NUJP-Quezon naghalal ng bagong pinuno
By Chelle Zoleta
LUCENA CITY- Sa pagtatapos ng termino ng outgoing president Francia Malabanan GMANEWS.TV at Lucena City Public Information Officer (PIO) ay nagkaroon ng eleksyon sa panibagong set of officers sa lalawigan ng Quezon.
Bunga nito, inihalal bilang chairperson ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)-Quezon chapter si Philippine Daily Inquirer (PDI)newsman Sonny Mallari, para taong 2008-2009 na ginanap noong Sababo sa Quan’s Worth Farm.
Ang taunang halalan ay pinangasiwaan ng NUJP National Executive officers sa pangunguna nina Sonny Fernandez, executive producer ng BANDILA-Channel 2 at kasalukuyang NUJP-Secretary General, Rowena Paraan,Associate Editor ng BULATLAT.COM at NUJP-Treasurer at Karen Papellero, NUJP-Safety Training Offiicer.
Ang nahalal bilang deputy chairperson ay si Belly Otordoz, Manila Times/Ang Diyaryo Natin, Danny Estacio, BALITA, secretary general, Michelle CedeƱo, Quezon Patrol, treasurer at Darcy de Galicia, DZRH/ADN, auditor.
Itinalaga naman sa Committee chairmen ay sina sa Finance committee Nida Junco, DWKI-FM/CH8/Quezon patrol; Informantion committee Ylou Dagos, ADN Sunday News, editor-in –chief; Education and Research committee Janet Ganeblazo-Buelo, ADN; Welfare committee naman ay itinalaga sa mahalagang papel na gagampanan sa grupo ay sina sina Dang David Cabangon, ADN at Jet Claveria, Monday Times/EyeWatch; membership committee Danny Estacio at protection committee Sonny Mallari.
Pagkatapos ng nasabing botohan ay kasabay na rin ng panunumpa ng lahat ng mga inihalal na panibagong mga mamiminuno sa nasabing samahan ng media sa Quezon.
Ang oathtaking ay pinangunahan ni Sonny Fernandez at Rowena Paraan para pormal nang gumanap sa iniatang na tungkulin ng NUJP-Quezon chapter.
Kaugnay nito, malaki ang paniniwala ng bawat isa na mapapangalagaan ang bawa’t kasapi at lalong mabiyang laya ang pamamahayag.
Ito’y para din mapangalagaan ang propesyunalismo ng mga miyembro nito mula sa print, broadcast at electronics.
Sunday, September 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment