Para sa Bayan
ni Celine M. Tutor
Ms. Cervantes…masungit?
Hindi ko alam kung nakakatulong ng husto sa alkalde ng Atimonan, Quezon ang kanyang tumatayong private secretary na si Ms. Cervantes.
Siguro naman ay Oo dahil matagal na siguro siyang tsinugi sa kanyang posisyon ngayon sa munisipyo sa nasabing bayan kung walang ginagawa. O puwede ring kaya nananatiling nasa unahang lamesa pa naman ang puwesto niya sa Office of the Mayor ay dahil sa walang nagpaparating kay Mayor Mendoza na masungit ito at hindi maayos kausap.
Hindi ba’t kung ikaw ay sekretarya ang trabaho, dapat ay nice ka, mabait at laging naka-smile? Bakit kaya itong si Ms. Cervantes ay nakakunot ang noo kapag nakikipag-usap at wala man ‘lang kagiliw-giliw?
Natatandaan ko pa noon nang si Lucena City Councilor Ramil C. Talaga ay tumayo bilang Private Secretary ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr ay napaka-friendly nito. Bakit naman kaya kabaliktaran ito ng ginagawa ni Ms. Cervantes?
Papaano na ‘lang po kaya Mayor Mendoza kung isang mahirap na tao, walang masyadong pinag-aralan ang nagtungo sa inyong opisina at hihingi ng tulong ang sadya? Siguro’y mahihirapan ito na makausap kayo dahil sa napakasungit ni Ms. Cervantes.
Balita ko kasi ay may nagtungo na media sa opisina ni Mayor Mendoza at iinterbyuhin tungkol sa posisyon nito sa mainit na usapin ngayon ng RA 9495 o Hati-Quezon. Ang sagot daw ni Ms. Cervantes ay na-interbyu na ito ng media din at ng sabihin ng kausap niya na iba naman ako dun sa nag-interbyu na dahil magkakaiba kami ng entity ay nakipagtalo pa ito at alam daw niya at take note…media din daw siya.
Saan kayang entity si Ms. Cervantes?
Kung ikaw ay media nga din (ayon sa iyo) magaling na sekretarya ni Mayor Mendoza, dapat ay alam mo ang ginagawa mo. Dapat kapag may naghanap sa amo mo ay makipag-usap ka ng maayos.
Paano kaya n’yo naii-promote ang turismo ng Atimonan kung ganyan Mayor Mendoza ang iyong tauhan? Sana’y nag-iisa lang si Ms. Cervantes dahil kung marami pang katulad niya sa inyong munisipyo, aba’y sa Mauban, Quezon na lamang po kayo magpunta at napakabait ni Mabel. Nagpupunta din po dun at madalas magpakita ang mga BUTANDING na IPINAGMAMALAKI pa naman ng Atimonan. Tara na, sa Mauban na ‘lang tayo magpunta…
Mayor Bantayan at serbisyo sa mga Maubanin
Patuloy na nasisiyahan ngayon ang mga mamamayang naninirahan sa Mauban, Quezon dahil sa mga magagandang programa na ipinagkakaloob ni Mayor Rex Bantayan.
Sa kabila ng patuloy na paggiba sa kanya ng kanyang mga katunggali sa pulitika ay walang patid naman ang pagdadala niya ng magandang serbisyo sa bawat barangay na kanyang nasasakupan.
Inilapit ni Mayor Bantayan sa mga bara-barangay ang pamahalaan. Hindi ba’t ito ang gusto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga kapwa opisyal sa bara-barangay? Ang magserbisyo ng totoo at ipinagkaloob ang pangangailangan ng mga tao.
Tapos na kasi ang election kaya yaong mga hindi pinalad na manalo, dapat ay magtrabaho na lamang ng maayos at hindi yaong walang ginagawa kundi hanapan ng butas ang pinagtiwalaan ng mamamayan.
Sabi nga ng mga kapitan ng ilang barangay na nakausap ko sa Mauban, HINDI NILA KAYANG GIBAIN SI MAYOR BANTAYAN dahil kami mismo sa bara-barangay ang makakapagpatunay na NANALO siya at NAGSESERBISYO NG TOTOO.
# # #
Salamat sa imbitasyon nina former Quezon 2nd district board member Billy Andal, Ms. Jet ng pahayagang ito, Ms. Belly at sa bumubuo ng Quezon Publisher’s Association kung kaya’t nasaksihan ko ang masiglang Seminar-Workshop hinggil sa Right of Reply na ginawa noong Biyernes sa SM City Lucena. Makabuluhan at interesting ang topic sa bawat kasamahan sa industriya. Sabi nga’y alam na natin sa ating mga sarili ang Right of Reply at ibinibigay natin ito sa ating mga parukyano ngunit ang diktahan tayo at gawin itong batas ay isang paninikil na naman sa ating malayang pamamahayag. Kung meron kayong opinyon o suhestyun, email n’yo lamang ako sa brilliantceline@yahoo.com
Please read....
Saturday, December 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment