Saturday, September 27, 2008

BANNER HEADLINES

1st businessness conference at OTOP Congress and Trade Fair
Eye opener sa Calabarzon area
Ni jet Claveria

Magiging Eye Opener ang katatapos na kauna-unahang isinagawang business conference sa lalawigan ng Quezon.Ito ang halos na nilalaman ng mga nakapanayam ng Eyewatch sa tatlong araw na isinagawang back to back na aktibidad sa Quezon convention Center.

Nagbigay ng komento ang ilang negosyante at mga pribadong sector sa Calabarzon.Ayon kay Mr. Rodrigo M. Camia, Southern Tagalog Regional Cooperative Development Council, ang 1st business conference ay isang paraan upang mabuksan ang kaisipan ng mga mamamayan at mga negosyante na makipagtulungan sa pamahalaan para sa ikauunlad nito.

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Mr. Andres Rustia ,Rustia Management consulting Cavite City kung saan isang magandang panimula ito para sa mga negosyante at mga pribadong sector na magkakilala at magkatulungan para sa kaunlaran ng pagnenegosyo sa buong Calabarzon.

Curiosity lamang naman ang nagbunsod ng pagdalo ni Mr. Diosdado “Dad’s”Luya .Branch Manager PS Bank Candelaria ng imbitahan siya ni Mr. Al Castillo,subalit nagulat siya ng makita na malakihang aktibidad pala ito at lalo siyang nagulat sa mga ipinahayag ng mga speaker patungkol sa ikagagaling pa ng kaunlaran.


Binanggit niyang maganda ang layunin ni Governor Raffy Nantes, na mabuksan sa kalakalan ang Quezon.Maging siya man ay hindi niya alam ang problema ng Quezon kung saan malaki pala ang area nito subalit kulang naman sa mga pagkakakitaan ng mga mamamayan,dagdag pa ng Naturang Manager ng Bangko.

Umbot ng kulang-kulang na 2,000 na mga participant ang dumalo rito kung saan sa mga kompanya naman ay umabot sa 30 ang bilang.


Kaugnay nito,malaki ang paniniwala ng mga nag-organisa ng One Town One Product Congress and Trade Fair na ang pagpapakita ng mga produkto ng iba’t ibang bayan sa CALABARZON area ay simula na ng kaunlaran sa rehiyon.

Ganito rin ang paniniwala ni Mr. Oscar Bunye Management Committee ng nasabing back to back Quezon activities sa lalawigan.

Sinabi ni Bunye ang proyektong ito na sinuportahan ng Department of Trade and Industry, Quezon-Lucena Chamber of Commerce at mga LGUs sa Calabarzon ay isang Eye Opener para sa lahat particular sa mga negosyante.

Ang OTOP na isinagawa sa lalawigan ng Quezon ay pagpapakita lamang ng pagkakaisa ng mga opisyal sa region 4 para sa higit na kaunlaran at gayundin sa pagpapayabong ng Turismo.
Naging tampok din dito ang limang kalesa na pwedeng magsakay sa mga nagsidalo kung ibig nilang mamasyal sa kabuuan ng Perez park at Kapitolyo.

Ipinakita sa mga booth na inilagay sa loob at labas ng convention center ang mga produkto ng bawat bayan sa Calabarzon area .Tuwang-tuwa naman ang nagtungo rito upang bumili ng mga murang produkto na nagmula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Calabarzon.

Sa naging pahayag naman ni Mr. Francis Sevilla Chief Executive,ang isinagawang 1st business conference ay isang pagpapakita na nakahanda ang proyekto ng pamahalaang panlalawigan tungo sa pagpa-unlad nito na ang makikinabang ay Quezonian.

No comments: