LIBRO MULA SA PUSO. Bahagi ng pagkalinga ng SM Foundation, Inc. ang magkaloob ng libreng edukasyon sa mga batang may angking talino ngunit kapos sa pag-aaral at ang pagkakaloob ng libro sa mga kabataan. Noong Biyernes, ipinadama ng SMFI sa pamamagitan ni Ms. Cristy Angeles, Project Director ang ganitong programa ng dambuhalang negosyo na pag-aari ni M. Henry Sy, Sr. ang nangunguna na ngayon sa talaan ng pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas. Libong libro ang ipinamahala ng SMFI sa tatlong bayan sa Unang Distrito ng Quezon na kinabibilangan ng Real Infanta at General Nakar na kilala sa tawag na REINA Area. May ngiting tinanggap ng mga guro mula sa iba't-ibang eskuwelahan dito ang nasabing mga libro na inaasahang magiging daan sa pagtamo ng magandang bukas ng mga kabataan. Kaisa ng SMFI sa nasabing pograma at nagpakita ng suporta si 1st distric Board Member Alona Obispo gayundin si SM Lucena Mall Manager Engr. Jason Terrenal at Ms. Lilibeth Azores, PR Manager. Lyn Catilo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment