Kaliwa’t Kanan
Ni jet claveria
Quarry Operations
Singtaas na daw ng puno ng niyog ang lalim ng kina-quarry sa ilang lugar sa Quezon.Lalo na daw sa bayan ng Sariaya.ABA’Y ANONG GINAGAWA NG MGA KINAUUKULAN? MARAHIL AY HIHINTAYIN MUNA NILANG BUMAHA AT MARAMING BAHAY ANG MAANOD AT MARAMING BUHAY ANG MAWALA.SAKA SILA KIKILOS.
****
Kapatid daw ng dating Mayor ng Sariaya ang isa sa mga matigas ang ulo sa pagku –quarry.Wala itong pasintabi sa mga opisyal at wala itong takot dahil astig daw ito.NAKU ANG ALAM KO AYAW NI MR. FRANCIS SEVILLA NG GANYAN.SIYA ANG BAGONG PMRB CHIEF KAYA LAGOT SILA KAY MR. SEVILLA.
****
Nawawala na nga ba ang mga trabesa sa riles ng tren.Hindi na daw kasi ito gagamitin kaya pinababayaan na.HINDI NAMAN PALA KATAKA-TAKANG GAWIN ITONG BAKOD NG MAYAYAMAN, ILAGAY SA KANILANG GARDEN AT ANG IBA’Y GAWING BAHAY.MAMASYAL KAYO SA QUEZON KUNG SINO-SINONG MAYROONG BAKOD NA AT BAHAY NA TRABESA.
****
Hanggang ngayon ay hindi pa nai-iserve sa tunay na salarin ng pumaslang kay Bert Sison ang Warrant of Arrest laban dito.Noon pa daw itong buwan ng December dapat na ibinigay at hanggang ngayon ay nasa kamay ng isang PSOG officer.BAKIT KAYA HINDI MAIBIGAY.PAUUGATAN PA KAYA NILA ITO O TAKOT ANG MGA ITONG I-SERVE?ANO KAYANG MASASABI DITO NI PNP PROVINCIAL DIRECTOR FIDEL POSADAS?
****
Ngayong nabisto na ang NFA na kulang sa timbang ang mga bigas na nakalagay sa sako.Dagdagan na kaya nila ito?PAANO DAW DADAGDAGAN AY SA DAAN PA LAMANG AY MARAMI NG NAMUMURIKI.
****
Dinagsa daw ng mga mamimili ang 3 day sale sa SM City Lucena.TIYAK NA PINAG-IPUNAN NILA IYON.KAYA MARAMI SILANG NAPAMILI.
****
Matagal na daw inirereklamo ang mga itim na abo na lumilipad sa mga bahay na nakatira sa Brgy. Cagsiay Uno mauban Quezon.Hindi na rind aw mawalan ng ubo ang mga residente rito sanhi ng mga lumalabas na itim na abo mula sa Quezon Power Limited.WALA NGA BANG GINAGAWA ANG PAMUNUAN NG QPL?
****
Maraming dumayong mga local at dayuhang turista sa lalawigan ng Marinduque dahil sa kanilang Moriones Festival.TOTOO NGA BANG NAGKAROON NG PATUTSADAHAN SA HARAP NG KANILANG MGA KABABAYAN SINA MARINDUQUE GOV. BONG CARION AT ANG KANIYANG KALABAN SA PULITIKA NA MGA REYES.IBIG SABIHIN NAG IIBA NA ANG KULAY NG SKIN NG PULITIKA SA NGANI BAYA.
****
Sa Dalahican napakaraming mga nagpe-pedicab.Ngunit wala man lamang ilaw o replektor ang mga ito.Mapanganib lalo na sa gabi .Kaya naman maraming motorista ang umaangal.SINASADYA DAW KASING BANGGAIN NG MGA NAGPE-PEDICAB ANG MGA MOTORISTA.ANO KAYANG MASASABI NG PRESIDENTE NG ORGANISASYON NILA.
***
read....
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment