PTA Federation balik sigla talaga
NI Jet Claveria
Pinangunahan ni City Mayor Ramon Talaga Jr. ang induction of officers and acquaintance party ng PTA Federation na isinagawa sa Mug Café Pacific Mall Lucena City.
Ayon kay PTA President Marvin Fuentes, ang oathtaking na isinagawa ay isang magandang simulain upang magkaroon ng higit na ugnayan ang mga magulang at guro sa mga paaralan.
Sinabi naman ni SP Sec. Ernesto N. Jalbuena co-Founder ng LCPTA, sa muling pagsigla ng PTA Federation ay nangangahulugan na magkakaroon ng tinig ang bawat magkabilang panig sa anumang mga suliranin o dapat na gawin sa mga paaralan.
Nagbigay rin ng mga mensahe sina Bokal Romano Talaga at Konsehal Romano Talaga na anila’y ito nang muli ang simula ng magandang ugnayan ng mga magulang at guro sa bawat eskwelahan sa Lucena.
Naging panauhin din sina Konsehal Felix Avillo, Amer Lacerna, Willie Asilo at lahat ng mga punong guro sa North, West, South East, at Highschool.
Nasiyahan naman si Mayor Talaga, sa PTA federation balik sigla talaga, sapagkat napag-isang muli ang mga magulang at mga guro sa lunsod ng Lucena .Higit na mapapataas ang antas ng edukasyon sa pagbabalik sigla sapagkat mapagtutuunan ng pansin ng PTA ang mga dapat pang gawin sa pagpapa-unlad ng karunungan ng kanilang mga anak.
Tuwang-tuwa rin si mayor ng magbigay ng masiglang awitin ang special guest na 13 taong gulang na batang taga Quezon na nagwagi ng kaniyang talento sa ibang bansa.
Tinalo ni Catherine Ilagan Loria ang mga performing artist sa 40 bansa kung saan nakuha niya ang 2 pinakamataas na titulo ang Junior Grand Championship at Grand World Championship Performing Artist 2008.
Naging lalong masaya naman ang ikalawang yugto ng programa sa dancing contest ng mga magulang at guro mula sa mga distrito.
Lalo na nang magbigay ng cash price si Mayor Talaga na lalong nagpasigla sa bawat grupo.
Habang umiindak naman ang bawa’t isa ay dumating naman si Cong. Mark Enverga na nagpamalas din ng galing niya sa pagsayaw sa gitna ng mga guro at magulang.
Kaugnay nito,umaasa ang mga magulang na matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa bawa’t school lalo na sa pagpapataas ng antas ng karunungan sa pag-aaral.
Saturday, December 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment