Sino nga bang naghihirap?
Kagaya ng isang awitin…Minsan nahihirapan ka at masasabing di ko na kaya….tumingin ka lang sa langit…
Karamihan ngayon ang idinadaing ay ang kahirapan…Walang pera, kulang ang sweldo,dildil asin…sisi ang employer ….sisi ang gobyerno.
Kung poverty ang pag-uusapan ay malalim na usapin at kailangang himay-himayin ito upang maintindihan sino nga ba ang tunay na naghihirap.
Kung minsan hindi maiiwasan na masairan baga…Yon bang talagang walang laman ang iyong wallet at kahit barya ay walang makuha .
At hindi exempted dyan ang Jetline…..marunong lamang nganing magdala ng kawalan ng pera na hindi halata.Ewan nga ba at minsan ay nangungutang na ay walang magpautang dahil hindi maniwalang alang atik baga.Para tuloy gusto ng sumigaw ng darna.
Lahat ay dumaraing walang pera…Kahit mga maliliit at malalaking negosyante ay pera pa rin ang problema.May kinikita at wala pera pa rin ang daing…..Mabuti pa nga daw ang pera at may tao pero ang tao walang pera…
Bakit nga ba walang naririnig ngayon kundi ang patuloy na paghihirap ng Pinoy…Pero sino nga ba sa mga Pinoy ang totoong naghihirap.
Bakit nga naman panay ang pagsasabi ng walang pera…grabeng kahirapan na subalit naiisip naman kaya kung anong klaseng buhay mayroon siya.Hindi naman kaya kapag may pera ay palaging pasko at feeling milyunaryo .Gastos dito gastos doon.
Ito ba ang dahilan kung bakit sa kabila ng kahirapang nararanasan ng sambayan ay sumisigaw si pangulong GMA na ramdam na ang kaunlaran.Sa kaniya marhail ramdam niya dahil nakatira siya sa palasyo ay paano ang mga nakatira sa barung-barong?Hanggang mayroon pang namamalimos sa lansangan ,hangga’t mayroon pang pamilya na walang sariling tahanan…Hindi mararamdaman ang sinasabi niyang kaunlaran.
STANDARD OF LIVING
Panay ang daing ng kahirapan subalit iniisip ba naman kung anong standard of living mayroon ang isang pamilya.Baka naman itinataas n’yo ang antas ng inyong pamumuhay sa pamamagitan ng pagbili ng hindi naman mahahalagang bagay.
Dapat malaman ng bawat isang nagbabudget kung ano ang pagkakaiba ng “needs”sa “wants”.
Lalo na ang mga nanay na siyang pinagbibigyan ng sweldo ng kanilang mga asawa(kung binibigyan).
Ang “ basic needs” is something you have to have, something you can’t do without.Like our foods, if you don’t eat, you won’t survive for long.You might not need a whole lot of food, but you do need to eat.
Ang “wants” is something you would like to have.It is not absolutely necessary, but it would be a good thing to have.
These are general categories, of course. Some categories have both needs and wants. For instance, food could be a need or a want, depending on the type of food.
You need to eat protein, vitamins, and minerals. How you get them is up to you (and your family). You can eat meat, nuts, or soy products to get protein. You can get fruits and vegetables to get vitamins and minerals. You can eat yogurt or cheese to get other vitamins and minerals. You can eat bread to get still more vitamins and minerals. These basic kinds of foods are needs.
Subalit minsan bibili ka ng mga pagkain na hindi naman masustansya.Pero dahil sa gusto ay pipilitin bilihin.Imbis na magsaing at magluto ng gulay ay magpipilit na magtungo sa mga fastfood ,gayong alam nilang yon na lamang ang perang naiitabi.O kaya’y makipagsabayan sa kanilang kapitbahay na mayaman at maraming pambili ng pagkain. They want it, but they don't need it. They like it, but they don't have to have it to survive. Pagkatapos ay dadaing ng walang pera.Sinong me kasalanan?Get’s nyo?
Kaya minsan kapag ang Jetline ay naglalakad at nakikitang puno ng tao ang mga fastfood chain at mga mall,nakapag-iisip ….talaga nga bang naghihirap na ang mga tao…Gayong sila mismo ay itinataas ang kanilang antas ng pamumuhay at pinipilit maging feeling mayaman at astang mayaman .
May mga pagkakataon kasi na one day millionaire…Yong kapag nagkaroon ng pera ay hindi maiisip ang kanilang needs kundi ang luxury.Bili dini bili don na hindi naman mahahalaga.Pagkatapos kinabukasan dadaing na walang pera.Mahirap talaga ang mahirap.Pero sino nga ba ang tunay na naghihirap?Sinasabi nating tayo’y mahirap pero tingnan naman ang standard of living.Mayroon kasing mga pangyayari na hindi naman masyadong kailangan subalit pinipilit na magkaroon nito maging “in “ lamang sa lipunan na kanyang ginagalawan.
Kung minsan naman ay dala na rin ng inggit sa katawan…Nakitang bumili ng bagong TV yong kapitbahay , naku kahit maganda pa naman ang kanilang TV ay sukdulang mangutang para lamang makaagapay sa kapitbahay nilang nakariwasa sa buhay.
Karamihang mentalidad ng Pinoy ay ganyan, trying hard tuloy ang dating.
May mga tao kasi na bulagsak sa pera at sa pagkain….Kaya naman karamihan ay walang mangyari sa buhay kahit pa sabihing malaki ang kinikita.
Para bang hindi na iniisip ang bukas ang laging iniisip ay yong ngayon.Subalit kung matuto lamang marahil magtipid ang lahat sa kanilang karampot na kinikita ay maraming giginhawa ang buhay.
Marahil kung ang uunahin lamang ay ang basic needs walang magsasabing sila’y nagugutom .
Subalit kapag pinairal ang pagka-gastador gaano man kalaki ang kinikita isang araw ay isang araw din itong gagastusin.
Dapat talagang sa mga minimum lamang ang kinikita ay tinataka na mabuti ito para makasapat sa pang-araw-araw nilang gastusin.
Tamang pagba-budget lamang ang kailangan at konti pang higpit ng sinturon .Masuwerte ang isang probinsya kung ang iniisip ng mga nanungkulan ay panay sa kapakanan ng mga constituents.Tiyak na maraming trabaho ang maghihintay .Ngunit kung tamad na nga ang mamamayan at tamad pa rin ang mga opisyal,talagang mamamatay ng dilat ang mata.
1st BUSINESS CONFERENCE SA QUEZON
Marahil ay pagod na pagod pa ang mga organizers ng isinagawang 1st business conference sa Quezon.Lalo na sa mukha ni Atty. Dennis Guerrero na parang lutang na kapag kakausapin ay tiyak na masaya naman sa tagumpay ng kanilang aktibidad.Ang naging comment nga lamang ay mahina ang speaker kung kayat hindi masyadong maintindihan ang sinasabi ng mga nagsasalita.May ilang na interview ang Jetline na mga dumalo.Ayon sa mga delegado ng Cavite, maganda daw pala sa lalawigan ng Quezon at sa ganitong mga hakbangin ng mga namiminuno ay nakatitiyak ng kaunlaran ang bawat probinsya.
Bagama’t wala akong nakitang umatend na gobernador mula sa Calabarzon area sa loob ng 2 araw kong pagtungo rito ( hindi ko lang alam noong ikatlong araw lay out na naming eh) ay naipakita ng bawat probinsya ang kanilang mga produkto.
Sabi nga ng ilang kasapi ng Quezon Lucena Chamber of Commerce, hindi nagkamali ang mga bumuo nito upang magkaisa ang mga pribadong sector at ang provincial government.Hindi daw nila alam na ganon pala kalaki ang nasabing aktibidad.
Ang kailangan nga lamang daw ay lahat ng mga ipinahayag ng mga nagsalita ay maisabuhay.
Saturday, September 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment