabutan ang mga suspects.

Subalit may mga pulis din namang tatanga-tanga.Nagkataon na kasing may pulis ng pagkakataong iyon at abot kamay na lamang at mahuhuli na ang magnanakaw, aba’y imbis na habulin yong magnanakaw dahil siya’y nakamotor ay uutusan pa ang biktima na tumawag daw sa 117 para magresponde.Ay andon siya at pulis din naman.Ay kainaman buhay ng pulis na iyon. Di maasahan ngani.Mayroon pa pala sa Lucena na pulis patola.



Eh pude naman siyang humabol.Baguhan pa ata at natakot ng sabihin na mayroong baril na dala yong magnanakaw.Swerte pa ring pulis yon dahil hindi nakuha ang pangalan dahil nagkatarantahan na.Sana’y naisumbong kay Col. Ylagan at nabigyan ng aksyon.

Ang nakakatawa pa ay yong hahabol na nakasakay sa owner ang siyang pinagdiskitahan ng pulis na lasing daw dahil siya’y mauurungan nong time na maghahabulan na.

Sa isang banda’y dapat pa ring magpasalamat dahil ganito lamang ang nangyari.Walang nasasaktan at walang dugong dumadanak.

Subalit sa ganitong mga sitwasyon ay minsan saka mo lamang naiisip na dapat pala ganito ang ginawa, dapat ay ganito ang nangyari,subalit sa kabiglaanan pala ay talagang walang maiisip ang mga biktima at minsan talagang takot ang iiral.

Kaya dapat na maging handa pala tayo sa mga maaring posibleng mangyari sa ating buhay.Sobrang sama na ng mundo at hindi laging dapat na tiwala tayo sa ating kapaligiran.

Ang minsang bangungot o masamang pangyayari sa ating buhay ay huwag na nating hayaan na maulit na muli.Dobleng ingat ang ating gawin, sa mga pagpapasya at sa ating mga sarili at dapat na maging aware sa ating kapaligiran….Sapat na ang minsan…


REBELDE ALA NA SA QUEZON ?

Takot daw ang mga negosyante na maglagay ng kanilang negosyo sa lalawigan dahil NPA country daw.

Hindi naman…

Andyan ang SOLCOM at lahat ay ginagawa nila General Delfin Bangit upang makontrol at mapababa ng kabundukan ang mga rebelde.

Kaya nga patuloy ang pagre-recruit ng CAFGU upang ito ang ilagay sa mga barangay na siyang magmonitor sa mga lugar.


Sabi nga ng SOLCOM hindi na makapag recruit ang mga NPA sa mga lugar sapagkat halos lahat na ay mayroong mga kampo ng sundalo.Inaalam na rin ng mga ito ang mga kailangan sa barangay at katuwang ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga residente.

Kung ganito ang mga programa ng ARMY at walang inirereklamo sa kanilang hanay ang mga Human Rights tiyak na maraming bababa ng bundok upang mamuhay na ng normal.

Subalit kung ang mga sundalo pa umano ang pinagsisimulan ng gulo sa mga lugar,wag na tayong umasa pa na makokontrol ang NPA sa Quezon.

Kung ang magagandang hakbangin at programa ngayon ang pagbabasehan ligtas ang lalawigan ng Quezon.tiyak na maraming mga negosyante ang maglalagak ng puhunan dito.Sana nga ay maiwasan na ang karahasan dahil lahat naman tayo ay iisa ang naisin ang katahimikan at kaunalaran.

Marahil ay makiisa na lamang tayo sa mga magagandang naisin ng mga namiminuno sa atin at matupad ang pangarap na ‘Pilipinas Quezon Naman”.














Please read....