Please read....
PBA Games sa Quezon, nagpasok ng malaking income
nina King Formaran at Babes Mancia
Maipagmamalaki ng administrasyon ni Governor Raffy P. Nantes na sa kasaysayan ng pagdaraos ng mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Quezon, ngayong taon ang itinuturing na pinakamatagumpay dahilan sa malaking income na ipinasok nito sa kaban ng pamahalaang panlalawigan.
Ang PBA Games noong araw ng Sabado, Nobyembre 8, 2008 ay kinatampukan ng mga laro ng Air 21 Express laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa pambungad na laro, na pinanalunan ng una, habang sa main game ay umahon sa pagkakasadlak sa ilalim ng standing ang crowd favorite Barangay Ginebra Kings nang talunin ang Coca Cola Tigers.
Bukod sa pagpapalakas ng income generating system ng probinsiya, lumakas din ang kalalagayan ng local at international tourism dito nang mapuno ang 10,000 seater na Quezon Convention Center (QCC).
Dahil sa pagdagsa ng libo-libong manonood sa QCC na sumaksi sa double header na mga laro, gayundin ang mga sumaksi sa national television ay naipakita ng pamahalaang panlalawigan na maayos ang Peace and Order situation dito.
Ang kinita ng probisniya sa pagdaraos ng PBA Games ngayong taon ay nagkakahalaga ng humigit kumulang sa kalahating milyong piso, at ito ay inaasahang ipantutustos sa mga iba’t-ibang pagawaing-bayan at mga programang pangkaunlaran ni Gov. Nantes.
Pinangasiwaan ng Economic Enterprises sa pamumuno ni Chief of Staff Francis Sevilla at Provincial Tourism Office ang PBA Games sa Quezon sa pakikipag-ugnayan kay Commissioner Sonny Barrios.
Kalahating Milyong Pisong tulong ng administrasyon ni Gov. Nantes
Pinakikinabangan ng mga taga-Dolores – Mayor Alillo
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Malaking tulong umano sa produksyon ng de-kalidad na “Instant Salabat” sa Dolores, Quezon ang ipinagkaloob ng gobernador ng lalawigan ng Quezon na kalahating milyong pisong livelihood project ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon mismo kay Mayor Renato Alillo, matapos nilang makuha ang nasabing halaga ay kaagad nila itong ipinagkaloob sa Rural Improvement Club (RIC) ng Barangay Pinagdanlayan upang magamit sa paggawa ng instant salabat na ipinagmamalaking produkto ng nasabing bayan at napiling One Torn One Product (OTOP).
Kabilang umano sa pinaglaanan ng pondo ng nasabing samahan ang pagsasaayos ng building at machines na ginagamit umano sa produksyon ng salabat.
Ipinagmamalaki rin ng alkalde ang maraming orders ng instant salabat na natatanggap ngayon ng RIC mula sa iba’t-ibang lugar kaya naman nakakatiyak umano na makapagbabalik sila ng bahagi ng “kinita” mula sa pondong nagmula sa pamahalaang panlalawigan, gaya ng nakasaad sa nilagdaang Memorandum of Agreement para sa nasabing proyekto ng punong bayan at ni Gov. Nantes.
Ayon sa kasunduan, kailangang magbalik ng kinita mula sa natanggap na pondo ang pamahalang bayan sa probinsiya at ng sa gayon ay mayroong malikom na pondo na muli ring ibibigay sa mga ito kung sila ay muling mangangailangan ng dagdag na puhunan.
Samantala, ipinahayag pa ni Mayor Alillo na kukuha rin sila ng kaparte mula sa kinita ng RIC upang magamit naman sa iba pang livelihood programs na kanila umanong ibibigay sa iba pang mga samahan at organisasyon na nagnanais magnegosyo sa kanilang bayan.
Livelihood Projects sa Quezon, kumikita na
nina Edgar Borja at King Formaran
Kumikita na ang mga negosyong itinayo ng mga barangay sa bayan ng Candelaria sa pamamagitan ng P25,000 na livelihood project na ipinagkaloob ng gobernador ng lalawigan ng Quezon sa mga barangay ng nasabing bayan noong buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Ito ang tinuran ni Provincial Board Member at ABC President Macario Boongaling nang dumalo ito sa isinagawang Groundbreaking Ceremony ng isang school building sa Candelaria East Elementary School na pinangunahan ni Gov. Raffy P. Nantes.
Ayon kay Boongaling, pangulo ng mga barangay chairman sa buong lalawigan na marami sa kanila ang nagtayo ng negosyong Bigasang Barangay na nagbebenta ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA). Ito ay sa dahilang mas mabenta umano ang bigas na pangunahing pagkain ng mga mamamayan dito kumpara sa iba pang mga paninda. Gayundin, nakakatulong pa umano ang pamunuang barangay sa kanilang mga residente sapagkat hindi na sila dumadayo pa sa pamilihang-bayan upang makabili ng murang bigas.
Bunsod nito, muling pinasalamatan ni Bokal Boongaling ang gobernador sa ginawa nitong pamamahagi ng livelihood project sa lahat ng mga barangay patunay umano ito ng magandang layunin ng gobernador upang mabilis na makamit ang kaunlaran sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga kanayunan.
TeaM Energy Corporation pinarangalan sa Asian Power Awards
By: Eugene Vertudazo (Team Energy)
Pinarangalan ng Asian Power Awards ang Pagbilao Power Station bilang silver awardee ng Independent Power Producer of the Year at Environmental Company of the Year kamakailan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang Asian Power Awards, na pinamunuan ng Asian Power Magazine, isang kompanya na naka-base sa Singapore, nagsilbing makilala ang mga nangungunang industriya sa rehiyon sa nakaraang mga taon.
Sinabi ni Team Energy Corporation President and CEO Federico Puno, “ ang parangal na ito ay isang tribute sa mga manggagawa ng Team Energy lalung lao na sa mga empleyado sa Pagbilao Power Station. Ipinakita nila ang kanilang pakikiisa at commitment para sa operational excellence ng planta laung lalo na sa environmental standards.”
Nagpapasalamat si Pagbilao Power Station Manager Larry Medrano dahil sa parangal na iginawad ng Asian Power Magazine kung saan ang planta ay nagsisikap na magkaroon ng reliable supply, affordable at environment-friendly energy sa buong bansa. Ang Pagbilao Power Station ay napili sa 53 power plants sa buong Asya at nag-iisang Philippine power plant na nagwagi sa Asian Power Awards.
Dagdag pa ni Medrano, “ang parangal na ito ay isang milestone ng Team Energy at pinatitibay nito ang commitment ng kompanya tungo sa operational excellence at paglikha ng isang mataas na pamantayan ukol sa Safety, Health at Environmental performance sa buong industriya”.
Ang dalawang (2) parangal ay kumikilala sa kahusayan ng Team Energy sa power plant operations at pagsunod sa mga patakaran o environmental compliance. Noong 2004, ang ISO 14001-certified Pagbilao Power Station ay isa sa Top 12 Power Plants in the World na iginawad ng Platt’s magazine.
Ang Team Energy, pinangangasiwaan ngayon ng Tokyo Electric Power Company at Marubeni Corporation, ay isa sa mga pinakamalaking private producers ng elektrisidad sa buong bansa. Ito ay may 2, 000 megawatts na generating capacity o kakayahang makalikha ng elektrisidad. Ang Team Energy ang nagmamay-ari at nangangasiwa sa 735 MW Pagbilao Power Station sa lalawigan ng Quezon at 1,218 MW Sual Power Station sa lalawigan ng Pangasinan. Mayroon din itong share o stake
sa 1,200 MW natural gas-fired plant sa Ilijan, Batangas.
###
Cong. Enverga kapit bisig sa No hati Quezon
Ni Gladys Alfonso
QUEZON- Nagpahayag na ang ilang nanunungkulan sa lalawigan ng Quezon ukol sa paghahati ng probinsya, na isa dito sa napaulat na tutol sa nasabing usapin ay sina Vice Governor Kelly Portes at 1st District Cong. Mark Enverga .
Ayon ka kay Ginoong Hobart Dator ng Save Quezon Province Movement ang batang Enverga ay nagsabi umano ng pagnanais na makipagkapit-bisig sa kampanya ng mga tumututol ng paghahati ng Quezon kagaya ng kanilang samahan sa paniniwalang ang paghahati ng probinsya ay hindi daan sa pag-unlad nito.
Ayon pa rin kay Dator isa pang sumulpot na grupong komokontra sa paghahati ng Quezon ay ang Scrap Republic Act 9495 na panangungunahan ni G.Joseph Marasigan (Kolumnista ng Monday Times , propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at Manuel S. Enverga University. Siya’y naniniwalang hindi dapat hatiin ang lalawigan sapagkat ito’y hindi katwiran upang paunlarin ang isang lugar.
Naniniwala siyang dapat ibasura ang naturang batas na batbat umano ng butas kaya’t walang idudulot na buti sa mamamayan.
Batay sa kanilang pananaw ang paghahati ng probinsya ay isang malinaw na hakbang na paurong sa halip na pasulong dahil salungat ito sa likas na pag-imbulog ng lipunan mula sa isang saradong sinaunang sosyedad ng iba’t ibang maimpluwensya uri hanggang makabagong bukas at demokratikong sosyedad ng magkakapantay na uri ng lipunan.
Ayon naman kay Atty. Sonny Pulgar Chairman ng SQPM ang paghahati ng Quezon ay magbubunsod ng dinastiyang pulitikal lalo na sa bubuuing bagong probinsya ng Quezon del Sur na magpapalubha ng bangayan sa pulitika.
Five attacks in a row
Chelle Zoleta
Lucena City ---Four consecutive months of five initiative attacks of New People’s Army in Quezon Province resulted to weaken the flow on investment in the province because of unstable peace and order.
The latest attacked was made by the rebel groups after 500 meters away fired at the Citizen Arm Forces Geographical Units (CAFGU)’s saddle detachment in Sitio Sadel Bragy. Tanauan, Real Quezon yesterday but no casualty was reported.
The said detachment is under the 59th Infantry battalion which harassed by the undetermined numbers of communist terrorists and immediately withdraws to different direction.
On August 11, 2008, the municipality of Panukulan , Queozon while conducting a flag ceremony stormed by the NPA groups and disarmed some policemen and seizing cell phones
It was recalled the rebels also burned a globe cell cite located at the village of Piis in Lucban town on September 21, 2008.
NPA also burned cell site of Globe Telecommunications in Sitio Butunan, Barangay Burdeos, Polilo Island on October 31, 2008.
The most controversial attacked of the NPA rebels were on Quezon Provincial Jail that freed their seven political detainees after disguising as a narcotic agents and SWAT members last October 26, 2008.
Police Superintendent Fidel Posadas ordered his subordinates to be alert particularly on weekend.
Meanwhile Lucena City council also formed a task force to investigate the jail attack; there are also comments from business sectors that they are afraid to invest in an area that has uncontrollable situation.
Mandatory training ng ROLP hiniling kay GMA
Ang pambansang Samahan ng Reserve officers legion of the Philippines Incorporated sa pamumuno ni Col. Andrew O. Nocon, (GSC) PAF, (RES) ay nagpasa ng isang resolusyon na humihiling sa Pangulong GMA, sa pangulong ng Senado, sa Speaker ng Kongreso, at Kalihim ng Tanggulang Pambansa na muling ibalik ang mandatory training ng ROTC sa lahat ng Paaralang sa pribado o pamahalaan sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.
Ang resolusyon ay buong pagkakaisang sinang-ayunan at nilagdaan ng lahat ng miyembro ng National Directorate noong Mayo 8, taong kasalukuyan, sa Philippine Army Commissioned Officers Club, Fort Bonifacio, Taguig City.
Ito ay pagsuporta rin sa Senate No. 1556, at House Bill na 5460, na may ganito ring hangarin.
Matandaan na ang Kongreso ay nagpasa ng repoublic Act 9163, o National Service Trai
ning Program (NSTP) ay maging optional at voluntary.
Ayon sa ekperiensya at statistika, ay bumaba ang bilang ng enrollment ng ROTC at kinulang ng pagbuo ng laang kawal sa panahon ng pangangailangan sakaling magkaroon ng giyera, invasion, rebellion at pagsasagawa ng Relief and rescue Operation, sa panahon ng kalamidad. Gayundin sa aktibong partisipasyon sa sosyal at pangkabuhayan ng bansa.
Ang ating konstitusyon ay nagsasasaad, na ang pamahalaan ay maaring tumawag sa mga mamamayan na ipagtanggol ang bansa at ito ay ma-isasagawa sa pamamagitan ng batas, upang maisagawa ng personal military o civil service.
Ang laang-kawal o reserbis ay bahagi ng 80 porsiyento at 20 porsisyento regular na kawal ng Armed Forces of the Philippine.
Sa house Bill No. 5460, or Mandatory ROTC Act, of 2006 na isinagawa ni Cebu First District Congressman Eduardo Gullas ay magiging bahagi ng kurikula ng lahat ng baccalaureate degree courses at 2 taong teknikal o vocational courses bilang kailangan bago matapos ang mga estudyante.
Samantala, ito ay buong pinagkaisahan na suportahan ng Quezon ROLP Chapter na Outstading Chapter noong 2006 na pinamunuan ni Major Jose Asensi, Jr. na Outstading Chapter President ng nasabi ring taon.
Nakatakdang idaos ang ROLP annual Convention sa Camp Aguinaldo sa Disyembre 8, taong kasalukuyan, Upang talakayin ang mga bagay na mapapaunlad ng mga programa at aktibidades para sa laang-kawal ng Pilipinas.
Mandatory training ng ROLP hiniling kay GMA
Ang pambansang Samahan ng Reserve officers legion of the Philippines Incorporated sa pamumuno ni Col. Andrew O. Nocon, (GSC) PAF, (RES) ay nagpasa ng isang resolusyon na humihiling sa Pangulong GMA, sa pangulong ng Senado, sa Speaker ng Kongreso, at Kalihim ng Tanggulang Pambansa na muling ibalik ang mandatory training ng ROTC sa lahat ng Paaralang sa pribado o pamahalaan sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.
Ang resolusyon ay buong pagkakaisang sinang-ayunan at nilagdaan ng lahat ng miyembro ng National Directorate noong Mayo 8, taong kasalukuyan, sa Philippine Army Commissioned Officers Club, Fort Bonifacio, Taguig City.
Ito ay pagsuporta rin sa Senate No. 1556, at House Bill na 5460, na may ganito ring hangarin.
Matandaan na ang Kongreso ay nagpasa ng repoublic Act 9163, o National Service Trai
ning Program (NSTP) ay maging optional at voluntary.
Ayon sa ekperiensya at statistika, ay bumaba ang bilang ng enrollment ng ROTC at kinulang ng pagbuo ng laang kawal sa panahon ng pangangailangan sakaling magkaroon ng giyera, invasion, rebellion at pagsasagawa ng Relief and rescue Operation, sa panahon ng kalamidad. Gayundin sa aktibong partisipasyon sa sosyal at pangkabuhayan ng bansa.
Ang ating konstitusyon ay nagsasasaad, na ang pamahalaan ay maaring tumawag sa mga mamamayan na ipagtanggol ang bansa at ito ay ma-isasagawa sa pamamagitan ng batas, upang maisagawa ng personal military o civil service.
Ang laang-kawal o reserbis ay bahagi ng 80 porsiyento at 20 porsisyento regular na kawal ng Armed Forces of the Philippine.
Sa house Bill No. 5460, or Mandatory ROTC Act, of 2006 na isinagawa ni Cebu First District Congressman Eduardo Gullas ay magiging bahagi ng kurikula ng lahat ng baccalaureate degree courses at 2 taong teknikal o vocational courses bilang kailangan bago matapos ang mga estudyante.
Samantala, ito ay buong pinagkaisahan na suportahan ng Quezon ROLP Chapter na Outstading Chapter noong 2006 na pinamunuan ni Major Jose Asensi, Jr. na Outstading Chapter President ng nasabi ring taon.
Nakatakdang idaos ang ROLP annual Convention sa Camp Aguinaldo sa Disyembre 8, taong kasalukuyan, Upang talakayin ang mga bagay na mapapaunlad ng mga programa at aktibidades para sa laang-kawal ng Pilipinas.
Tahong sa Dalahican mapanganib kainin
The Reportorial Team
Lucena City: Nagbabala ang Pamahalaang Panglunsod ng Lucena sa mga mamamayan particular sa lunsod na huwag munang kumain ng tahong dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Kasabay ng pagbibigay babala naman sa mga nagtitinda na huwag munang magbenta nito upang hindi mapahamak ang mga bumibili sanhi ng red tide.
Ang aksyong ito ay nagresulta matapos ang magkakasunod na insidente kung saan halos 12 katao ang naiulat na naging biktima ng red tide.
Ayon kay Dr. Vicente Martinez, Assistant Health Officer ng Lungsod, tatlong pamilya ng Badjao at isang pamilya mula sa Barangay Dalahican ang kasalukuyang nagpapagamot sa Quezon Medical Center matapos makakain ng tahong. Binili nila ito sa Pier ng Dalahican samantalang ang isang Badjao naman ay namulot lamang ng mga natapong tahong. Matapos makakain nito ay nakaramdam sila ng panghihina at pangmamanhid ng katawan.
Matapos mapag-alaman ang insidente kaagad na pinag-utos ni Mayor Ramon Y. Talaga Jr ang pagbabawal ng pagbebenta ng tahong upang masigurong hindi na mauulit ang nasabing pangyayari.
Samantala, pinaalalahanan rin ni Martinez ang mga mamamayan na sakaling may nabiktima ng red tide, huwag umanong pasusukahin ang mga ito sa halip ay painumin ng gata ng niyog at dalhin kaagad sa malapit na pagamutan.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa tanggapan ng Department of Health at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kaugnay dito. ( dagdag na ulat PIO-Lucena)
3rd Philippine Sudoku Super Challenge at SM City Lucena
Mechanics for the Elimination Round
1. The qualifiers for the elimination round on all three categories namely: Sudoku Grand Master (professional level), Sudoku Wizard (High Level) and Sudoku Whiz Kids (Elementary Level) shall be based on the submission of the entries, that is, the original cut-outs of Sudoku puzzles containing the correct answers of at least twenty (20) original issues from different dates of Sudoku Puzzles prepared by MTG, Philippines
2. The Elimination Round contest will be on November 29, 2008 and the contest venue as at the 2/F, near Koffee Klatch and SM Dept. Store.
The Regional Eliminations will be held at the following SM Outlets: SM Rosales, Pangasinan; SM Pampanga, SM Batangas, SM Lucena, Quezon; SM Bacolod, SM Cebu, SM Iloilo, SM Cagayan de Oro and SM Dasmarinas, Cavite.
3. The elimination round has three (3) rounds and the qualifiers at this stage are given 90 minutes or 1 hour and 30 minutes to answer all the given puzzles which come in ascending difficulty. All the participants have the chance to advance to the next level or round if they successfully answer correctly at least 50 % of the Sudoku puzzles given in each round. Thus a qualifier is considered disqualified to move to the next round if he/she fails to answer correctly at least 50% of the puzzles given in a particular round.
4. The qualifiers of the three categories will have different sets of various degrees of difficulty of Sudoku Puzzles.
5. In Round I, the qualifiers of the elimination round are given 15 minutes to solve the 4 types of Sudoku Puzzles namely: Mini Sudoku, Classic Sudoku, Diagonal Sudoku and Odd/Even Sudoku. Each puzzle is worth 5 points and the qualifiers can have a score of 20 points plus whatever bonus points that will added to them. The first five fastest puzzlers who incur no mistake in their solutions will receive corresponding bonus of 20 points, 15 points, 10 points, and 5 points respectively.
6. In Round II, six (6) more challenging Sudoku puzzles are provided to be accomplished in 40 minutes. The contestants can obtain an aggregate score of 60 points plus whatever bonus points that will be added to them. The different kinds of Sudoku puzzles worth 10 points each are as follow: Classic Sudoku, Irregular (Jigsaw) Sudoku, 147 Sudoku, Alphadoku, Frame Sudoku and Sudoku More or Less. The first five fastest puzzlers who incur no mistakes in their solutions will receive corresponding bonus of 50, 40, 30, 20 and 10 points respectively.
7. Round III- The WHIZ KID category contains four (4) puzzles which must be solved in 35 minutes. The participants may earn a score of 60 points plus whatever bonus points that will be added to them. The Sudoku puzzles which contain 15 points each in this phase are as follow: Classic Sudoku, Sum Sudoku, Outside Sudoku, and Mixed Sudoku. The first five puzzlers who incur no mistakes in their solutions will receive bonus of 40, 30, 20, and 10 points respectively.
8. Round III- The SUDOKU WIZARD and GRAND MASTER categories contain five (5) puzzles and must be solved in 35 minutes. However, the participants may solve any four (4) from the five puzzles and earn a score of 60 points plus whatever bonus points that will be added to them. In the event the participant will answer the 5th puzzle correctly; he earns another 50 points. The Sudoku puzzles which contain 15 points each in this phase are as follow: Classic Sudoku, Sum Sudoku, Outside Sudoku, Circular Sudoku, Mixed Sudoku or Odd/Even Diagonal Sudoku. The first five puzzlers who incur no mistakes in their solutions will receive bonus of 40, 30, 20, 10, 5 points respectively.
9. The 1st placer of each category will be qualified to represent the region/city to the national finals.
10. In case of a tie-up, a tie-breaker round shall be conducted.
11. A DTI representative(s) shall be invited to witness the proceedings of the Sudoku Regional Eliminations and National Finals.
12. The national Finals will be held on January 31, 2009 at the SM North in Quezon City. Each qualifier shall be awarded with a Certificate of Participation and the top winners a Certificate of Distinction.
13. The decision of the Board of Judges is final. In any event that situation arises not covered by the rules of this contest; they will be referred to the Contest Committee.
Ugnayan ng 2nd special Forces at PNP Pagbilao ,pinaigting
Ni Gladys Alfonso
PAGBILAO QUEZON- Agad nag bigay ng kanyang suporta si P/ Chief Inspector Laudemer Llaneta sa bagong talagang Commanding Officer ng 2nd Special Forces Company na si LT. Jason Que na nakabase sa Brgy. Binahaan Pagbilao Quezon.
Ang nasabing opisyal ng military ay personal na dumalaw sa himpilang ng pulisya kanina bilang courtesy call sa hepe ng Pagbilao PNP at upang magkaroon ng magandang ugnayan ang dalawang ahensya.
Pinag-usapan ang mga bagay na maaring magkatulungan ang dalawang ahensya ng otorida upang masugpo ang kriminalidad sa parehong kanilang nasasakupan at mapanatili ang katahimikan sa lugar.
Kasabay nito parehong iikot sa mga area ng bayang ng Pagbilao ang dalawang opisyal na simula ng kanilang magandang ugnayan.
Saturday, November 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment