Jetline
ni Jet Claveria
Ang minsan….
Sobrang stress kaya dapat na mag relax at magpahinga….
Kaya ang ilang araw na walang pasok ay isang magandang pagkakataon upang magkasama-sama ang pamilya,ang magkakaibigan at magkakamag-anak.
Ilang araw bago sumapit ang Semana Santa ng mga katoliko.Maraming mga balakin at plano kung saan pupunta upang magbonding ang lahat.
Sa mga resorts,swimming pool,bundok ,ibang bansa at mga lugar na nais nilang puntahan upang doon magkasama-sama ang kanilang pamilya.
Sabi nga ay ito’y minsan lamang nangyayari sa mga magkakamag-anak o mga pami-pamilya ang magkasama-sama.Ganito rin ang plano namin kaya naghahanda na kami ng gabing iyon.
Ngunit minsan dumarating talaga sa buhay natin ang mga pagsubok kung gaano tayo katatag upang harapin ito.
Yon bang hirap na hirap na ngang mag-isip kung paano malalampasan ang kahirapan, nagsisikap kung paano mabuhay subalit minsan, dumarating ang tinatawag na kamalasan.
Mga pangyayaring hindi kagustuhan ay dumarating na lamang minsan ng hindi inaasahan.Sino bang mag-aakala na mawawala ang cellphone ni tita Chona ng ganong kabilis na pangyayari kung saan ingat na ingat na niya ang kaniyang cellphone ay mawawala pa.
Sino bang mag-iisip na sa mahinang kita ng isang munting negosyo na nagpipilit makabangon ay papasukin pa ng magnanakaw at mag-iiwan pa ng takot sa mga biktima nito.Wala talagang pinipili ang magnanakaw basta mayroon silang makukuha ,arya lamang sila.
Mabuti na lamang at hindi nasiraan ng loob si Krishan ng tutukan siya ng baril ng isang magnanakaw ng pasukin ang internet shop.Kahit naman nawalan ng boses si Sherwin sa matinding takot ay nagawa pa rin nitong humingi ng saklolo yon nga lang huli na ang lahat.Nakuha na ang kaniyang cellphone.
ANG PULIS SA EKSENA
Sa ganitong kabilis na pangyayari.
Talagang hindi aabot ang mga pulis upang sumaklolo sa mga biktima ng ganitong modus operandi ng mga magnanakaw dahil na rin sa mayroon itong kasapakat na traysikel drayber na mabilis na tatakas habang mga tulala ang naiwan.
Minsan lagi naging sinisisi ang pulis dahil parang laging pelikula, huli kung dumating sa eksena.Pero may mga pagkakataon nga pala na talagang hindi aabutan ang mga suspects.
Subalit may mga pulis din namang tatanga-tanga.Nagkataon na kasing may pulis ng pagkakataong iyon at abot kamay na lamang at mahuhuli na ang magnanakaw, aba’y imbis na habulin yong magnanakaw dahil siya’y nakamotor ay uutusan pa ang biktima na tumawag daw sa 117 para magresponde.Ay andon siya at pulis din naman.Ay kainaman buhay ng pulis na iyon. Di maasahan ngani.Mayroon pa pala sa Lucena na pulis patola.
Eh pude naman siyang humabol.Baguhan pa ata at natakot ng sabihin na mayroong baril na dala yong magnanakaw.Swerte pa ring pulis yon dahil hindi nakuha ang pangalan dahil nagkatarantahan na.Sana’y naisumbong kay Col. Ylagan at nabigyan ng aksyon.
Ang nakakatawa pa ay yong hahabol na nakasakay sa owner ang siyang pinagdiskitahan ng pulis na lasing daw dahil siya’y mauurungan nong time na maghahabulan na.
Sa isang banda’y dapat pa ring magpasalamat dahil ganito lamang ang nangyari.Walang nasasaktan at walang dugong dumadanak.
Subalit sa ganitong mga sitwasyon ay minsan saka mo lamang naiisip na dapat pala ganito ang ginawa, dapat ay ganito ang nangyari,subalit sa kabiglaanan pala ay talagang walang maiisip ang mga biktima at minsan talagang takot ang iiral.
Kaya dapat na maging handa pala tayo sa mga maaring posibleng mangyari sa ating buhay.Sobrang sama na ng mundo at hindi laging dapat na tiwala tayo sa ating kapaligiran.
Ang minsang bangungot o masamang pangyayari sa ating buhay ay huwag na nating hayaan na maulit na muli.Dobleng ingat ang ating gawin, sa mga pagpapasya at sa ating mga sarili at dapat na maging aware sa ating kapaligiran….Sapat na ang minsan…
REBELDE ALA NA SA QUEZON ?
Takot daw ang mga negosyante na maglagay ng kanilang negosyo sa lalawigan dahil NPA country daw.
Hindi naman…
Andyan ang SOLCOM at lahat ay ginagawa nila General Delfin Bangit upang makontrol at mapababa ng kabundukan ang mga rebelde.
Kaya nga patuloy ang pagre-recruit ng CAFGU upang ito ang ilagay sa mga barangay na siyang magmonitor sa mga lugar.
Sabi nga ng SOLCOM hindi na makapag recruit ang mga NPA sa mga lugar sapagkat halos lahat na ay mayroong mga kampo ng sundalo.Inaalam na rin ng mga ito ang mga kailangan sa barangay at katuwang ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga residente.
Kung ganito ang mga programa ng ARMY at walang inirereklamo sa kanilang hanay ang mga Human Rights tiyak na maraming bababa ng bundok upang mamuhay na ng normal.
Subalit kung ang mga sundalo pa umano ang pinagsisimulan ng gulo sa mga lugar,wag na tayong umasa pa na makokontrol ang NPA sa Quezon.
Kung ang magagandang hakbangin at programa ngayon ang pagbabasehan ligtas ang lalawigan ng Quezon.tiyak na maraming mga negosyante ang maglalagak ng puhunan dito.Sana nga ay maiwasan na ang karahasan dahil lahat naman tayo ay iisa ang naisin ang katahimikan at kaunalaran.
Marahil ay makiisa na lamang tayo sa mga magagandang naisin ng mga namiminuno sa atin at matupad ang pangarap na ‘Pilipinas Quezon Naman”.
Please read....
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment