Saturday, October 18, 2008

kolum ni Jet Claveria

Kaliwa’t Kanan
Ni Jet Claveria

Swerte nga ba ang Quezon?


Kung susumahin daw ang mga nangyayaring kalamidad at mga kaunlaran sa bansa,masasabi nating swerte pa rin ang Quezon.

Swerte dahil nakakapamuhay pa ng payapa at walang anumang gulo ,maliban sa ilang mga insidente ng krimen.

Marami pa ring kumakain ng tatlong beses sa isang araw mapwera sa mga mahilig magdiet.Nakakaagapay pa rin sa takbo ng buhay sa lipunang ginagalawan.

Sabi nga ni Tita Naden isa sa mga pinagtitiwalaan ng isang Foundation na sinusuportahan nina Mam Cora Buenaflores ng Gems Outreach Foundation.Mapalad pa ang Quezon dahil marami pang mababait dito.Kaya mayroong nais na tumulong na mas maiangat pa ang pamumuhay at bigyang kaligayahan lalo na ang ating mga lolo at lola.

Andyan din ang SM Foundation na walang tigil sa pagtulong at paglulunsad ng mga proyektong pakikinabangin ng Quezonian.Salamat sa isang Ms. Cristy Angeles na kahit pagod na ay nakangiti pa ring humaharap sa mga tao.

Sabi nga ni Ms. Beth ang PR Manager ng SM Lucena, masuwerte ang Lucena sa pagkakaroon ng SM na kaagapay ng pamahalaan.

Kaya naman sang-ayon dito si Mayor Ramon Talaga jr.Malaki ang inasenso ng Lucena sa pagkakaroon ng SM Mall at syempre ang Metro Gaisano.

Kahit na nga sabihing mayroon pa ring mga nagbabangayang pulitiko at masidhi pa rin ang hangaring mahati ang lalawigan ay tuloy naman ang mga foundation na kaagapay ng pamahalaan para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.

Kung lubusan nga naman iaasa ng isang pamilya ang kanilang pamumuhay sa itutulong ng isang opisyal o ng gobyerno ay maraming nagsasabi na mamatay na lamang ng dilat ay wala pang asenso.

Lahat naman ng nais na gawin ng mga opisyal na nakaupo sa kanilang trono ay malasakit daw para sa tao….

Sa tao nga ba o sa kanilang bulsa...syempre ang isasagot nila ay mahal nila ang mga tao na siyang dahilan kung bakit sila nakaupo sa kanilang mga silya ngayon.

Tamang itaguri nating silya sapagkat ito rin ang inuupuan ng mga pinagpipitaganang Bokal sa Sangguniang Panlalawigan.

Masuwerte ba ang Quezon sa pagkakaroon ngayon ng mga Bokal na tamad…Akala ko ba Walang Tamad sa Quezon…Tiyak na mayroong magre-react dyan.

Pero kahit sino ang tanungin ng Kaliwat Kanan, mga empleado ng SP at ibang opisyal..Ibang-iba daw ang mga Bokal ngayon.Wala ng tatamad pa…Nakakahiya naman!Baka biglang bumangon ang yumaong Vice Gov. Jovito Talabong at muling pasiglahin ang Sanggunian.

Kahit wari anong sipag ng gobernador kung maganit namang katrabaho ang mga nasa Sanggunian,mabigat sa balikat.Totoo ba iyon Gov?

MERALCO BATANGAS NAGBIGAY NG REFUND

Sa Batangas uunahing bigyan ng refund ay ang mga consumers na mayroong mababang bill. Ang mga residential customers na may mababang konsumo ng kuryente ang uunahing bigyan ng schedule upang makuha ang refund. Ito ay ipapaalam sa pamamagitan ng anunsyo na ilalagay sa Meralco Statement of Bill. Nakasaad dito kung ang isang customer ay qualify kumuha ng refund ang proseso ng pagkuha at ang mga kailangang ipresenta na mga dokumento tulad ng : resibo ng meter deposit, 1 valid ID na may picture at signature, halimbawa nito ay ang driver’s license, Passport, PRC license, Philhealth ID, senior citizen at iba pa. Ang duplicate copy ng mga naturang ID ay isusumite sa Meralco.
Sa ibang Meralco Branch kaya, naibigay na rin ?

OPISYAL NA MANYAKIS

Ano nga kayang mayroong kaisipan ng mga taong gahaman sa laman.Marami na tayong nababalitaan na kahit sanggol ay nire-rape.Kabilang na sa mga ulat na ito ang isang Municipal Treasurer sa San Francisco Quezon na inirereklamo ng kanyang 12 anyos na kasambahay na di umanoy kaniyang ginahasa sa loob mismo ng sasakyan.Kung sa Quezon ay ganito ang ulat ,mayroon din sa Cavite na isang professor naman ng La Salle ang mahilig din.Aba’y kapag mayroong estudyanteng babae na bagsak ang grades ay kapalit ang pakikipagsex sa kanya.At kapag nagsumbong ay pinagbabantaan pa.Grabe naman,sana mabulok sa bilangguan ang ganitong mga uri ng nilalang.








Jetline sa EW
Ni Jet Claveria

Rape at kidnapping


Naimbitahan ako kamakailan ni tita Nida J na mag kober sa DOJ sa preliminary hearing patungkol sa kasong rape ng Municipal treasurer ng San Francisco at kasong kidnapping naman kay Mayor Ernani Tan.

Di ko lam na ang pagtungo don ay nagkaroon pala ng kontrobersya na may kinalaman sa isang Vice Mayor Alega.Ganon?Ang alam ko Boss ni tita Nids ang nagpakober at nagkataon na hindi naman ako masyadong busy kaya go ang beauty ko.Kasi ala namang binanggit na Alega, ang Boss daw niya ang binabanggit.Hindi na nga lamang ako nakasama nitong ikalawa niyang imbita at masama ang pakiramdam ko , isa pa’y may miting ang lahat ng mga Publisher sa Quezon.

Nagulat na lamang ako na lumitaw ang name ni Vice Mayor Alega, kung hindi ako nagkakamali ,ito marahil yong dating konsehal Alega na maraming mga pangulong ba iyon?Yong inirereklamo ng mga mangingisda sa San Francisco na kaya wala silang mahuling isda ay dahil sa mga pangulong ni Alega?

Ganunpaman, nag-observe ang lola sa paunang pagdinig ng kaso na ginawa sa sala ni Judge Catherine Kuong.Puno ang kanyang sala sa dami ng mga taong testigo na magpapatunay umano na walang kinalaman ang alkalde sa mga ibinibintang dito.

Sa panig ng biktima, tinitingnan ko ang dalagita,malaking bulas ito at maganda ang kutis sabi nga ni Bong Rivera ay talagang pag-iinteresan.

Nakakatuwa naman ang suportang ginagawa ng DSWD ng Candelaria sa bata kahit hindi pa gaanong malinaw para sa Jetline kung bakit nadawit dito ang DSWD ng Candelaria.nakita ng Jetline kung paano niya ito alalayan pati na ang mga magulang nito.

Itinuro sa akin ni Danny Ordones ang tatay ng biktima sa isang sulok, nilapitan ko ito at tinanong sa ilang bagay.Dalawang beses na pala itong ginawa daw umano sa kaniyang anak.Kaya lang talagang ayaw niyang magsalita pa ng mga nangyari sa kanyang anak, di niya marahil kayang magkwento dahil bilang isang ama ay nasasaktan pa siya.

Sinikap kong kunan ng pahayag si Mayor Tan tungkol naman sa kung bakit nadawit ang kanyang pangalan sa kasong kidnapping.Ay ayaw….palabas na sana siya ng pintuan ng sala ni Judge Kuong..Nagmagandang araw pa nga kaming mga media sa kanya, ay biglang bumalik sa loob at sinaraduhan ang pinto.Tameme kami…

Pero bukas naman sa mga interview ang kanilang mga abogado.Ayon nga sa abogado ng mga akusado, masyadong maselan ang kaso kaya,hindi sila padalos-dalos at pinag-aaralan nilang mabuti ito….Sabi naman ng abogado ng biktima kahit sampung bus pa ang dalahin sa DOJ kung ang mga ito naman ay nagsasabi ng kasinungalingan ay wala rin.

Malayo pa ang mararating ng kaso ito…ang mabilad nga naman sa isang maselang kaso ang pangalan ng isang personalidad ay nakatatak na ito sa kanyang pagkatao.Kaya dapat malinis ni Mayor Tan ang kanyang pangalan.Siya pa mandin ay pangulo ng mga alkalde ,tapos biglang maiisyu na sangkot sa kasong kidnapping.Malaking kahihiyan sa kanyang panig.

Ewan ko nga lamang kung totoo ang nabalitaan ng Jetline na sinabi daw nitong si mayor Tan sa isang flag raising ceremony na bakit siya ang napapag-initan ay hindi naman siya ang rapist at si Flores.

Kung maraming nakakarinig ay ito’y isang malaking kahihiyan naman sa panig ni Mr. Floro Flores na sinasabing siyang nanggahasa sa 12 taong gulang na kaniyang kasambahay.

May tikas nga naman ang tindigan pa nitong si Flores at hindi imposibleng makagusto sa isang magandang bata kahit siyay may-asawa na.

Pero suportado ng kanyang asawa si Mr. Flores, ngunit ang nakakaawa sa pangyayaring ito ay kaniyang mga anak na kahit sabihin pang hindi totoo ang ibinibintang sa kanilang ama ay isang napakalaking kahihiyan.Eh lalo na kapag napatunayan.

Kung isang trauma sa biktima ng mga nangyari ay tiyak na isang trauma rin ang mangyayari sa mga anak nitong si Mr. Flores.Sabi nga ay maisyu ka na sa ibang bagay huwag lamang na mabalita kang manyakis.

Eto pa ang isang pangyayari at nadamay naman ang pangalan nitong si Dra. Dela Pena (nakalimutan ko ang name).

Sa kaniyang kwento ay hindi niya kilala ang mga nasa sala ni Judge Kuong at noon lamang daw niya nakita ang mga akusado?

Pero ano naman itong lumilitaw na balita Doktora na ikaw daw ang family doctor ng mga Flores. Ano nga bang totoo at humaba na at marami nang nadamay sa kasong ito.

Basta ang ginawa daw nitong si doktora ay gumawa siya ng sertipikasyon na magpapatunay na virgin pa itong 12anyos na sinasabing ginahasa ng Municipal treasurer.

Ang hindi ko maintindihan sino ang nagpakuha ng certificate, kasi lumalabas sa kwento ng doktora ay ang magulang nito dahil sa gustong malaman kung totoo o hindi ang kumakalat na tsismis sa San Francisco na ni rape ang kanilang anak.Kaya binigyan niya ng sertipikasyon na magpapatunay na virgin nga ito?

Ibig bang sabihin ay hindi naeksamin o basta na lamang binigyan ng certificate na ito’y virgin at hindi pa nagagalaw ng kahit na sinong lalake.

Naguguluhan kasi ang Jetline sa kanyang kwento,tapos sasabihin niya saan siya hihingi ng tulong sa NPA ba daw Bong?

Baket?

Kung hindi lilinisin ng doktora ang kanyang pangalan ay talagang dawit siya at kapag nagkataon at hindi siya consistent sa kanyang mga sinasabi ay nanganganib siyang mawalan ng lisensya.At yon ang pinakamasaklap na pangyayari sa kanyang buhay kung hindi siya nagsasabi ng totoo?

Kapag ganitong mayroong mga kasong maseselan at kung isa ka sa mga nag-oobserba ,mapapailing na lamang sa ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Parang mag-iisip ka na lamang na sino nga kaya sa mga ito ang nagsasabi ng totoo?

Kung ito’y dala lamang ng isang pamumulitika ay isang masamang biro ito na dapat tuldukan.Subalit kung mayroong katotohanan ang kasong isinampa laban sa kanila dapat marahil na pagdusahan naman ito para makamit ng biktima ang katarungan.


HENRY SY SR.PINAKAMAYAMAN

Totoo ang kasabihang kapag bukas ang palad sa pagtulong ay dobleng blessings ang makakamtan.

Ganyan si Tatang,kung anong biyayang dumarating sa kanya ay ibinabahagi pa rin niya ito sa mga taong nangangailangan.

Napakabait din niya sa kanyang mga empleado,kaya naman ang isang katulad ni Ms Beth Azores PR Manager ng SM Lucena ay masisipag din dahil alam nilang mababait ang may ari ng SM.

Ay sobrang sipag niyan ngani at lagi ngang pinag-uusapan na kung ang lahat ng PR Manager ay katulad niyan ay mas masigla ang lahat ng SM.

Teka bakit napunta sa PR Manager….Balik kay Mr. Philippine Retailer, naungusan ba naman niya si Mr. Lucio Tan.Ibig sabihin lamang ay napapanatili ng mga Sy ang kanilang kasipagan at patuloy ang pagtulong sa kapwa.Kumbaga mahal nila ang kanilang mga empleado at mga parukyano.Pinapahalagahan at iyon ay isang malaking blessings para sa SM.

No comments: