Saturday, October 18, 2008

news news news

SM Foundation, namahagi ng libong aklat
nina Lyn Catilo at King Formaran
Ipinadama na naman ng SM Foundation, Inc. sa mga kabataang mag-aaral sa mga bayan ng Real, Infanta at General Nakar (REINA area) sa lalawigan ng Quezon ang pagpapahalaga sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libu-libong aklat na kanilang magagamit upang higit na madagdagan ang kaalaman.
Tinatayang umaabot sa may 13,100 na mga libro ang ipinagkaloob sa may tatlumpung (30) Day Care Centers, 58 Elementary Schools at sa may labindalawang (12) Secondary Schools sa nasabing mga bayan.
May ngiting iniabot ni Ms. Cristy Angeles, Project Director ng SM Foundation, Inc. ang naturang mga libro sa mga guro at principals ng iba’t-ibang eskuwelahan noong Biyernes ng hapon sa Infanta Action Center, Infanta, Quezon.
Ipinaliwanag ni Angeles sa mga guro ang tunay na hangarin ng SMFI sa pamamahagi ng libro. Ito aniya ay upang matulungan ang mga batang higit na matuto sa pamamagitan ng pagbabasa. Hindi aniya maitatanggi na sa hirap ng buhay ngayon ay ilang pamilya na lamang ang may kakayahan na ibili ng libro ang kanilang mga anak.
Gayundin, marami aniyang eskuwelahan sa bansa ang kulang na kulang ang libro dahil sa kakapusan ng pondo ng pamahalaan.
Ang pamamahagi ng libro ng SMFI sa ilang mga lugar sa buong bansa ay kaugnay ng programang pang-edukasyon ng negosyong pagmamay-ari ni Mr. Henry Sy, Sr., ang nangunguna ngayon sa Pilipinas sa larangan ng pagni-negosyo.
Ibinahagi din ni Angeles ang iba’t-ibang nakitang emosyon sa mga pinagkalooban na ng libro ng SMFI ngunit ayon sa kanya, nasisiyahan siya dahil masaya ang mga guro sa REINA na tinanggap ang mga ito. Nangangahulugan ito, dagdag pa ng Project Director na ang libro ay ibabahagi ng mga guro sa kanilang mga estudyante at ipapaliwanag ng mabuti ang mga makikita dito.
Ang pamamahagi ng libro na ayon kay Quezon 1st district Board Member Alona Obispo ay “REINA makes reading a national habit” ay isang malaking tulong para sa kanyang mga kababayan.
Naniniwala din ito na maraming mga kabataan ang kulang ang librong ginagamit at ang programa ng SMFI ay isang solusyon sa ganitong problema.
Si Obispo, katuwang ng SMFI at ng SM Lucena sa pagbibigay ng magagandang programa sa Unang Distrito sa Quezon ay nagsabing masuwerte ang mga taga-Quezon dahil ang tulad ng ganitong kalaking negosyo ay tinutugunan ang kanilang social responsibility.
Bilang isa din sa naglingkod ng kompanyang pag-arri ng pamilya Sy, sinabi nitong isang maka-Diyos, makatao at makabayan si Mr. Sy, Sr. at pamilya nito kaya naman hitik sa mga ibinibigay ng proyekto sa community at bawat tao.
Ang libu-libong libro na ipinamahagi na inilulan sa truck na pag-aari ng kompanya naman ni Obispo ay walang pagod na binuhat ng mga staff nito na inaasahang magiging sandata ng mga kabataan para higit na madagdagan ang kanilang kaalaman.
Ang REINA area ay madalas na bigyan ng proyekto ng SMFI. Ang pamamahagi ng libro ay isa lamang sa mga naipagkaloob na. Magugunitang noong dumanas ng matinding trahedya ang nasabing mga bayan, ang SMFI ay isa sa nagkaloob ng tulong para sa mga mamamayan dito bilang pagkalinga na rin at pagpapakita ng suporta.
Sinaksihan naman nina SM City Lucena Mall Manager Engr. Jason Terrenal at Ms. Lilibeth Azores, PR Manager ng SMLC ang naturang Distribution of Books.






After the rice crisis: What next?

The latest from Rice Today, the magazine of the International Rice Research Institute (IRRI)
Los BaƱos, Philippines – Now that the dust has settled—a little—following the rice price spikes of early 2008, the latest issue of Rice Today takes a step back to look at exactly what happened and, just as important, what should be done now. The Rice facts column examines the challenges ahead and calls for a second Green Revolution that will have to expand productivity with fewer available resources. In this light, the popular Maps section takes a global look at how lack of irrigation water affects rice yields.
Country reports take readers to Africa and Asia . In Ethiopia, exciting initiatives to boost rice production are set to help the country achieve food security, while rice production in Sri Lanka faces steep challenges if its future is to be as bountiful as its past. In Japan , rice flour-based products are booming, forcing the country to change the way it thinks about agriculture.
The October to December issue also focuses on crop nutrition. Forty-five years of painstaking research—otherwise known as IRRI’s Long-Term Continuous Cropping Experiment—have shown that modern, intensive rice farming can be sustainable and can even improve soil health. In Indonesia and the Philippines , a new decision-making tool is helping rice farmers optimize their use of nutrient inputs. And the magazine’s Grain of truth column asks if organic agriculture can feed Asia . Rice Today also profiles the coauthor of this article, soil scientist and IRRI’s new Deputy Director General for Research Achim Dobermann.
With different governments trying different strategies to deal with higher prices, the magazine looks at the situation in Thailand. Remaining in that country, the IRRI pioneer interview features Kwanchai Gomez, the Thai statistician who spent more than 3 decades at the Institute and helped change the way plant breeders approach their work.
All of this, plus the latest news, views, recipes, and books, is available now in the October–December 2008 issue of Rice Today. Magazines are now in the mail to subscribers. To subscribe to Rice Today’s electronic newsletter, which includes links to the full content of the magazine, contact Lourdes Columbres and copy your request to publisher Duncan Macintosh. Send editorial inquiries to Adam Barclay.
To access the PDF files in the above links, you need Adobe® Reader®, available free at www.adobe.com.
# # #
The International Rice Research Institute (IRRI) is the world’s leading rice research and training center. Based in the Philippines , with offices in 13 other countries, IRRI is an autonomous, nonprofit institution focused on improving the well-being of present and future generations of rice farmers and consumers, particularly those with low incomes, while preserving natural resources. IRRI is one of 15 centers funded through the Consultative Group on International Agricultural Research ( CGIAR ), an association of public and private donor agencies (www.cgiar.org).
# # #
For information, contact Duncan Macintosh , IRRI, DAPO Box 7777, Metro Manila, Philippines;
tel +63-2-580-5600; fax: +63-2-580-5699; email irrimedia@cgiar.org.
Web sites: IRRI Home (www.irri.org), IRRI Library (http://ricelib.irri.cgiar.org), Rice Knowledge Bank (www.knowledgebank.irri.org)

No comments: