Saturday, October 4, 2008

5th year anniversary SM City Lucena


The Management of SM City Lucena’s 5-Years Service Awardees

Congratulations to the management of SM City Lucena for their 5 years in service.(Seated L-R): Sergio Aldrin Buenaventura (CRS Manager), Jenefer Gonzales (Leasing Supervisor), Ma. Criselda Ramos (Marketng Officer), Cheriza Dural (Mall Secretary), Arcelin Villavicencio (Accounting Manager). (Standing L-R): Madeleine Rychelle Orgas (HR Officer) , Michele Villaseñor (HR Officer), Dennis Lopinac (Systems Analyst), Myrna Lyn De Castro (Tenant Relation Officer), Rennell Camaligan (Chief Projectionist) , Evangeline King (Regional HR Manager-South Luzon), Ramona Villaverde (Building Admin Officer), Darnel De Luna (IT Supervisor), Russell Alegre (Building Admin Officer), Romina Dimaunahan (Foodcourt Supervisor). (Last Row): Joselito Rommel Villanueva (CRS Supervisor), Elda Ayuste (Finance and Admin. Manager), Michelle Africa (Foodcourt Manager) and John Jason Terrenal ( Mall Manager).


Jetline
Ni Jet Claveria

Ika –limang taon ng SM sa Lucena


Isang maligayang pagbati sa lahat ng mga nasa SM City Lucena ngayon.Nasa ikalimang taon na pala ang SM. Naalala ko pa ng ginagawa ang SM noong 2003, araw-araw ko kasi itong nakikita kapag magpoprogram ako sa DZEL.Sa isip ko noon kapag natapos ito ay tiyak na sisigla ang Brgy. Red V at dadami ang negosyo.

Subalit higit pa sa inaasahang dagdag sa hanapbuhay ang nangyari maging ang mga negosyante sa mga karatig lugar ay nag-invest na rin sa Lucena ng kanilang negosyo.

Ang dating mga mahihilig magshopping na nagtutungo pa sa Metro Manila para makapunta sa SM subalit laking tuwa at ginhawa nila ng magkaroon sa Quezon.Hindi rin daw naman kasi nalalayo ang presyo ng mga bilihin dito kumpara sa Metro Manila.

Maraming mga walang trabaho ang natulungan ng SM at hindi lamang taga-Quezon kundi maging ang kapitbayan ay natulungan din na mabigyan ng trabaho.

Maging ang mga galing Bicol at mga tawid isla ay dumadaan muna sa SM bago sila magtungo sa kanilang mga patutunguhan upang doon bumili ng kanilang mga souviner o mga kailangan na dadalhin sa kanilang paroroonan..

Bigla ko tuloy naalala si Padre burgos Mayor Ding Villena. Hindi ko naman kaya pinupuri ay dahil aking Tito kundi likas sa kaniya ang pagiging masipag.(ayan tito kahit di tayo nagkikita bida ka pa .hehehe)Panay ang pagmamalaki niya noon na kapag nagka SM daw sa Lucena ay tiyak na marami itong matutulungan (ako lang ang hindi).Nakita ko noon sa mukha niya na walang pagsidlan ng tuwa dahil alam niyang maraming matutulungan .Ipinagmalaki hindi lamang taga Padre Burgos si Mayor Ding dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit mayroong SM kung hindi ako nagkakamali tita Beth.

Saksing buhay din ang Jetline ng magkaloob naman ang SM Foundation ng building para maging classroom sa mga taga- Padre Burgos.Hindi lamang ang bayan ni tito Ding ang nakinabang sa mga proyekto ng SM dahil maraming eskwelahan ang nabigyan ng tulong.

Laking pasasalamat din ni Mrs. Meriam Camposano principal ng Brgy . Binagbag Elementary School sa mga computer na ibinigay ng SM para sa mga batang mag-aaral.

Kapag may time din ang Jetline ay sumasama rin sa community project ng SM sa pagbibigay tulong sa mga mahihirap na barangay sa Lucena .Nakita ko sina Ms. Cristy Angeles na nakangiti kahit pawisan na sa pagbibigay ng tulong sa mga kapuspalad.Masaya daw kasi ang pakiramdam nila at nawawala ang kanilang pagod kapag nakikita nilang masasaya ang kanilang mga natutulungan.

Kapag may mga kalamidad andyan din ang SM,sa mga medical mission libong tao rin ang natutulungan .Ano pa nga bang hahanapin sa SM.

Ako maraming hinahanap lalo na kapag nagwiwindow shopping.Naghahanap ako ng bibilihin ko at sa susunod kung punta ay wala na pala.Talagang wala ka ng hahanapin sa SM ,ikaw na lamang ang maghahanap ng pera para me pambili .

Kunsabagay,kung ang Quezonian ay maswerte sa pagkakaroon ng SM, ang SM swerte rin sa pagkakaroon ng kanilang masisipag at hindi mga supladang mga tao.

Isang malaking adbentahe rin ito ng malaking mall kasi kung hindi matapat at hindi naman masasaya ang kanilang mga mukha sa kanilang mga customer ay tiyak na maraming reklamo sa kanila.

Kaya naman si Ms. Beth Azores ang masipag na PR Manager, kahit pagod na pagod na ay hindi pa rin kakitaan ng pagkasimangot.Lagi pa rin siyang nakangiti (kaya di tumatanda).Magaling ang PR ni Ms Beth lahat ng alam niyang pwedeng matulungan ng SM ay ginagawan nila ng paraan at kaagad na naipapaalam sa publiko.Ilan pa kayang PR manager ang katulad niya.Yon bang aktibo sa lahat ng mga aktibidad ng SM at kaagad niyang naipapaalam at hindi na kailangan pang manghula kung kelan at anong petsa gaganapin.Kumbaga, sobra na sa kanyang trabaho ang kaniyang ginagawa.Kasi daw nahihiya siya sa kaniyang mga amo na sobrang kababait daw naman.

Totoo iyon dahil minsan ko na ring nakita kung gaano kaintindi ng pamilya Sy ang kaniyang mga empleado at maging ang kanilang mga scholars.Palibhasa nga marahil na nagdaan din sa maraming pagsubok sa pagnenegosyo si Mr. Henry Sy Sr. kung kaya’t malapit ang puso niya sa mga kabataan na mayroong mga pangarap sa buhay subalit di makapag-aral.Nais niya’s sa pamamagitan ng SM Foundation ay mabigyan ng daan ang mga pangarap na iyon.

Kaya isang malaking tulong sa mga kabataan sa Quezon na nangangarap na makapag aral ay nabigyan ng pagkakataon ng SM na tulungan silang maabot ang kanilang mga ambisyon sa buhay.

Parang kaylan lamang, limang taon na pala ang SM sa Lucena at hindi na mabilang ang tulong na naibigay ng Mall hindi lamang sa Lucenahin kundi maging sa mga kalapit lugar.

Sa pagsho-shopping , napaka kombenyente ng pagpunta rito,maging ang mga may kapansanan ay pwedeng magtungo dahil binigyan sila ng prioridad ng mall.Sa mga senior citizen, maging panonood nila ng sine ay binibigyan sila ng importansya at very friendly talaga.


Limang taon ng SM City sa Lucena,nakakatuwang isipin at ipinagmamalaki ko sa aking sarili bilang isang ordinaryong media ang makadaupang palad ang tinaguriang Mr. Philippine Retailer na kung tawagin ay si Tatang.Hindi siya kakikitaan ng anumang pagkabagot sa kanyang mga kausap,kaya naman iyon marahil ang namana sa kanya ng kanyang mga anak.Hindi mapagmataas at kayang abutin ng isang ordinaryong tao.Kaya naman kung anong biyaya ang dumarating sa SM ay ibinabalik nito sa mga tao sa pamamagitan ng walang sawang pagtulong sa mga nangangailangan.

Sabihin na nating ang SM ay kaagapay sa pag-unlad ng isang lugar at sinusuportahan ang pamahalaan sa mga proyektong kaya nitong ibigay sa mga mahihirap.







No comments: