Avon Global Beauty nagsagawa ng alay lakad para sa paglaban sa cancer
Bilang paggunita sa ika-30 taong anibersaryo ng AVON, isang global beauty company, nagsagawa ng Alay Lakad ang nasabing kompanya noong ika-5 ng Oktubre na nilahukan ng may isang libo limandaang katao sa lungsod.
Ang nasabing proyekto na may temang “I walk with 30,000 for a Healthier Tomorrow” ay isinagawa din sa may labing anim na lungsod sa buong Pilipinas. Layunin nito na maiangat ang kamalayan at kaalaman ng mga mamamayan partikular ng mga kababaihan sa sakit na breast cancer.
Ito ay nilahukan ng mga opisyales ng ibat-ibang barangay at mga women’s group sa lungsod.
Sa Batangas City, ang walk event ay nagsimula at nagtapos sa Plaza Mabini. Isang maikling programa ang isinagawa na dinaluhan nina Mayor Eduardo B. Dimacuha at ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay na si Gng Vilma A. Dimacuha.
Tampok din sa palatuntunan ang pagkakaloob ng certificate of participation at appreciation kay Mayor Dimacuha bilang pagkilala at pasasalamat sa suportang ipinagkaloob ng pamahalaang Lungsod sa advocacy ng Avon. Ang plake ay tinanggap ni Mr. Manolo Perlada, Executive Assistant, bilang kinatawan ni Mayor Dimacuha.
Samantala, inilunsad kamakailan ng Avon ang Kiss Goodbye to Breast Cancer (KGBC) campaign upang suportahan ang PGH Breast Cancer Center. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)
Sa pagdiriwang ng Senior Citizens Day
103 samahan ng Senior citizens nagtipon-tipon
Mahigit sa 103 samahan ng Senior Citizens sa Lungsod ng Batangas ang nagtipon-tipon sa Batangas City Sport Coliseum para sa pag diriwang ng Senior Citizens Day ngayong ika- 9 ng Oktubre 2008. Ang selebrasyon ay may temang “Nakatatanda, Huwaran at Yaman ng Bayan”.
Nagbigay ng saya ang iba’t ibang bilang buhat sa ibat-ibang barangay tulad ng pagsayaw at pag awit. Suot ang kanilang mga magagarang damit na Filipiniana, bagamat matatanda na , kitang kita pa rin ang kanilang sigla at buhay sa ipinakita nilang pakikilahok at pagpapakita ng kanilang mga talento sa pagsayaw at pag-awit.
Ayon kay Punong Lungsod Eddie B. Dimacuha, bukod sa 20% discount sa pamasahe, gamot ganun din sa mga pangunahing bilihin at libreng sine na benipisyo ibinigay sa mga senior citizens, idnagddag pa niya na hindi pagbabayadin ang anomang samahan ng SC sa pag gamit ng government facilities.
Samantala, sa pag diriwang ng pangunahing mamayan nakatatanda sa lungsod ng Batangas, pinarangalan ni Dimacuha ang pinakamatandang lolo at lola ng naturang lungsod. Si lola Bartolomea Casas ng Brgy. Tinga Itaas ang pinakamatandang lola sa edad na 115 taon gulang. Si lolo Anacleto Javier naman ang pinakamatangdang lolo na may edad na 107 taong gulang. Nakatanggap naman ng food allowance ang mga lolo at lola na may edad 90 taon gulang pataas.
Dumalo sa nasabing okasyon si Board Member Florencio De Loyola bilang kinatawan ng probinsiya ng Batangas, Mrs, Vilma dimachua, ABC President, coun. Marvey Marino, Rene Cruz at iba pang mga barangay chairman. (Liza P. Delos Reyes, PIO Batangas City)
PNP CALABARZON Launches Intensive ”Oplan Maagap”
To dismantle the ideological/political structures of the community terrorists in the jurisdiction of PRO CALABARZON, “Mamang Pulis launches the empowered “OPLAN MAAGAP”
The said operation shall be carried out through the deployment of the Police Community Relation (PCR) Team of PRO CALABARZON that will operate within the affected municipalities in the region.
“OPLAN MAAGAP” focuses on the awakening and enlightening the citizenry on their roles and responsibilities in the peace and order effort making them realize that the problem on insurgency and criminality is a shared responsibility between the community and the police. The program also involves the organization of groups and allies within various sectors of the barangay who can be tapped to assists in the fight against insurgency and criminality. It includes the conduct of seminars, trainings and similar undertakings to heighten the involvement of individuals in worthwhile community endeavors. This program also involves mobilizing allies within various sectors of the barangay who will constitute the united front to assist in fight against insurgency conduct law enforcement and other public safety services.
As a whole, PNP CALABARZON shall deliver the basic and necessary government services and the development that is much needed by the people.
PCSUPT RICARDO I PADILLA, Regional Director 4A intend to suppress insurgency and other threats to national security within the area of responsibility and conduct of intensify psychological operation in affected barangays of community terrorists, maintain and strengthen developmental efforts in coordination with the local government units and non-government units and other agencies
Kapasiyahan ng Santa Rosa SP, pinagdududahan
Sta. Rosa City - Nagsisimula nang pagdudahan ang tunay na layunin sa pagkakapasa ng Kapasiyahan Blg. 174-2008 sa Sangunaing Panglungsod (SP) dito na pinagtibay noong Hulyo 7, 2008 sanhi ng kakulangan ng kaukulang konsultasyon.
Ang kapasiyahan na inakda ni Kon. Jose CartaƱo ay humihiling kay Mayor Arlene Arcillas-Nazareno na atasan ang himpilan ng pulisya na ipiatigil ang pagpapahimpil ng Jam Liner sa parking area ng Jolibee sa Sta Rosa Commercial Complex,Barangay Balibago lungsod na ito.
Batay sa mga dokumentong nakalap ng pahayagng ito ay una ng nagkaroon ng Contract of Lease ang Jam Liner at Jolibee sa paggamit ng parking space sa harapan ng naturang establisimyento na kapwa sa kapakinabangan ng dalawang pribadong kumpanya sampu ng kanilang mga kostumer at commuters.
Kinuwestyon ni Jehu Sebastian, Pangulo ng Jam Liner ang SP sa tunay na pakay ng kapasiyahan -174-208 na ayon sa kanya ay tahasang nanghihimasok sa private contract na kinasasangkutan ng pribadong pag-aari. Idinugtong pa ni Sebastian na ni minsan ay hindi sila naipatawag ng SP gayong sila ang party of interest sa naturang kapasiyahan.
Kaugnay nito ay magsasagawa ng imbestigasyon si Konsehal Ronald Ian De Guzman, Chairman ng Committee on Transportation sa pamamagitan ng pagrepaso sa minutes of proceedings ng naturang kapasiyahan upang alamin kung paano ito nakalusot sa SP.
Si De Guzman ay hindi nakadalo nang pagtibayin ang kapasiyahan samantalang hindi naman natuloy noong Lunes ang sesyon dahil may sakit si Vice Mayor Alipon bukod sa kawalan ng korum.
Samantala,isang barker ng Jam Liner ang inaresto ng mga tauhan ni Balibago Chairman Rodrigo Malapitan noong Biyernes gamit ang bisa ng kapasiyahan 174-2008.Ayon kay Isaias Patapat Vice President ng kumpanya,ay nakapiit pa ang barker habang sinusulat ng balitang ito.
Dahil tanging ang Jam Liner lang ang ginigipit ay pinag-aaralan ng kumpanya ang paghaharap ng reklamo laban kay Malapitan.
“FOOD AGENCY EMPLOYEES TAKES ILOCANDIA TOUR”
The Reportorial Team
SAN PABLO CITY. The dictum "All Work and No Play makes a dull boy" is a very familiar line. The demand of work or duty for the NFA Laguna employees was so intense for the past months that Provincial Manager Benedicto P. Asi decided to give respite by sending his work force into a pleasure trip to the Ilocos Region from Sept. 19-21, this year. Asi said it is a way of managing tensions by having to experience leisure and relaxation and recreating oneselves. A time for recharging their physical and mental faculties that they may be able to take up work again strengthened and energized, he added.
The trip included short tours of Laoag and Vigan Cities and their attractions from the Bangui Windmill (which is the first and only in Asia), Museo Iloco, Sinking Bell Tower, Fort Ilocandia Resort and Casino, MalacaƱang of the North, Marcos Mausoleum, Baluarte - Gov. Chavit Singson's Mini Zoo Mansion and the famous Heritage Village which is literally a line-up of century-old residentials erected during the Spanish era and preserved by the local government of Ilocos to become a tourist attraction. Cathedrals were nonetheless part of the tour.
Aboex Travel and Tours of Laoag, Ilocos Sur arranged for the NFA sojourn by providing transport, hotel and food accommodations. Services of duly-licensed Tour Guides like Minda Cristina Jusay, Alexis Echin Jaquez and Bond Ullero were similarly coordinated during the daily itineraries of activities.
Asi who is the "Caretaker" of NFA Laguna after the demise of PM Florencio L. Angulo returned to NFA Lucena City which is his official work assignment. NFA Laguna is now being manned by new Provincial Manager ATTY. EDWARD A. DAMIAN who insinuated "My time is during Summer". Another trip awaits NFA Laguna!
ROXAS: DAPAT MAY POLITICAL WILL ANG SUSUNOD NA BIR CHIEF
Ni Jet Claveria
Hinamon ni Liberal Party President Sen. Mar Roxas ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng mga reporma sa tax collection system ng bansa upang makamit ang taunang target collection at mapondohan ang mga programang maka-masa.
Ayon kay Roxas, dapat gumamit ng kamay na bakal at magpakita ng political will ang papalit sa nagbitiw na si Commissioner Lilian Hefti upang maipagpatuloy ang mga pagbabagong nasimulan na nito sa BIR. Kinumpirma mismo ng Malacanang nitong Biyernes ang pagbibitiw ni Hefti.
Hinimok ng Ilonggong senador ang BIR na tingnan ang makokolekta mula sa mga non-taxpayers, tulad ng propesyonal at mga self-employed, imbes na patuloy na pigain ang mga manggagawa.
“We need someone at the helm who could maximize government’s tax collection efforts. Ngayong mayroon tayong hinaharap na financial tsunami dahil sa financial crisis sa Amerika, kailangang maging maayos ang pangongolekta natin ng mga buwis para hindi lumobo ang ating budget deficit,” ani Roxas.
Nauna nang sinabi ng BIR na malamang na bumaba pa sa 2008 collection target na P854 bilyon ang kanilang target ngayong taon dahil sa pagbagal ng pambansang ekonomiya bunsod ng financial crisis sa mundo.
Subalit sa kabila ng pangangailangang mapataas ang koleksyon ng buwis, binalaan ni Roxas ang BIR sa pagpapatupad ng mga hindi makatarungang buwis.
Inihalimbawa niya ang pilipit na interpretasyon ng BIR sa Republic Act No. 9504, o batas na nag-e-exempt sa minimum wage earners mula sa income taxes at nagtataas sa personal exemptions ng iba pang mga manggagawa. Gusto ng BIR na kalahating taon lang ang tax relief ng mga minimum wage earners, habang hindi isasama sa tax exemption ang iba na tumatanggap ng extra allowances mula sa kanilang employers.
“I agree that we should maximize our collection efforts but there is no need to bleed the citizenry dry just to meet targets. Huwag na nating dagdagan pa ang paghihirap ng ating mga kababayan,” ani Roxas, na patuloy na isinusulong na gawing isang buong taon ang tax exemption sa mga minimum wage earners, kasama na rito ang mga tumataggap ng extra allowances. Noong nakaraang linggo, naghain si Roxas ng petisyon sa Korte Suprema tungkol dito, kasama ang Trade Union Congress of the Philippines.
- 30 -
Saturday, October 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment