Saturday, April 11, 2009

Graceland Tayabas City ...another Legacy?




Mr Ronaldo at Mrs Violeta Soliman at 12 iba pa, inireklamo
Syndicated estafa vs Graceland
Ni Jet Claveria

Tayabas Quezon – Humarap sa City Prosecution Office ng lunsod na ito ang walo pa sa mga di- umanoy biktima rin ng Graceland Properties and Development Inc. upang ireklamo sina Mr. Ronaldo R. Soliman at maybahay nito na si Mrs. Violeta Soliman at 12 iba pa na sina Ma. Diana Castillo, Engr. Jose Q. Ferrer, Jr. Arch. Lorenzo G. Villarosa , Dolores M. Icarro, Eduardo G. Luarca, Bernardita C. Ronquillo, Daisy D. Medestomas, Neil Michael C. Alonso, Charles Chamsay Jr. ,Aureliano T. Cabatic, Reynald G. Semion at Susan Alcoreza pawang mga opisyales ng nabanggit na kompanyang may kinalaman sa resort property development.

Ipinagharap sila ng kasong syndicated estafa/large scale estafa at Paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22.

Batay sa kanilang complaint affidavit na isinumite sa City Prosecution Office,ang di-umano’y biktima na nagreklamo ay sina Geronimo Oabel,Hilaria Herly R. Ocado, Aurea R. Cabuyao, Benilda C. Labrada, Domingo Enrique R. Cabuyao, Rosales Cabuyao, Esmeralda Heidi C. Abrigo at Esteban Eric F. Abrigo.
Ayon sa kanilang sinumpaang salaysay , naloko sila ng Graceland sa kabuuang halaga ng na umabot sa P2,094,000,300.00 bilang investment makaraang hindi panagutan ng kompanya ang obligasyon nito na bayaran ang halaga ng interes mula sa kapital at mismong ng orihinal na kapital na kanilang inilagak.
Nagoyo di-umano sila na maglagak ng puhunan sa Graceland dahil sa mataas na 3.5 percent hanggang 4 percent na interest na ayon sa pangako ay babayaran sila kasama ang kapital makaraan ang anim na buwan.
Inisyuhan sila ng mga postdated checks at wala namang naging problema sa bangko ngunit simula nitong Enero taong 2009 ang mga postdated check na inisyu at pinirmahan ni Soliman ay nagsitalbugan at tinatakan ng bangko na ‘account closed’.
Nauna rito, nagreklamo si Gng. Joanne Villaseñor- Smith tubong Lucenahin na ngayon ay naninirahan sa Europa dahil din sa katulad na kaso at umabot sa ‘labing isang milyong piso’ ang hinahabol nito sa Graceland.Inisyuhan din siya ng mga tseke na ‘close account ‘ na pala.
Samantala ,si Ginoong Venacio Q, Zoleta ng lunsod ng Lucena naman ay hinahabol din ang Graceland at si Soliman dahilan sa di-umano’y atraso ng huli sa una na umaabot sa halagang P 1,350,000.00.Ngunit ayon kay Zoleta, umaabot sa P23-M ang kabuuang halaga na dapat panagutan ng Graceland sa kanya.
Katulad ng mga naunang nagreklamo, inisyuhan din siya ng mga tseke na tumalbog dahil ‘closed account ‘ ito.
Lumilitaw sa mga dokumento na iniharap ng mga di- umano’y biktima na pinagkalooban sila ni Soliman ng deed of assignment para sa mga condominium units ngunit ang nabanggit na mga unit ay naka-assigned din sa ibang tao na nag-invest din.Pinalubha pa ito nang madiskubre nila na ibinenta pala sa ibang tao ang mga parehong unit na may deed of assignment sa kanila.
Bago humarap sa piskalya ang mga complainant ay ipinatawag ng pulis Tayabas sina Soliman para linawin ang reklamo laban sa Graceland ngunit hindi ito nagpakita.
Hindi rin ma -reach si Soliman para maibigay ang kaniyang panig .






Please read....

No comments: