Sa pagbibigay ng proyekto sa mga alkalde sa ikatlong distrito ng Quezon
Dapat maging patas sila- Cong. Danny Suarez
The Reportorial Team
Nagkaroon ng isinagawang disbursement briefings ang mga mayors, planning ,budget officers at treasurer ng Bondoc Peninsula na ginanap kamakailan sa ikatlong distrito ng Quezon.
Ito’y upang maging mabilis ang sistema sa pagbibigay ng pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).Ito’y sa kahilingan na rin ni Cong. Danny Suarez na umano’y na pinamahalaan naman ng Auditor mula sa Commission on Audit upang
maibigay ng tama ang nasabing mga pondo sa mga alkalde sa ikatlong distrito ng Quezon.
Kaugnay nito, binigyang paalala naman ni Suarez ang lahat ng mga mayor na nabigyan ng nasabing pondo na dapat mailagay ng tama sa mga proyektong ang makikinabang ay ang mga mahihirap na mamamayan sa ikatlong distrito.
Binigyang diin ng kongresista na na huwag naman sanang lagyan ng kulay pulitika ang kaniyang pamamahagi sa mga alkalde bilang bahagi ng kaniyang programa.
Lahat umano halos ng alkalde sa ikatlong distrito ay nakinabang sa nasabing pondo kahit pa nga itoy sinasabing hindi kapanalig ng nasabing opisyal.
Malaki ang paniniwala ni Suarez, na hindi na dapat pang pairalin ang pulitika sa pagbibigay ng mga proyekto kung saan dapat na tulungan ang mga mamamayan at bigyan ng mga programang nakalaan naman para sa kanila.
Nais pa ni Suarez na maparating ng tama ang mga programa sa mga liblib na lugar kung kaya’t ito’y ibinigay niya sa mga municipal mayors kung saan inaasahan na ilalagay naman ng mga ito sa mga maaayos na proyekto.
Dapat umanong bigyang prioridad ang patungkol sa edukasyon, kalusugan, death claims para sa mga barangay officials, mga imprastraktura at iba pa na kailangan ng mga taga- ikatlong distrito ng Quezon.
Dumalo sa nasabing briefing ay sina Mayor Ding Villena, Padre Burgos; Adam Aguilar, Agdangan; Cesar Alpay, Unisan, Dante Bunag, Pitogo; Liwayway Tan, Macalelon; Eva Sangalang, Gen. Luna, Monching Orfanel, Catanauan; Prudencio Maxino, Mulanay, Ernani Tan, San Francisco; Sonia Emprese, San Andres; Allen Uy, San Narciso at Remedios Uri, Buenavista.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment