Saturday, April 11, 2009

news in Quezon province

Mga negosyante takot sa mga rebelde
Ni Jet Claveria

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit may mga negosyanteng ayaw mamuhunan sa Quezon ay sanhi ng mga ulat na maraming mga New Peoples Army sa lalawigan.

Ito ang nabatid nina 1st District Bokal Alona Obispo at Quezon Tourism Chief Gladys Mayo nang magtungo sila sa Hawaii upang umatend sa isang tourism exhibit doon kamakailan.

Ayon kay Bokal Obispo, hindi maitatangging maraming mga banyaga ang nakagusto ng mga produkto ng Quezon subalit kapag maglalagak na sila ng negosyo sa Quezon ay aayaw na nila dahilan sa marami daw ditong rebelde kaya ayaw nila.

Kaagad itong pinabulaanan ni Bokal Obispo ang naturang ulat at ipinagmalaking tahimik ang lalawigan at hindi banta ang mga sinasabing rebelde.

Hinamon pa nito ang isang Koreano na nais na maglagay ng negosyo sa Pilipinas kung saan sinabi nitong kapag pumunta sa Quezon ay makakasiguro sa seguridad nito at ipapasyal pa sa mga tourist destination sa lugar.Hindi umano NPA country ang Quezon dahil mababait ang mga Quezonian.

Hinimok din ng Bokal na maglagay ng negosyo sa Quezon dahil hindi naman banta ang NPA sa kanilang mga negosyo taliwas sa mga napapaulat.


Magugunitang ipinahayag ni National Security Adviser Sec. Norberto Gonzales ng magtungo siya sa lalawigan na hindi na banta ang insurhensya sa Pilipinas dahilan sa nakokontrol na ito.

Ganito rin halos ang naging pahayag ni SOLCOM Commander Chief General Delfin Bangit kung saan iba na ang magiging komunidad sa taong 2010 sapagkat makabagong lipunan na ang makikita lalo na sa lalawigan ng Quezon.

Marami na umanong mga NPA ang bumababa sa kabundukan at nais manirahan sa lipunang ating ginagalawan ng mapayapa.

Ito’y sanhi naman ng mga makabagong programa ng SOLCOM kung saan kaagapay ang mga local executives upang lubos na mapagtagumpayan ang mga proyekto at mga programa patungkol sa insurgency.

Inilalapit umano ng SOLCOM sa mga barangay ang mga programa at inaalam ang mga sitwasyon ng mga tao doon upang maiagapay sa naising kaunlaran ng bawa’t isa.

Ang mga lugar umanong dating pinamumugaran ng mga NPA ay napapasok na ng mga sundalo upang ibigay ang mga pangangailangan ng mga residente at tumulong sa mga opisyal ng pamahalaan sa magagandang programa ng mga ito.

Kaya naman sinasabing sa ngayon ay hindi na makapag recruit ang mga NPA dahil na rin sa mga programang inilulunsad ng pamahalaan sa mga rural areas.




Please read....

No comments: