Illegal Quarry operations talamak sa Sariaya
Ni Jet Claveria
Hindi pa rin nasasawata hanggang sa kasalukuyan ang mga iligal na nagku-quarry sa lalawigan ng Quezon.Ito pa rin ang malaking problema ng mga residente na malalapit sa lugar at mga nagmamalasakit na opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa ilang residente na nakapanayam ng Eyewatch, natatakot sila sa maaaring mangyari sa kanilang lugar sa may ilaya ng Sariaya sapagkat kung bibisitahin ito ng mga kinauukulan ay makikita nilang lubha na itong mapanganib.
Marami umanong nagku-quarry na mga iligal pa rin at hindi nakakatulong sa flood control program.Dapat umanong imbestigahan at puntahan ng PMRB ,DENR at mga kinuukulan ang nagkukwary lalo na sa bayan ng Sariaya upang makita na mas malalim pa umano sa taas ng puno ng niyog ang ginagawang ito sa mga ilog.
Maari umanong kapag dumating na naman ang mga tag-ulan ay tiyak na marami na namang mapipinsalang lugar sanhi ng walang habas na pagkukwary.
.
Kaugnay nito, base sa natatanggap na report mula sa lalawigan ng Quezon tuloy-tuloy parin ang pagbibiyahe sa loob at labas ng probinsya ng daang-daang mga truck na kargado ng mga nakukuhang mineral gaya ng bato, graba na ipinagbabawal dahil nakakasira ng kalikasan at hindi pagbabayad ng tama ng mga ito sa buwis na sanay nakikinabang at naiilagay sa proyekto para sa mamamayan.
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment