SM City Lucena, 5 taon na sa pagseserbisyo
Oktubre 3, taong 2003 nang buksan sa publiko at sa lahat ng mga mamimili ang lahat ng facilities ng SM City Lucena. Tuwang-tuwa ang mga Lucenahin noon dahil dagdag establisyemento ito na magbibigay ng maraming hanapbuhay sa mga taga-lungsod at maging mula sa mga kalapit-bayan.
Tama ang sinabi ni Quezon 1st district Board Member Alona Obispo na ang SM City Lucena ay hindi lamang lugar-pasyalan kundi malaki ang social responsibility na ginagampanan nito.
Isang patunay dito ay ang patuloy na pagkalinga ng SMLC sa mga kabataang nais na makapag-aral. Sila yaong walang kakayahang pinansyal ngunit may angkin namang talino. Bukas ang SM Lucena at SMFI sa tulad nila upang maabot ang magandang bukas. Sa pamamagitan ng SM Foundation, Inc., natutulungan ang nasabing mga kabataan upang makapag-aral at marami na ang nakapagtapos dito at may kani-kanila ng trabaho. Malaya silang nakapaghanap ng hanapbuhay kahit saang kompanya.
Saludo si Bokal Obispo sa SM City Lucena dahil marami itong programa at proyekto na ipinagkakaloob sa mga mamamayan. Maliban sa Scholarship program, may mga medical at dental missions din silang ipinagkakaloob laluna sa mga maralitang pamilya na talaga namang nangangailangan ng tulong.
Sa hirap ng buhay ngayon at sobrang tataas ng presyo ng mga gamot, malaking tulong ang libreng gamutan na ipinagkakaloob ng SM Foundation.
Sa limang taon na ng SM City Lucena, maraming beses na sila nagbigay ng nasabing tulong. Maraming tao na ang nabigyan ng lunas ang karamdaman.
Sa katunayan, kamakailan lamang ay nakaagapay ng SMLC at ng SMFI ang Southern Luzon Command sa pangunguna ni Lt.Gen.Delfin N. Bangit, Phil. National Red Cross, Quezon Medical Center, City Health Office, CSWD, Quezon Provincial Government, City Government at marami pang iba.
Sa tuwing may mga magagandang programa o anumang gawain ang SMLC, positibo ang pagtulong dito ng iba’t-ibang mga samahan. Tal kasi ang makikinabang. Sino ba naman ang hindi tutulong?
Kahit si Lucena City Social Welfare and Development officer Lulu Ruanto, paulit-ulit niyang sinasabi na ang SM Lucena ay akmang lugar na puntahan ng mga kabataan, bawat pamilya at maging ng mga may kapansanan sa katawan at pag-iisip.
Kaya nga noong nagdiwang ng National Disability Week, nakita kong ngumiti ang mga kabilang sa disabled persons nang mamasyal sila sa nasabing mall.
Sabi nga ni Ms. Lilibeth Azores, ang masipag na PR Manager ng SMLC at ng SM Foundation, Inc. na ang SM Lucena ay mall-friendly at ‘yan ay napatunayan na ng napakaraming tao na nagtungo sa lugar.
Si Ms. Angie Quesea ang isa sa makakapagpatunay na malaki ang puso ni Mr. Henry Sy, Sr. at ng mga taong nagtatrabaho sa SM sa mga may kapansanan. Hindi nila nakakalimutang bigyan ng espesyal na treatment ang tulad nila.
Bilang pagpapatunay nito, may mga facilities na sadyang ipinagawa ang mall para sa maayos na pamamasyal ng mga ito habang nasa loob. Magagalang ang mga guwardiya dito at isinailalim sa napakaraming seminar nang sa gayon ay maibigay ng maayos at may ngiti ang magandang serbisyo sa mga disabled persons.
Kung napapansin n’yo ang mga disabled persons ngayon na namamasyal sa SMLC ay binibigyan ng espesyal na pagtingin ng mga nagtatrabaho dito at ‘yun ang gusto ni Mr. Sy, Sr.
Todo ang pasasalamat ni Ms. Quesea dahil hindi na raw maiilang ang tulad niya na magtungo sa lugar na maraming tao tulad ng mall.
Hindi ‘lang ito ang mga magagandang programa ng SM Lucena na ibinibigay sa mga mall shoppers at naipagkaloob na sa loob ng kanilang limang taon na pamamayagpag.
Maraming tulong na silang naipagkaloob hindi lamang sa lungsod ng Lucena kundi maging sa mga kalapit bayan nito. Sadyang marami silang naibibigay na tulong sa komunidad.
Kulang ang pahinang ito para maisa-isa ko ang nagawa ng SM Lucena sa limang taon nilang pagseserbisyo ngunit ang natitiyak ng IRON WILL, sa pagdaan ng mga panahon, higit pa itong madadagdagan.
Sa SM Lucena, Congratulations at maraming salamat.
Saturday, October 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment