Saturday, October 18, 2008

kolum Para sa Bayan

Pamamahagi ng libro ng SM Foundation.
Ni Celine tutor

Pinatunayan na naman ng SM Foundation, Inc. at ng SM City Lucena na may malasakit sila at may malaking puso para sa mga kabataang Pilipino. Tunay na isa ang edukasyon sa mga prayoridad na programa ng higanteng mall na pag-aari ng nangunguna ngayong negosyante sa bansa na si M. Henry Sy, Sr.
Isa lamang ang pagbibigay ng mga libro at pagkakaloob ng libreng pagpapaaral sa mga batang kapus-palad ngunit matatalino na kabilang sa programang pang-edukasyon ang tinututukan ng SMFI.
Noong Biyernes, libu-libong aklat ang inihatid at ipinagkaloob ni Ms. Cristy Angeles, project director ng SMFI at ni SM City Lucena Mall Manager ng. Jason Terrenal sa mga kabataang mag-aaral ng Real, Infanta at General Nakar, Quezon.
Ang nasa 13,100 piraso ng mga libro na tinaggap ng mga school teachers at principals ay may saya at tila walang pagod na binuhat ng mga staff ni Quezon 1st district Board Member Alona Obispo.
Opo. Si Bokal Alona ay isa sa naging katuwang ng SMFI at ng SMLC sa nasabing maganda at makabuluhang gawain.
Maaaring hindi dahil sa kababayan niya ang makikinabang kundi dahil sa malaki ang paniniwala ni Bokal Obispo na mahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon upang umangat ang pamumuhay ng isang tao.
Distrito ni Bokal Obispo ang REINA area. Ang mga bayang sinalanta ng matinding hagupit ng trahedya ilang taon na ang nakakalipas ngunit ngayon ay nakakatuwang bumabangon na ito sa tulong na rin ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon na hini tumitigil sa pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan.
Ang ginawang pagtungo noong Biyernes sa REINA ay hindi unang pagkakataon.
Sabi nga ni Ms. Angeles, ang nasabing mga libro ay kaloob ng mga may mabuting puso sa bawat booth ng SM malls kaugnay ng SM Donate-a-Book at ilan din ditto ay binili pa ng SMFI para matiyak lamang na may mababasang libro ang mga mag-aaral na kapupulutan nila ng dunong na tanging sandata kahit saan man magtungo laban sa kahirapan.
Nakakatuwa ang sinabi niyang ang libro ay mula sa puso ni Mr. Sy, Sr. at ng pamilya ng SM. Ang intensyon ay para sa kabutihan ng mga kabataan.
Batid ni Bokal Obispo na ang SM Foundation, Inc. ay matagal ng gumagawa ng pagkakaloob ng nasabing mga progama. Naging bahagi din siya ng nasabing higanteng negosyo kaya naman tuwang-tuwa ang opisyal dahil ngayong bahagi na siya ng gobyerno ay kasama pa rin niya ang SM sa pagseserbisyo sa bayan.
Isang masayang biyahe ang pagtungo sa Infanta. Masaya dahil nakangiting tinanggap ng mga teachers ang mga libro at masaya dahil muli’y nakasama ang SMFI family at ang grupo ni Bokal Obispo na palaging nakangiti. Ganyan dapat ang mga nagseserbisyo sa bayan.
Natitiyak ng IRON WILL na marami pang bubuhos na tulong mula sa SMFI para sa mga kapus-palad na mamamayan sa buong Quezon Province dahil sabi nga ng masipag ng PR Manager ng SMLC na ito ang nais ni Tatang (tawag kay Mr. Sy, Sr. ng mga malalapit na kaibigan) na…makatulong sa lahat ng nangangailangan. Ibahagi ang biyaya sa kapwa.
Sana’y ganito rin ang panuntunan ng lahat para sama-sama at nagtutulungan.
Tanggol Kalikasan at mga media
Malaki ang pagpapahalaga ng grupong Tanggol Kalikasan sa Timog Katagalugan sa pangunguna ng Area Director dito na si Atty. Sheila de Leon na isa sa epektibong makakatuwang nila upang higit na maigiya ang mga mamamayan at opisyal ng pamahalaan sa tamang pangangalaga ng kalikasan ay ang mga mamamahayag o nasa hanay ng Fourth Estate.
Bunga nito, sa darating na Oktubre 22-24, isasagawaa sa Nawawalang Paraiso esort & Hotel sa lungsod ng Tayabas ang Mainstreaming Environmental Information and Education Campaign Seminar & Wokshop na lalahukan ng mga kasama sa industriya ng pamamahayag mula sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna at Camarines Sur.
Ang Tanggol Kalikasan ay matagal ng nagmumulat sa kaisipan ng bawat isa. Sila ang walang sawang nagbibigay ng mga seminars sa lahat para mabatid ang kahalagahan ng kalikasan at ang epekto ng pag-abuso nito.
Magkita-kita po tayo sa seminar na ito.

# # #
Tunay na dapat papurihan ni Quezon 2nd district Cong. Procy Alcala si DPWH 2nd District Engr. Cely Flancia dahil sa sipag at husay nitong pamamahala sa kanyang tanggapan at mga pagawaing pang-imprastraktura. Sayang masuwerte ang Segunda Distrito dahil masipag na si Cong. Alcala, magaling pa ang patner niyang si istrict ngr. Flancia. Para sa anumang reaksyon o suhestyun, email n’yo lang ako sa brilliantceline@yahoo.com

No comments: