Saturday, October 4, 2008
banner headline Eyewatch Oct. 2-9 ,2008issue
Sa isinulong na batas hinggil sa pagbuo ng bagong probinsya
Hati-Quezon pinanindigan ni Cong. Erin Tanada
Ni Chelle Zoleta
Quezon--- Nagpahayag ng pinal na mensahe si Quezon 4th District Representative Lorenzo Erin Tañada kontra sa mga naglalabasang opinyon ukol sa kanyang isinulong na batas kaugnay sa pagbuo ng bagong probinsya ang “.A. 9495 o An Act creating the province of Quezon del Sur”
Magugunitang nailathala ang nasabing batas sa dalawang pahayagang nasyunal noong September 12, 2008 (Biyernes). Nakasaad sa transitory provision na kung saan ay magiging epektibo ang batas sa loob ng labinlimang araw matapos mai-published at itatakda ang kaukulang plebisito para pagbotohan ng taong bayan kung pabor o hindi sila sa gagawing bagong probinsya.
Nagkaroon din ng pagbuo ng isang grupo na tinawag na Save Quezon Province Movements (SQPM) sa pangunguna ni Atty. Sonny Pulgar at Hobart Dator kung saan matindi nilang ikinakampanya na hindi matuloy ang naturang paghahati. Dito’y nagkaroon ng seminar sa ilang college schools ukol sa batas at epekto kung mahahati ang probinsya.
Si Bishop Emilio Marquez naman ay nadismaya kung bakit nagiging malaking isyu ang paghahati . Binigyang diin naman ni Bishop Marquez na pag-isipan na lamang ang pag-unlad at positibong pananaw kung ito’y mahahati nang sa gayon ay mabigyan ng sapat na serbisyo ang malalayong lugar partikular sa mga islang bayan.
Nagkaroon ng kalituhan ang mamamayan kung bakit nagkaroon ng usap-usapan na ang mga proponent ng naturang batas na sina Cong. Tañada, Procy Alcala at Gobernador Raffy Nantes ay naging matamlay sa pagsulong at pagkampanya ng batas.
May posibilidad na maitakda ang petsa ng plebisito ngayong darating na Nobyembre 22, 2008 at tanging resolusyon sa COMELEC ang iniintay na lamang.
Subalit mariin naman itong itinanggi ni Cong.Tañada. ang ani daw ay “ batas yan ng aking ama, hindi ko pwedeng pabayaan!”
“I have not abandoned the Quezon Del Sur push. There is just so much misinformation on the date of plebiscite that Quezonians are getting confused. Let us not contribute to the confusion on the plebiscite. Let the COMELEC officially declare when the plebiscite is. In the meantime, let the merits of the bill be discussed soberly and not emotionally”. dagdag pang ani ng kongresista.
Kaugnay nito, patuloy pa ring naguguluhan ang mga mamamayan kung anong kahihinatnan ng lalawigan sa mga darating na panahon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment