Saturday, October 11, 2008
Editorial Oct 6 – 12 2008
The right to reply
Senate Bill 2150, An Act Granting the Right of Reply and Providing Penalties Thereof has been approved by the Senate in mid-June of 2008.
Martial law oppositor and now minority floor leader Senator Aquilino Pimentel and Senators Ramon Revilla Jr and Francis Escudero served as co-authors of this bill whose main targets are, absolutely, we, the journalists.
In the House of Representatives, a similar measure under HB 3306 authored by Reps Monico Fuentevilla, Bienvenido Abante and Juan Edgardo Angara is now under consideration.
As with SB2150, the right to reply by the adverse party becomes a legal requirement for any publisher, editor or broadcaster to provide equal space and or time.
The supposed defenders of press freedom in the person of Pimentel and Escudero took the other side of the fence in what we can call in technical term as a 45 degree turn.
Rationalizing, Pimentel said the right of reply is part of the freedom of expression of the people intended to protect themselves from inaccurate or untruthful articles in various media that put them in bad light or malign them, intentionally or otherwise.
In the practice of journalism, it is a norm for most in the trade that all sides and parties to an issue are printed and heard. Every effort is made to get the complete story of all and as in the court of justice, all facts, pros and cons are into it. Trapos in both houses of Congress need not teach journalists how to do our job.
In the pending Senate and House bills, it becomes mandatory for all of us; whether in broadcast or print, to give equal time and space for the ‘offended or maligned” party. In print, the publisher or editor has to give the same space and length to the party who has the right of reply.
Once the measure becomes a law, editors and broadcast personalities loses control over what to print, how materials are to be printed and how long the item would be and what needs to be spoken about, respectively.
That would certainly be a restriction on our freedom.
Article III in the Bill of Rights under Section 4 clearly states “no law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”
So clearly.
Freedom of the press connotes freedom from prior restraint or compulsion wherein there should be no instance where our control on what to write or publish or talked about is vested on others; whether they be private individuals, groups or government personalities.
Pimentel, Puentevella et al’s proposition is to impose upon us what needs to be written or spoken.
Let us not take this sitting down.
Umiray Bridge, popondohan ng JICA
The Reportorial Team
Ilang detalye na lang ang kinakailangang maisaayos upang maumpisahan na ang proyekto para sa konstruksyon ng Umiray Bridge at kapag natapos na ang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Dingalan, Aurora Province at General Nakar, Quezon, wala ng sagabal pa sa pagsasakatuparan ng proyekto ayon kay Ginoong Aris Flores, provincial administrator ng Quezon.
Sinabi ni Flores na popondohan ng Japan International Cooperation Agency o JICA ng halagang aabot sa 500 milyong piso ang proyektong magdudugtong sa Aurora at Quezon para sa mas mabilis na pag-unlad ng dalawang lalawigan. “Walang gagastusing pera ang probinsiya dito sa matagal ng pangarap ng ating mga kababayan.”
Hindi malayo na sa hinaharap ay magkatotoo ang pangarap na ito at ang Umiray Bridge ay kabilang sa mga proyektong nais maisakatuparan ni Gob. Raffy P. Nantes at suportado rin ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora.
Higit na mas mapapadali ang biyahe mula sa Maynila at hindi kailangang iikot pa ang sinumang biyahero sa Maynila, Bulacan, Nueva Ecija, sa Nueva Viscaya bago marating sa Aurora.
Bagamat kakapirasong tubig ang namamagitan sa dalawang magandang bayan ng General Nakar at Dingalan, walang tulay na magdudugtong sa magkaratig bayan.
Ngunit sa malapit na hinaharap, ‘mapag-iisang’ muli ang Aurora sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng planong Umiray Bridge.
Positibo ang reaksyon mula sa mga mamamayan at labis ang kasiyahan ng mga negosyanteng nakarinig sa pahayag ng punong lalawigan sa ginanap na Quezon 1st Business Conference sa Quezon Convention Center nitong nakaraang Sept 25 -26 taong 2008. Ayon sa Quezon Lucena Chamber of Commerce and Industry, lalong magiging maganda ang epekto nito sa pagnenegosyo gayon din sa ginhawang idudulot sa mamamayan ng nakaplanong tulay ng Umiray.
Bibilis ang daloy ng komersiyo at kapwa makikinabang anila ang magkabilang panig. Nakikini-kinita nila ang pag-usbong ng mga negosyo na may kinalaman sa agrikultura at turismo na siyang pinagtutuunan ng pansin ng kasalukuyang gobernador.
Bokal ng Bayan Oct 6-12 2008
Ni Billy L. Andal
Kalaban sa Malayang Pamamahayag
NAKAKATAKOT.
Magigising na lamang isang araw ang mga print at broadcast journalists na inuutusang ilabas ang isang istorya o pahayag kahit na hindi man karapat-dapat o kabali-balita.
Kapag naipasa ng Kongreso at Senado ang panukalang batas na may numerong SB7150 at HB 3306 magiging inutil na ang mga mamamahayag sapagkat mawawala na sa kanila ang karapatan na magpasiya kung alin ang nararapat o hindi ilathala at isahimpapawid.
Hindi na ang mga editor at manager ng tv at radio station ang magpapasiya kung nararapat bang ilathala o e-ere ang pahayag o sagot ng isang “napuna, nasiraan o nasaktan at nabatikos.”
Mas kilala ang batas na isinusulong ni Senador Aquilino Pimentel at Rep Monico Puentevella sa tawag na Right of Reply.
Batay sa panukalang batas nakasalang sa House of Representatives at sa Senado, obligasyon ng mamamahayag na ilathala ang panig ng sinuman na napuna sa dyaryo. Kung ang pamumuna o pagbatikos ay sa editorial space, doon din dapat ilathala kinabukasan.
Kung gaano kahaba ang naisulat na “laban o puna” ganoon din kahaba ang ipagkakaloob sa naisulat na indibidwal o grupo.
Kapag sa radyo at telebisyon naman, sa ganoon ding oras at programa isasahimpapawid ang panig ng diumanoy tinamaan o paksa ng pamumuna.
Halimbawa naman at ang istoryang nalathala ay ay headline o banner story, ang sagot o pahayag ni Cong Ulukaok ay banner story din.
Paano naman ang gagawin ng isang editor kung sa araw na ang balita ay higit na may kahalagahan keysa sa pahayag ni Ulukaok, banner story pa rin siya kahit na sa araw na iyon ay nagkataong ni-raid ng mga rebelde ang City Police Station, 7 ang napatay, 5 ang na kidnap, nilimas lahat ng baril sa armory at pagkatapos ay sinunog ang istasyon.
Puwershan bagamat may damit na legal batay sa gusto ni Pimentel at Puentevella. Malinaw na panggigipit sa ating mga media practitioners at hindi “fair play o equal treatment” na salitang ginagamit nina PP upang magka-amoy bulaklak sampaguita ang batas na tila berdugo na kikitil sa kalayaan sa pamamahayag.
Anti-demokratiko ang isinusulong ni Puentevella sa Kongreso. Dahil ba at ikaw ay napuna sa iyong trabaho sa pamahalaan ay gagantihan ng kalupitan ang mamamahayag?
Ang public servant ay dapat handa sa lahat ng pamumuna o papuri sapagkat ganyan ang katangian ng isang demokratiko’t lipunang sibil. Maluwang ang espasyo para sa pamumuna sinuman ang pinahiram ng kapangyarihan.
May kalayaan ang sinuman na mabusisi o mapuna sa kanilang ginagawa ang mga nasa pamahalaan.
Hindi kailanman sila dapat maging balat sibuyas at maramdamin sa puna at hinaing ng bayan na isinasatinig ng mamamahayag. Dapat sensitibo ngunit positibo ang pananaw sa mga puna bagama’t hindi makapal ang mukha sa paggawa ng katiwalian na karaniwan sa mga nasa pamahalaan.
Sinasabi kong karaniwan na ang tiwali. Iyan ang totoo at ang Pangulong Ramdam lang ang posibleng kumontra Una ay sapagkat lahat ng rating sa ating bansa ay nagpapakita na most corrupt ang gobyerno natin. Pangalawa, hindi ba sa dinami-dami ng opisyal ng bansa bakit sina Governors Panlilio ng Pampanga at Padaca ng Isabela at Mayors Robredo ng Naga at Lorenzo ng San Isidro Nueva Ecija lamang ang nababanggit na matinong opisyal?
Marami pa bang dapat makasama sa listahan ng matitino bagaman at hindi lamang napapansin? Posible rin nga
sapagkat may mga kilala ako na sa tingin ko’y matino nga.
The right and power to decide what subject or story to air or print is exclusive to the editors of publications and managers of radio and television stations. With the bill of both the Senate and the House of Rep, once a law, it would cede to the so-called affected party the prerogative and judgement. Editors would simply be an encoder or printer of the criticized party.
Sa ilalim ng ating Saligang Batas na malinaw ang kalayaan sa pamamahayag, ang karapatan kung ano ang dapat at hindi ilathala at isahimpapawid ay nasa kamay ng mamamahayag.
Subalit kapag naging batas ang panukala ng dating pumustorang kontra diktador na si Pimentel at si Puentevella ng Bacolod na nais makaganti sa mga pumuna sa kanya sa mga nagdaang panahon, inutil na ang mga mamamahayag sapagat maglalaho na ang ating karapatan.
Bilang paghahalimbawa, kapag naisulat ko si Congressman Ulukaok sa Bokal ng Bayan at umabot sa 500 words ang nilalaman noon, obligado ako na ilabas din kinabukasan ang sagot niya. Kung nasa unang bahagi ng aking kolum ang pagtalakay o pagpuna k okay Ulukaok, doon sa eksaktong espasyo ko mismo dapat ilathala ang panig niya. Hindi puede sa ibaba o kung saan mang bahagi ng pahayagan ilathala ang pahayag ni Cong.
For discussion sake, paano naman kaya hindi mailabas kaagad ang sagot ng ‘kalaban’ batay sa gusto ni Pimentel at Puentevella o PP sa maikling salita kung sa isang linggo pa ang susunod na isyu? Mapaparusahan kaya ako ng mga katulad ni PP?
Ang sabi nina PP at suporters nila, ang panukala daw ay para sa “fair play” at “equal treatment.” Parang totoo.
Hindi pa bas a sapat ang mahabang oras na niapagkaloob ng mga radio at tv sa inyong dalawa at mga kampon ninyo ?
Anong “fair play” at “equal treatment” pa ang hinihingi ng PP, et al kung kaya’t naisip pa ang mapaniil na panukalang katulad nitong right to reply?
Dapat malaman Ginoong Pimentel at Puentevella, Escudero, et al na ang poder na ipinahiram sa kanila ay hindi para kanilang kagalingan kundi ipagkaloob sa kanila iyon para pangalagaan at hindi parusahan.
Dapat magkaisa ang ating hanay; ang mga mamamahayag publishers, station owners and managers na labanan ang pagtatangka ng mga berdugo sa malayang pamamahayag na sikilin ang mga karapatang mahalaga para higit pang pagtamasa sa kalayaan at demokrasya na pinagbuwisan ng buhay ng ating mga dakilang bayani.
Kung mailusot ng mga berdugo ang panukala, tiyak na kakampi nila ang Malakanyang. Kung saka-sakali, ang ating baraha’y ang Korte Suprema.
KALIWAT KANAN (kolum)
ni jet Claveria
May mga Bokal pa ba sa Quezon?
Totoo nga bang wala na halos ginagawa ang mga Bokal sa Sangguniang Panlalawigan ?Sa lahat daw ng mga naging Bokal ay ang batch na ito ang sobrang katatamad.Ganon!
May mga nakausap ang Kaliwa’t Kanan, mga mamamayan, mga dating Bokal, mga media at mga Bokal ngayon na iba daw ang kanilang mga kasamahan.
Kumbaga ang katulad nina Bokal Rommel Edano at iba matitinong Bokal ay napapasama na sa katamaran ng kanilang kasamahan sa pag attend sa mga sesyon na isinasagawa.
Sino bang dapat sisihin ang Vice Governor ba ?
Paano daw baga naman,ginawa na ngang alas kwatro ang sesyon ay nale-late pa rin ang mga ito at kapag andon na ay wala namang magandang pag-usapan.Hindi daw kasi handa sa kanilang mga sasabihin..
Naikukumpara tuloy ang mga ito noong panahon ng dating Vice Governor Jovy Talabong.Hindi lamang magaling ang kanilang presiding officer kundi maging ang mga Bokal noong panahon ni Talabong.Laging handa ang lahat ng kanilang mga pag-uusapan at talagang maraming nagagawang pakikinabangan ng Quezonian ang mga resolusyon na ipapasa.
Dati daw na maingay itong si Bokal Kulit Alcala ,pero ngayon ay tahimik na sa Sanggunian.Nawalan na din siguro ng sigla dahil sa nakikitang inaasal ng mga kasamahan.
Magaling nga itong si Bokal romano Talaga, hindi naman pinahawakan ng komite.
Kaya pati mga staff ng mga Bokal nagmana na rin sa kanila ng katamaran.Ang iba ay makikitang naka In nga pero nagtatraysikel naman ang katwiran ala daw naman ginagawa sa opisina.Ang iba naman ay makikita sa mga mall,pero pinasusueldo ng gobyerno yon.
Hindi kaya nahihiya ang mga ito,makikita lamang kapag may mga okasyon ,pagandahan ng suot na damit pero bilangin ang kanilang naipasang resolusyon sa Sanggunian.Butas ang silyang inupuan.
Napakaraming mga batas na ipinasa ,mga inamyendahan noon pero hindi naipapatupad ng ayos.
Totoo nga bang pumasok ang mga ito sa ganitong tungkulin ay hindi naman alam ang kanilang pinasukan.Masabi lamang na naipanalo nila ang kanilang pagka Bokal nitong eleksyon subalit salat na salat naman sa kaalaman sa batas.
Kaya naman napakaraming problema sa Quezon ay hindi mabigyan ng sapat na ngipin dahilan sa kakulangan ng mga inaamyendahang batas ng mga Bokal na ito.
Hindi ba nakakahiya naman ata sa inyong mga constituents na inilagay kayo sa pwestong iyan subalit bigo sila sa pag asam na makabubuo kayo ng mga batas na ang makikinabang ay mga mamamayan ng Quezon ,subalit asan?
FOUNDATION
Tunay na malaki ang naitutulong ng mga binuong Foundation sa Pinas upang makaagapay sa gobyerno sa pagtulong sa mga mamamayan.
Sa kinakakaharap ng global crisis sino nga ba ang higit na maapektuhan.Pasalamat ang mga Pilipino dahil maraming Foundation na nais na tumulong at mag-angat ng kahirapan sa bansa.
Sa mga naniniwalang Pilipino na nais makatikim ng ginhawa sa buhay,marahil ay isang malaking kasiyahan ang mapasama ang pamilya sa tulong na ibinibigay ng foundation.
Mapalad rin ang mga taong natulungan ng Outreach Foundation na kinabibilangan ni tita Cora Buenaflores.
Isang mahalagang tao na mayroong mahalagang papel na gagampanan hindi lamang sa kanyang mga kababayan sa Cavite kundi sa buong bansa.
Kung matutuloy ang tulong handog na ibibigay para sa Quezonian,dapat pasalamatan ang isang tita Naden na naging instrumento upang maibigay ang kaginhawahan sa mga kapuspalad na kababayan.
Isang malaking pasasalamat sa mga taong nagtiyaga na tulungan ang mga hindi naman nila kamag-anak .Mga taong nagtiis sa pagkutya at pagod na kanilang naranasan upang mabuo at matulungan ang maraming mahihirap na Pilipino.
Tunay na masarap pakinggan at madama kung ang lahat ay nagkakaisa.Ano mang kinalalagyan sa lipunan subalit may puso na tumulong sa bawat isa.Pagtulong na kailangan sa kasalukuyan upang magtagumpay ang isang magandang simulain.
Kaya tama lamang ang awitin ,tita Chona.Huwag mawawalan ng pag-asa, bastat maghintay ka lamang .Isang panibagong ngiti sa isang panibagong buhay.Tumulong ka at isang araw ikaw naman ang hahandugan upang pasayahin ang iyong buhay.Bastat maniwala ka lamang….kanta iyon ni tita Taling….
Mogpog, nanganganib na lumubog sa tubig baha
Marcopper dam, posibleng mawasak
Ni Billy L. Andal
MOGPOG MARINDUQUE - Pinangangambahan ng mga otoridad at mamamayan ang posibilidad na magiba ang isa sa mga dam ng nakasaradong kompanya ng mina Marinduque Copper Mining Corp at magdulot na malawakang pagbaha sa kabuuan ng baying ito.
Batay sa sinasabi ng Mining and Geo-sciences Bureau (MGB), masyado nang makapal ang naimbak na putik, kahoy at ibat-ibang mga bagay na nagsisilbing bara sa tubig patungo sa takdang lagusan ng dam na matatagpuan sa barangay Bocboc. Anila, dahil sa mga tambak, aapaw ang tubig kapag bumuhus ang malakas na ulan at bagyo at ito ang posibleng maging dahilan upang mawasak ng tuluyan ang nabanggit na dam at malubog sa baha ang baying ito kagaya ng naganap na malagim na trahedya noong taong 1996.
Hindi kukulangin sa tatlumpo’t anim na katao ang nasawi dahil sa kontaminasyon ng nakakalasong basurang kemikal na nagmula sa nawasak na tunnel ng Marinduque Tapian Pit makaraang humalo ito sa malinis na ilog ng Boac at Makulapnit.
Sa tindi ng pinsala, umabot sa 1.6 milyong kubiko ng nakalalasong dumi ng mina ang humalo sa mga nabanggit na ilog at napektuhan din ang Calancan Bay, Ilog ng Mogpog at karatig na mga komunidad kaya’t nasa talaan ang trahedyang ito bilang pinakamalalang kalamidad sa kasaysayan ng pagmimina sa bansa.
Ipinasara ng pamahalaan ang Marcopper nnong taong 1997 at lumayas ng hindi nagbayad sa mga napinsala at biktima hanggang sa kasalukuyan. Nakabimbin pa sa korte sa Nevada USA ang kaso na isinampa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque laban sa Placer Dome na siyang nakabili ng Marcopper Mining.
Ni Billy L. Andal
Nagmungkahi ang MGB na kaagad ay maglagay ng sukatan ng tubig ulan sa lugar kagaya ng ginawa sa Infanta – Real at General Nakar Quezon upang mabilis na malaman ang taas ng tubig ulan at kung nasa delikadong antas na ay mapatupad agaran ang disaster management plan (DMP) ng pamahalaan.Hindi naman makapaniwala angilang mga residente sa lugar na may nakahanda ngang DMP ang gobyerno kaya’t labis ang kanilang pangamba sa posibleng kahihinatnan nila kung sakaling mawask na nga ng tuuyan ang Marcopper dam.
Mayroong DMP ang Mogpog ayon kay municipal administrator Leo Livelo at patuloy din ang ginagawang paglilimas sa ilang bahagi ng Mogpog River bilang hakbang ng pamahalaang lokal upang harapin ang anumang posibleng maaring sakuna.
Lucena City Cooperative Development Council muling ipina-reactivate ni RYT
ni Jason Q. Vallecer
LUCENA City – Matapos ang ilang taon mula nang ma-deactivate ang Lucena City Cooperative Development Council[LCCDC] ay ipinag-utos ni Lucena City Mayor Ramon Y. Talaga Jr. ang reactivation nito
Sa panayam ng CPW kay Arnel Z. Yara,Executive Assistant III,nagpalabas ng isang memorandum order si Mayor Talaga na nag-aatas sa kanya at kay Mrs. Nimfa S. Arias, Lucena City Cooperative Development Officer,na muling buhayin ang nasabing konseho.
Ayon kay Yara,layunin ng pamahalaang panlunsod sa pangunguna ni Mayor Talaga na hindi lamang muling buhayin ang LCCDC kundi mas mapaunlad pa ang mga gawain ng mga kasaping kooperatiba sa lunsod.
Matapos maipalabas ng alkalde ang memorandum ay kaagad nakipag-ugnayan sina Yara at Arias sa tanggapan ng Cooperative Development Authority at ipinatawag sa isang pagpupulong ang mga datihan nang kasapi ng LCCDC.Sa isinagawang pagpupulong ay napagpasiyahan na mag-appoint muna sila ng interim officers bago isagawa ang eleksyon para sa bagong pamunuan nito sa susunod na taon.Kabilang sa mga na-appoint ay pawang mga chairperson ng iba’t-ibang kooperatiba sa lunsod.
Tumatayo bilang Honorary Chairman si Mayor Talaga samantala itinalaga muna bilang Chairperson si Yara.Ang iba pang naitalaga bilang interim officers ay sina Alberto Sabarias (CDA) bilang Co-Chairperson,Pelagia Mendones ng St. Jude MPC (Vice Chairperson),Loida Aureada ng QPGOE MPC (Secretary),Isabel Bico ng KOOPNAMAN MPC (Treasurer),Augusto del Fiero ng LDMC ( Auditor),Dennis Cocadiz ng QFUC (Coordinator),Lani Constantino ng DTI (Coordinator) at Nimfa Arias bilang Lucena City Cooperative Development Officer.
Isa sa nakatakdang gawain ng LCCDC ay ang pagpapatawag ng isang general assembly upang mapag-usapan at magkaroon ng consultation sa mga programa’t proyektong gagawin nila para sa pagpapa-unlad ng mga kooperatibang kasapi ng LCCDC.Bukod pa dito ay nakahandang maglaan ang pamahalaang panlunsod ng halagang P100,000.00 piso bilang initial fund na manggagaling sa 20% Development Fund Intended for Cooperative Development.
Umaasa naman si Yara na sa pamamagitan ng pagbuhay sa LCCDC ay magkakaroon ng pagtutulungan ang lahat ng kasapi nito at ang pamahalaang panlunsod para sa ikauunlad pa ng mga kooperatiba.
Sa kasalukuyan,base sa datos na hawak ng CDA,may 190 kooperatiba sa lunsod ng Lucena ngunit apatnapu’t-isa lamang ang itinuturing na active cooperative sa mga ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment