Forum ng media sa SM City Lucena
Tunay na nakatuwang panoorin at pakinggan ang mga mamamahayag na mayroong kaniya-kaniyang prinsipyo at paniniwala subalit pagdating sa karapatan ng tungkulin ay nagkakaisa at nagkakasama-sama.
Nakakalungkot nga lamang dahil marami pang mga mamamahayag sa Quezon ang hindi alam ang batas na kikitil sa karapatan ng malayang pamamahayag kung tuluyan itong ipapasa sa Kongreso at Senado.
Tama lamang ang ginawa ni Quezon Publisher Association President Billy Andal na pangunahan at hikayatin ang bawat grupo ng media sa Quezon na sama-samang labanan ang kung tawagin niya ay “killer bill”. Ang Right of Reply na ginagawa umanong “tanga” ng nasabing batas ang mga mamamahayag dahil sa una pa lamang ay alam na ng media na dapat bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ng dalawang panig ng tinalakay,subalit sa batas ay kailangan pa umanong diktahan ang sinumang bumatikos o tumalakay at utusan na kaagad itong sagutin.Sa batas ay nakalagay din na kung gaano kahaba ang isinulat at kung saang program ay dapat don din sinasagot at kung di kaagad magawa ay kailangang magmulta ng P200,000.00 ,tapos ay suspension ng operation ng radyo, telebisyon at publication at sa susunod ay kulong na.
Maganda ang naging forum na isinagawa sa SM, nakita na ang anumang grupo ng media ay maaring maging isa sa aspeto na ang nakataya ay panggigipit sa malayang pamamahayag.
Iba’t ibang suhestyon ang dapat umanong gawin upang tuluyan nang ibasura ang batas kung kaya’t kagyat na gumawa ng isang manifesto na nilagdaan ng iba’t ibang grupo at individual upang i-lobby sa apat na kongresista sa Quezon para sa Kongreso at pagkatapos ay sa Senado.
Sa kabuuan kahit pasaway si Belly ay naging masaya ang forum at higit sa lahat ay nalinawan ng mga media sa Quezon ang tinatahak ng kanilang ginagawang tungkulin at nalaman nila ang kanilang dapat na gawin bilang isang mamamahayag.
Nagpapasalamat din ang Quezon Publisher Association kay Tita Beth Azores, kay Sir Jayson Terrenal, kay Ms. Mildred de Castro at kay Jen ,syempre sa SM City Lucena sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga programa na isinasagawa ng mga mamamahayag sa Quezon.
Gayundin ang Team Energy na kungdi dahil sa kanila ay hindi makakarating ang magaling na resource speaker na si Ms. Yvonne T. Chua, isang professor ng Journalism sa UP,Investigative Journalism at kilalang batikang media na nagsimula pa noong panahon ni president Marcos.
Sa Transco na nagbigay ng di malilimutang remembrance sa naging Guest Speaker at Coca Cola Bottling Co. na nagbigay katuwaan sa media ang kanilang ipinadalang token para dito.
Syempre sa Solcom na sinasabing lagi silang nakasuporta sa mga media upang higit na makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga mamamayan.
Salamat din sa pangulo ng CNPC Gemi Formaran, NUJP Sonny Mallari at QTMG Noreen Villalva-Hoffman sa kanilang pakikiisa at pagpapadalo ng kanilang mga myembro ,gayundin sa mga individual na media na nagpakita ng sigasig na ibasura ang “right of reply bill”.
PTA INDUCTION SA MUGCAFE
Congratulations sa lahat ng mga nanumpa bilang mga officers sa district at PTA Federation sa lunsod ng Lucena.
Gayundin kay Mr. Marvin Fuentes PTA Federation President kung saan naging masigla ang mga guro at magulang na dumalo sa nasabing pagtitipon.
Kaya naman maging si Mayor Ramon Talaga Jr. ay nakisaya at nagbigay ng papremsyo sa mga distritong magaling sumayaw.
Marami ring umatend sa panig ng Highschool ,dumalo ang masipag naming principal si Ms. Villaruel na hindi naging KJ sa kasayahan at ang President si Mr. Rivera na siyang nahalal bilang Vice President ng PTA Federation.
Nagpakitang gilas din sa pag-awit ang pangulo ng distrito si Tita Fanny (ang galing pala niya kumanta).
Naging mapalad din kaming mga officers dahil naging panauhin din naming ang ikatlong Pilipino na nanalo sa pagkanta sa ibang bansa sa ginanap na World Champion of Performing Artist Catherine Loria.
Nakisaya rin si Cong. Mark enverga na napapabalita na mag vice governor kapag di nahati Quezon at Governor naman kapag nagkaroon ng Quezon del Norte.
YES HATI
Sabi ni Mayor Ramon Talaga Jr. hindi siya nangangampanya sa “yes” pero nakikiusap siya sa mga magulang at guro para sa paghahati ng Quezon.
Ang katwiran niya kaya pabor siya dito ay upang matulungan ang mga rural areas.
NO HATI
Kasama pala ni Gov. Raffy Nantes sa hindi pumapabor na mahati ang lalawigan ang mga nagdaang governor ng Quezon.Maganda ang kanilang mga binitiwang salita ng ipakita at iparinig nila sa taumbayan na ginanap sa Convention Center ang kanilang pagtutol.
Sabi ni Gov. Nantes, may mali daw sa batas kaya tutol siya.Baka daw mapagaya sa bill na sinuportahan niya tungkol sa pagiging city ng Tayabas subalit binawi ulit makaraan ang ilang panahon dahilan sa hindi pala maari itong maging syudad dahil kulang sa mga requirements.
PARANG ELEKSYON DIN NG PULITIKO
Ang gaganapin din palang plebisito ay parang sa eleksyon din ng mga pulitiko na nais na maluklok sa kanilang pwesto.May mga bayaran din…..Pera pa rin ang isusulong para makamit ang victory nila…Tulad sa pagkakaroon ng Quezon del Sur.Mayroong mga pulitiko na magbabayad tiyak ng “yes” at meron din sa “no” upang ito ang suportahan o kanilang iboto.Kaya minsan ang mga mamamayan na hindi nagagamit ang kanilang kahalalan bilang tao ay parang robot na sunod na lamang ng sunod sa naisin ng nag-ooperate sa kanila.
Please read....
Saturday, December 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment