Quezon buo pa rin
Batay sa mga partial unofficial tallies, No, bandera sa plebisito
Mananatiling buo pa rin ang lalawigan ng Quezon batay sa mga partial at di-opisyal na mga bilang na lumilitaw hanggang sa sinusulat ang balitang ito. Maaga pa lamang, nagpakita ang lahat ng apat na distrito ng lalawigan ng botong batay sa tantos ng tuos ay 80-20 pabor sa botong No sa plebisitong isinagawa nitong nakaraang araw ng Sabado.
Ayon kay dating Mulanay Mayor Tito Ojeda, ‘irreversible’ o di na mababaliktad pa ang ‘trend’ na ipinakikita ng mga naunang tally ng mga boto mula sa 40 bayan at 2 lunsod. Aniya ay mahirap ng mahabol pa ang angat sa bilang ng botong kontra sa Hati-Quezon sapagkat mismong sa inaasahang balwarte ng mga Suarez at Tanada na ikatlo at ika-apat na distrito ay buhos ang botong No kaya’t paano pa maipapanalo ang nais na paghati ng lalawigan.
Sa lunsod ng Lucena kung saan ay aktibong nangampanya si Mayor Ramon Y Talaga para hatiin ang probinsiya, kumain din ng alikabok ang Yes sa tantos na 70 – 30 boto. Gayunman, kaagad na nagpkita ng kababaang loob si Mayor Y. Ramon Talaga Jr. sa pagsasabing sa bawat labanan ay mayroong natatalo at panalo.
Lumilitaw na mas naniwala ang taong bayan sa mga paliwanag ni Gobernador Raffy Nantes keysa sa Obispo ng Lucena na ginamit ang pulpeto para isulong ang hati-Quezon, ayon sa obserbasyon ni dating Bokal Billy Andal. Kung tutuusin ani Andal, dapat ay nakaungos si Marquez ng malaki dahil sa nauna at matagal itong nangangampanya samantalang hindi kaagad nakalahok si Nantes sa pagpapaliwanag sa bayan-bayan dahil sa abala ang gobernador sa mga proyektong panlalawigan.
Idinagdag pa nito na ang resulta ng botohang pumabor sa pananatiling buo ng Quezon ay manipestasyon na ginagawa ng tama ni Nantes ang trabaho niya sa probinsiya sapagkat kung hindi, iba ang resulta ng halalan.
Nasiyahan naman ang mga tao at nawala ang kaba sa dibdib dahil sa RA 9495, ang batas na maghahati sa lalawigan. Mabuti naman at mananatiling Quezon ang probinsiya natin, masayang sambit ni Larry Lontok, isang artista sa larangan ng paglililok.
Sinikap ng pahayagan na makuha ang panig ng mga Suarez at Tanada at ni Nantes ngunit nakasara ang mga mobile phones ng mga ito.
Please read....
Saturday, December 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment