By:Lito M. Giron
Pang. Arroyo magsasalita sa UN Assembly
Nakatakdang magbigay ng pinansyal na tulong ang Australian government na nagkakahalaga ng P12 milyon sa pamamagitan ng Australian Agency for International Development (AusAid) para sa mga naapektuhan ng labanan sa Mindanao partikular sa mga lalawigan ng North Cotabato at Lanao del Norte. Sinabi ni Australian Ambassador Rod Smith na ang kontribusyon ay makakatulong sa pangangailangan ng apektadong mamamayan. Umaasa ang bansang Australia na makakabalik ang mga mamamayan sa kanilang tahanan sa lalong madaling panahon upang masimulan muli ng pamahalaan at mga katuwang nito ang panunumbalik ng kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.
00000
Magsisimula ng magsagawa ng magsagawa ng malawakang kampanya para sa kaalaman ng mga botante ang Commission on Human Rights (CHR) at iba pang katuwang na na ahensya nito. Sinabi ni CHR chairperson Leila de Lima na ang natirang gawain ay naglalayong palawakin ang kamalayan at kaalaman ng mga botante sa kanilang karapatan sa pagboto upang mapabuti ang proseso ng eleksyon sa bansa. Nakatuon ang CHR sa matatanda, may kapansanan, napalayo sa tirahan, mga minoridad at baguhang botante.
00000
Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza na bibigyan ng konsiderasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpunta sa Amerika upang magsalita sa pagbubukas ng 63rd United Nation Assembly at dumalo sa iba pang pulong kasama ang mga pinuno ng iba’t-ibang bansa bunga ng masidhing rekomendasyon ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at Ambassador Hilario Davide, Jr.
00000
Nanawagan si Pang. Arroyo sa bawat mamamayan na magbuklod-buklod sa paglikha ng isang malakas at may kakayahang bansa sa gitna ng mga panlabas na banta sa lokal na ekonomiya. Sa kanyang pambungad na pananalita sa pulong ng National Competitiveness Council (NCC), binigyan diin ng Pangulo na siguraduhin na nasa tamang landas at kondisyon ng kalakalan at pamumuhunan na mapabuti ang pagiging competitive ng bansa.
00000
Isinusulong ni Rep. Nicanor Briones (Agap Party list) ang panukalang batas bilang 4976 upang amyendahan ang probisyon ng social security law tungkol sa pagbabayad at kontribusyon. Ito ay naglalayon na mabawasan ang multa na ipinapataw sa mga employers o kompanya na hindi na nakakabayad ng kanilang SSS remittances sa takdang panaho.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment