Saturday, November 15, 2008

article of BJ 2008

Please read....



ANG SA AMIN LANG PO …

Ni BJ 2008-



Isang munting tinig ang naranig mula sa pagsulat ko noong isang linggo. Nakakatuwa dahil marami ang nagsabi na hindi bulag at bingi ang kabataan sa isyu na pumapalibot sa kanilang kinabibilangang lipunan partikular sa paghahati ng nag-iisang Quezon.

Isang tahimik at nagmamasid na mga kabataan ang muling nakitaan ng pagka-agribo at pananaw sa isyu nabanggit. Muli hindi kami tumigil sa paghahanap na malinaw na sagot sa isyu ito. At bilang kabataan napagtanto namin siguro mas maiintindhan namin ito ng lubos kung ipapaliwanag at makukuha ang opinion ng aming mga lider na binigyan at pinakatiwalaan namin ng datos noong sila’y nanliligaw pa sa amin upang maupo sa kanilang kinalalagyan ngayon.

Syempre san pa po ba kami pupunta upang makita at makuha ang tinig nila sa isyu ito. At sa hindi inaasahan dinala kami ng aming mga paa sa Bahay Pulungan ng Sangguniang Panlalawigan siguro dahil na rin sa makikita namin lahat ng nahalal na representante sa Sangguniang Panlalawigan, hindi lang sa aming distrito bagkos ay maging sa ibang distrito.

Isang pagpuna ang narinig ko sa kapwa mga kabataan “ Sila na pala ang mga bokal na naihalal natin noong nakaraan halalan mukhang maghahawak lang sila sa binyagan ganun po ba talaga?” natawa ako subalit ito ay isang katotohan na nakita ng aming mga mata.

Biglang ngsalita ang isang kabataan na kasama ko, “Baka naman sa pagsasalita sila babawi”. Nagsimula na ang nasabing pagpupulong. Nakinig, nagmasid kami at pinamunimunihan ang mga salitang aming narinig hindi lang sa mga representante ng mga kani-kanilang distrito kundi may iba pang tao kinuhaan ng opinion tungkol sa nabangit na isyu at nagsalita sila.


Pero sa hindi namin inaasahan wala kaming nakuhang talim na salitang narinig mula sa kanila bagkos muling mga tanong ang nakuha at tumimo sa aming mga isipan.

Ito ba ang mga representante namin sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon na hindi nila kayang panindigan kung ano man ang opinion nila at ng kanilang mga nasasakupan sa isyu ito,.?

Bakit kaylangan makialam ang simbahan at sabihin na huwag nang alalahanin ang ika-3 at ika-4 na distrito.,?! ANG SA AMIN LANG PO … Noong halalan mas pinili namin ang mga nakakabata politoko dahil sa paniniwalang sila ang magdadala ng pagbabago sa luma at bulok na sistema sa pamahalaan.

Yong mga hindi kayang diktahan ng sino man at nakawin ang paninindigan sa mga isyu kanilang dapat harapin.

Subalit hindi maipapagkakaila na ilang mga representante ang hindi namin nakitaan ng matibay na paninindigan. ANG SA AMIN LANG PO … Naihalal po kayo upang maging boses namin huwag n’yo po sana hayaan na manakaw ng iba at sariling intensyon ang inyong paninidigan.

ANG SA AMIN LANG PO … Hindi ba simbahan na rin ang nagsabi na hiwalay ang simbahan at pamahalaan?


ANG SA AMIN LANG PO … hindi naman po masama ang pagsasabi ng opinion nila tungkol sa isyu subalit hindi ba ang katungkulan ng simbahan ay ipaliwanag ito upang lubos na maintindihan ng kanila mga mananampalataya? At hindi diktahan?

At kaylangan sabihin na hayaan na lang ang ika-3 at ika-4 na distrito. ANG SA AMIN LANG PO … tabi-tabi po, Quezonian din po kami… Kabataan maging mapanuri at huwag magpalinlang. Nasa iyong kamay ang pag-unlad ang ating probinsya, ANG SA AMIN LANG PO .

No comments: