Thursday, October 2, 2008

Eyewatch columnist

MY ARTICLE
ni Lito M, Giron
Manager PIA
Region 4-A

Isumbong ang personal na paggamit
ng government vehicles

Naging bahagi ng talumpati ni Pangulong Gloria Macapal Arroyo ang kasalukuyang pandaigdigan hamon dulot ng mataas na presyo ng pagkain, langis at bigas. Ang pangmalawakang pangarap ng isang maayos na buhay, magandang edukasyon seebisyong pangkalusugan, mataas na sahod at disenteng pag reretiro. Sinabi ng Pangulo na ang lahat ng ito ay kayang nakamit sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng bilihin, pagkakaroon ng sapat na pagkain sa sariling pinagkukunan ng enerhiya at pagsasagawa ng mahirap na desisyon upang baguhin ang ekonomiya tungo sa pangmatagalan pagbabago.

00000
Nanawagan ang Malacanang sa publiko na isumbong ang anumang di opisyal na paggamit ng mga sasakyang pang gobyerno bilang bahagi ng pinaigting na kampanya sa pagtitipid sa enerhiya at korupsyon. Ginawa ng palasyo ang panawagan ng A.O # 239 na nag babawal sa paggamit ng sasakyang pang gobyerno sa pang personal na gamit sa pagiging dependyente sa paggamit ng inangkat na langis.


00000
Binanggit ni Pangulo Arroyo sa kanyang pananalita sa pag bubukas ng ika-63 pangkahalatang asembliya ng UN na ang Pilipinas sa susunod na dalawang taon, ay may 60 persyento na sa pagkakaroon ng sariling enerhiya. Sa ngayon, 17 persyento na ang itinaas ng pagkakaroon ng bansa ng sariling enerhiya sa pamamagitan ng geothermal, biofuel at iba pang mapagkukunan nito. Binanggit din ng Pangulo ang gingawang hakbang ng kanyang administrasyon sa pag iwas sa paggamit ng sasakyang pang-gobyerno sa pang-personal na gamit.

00000
Nagpalabas ng kautusan ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa lahat ng lisensyadong taga-angkat, tagapamahagi ng mga produktong gatas mula sa Tsina na agad itigil pansamantala ang pag-angkat, pamamahagi at pagbebenta ng mga kontamadong gatas mula sa bansang Tsina. Ang ban ay ipapatupad hanggat walang anunsyo ang BFAD sa kaligtasan ng produkto.Ipinag-utos ni Executive Sec. Eduardo Ermita sa health department na paigtingin ang pagmamatyag sa pagpasok ng gatas na kontaminado ng melamine mula sa bansang Tsina.

00000
Pinaiimbestigahan ng MalacaƱang ang napabalitang P2 bilyong halaga ng bonus na ibinigay sa may 70 empleyeado ng Road Board Secretariat noong 2005 mula sa nalikom na road users' tax. Sa panayam kay Press Sec. Jesu Dureza, binigyan diin ng sekretaryo na pera ng taong bayan ang sangkot kung kaya't kinakailangang maimbestigahan ito. Idinagdag pa niya na hindi hahayaan ng Pangulo ang mga bagay na ito.

No comments: