Saturday, October 11, 2008

news news news news

KALIWAT KANAN
Ni Jet Claveria

May mga Bokal pa ba sa Quezon?


Totoo nga bang wala na halos ginagawa ang mga Bokal sa Sangguniang Panlalawigan ?Sa lahat daw ng mga naging Bokal ay ang batch na ito ang sobrang katatamad.Ganon!

May mga nakausap ang Kaliwa’t Kanan, mga mamamayan, mga dating Bokal, mga media at mga Bokal ngayon na iba daw ang kanilang mga kasamahan.

Kumbaga ang katulad nina Bokal Rommel Edano at iba matitinong Bokal ay napapasama na sa katamaran ng kanilang kasamahan sa pag attend sa mga sesyon na isinasagawa.

Sino bang dapat sisihin ang Vice Governor ba ?

Paano daw baga naman,ginawa na ngang alas kwatro ang sesyon ay nale-late pa rin ang mga ito at kapag andon na ay wala namang magandang pag-usapan.Hindi daw kasi handa sa kanilang mga sasabihin..

Naikukumpara tuloy ang mga ito noong panahon ng dating Vice Governor Jovy Talabong.Hindi lamang magaling ang kanilang presiding officer kundi maging ang mga Bokal noong panahon ni Talabong.Laging handa ang lahat ng kanilang mga pag-uusapan at talagang maraming nagagawang pakikinabangan ng Quezonian ang mga resolusyon na ipapasa.

Dati daw na maingay itong si Bokal Kulit Alcala ,pero ngayon ay tahimik na sa Sanggunian.Nawalan na din siguro ng sigla dahil sa nakikitang inaasal ng mga kasamahan.

Magaling nga itong si Bokal romano Talaga, hindi naman pinahawakan ng komite.

Kaya pati mga staff ng mga Bokal nagmana na rin sa kanila ng katamaran.Ang iba ay makikitang naka In nga pero nagtatraysikel naman ang katwiran ala daw naman ginagawa sa opisina.Ang iba naman ay makikita sa mga mall,pero pinasusueldo ng gobyerno yon.

Hindi kaya nahihiya ang mga ito,makikita lamang kapag may mga okasyon ,pagandahan ng suot na damit pero bilangin ang kanilang naipasang resolusyon sa Sanggunian.Butas ang silyang inupuan.

Napakaraming mga batas na ipinasa ,mga inamyendahan noon pero hindi naipapatupad ng ayos.

Totoo nga bang pumasok ang mga ito sa ganitong tungkulin ay hindi naman alam ang kanilang pinasukan.Masabi lamang na naipanalo nila ang kanilang pagka Bokal nitong eleksyon subalit salat na salat naman sa kaalaman sa batas.

Kaya naman napakaraming problema sa Quezon ay hindi mabigyan ng sapat na ngipin dahilan sa kakulangan ng mga inaamyendahang batas ng mga Bokal na ito.

Hindi ba nakakahiya naman ata sa inyong mga constituents na inilagay kayo sa pwestong iyan subalit bigo sila sa pag asam na makabubuo kayo ng mga batas na ang makikinabang ay mga mamamayan ng Quezon ,subalit asan?

FOUNDATION

Tunay na malaki ang naitutulong ng mga binuong Foundation sa Pinas upang makaagapay sa gobyerno sa pagtulong sa mga mamamayan.

Sa kinakakaharap ng global crisis sino nga ba ang higit na maapektuhan.Pasalamat ang mga Pilipino dahil maraming Foundation na nais na tumulong at mag-angat ng kahirapan sa bansa.

Sa mga naniniwalang Pilipino na nais makatikim ng ginhawa sa buhay,marahil ay isang malaking kasiyahan ang mapasama ang pamilya sa tulong na ibinibigay ng foundation.

Mapalad rin ang mga taong natulungan ng Outreach Foundation na kinabibilangan ni tita Cora Buenaflores.

Isang mahalagang tao na mayroong mahalagang papel na gagampanan hindi lamang sa kanyang mga kababayan sa Cavite kundi sa buong bansa.

Kung matutuloy ang tulong handog na ibibigay para sa Quezonian,dapat pasalamatan ang isang tita Naden na naging instrumento upang maibigay ang kaginhawahan sa mga kapuspalad na kababayan.

Isang malaking pasasalamat sa mga taong nagtiyaga na tulungan ang mga hindi naman nila kamag-anak .Mga taong nagtiis sa pagkutya at pagod na kanilang naranasan upang mabuo at matulungan ang maraming mahihirap na Pilipino.

Tunay na masarap pakinggan at madama kung ang lahat ay nagkakaisa.Ano mang kinalalagyan sa lipunan subalit may puso na tumulong sa bawat isa.Pagtulong na kailangan sa kasalukuyan upang magtagumpay ang isang magandang simulain.

Kaya tama lamang ang awitin ,tita Chona.Huwag mawawalan ng pag-asa, bastat maghintay ka lamang .Isang panibagong ngiti sa isang panibagong buhay.Tumulong ka at isang araw ikaw naman ang hahandugan upang pasayahin ang iyong buhay.Bastat maniwala ka lamang….kanta iyon ni tita Taling….









Sa kasong kidnapping ng alkalde at Raped ng Municipal Treasurer ng San Francisco
Sampung Bus man kung nagsisinungaling naman,Atty. Aguirre
Ni Jet Claveria

Mariing ipinahayag ni Atty. Aguirre abogado ng labindalawang taong gulang na dalagita na umano’y biktima ng panggagahasa, kahit sampung bus pa ang dumating para tumestigo at ipagtanggol na walang kinalaman ang mga suspects sa mga ibinibintang laban sa kanila ay balewala rin kung lahat naman ay nagsisinungaling.

Ito’y matapos ang isinagawang preliminary hearing sa kasong kidnapping na kinasangkutan ni San Francisco Mayor at Quezon Municipal League President Ernani Tan at kasong panggagahasa naman kay Municipal Treasurer Floro Flores.

Ang nasabing preliminary hearing ay isinagawa sa sala ni State Prosecutor Judge Clarissa Kuong sa Department of Justice Padre Faura St. Manila noong October 9,2008.

Sa nasabing sala iniprisinta ang mga ibedensya at testigo ng magkabilang panig.

Habang patuloy ang pagbibigay ng mga ibedensya at paglagda ng mga testigo sa kani-kanilang mga testimonya ay nagkaroon ng tension ng itulak ni Mayor Tan ang isang photographer ng national media habang kumukuha ito ng litrato.

Isang pulis na nakabase naman sa San Francisco Quezon na nakilalang Mendiola ang sinasabing nambastos din at nagyabang sa media matapos nitong sitahin ang mga mamamahayag na siya ang harapin at kunan ng buong larawan.

Habang panay naman ang hingi ng paumanhin ng asawa nitong Human Resource Municipal Officer (HRMO) at sinabing na nagbibiro lamang ang kanyang asawa.


Ayon kay HRMO Mendiola, sinamahan lamang naman siya ng kanyang asawa para magsubmit ng mga dokumento mula sa kanilang tanggapan.

Subalit ang paliwanag ni Mrs. Mendiola ay hindi tinanggap ng mga mamamahayag sa pagsasabing seryuso ang kaso at hindi oras ng biruan.

Magugunitang sinampahan ng kasong kidnapping si Mayor Tan matapos itong akusahan na dinukot nito at itinago ang batang kasambahay na di umanoy ginahasa ng kanyang municipal treasurer Flores at kasalukuyan niyang kaibigan.

Ang nasabing pambibintang ng kidnapping sa alkalde ay mariing pinabubulaanan ng kampo nito sa pagsasabing nahaluan ng pulitika ang nasabing usapin kung kaya’t nawala sa isyu ng panggagahasa at sa kanya natuon ang pansin ng media.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit hindi napigilan ng municipal league president ang kaniyang pagkapikon dahil sa mga naglabasang isyu hinggil sa kaniya.

Kaugnay nito, tahimik lamang ang mga testigo na nagsumite ng kanilang mga salaysay at maging ang kampo ng biktimang si Ola (hindi tunay na pangalan) ay tahimik lamang habang inaalalayan ng kaniyang magulang at DSWD ng bayan ng Candelaria.

Maliban sa isang Dra. Delapena na umano’y siyang nagbigay ng sertipiko sa batang biktima na nagpapatunay na umano’y virgin ito at hindi tunay na ginahasa.

Ikinukwento ni Dela Pena na hindi niya alam kung bakit siya ipinatawag gayong hindi naman niya kilala ang mga nandoon sa sala ni Judge Kuong na mga akusado.

“Ngayon ko lamang nakita ang mga iyan,di ko nga sila kilala,ang batang iyan limot ko nga ang mukha,bastat binigyan ko siya ng sertipiko ng natsitsismis siyang ni rape sa kahilingan na rin ng mga magulang,paliwanag ni dela Pena.”

Ayon sa doktora,binigyan niya ng sertipiko ang nasabing bata na nagpapatunay na virgin pa ito at hindi naman tunay na ginahasa.

Sinabi pa nito na nagulat na lamang siya ng ipatawag sa DOJ dahil hindi naman niya alam na mayroong ganitong kaso ang mga akusado.

Ipinagpipilitan ng doktora na pulitika lamang ang dahilan ng nasabing mga pangyayari na umanoy kalaban daw ni Mayor Tan sa pulitika.

Ang pahayag ng nasabing doktora ay taliwas naman sa lumabas na medical certificate na positibong ginahasa nga ito sanhi ng laceration na nakita sa dalagita.

Sa pahayag ng ilang kaibigan ng biktima ,dapat ding imbestigahan ang nasabing doktora kung totoo nga bang hindi nito kilala ang mga akusado ,dahil ayon sa ulat ay family doctor ito ng isa sa mga suspect.

Dapat ding ipaliwanag ng mabuti ng nasabing doktora ang kanyang naging partisipasyon kung bakit nadamay ang kanyang pangalan upang malinis ito sa publiko.

Ayon naman kay Atty. Jose Flores Jr, abogado ng mga akusado,preliminary hearing pa lamang naman at ito’y pagsusumite ng mga ibedensya.Maselan umano ang nasabing kaso kung kaya’t dapat na maging maingat lamang at hindi pabigla-bigla.


Hindi rin nakunan ng pahayag si Mayor Tan hinggil sa akusasyon sa kanya kung saan dali-dali siyang lumabas sa sala ni Judge Kuong kasabay ng kanyang mga abogado palabas ng DOJ.

Gayundin din ang municipal treasurer kung saan paiwas ito sa mga media.

Gayunman, bukas pa rin ang pahayagan upang maipaliwanag ng magkabilang panig ang kanilang mga nais iparating sa kinauukulan.




































Umiray Bridge, popondohan ng JICA
The Reportorial Team

Ilang detalye na lang ang kinakailangang maisaayos upang maumpisahan na ang proyekto para sa konstruksyon ng Umiray Bridge at kapag natapos na ang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Dingalan, Aurora Province at General Nakar, Quezon, wala ng sagabal pa sa pagsasakatuparan ng proyekto ayon kay Ginoong Aris Flores, provincial administrator ng Quezon.

Sinabi ni Flores na popondohan ng Japan International Cooperation Agency o JICA ng halagang aabot sa 500 milyong piso ang proyektong magdudugtong sa Aurora at Quezon para sa mas mabilis na pag-unlad ng dalawang lalawigan. “Walang gagastusing pera ang probinsiya dito sa matagal ng pangarap ng ating mga kababayan.”

Hindi malayo na sa hinaharap ay magkatotoo ang pangarap na ito at ang Umiray Bridge ay kabilang sa mga proyektong nais maisakatuparan ni Gob. Raffy P. Nantes at suportado rin ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora.
Higit na mas mapapadali ang biyahe mula sa Maynila at hindi kailangang iikot pa ang sinumang biyahero sa Maynila, Bulacan, Nueva Ecija, sa Nueva Viscaya bago marating sa Aurora.

Bagamat kakapirasong tubig ang namamagitan sa dalawang magandang bayan ng General Nakar at Dingalan, walang tulay na magdudugtong sa magkaratig bayan.

Ngunit sa malapit na hinaharap, ‘mapag-iisang’ muli ang Aurora sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng planong Umiray Bridge.

Positibo ang reaksyon mula sa mga mamamayan at labis ang kasiyahan ng mga negosyanteng nakarinig sa pahayag ng punong lalawigan sa ginanap na Quezon 1st Business Conference sa Quezon Convention Center nitong nakaraang Sept 25 -26 taong 2008. Ayon sa Quezon Lucena Chamber of Commerce and Industry, lalong magiging maganda ang epekto nito sa pagnenegosyo gayon din sa ginhawang idudulot sa mamamayan ng nakaplanong tulay ng Umiray.

Bibilis ang daloy ng komersiyo at kapwa makikinabang anila ang magkabilang panig. Nakikini-kinita nila ang pag-usbong ng mga negosyo na may kinalaman sa agrikultura at turismo na siyang pinagtutuunan ng pansin ng kasalukuyang gobernador.






Bilang hakbang upang maiwasan ang sakuna
Marcopper dam, minomonitor
Ni Billy L. Andal

MOGPOG MARINDUQUE – Minomonitor na mahigpit ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ang problema hinggil posibleng mawasak na isa sa mga dam ng nakasaradong kompanya ng mina na dating kilala sa Marinduque Copper Mining Corp upang mapigil ang masamang epekto katulad ng malawakang pagbaha sa kabuuan ng baying ito batay sa isang panayam kay Gob Bong Carrion nitong araw ng Biernes.

Nilinaw ni Carrion na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa MR Holdings na siyang nakabili ng Marcopper Mines na siyang dating may-ari ng minahan na ipinasarado ng pamahalaan noong 1997 bunga ng pinsalang idinulot nito sa Marinduque at binabantayang mabuti ang mga pag-sasaayos ng dam upang makatiyak na walang sakuna na maulit pa.

Batay sa sinasabi ng Mining and Geo-sciences Bureau (MGB), masyado nang makapal ang naimbak na putik, kahoy at ibat-ibang mga bagay na nagsisilbing bara sa tubig patungo sa takdang lagusan ng dam na matatagpuan sa barangay Bocboc. Anila, dahil sa mga tambak, aapaw ang tubig kapag bumuhus ang malakas na ulan at bagyo at ito ang posibleng maging dahilan upang mawasak ng tuluyan ang nabanggit na dam at malubog sa baha ang baying ito kagaya ng naganap na malagim na trahedya noong taong 1996.

Hindi kukulangin sa tatlumpo’t anim na katao ang nasawi dahil sa kontaminasyon ng nakakalasong basurang kemikal na nagmula sa nawasak na tunnel ng Marinduque Tapian Pit makaraang humalo ito sa malinis na ilog ng Boac at Makulapnit.

Sa tindi ng pinsala, umabot sa 1.6 milyong kubiko ng nakalalasong dumi ng mina ang humalo sa mga nabanggit na ilog at napektuhan din ang Calancan Bay, Ilog ng Mogpog at karatig na mga komunidad kaya’t nasa talaan ang trahedyang ito bilang pinakamalalang kalamidad sa kasaysayan ng pagmimina sa bansa.

Ipinasara ng pamahalaan ang Marcopper nnong taong 1997 at lumayas ng hindi nagbayad sa mga napinsala at biktima hanggang sa kasalukuyan. Nakabimbin pa sa korte sa Nevada USA ang kaso na isinampa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque laban sa Placer Dome na siyang nakabili ng Marcopper Mining bago napunta sa bagong may-ari.


Nagmungkahi ang MGB na kaagad ay maglagay ng sukatan ng tubig ulan sa lugar kagaya ng ginawa sa Infanta – Real at General Nakar Quezon upang mabilis na malaman ang taas ng tubig ulan at kung nasa delikadong antas na ay mapatupad agaran ang disaster management plan (DMP) ng pamahalaan.Hindi naman makapaniwala angilang mga residente sa lugar na may nakahanda ngang DMP ang gobyerno kaya’t labis ang kanilang pangamba sa posibleng kahihinatnan nila kung sakaling mawask na nga ng tuuyan ang Marcopper dam.



Kaliwat Kanan
Ni Jet Claveria



SM City Lucena limang taon na

Happy 5th anniversary sa SM City Lucena!

Parang kaydali ng panahon…limang taon na palang nakatayo ang higanteng mall ng SM sa Lucena .Kayraming mga pagbabago…sa aking buhay…sa Quezon at sa SM Lucena branch…

Sa loob ng limang taon, hindi lamang magandang serbisyo sa mga shoppers ang ginagawa ng SM ,hindi na rin mabilang ang nagawang mga programa ng SM sa Quezon.Magmula sa pagbibigay ng trabaho sa mga walang hanapbuhay, medical mission, pagbibigay ng mga building sa mga paaralan ,shoolarship program pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, pagbibigay ng saya sa bawa’t isa…Marami na…

Maraming nagawa ang SM Lucena sa mga taga Quezon na ipinagpapasalamat ng mga opisyal dahil kaagapay nila ang SM sa mga proyektong kanilang inilulunsad.

Tunay na nga namang nakaugalian na ng mga mahihilig magshopping ang magtungo sa SM at kapag nasa loob ka na ay hindi na mamamalayan ang oras.

Maganda kasi ang naging serbisyo ng SM sa loob ng limang taon , una sa mga parukyano lalo na sa mga may kapansanan ,mga lolo at lola, mga batang sanggol na kasama ng kanilang mga nanay.Mayroong breast feeding room nga ba ang tawag don Ms. Beth, nakalimutan ko .Yong isang room para don magpadede ang mga nanay sa kanilang mga dalang baby.

Prioridad din kasi sa SM mga may kapansanan mayroon silang mga area na madaling makadaan ang mga ito, maging panonood nina lolo at lola ng sine ay ….wow naman daw sa galing.

Ano pa nga bang masasabi sa SM sa larangan ng serbisyo at pagtulong sa pamamagitan ng kanilang SM Foundation.Andyan pa ang kanilang masisipag na mga manager, sina Sir Jason Terrenal (tama ba spelling ko,hehehe) kina Ma’am Maricel Alquiroz,masisipag na Marketing sina Ms Mildred de Castro,kanilang PR Manager na si Ms Beth Azores na sana ay lahat ng mga PR Manager ay katulad niya sa sipag.Tiyak na laging alam ang mga aktibidad ng SM.

Sa dami na nga naman ng natulungan ng SM sa Quezon sa loob ng limang taon ay talo pa yata ang isang termino ng nakaupong opisyal sa dami ng programa nilang inilunsad na nakikinabang ay taumbayan.

Kung doble man marahil ang biyaya na natatanggap ng SM Lucena ay triple naman ang ginagawa nila para ibuhos ito sa mga nangangailangan.Lahat na yata ng klaseng serbisyo ay ginawa nila para sa Quezonian.

Kung tutuusin mula ng itayo ang SM ay parang andon din lagi yata ang Kaliwa’t Kanan,imbitahin man o hindi ay palaging nagcocover ng mga activities.

Hindi lamang suporta sa mga programa ng gobyerno ang ginawa ng SM kundi pati sa ibang mga pribadong organisasyon.

Maraming salamat sa SM dahil mula noong 2006 naging ka partner ng Mutya ng Quezon Turismo upang sa SM event center taun-taon ganapin ang pagpili.Kaya marahil sa mga susunod na taon ay todo ang suporta ng SM sa Mutya diba Ms. Mildred?

Sana marami pang mga programang ilunsad ang SM Lucena para sa kapakinabangan pa rin ng mga mamamayan.Kaisa po ninyo ang Kaliwa’t kanan sa inyong magagandang serbisyo sa tao.



INTERNATIONAL CLEAN-UP

Nakakatuwang isipin na pangalawa ang Pilipinas sa bilang na mahigit na 25,000 volunteers na lumahok sa International Coastal Clean Up sa buong mundo.

Kung mapapanatili nga naman ang kalinisan ay maiiwasan ang mapapangalagaan ang kalusugan ng tao .

Maraming tumugon sa programang ito kaya naman ang mga taga Batangas ay hindi nagpahuli sa paglilinis ng mga coastal area sa kanilang lugar at maging ang mga sundalo ay sumuporta sa paglilinis.

Magugunita na taong 1994 nang simulan ng International Marine Life Alliance (IMA) Philippines ang taunang International Coastal Clean Up. Ang IMA ay isang non-profit, non-government organization na ang pangunahing layunin ay mapangalagaan ang marine environment at biodiversity.

Marahil kung ang bawat isang tao ay mayroong disiplina at mayroong malasakit sa kalikasan tiyak na mauubos ang basurang nakakalat.

Dapat na laging alalahanin na ang itinatapong basura ay babalik din sa panahon ng tag-ulan.Kapag bumara na ang mga estero at kanal tiyak na sa bahay na ang tuloy ng tubig.

CITY HALL SA BARANGAY

Muling pinatunayan ni Lucena City Ramon Talaga Jr. na hindi niya pinababayaan ang kanyang mga constituent.Marahil ay alam ni Mayor na hindi na halos maabot ng ibang barangay ang mga programa ng pamahalaan sanhi na rin ng iba’t ibang kadahilanan.Kaya’t maganda ang kanyang naisipan na dalhin ang city hall sa barangay upang direktang malaman kung anong mga suliranin dito at kung ano ang mga bagay na dapat na gawin.Tuloy lang po ang proyekto mayor!

KRIMEN SA CAVITE

Sunod-sunod ang krimeng nagaganap sa lalawigan ng Cavite, kumusta naman kaya ang CAvite PNP Provincial Director Col Zapra? Sir, mukhang sunod-sunod na ang krimen na nagaganap sa iyong hurisdiksyon.Ano po ang iyong ginagawa?





SM City Lucena visible sa tao
Ni Kristine Ayra C. Lacza

Limang taon na ang SM City Lucena Branch na nakatayo sa 8 ektaryang lupain sa Brgy. Red V Lucena City. Ang gross floor area nito ay 78,655 sq meters .Ito’y ganap na binuksan sa publiko noong Oktubre 2003 kung saan dinumog kaagad ng mga parukyano hindi lamang taga Quezon kundi maging sa mga karatig lugar.

Maraming natulungan ang SM sa aspeto ng hanapbuhay dahilan sa maraming mga kabataang walang trabaho ang nabigyan at karamihan ay maganda na ang position sa kanilang mga departamento.

Naging katuwang ang SM Lucena ng mga local na opisyal sa mga inilulunsad na programa para sa tao.

Andyan ang mga medical mission kung saan maraming mga may karamdaman ang nabiyayaan ng mga ginagawang libreng gamutan sa SM.

Sa mga nakalipas na kalamidad na dumaan sa Quezon , andyan din ang SM at kaagapay ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda sa mga nabiktima.

Sa kanilang scholarship program ay maraming mga magulang na mahihirap ang nagpasalamat dahilan sa nakapag-aral muli ang kanilang mga anak at alam nilang sa hinaharap ay maabot ng mga ito ang mga pangarap.

Kaya naman maraming opisyal ang saludo sa mga programa ng SM dahilan na rin sa katuwang nila ito sa pagbibigay kaunlaran sa lugar.


Nasisiyahang nagpahayag naman ang isa sa mga awardee ng Natatanging anak ng Lucena Felino Tanada, malaki ang naitulong ng SM para ipromote ang sining at kultura upang lubusang maunawaan ng mga tao ang kahalagahan nito.

“SM City Lucena has been for the past many years provided a venue to promote culture and the arts and has created significant and invaluable ways to raise the consciousness of the citizens in appreciating them, Kudos to you SM for a job well done”. ayon kay Felino Tanada


Sa naging pahayag naman ni Angie Quesea president ng mga may kapansanan, natutuwa ang kanilang samahan sapagkat bukas ang pinto ng SM sa mga katulad nila at nabibigyang importansya na ipakita rin ang kanilang mga itinatagong talino sa kanilang mga larangan sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan na katuwang ang SM.


Nasisiyahan din si CSWD Mrs. Lulu Ruanto dahilan sa ayon sa kaniya “ very visible ang corporate social response nila”.




Ayon kay Ms. Amy Balagtas Assistant Superintendent ng DEPED Quezon, kung edukasyon ang pag-uusapan ay katuwang nila ang SM dahilan sa buo ang suporta nito.

“Actually, SM has been a good partner of education when it comes to school building plus the way it helps our kids earn from trash.And community enjoys its constant sales.At least, SM reaches out to the masses”, dagdag pa ni Ms. Balagtas


Ganito rin halos naman ang naging pahayag ni Ms. Meriam Camposano Principal ng Brgy. Binagbag Elementary School Agdangan Quezon.

Ayon kay Camposano, napakalaking tulong para sa mga estudyante sa kanilang paaralan ang ibinigay na mga computer ng SM Foundation upang matutunan ng mga bata ang basic na paggamit nito.

Kaugnay nito, ayon sa ilang mga municipal tourism officer mas sumigla ang turismo sa Quezon dahilan na rin sa pagkakaroon ng SM kung saan nagkakaroon dito ng mga exhibit na maipakita ang mga produkto na gawa sa Quezon at sa galing sa ibang karatig na lugar.

Bunga nito, higit pang magagandang serbisyo hindi lamang sa mga shoppers ang gagawin ng SM City Lucena ang inaasahan.

No comments: