Saturday, October 18, 2008

News in Marinduque



Vice President inisnab ng mga gobernador ng Mimaropa
Ni Jet claveria


Kaniya-kaniyang mga dahilan ang mga gobernador ng MIMAROPA area kung bakit hindi sila nakadalo sa isinagawang Regional Development Council Meeting kung saan ang naging Host ay ang lalawigan ng Marinduque.

Mistulang inisnab ng mga punong lalawigan ang pagdating ni Vice President Noli de Castro sa RDC meeting kung saan sana’y nakipagkaisa ang mga ito sa pag-aaral ng mga suliranin pang kinakaharap ng kanilang mga lalawigan.

Bagama’t hindi halata kay de Castro ang pagkadismaya ay hindi naman ito naitago ni Marinduque Gov. Bong Carrion kung saan sinabi nitong ang ikinatwiran sa kanya ng gobernador ng Mindoro ay abala sa pagdating naman ng pangulong ng bansa.Ang iba naman ay nangakong darating subalit hindi naman nakarating.

Hindi man nakarating ang mga gobernador ay mainit ang naging pagtanggap ng Marinduque sa pamamagitan ng kanilang tradisyunal ng Putong na isinasagawa sa mga nagtutungo sa lalawigan.

Itinuring na parang isang hari na inawitan at pinutungan ng korona ang bagong dating na bise presidente bago ito pumasok sa meeting ng RDC.Bukod sa pagputong ng korona ay isinayaw pa ito ng grupo bilang pagtanggap na maging isang panauhing pandangal ito sa kanilang lugar.

Ang hindi pagdating ng mga gobernador ay hindi naman naging hadlang upang hind imaging matagumpay ang RDC meeting kung saan halos kompleto naman ang mga representante ng bawat lalawigan.


Kaugnay nito, nagpahayag pa rin ng pagtulong si Vice Noli de Castro at marami rin siyang pinirmahan na mga resolusyon na pakikinabangan ng mga probinsya.

Dinalaw din ng pangalawang pangulo ang Provincial Hospital at tiningnan kung ano ang magagawa niya para ito ay higit na maganda at hindi mahirapan ang mga pasyenteng dinadala dito.


Sa nasabi ring RDC meeting, inamin naman ni Gov. Bong Carrion na ang lalawigan ay isa pa rin sa itinuturing na mahirap na probinsya sa buong bansa .Kahit pa nga pinupulitika ang kanyang mga ginagawang programa ay tuloy pa rin ito dahilan sa kanyang mitiin na maiahon ang kanyang mga kababayan sa kahirapan.

No comments: