Saturday, November 15, 2008

news news news

20% SOP, nabunyag sa Konseho ng Quezon
Ni Danny Estacio

LUCENA CITY- Maemosyong ipinagtatanggol ni Bokal Alona Obispo (1st District, Quezon) sa kanyang posisyon ng pagkontra sa pagtatatag ng Quezon del Sur at aniya’y paghahati sa lalawigan, ay hindi inaasahan na mabubunyag ang 20 porsiyento ng mga proyekto na napupunta lang sa SOP o ‘diumano’y ‘lagay’ sa mga public officials.

Nagkaroon ng ibat ibang reaksyon sa mga tao sa gallery ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon noong Nobyembre 6 habang nagsasalita si Obispo na suportado ng powerpoint presentation upang mas maipakita nito ang mga figures and data at mapangatwiranan kung bakit hindi dapat mahati sa dalawa ang probinsya.

Sinimulan ni Obispo na tila college professor ang kanyang presentasyon, sa pamamagitan ng pagbabalik nakaraan sa history ng lalawigan simula pa ng ito’y mabuo hanggang sa humiwalay dito ang isang bahagi na ngayon ay lalawigan na ng Aurora .

Inihayag din ni Obispo ang kasalukuyang expenditures and income ng lalawigan na umaabot lamang sa P1.5 bilyon.
Dito na pumasok ang aniya’y 20% SOP ng mga namumuno sa mga government projects, bagay na umano’y pinagtakhan ng kanyang mga kasamahang bokal, gayundin ni Vice-Gov. Kelly Portes dahil wala naman ang bahaging ito sa nauna na nilang nakita na presentasyon ni Obispo.

Bukod dito, binigyang-diin pa ni Obispo na tiyak na mas tataas ang aniya’y ‘red tape strata’ sa gobyerno, isa pang iregularidad sa pamahalaan na walang pakundangang ibinunyag ng bokal mula sa lungsod ng Tayabas.

Nagbulungan ang maraming observers sa gallery, “eh ‘di inamin niyang bulok nga ang sistema nilang mga namamahala at kabi-kabila ang korupsyon sa kanilang hanay,” bulalas ng ilang hindi nakapagpigil ng pahayag.

Aminado naman si Obispo na emosyonal siya sa kanyang presentasyon para suportahan ang naisin ng mga kaalyado nito sa posisyon ng usapin sa paglikha ng Quezon del Sur base sa Republic Act 9495 (An Act Creating the Province of Quezon del Sur).

Sa kanyang pagsasalita bilang panauhin, mariing kinontra ni Bishop Emilio Marquez ang pagpapahayag ni Obispo ng pagkaawa sa magiging Quezon del Sur, bagkus sinabi ni Marquez na huwag nang problemahin ito ng bokal dahil mas magkakaroon ng pag-unlad ang ikatlo at ika-apat na distrito kapag napahiwalay ito dahil mas makakapag-pokus ng atensyon at pamamahala dito ang mahihirang na mga lider.

Inungat ng Obispo na siya ang nagbigay ng ideya noon pang panahon ni dating Senador Bobby Tanada na dapat hatiin ng lalawigan, sapagkat maraming bayan ang hindi natutugunan at nararating ng serbisyo mula sa pamahalaan pangprobinsya.
Matapos ang maemosyong presentasyon ni Obispo ay naibalik ang hinahon sa konseho sa malamig at resonableng puntos ni Bokal Romano Franco Talaga ng 2nd District na sundin kung ano ang kagustuhan ng mga mamamayan na magiging reulta ng plebisito na katulad din ni Bokal Kulit Alcala.

Samantalang si 3rd district board member Rommel Edano ay naninidigan na dapat bigyan ng pagkakataon ang ikatlo at ikaapat na distrito na mapaunlad ang kanilang lugar.( Danny Estacio)
Please read....



Bunga ng pagkakatakas ng 7 NPA sa QPJ
SOLCOM at PNP, sunod-sunod na opensiba ang isinagawa
ni King Formaran
Pinaniniwalaang hindi pa nakakalayo sa lungsod ng Lucena ang mga hinihinalang miyembro ng CPP-NPA na nagsagawa ng paglusob sa Quezon Provincial Jail (QPJ) noong nakalipas na Sabado ng gabi, ika-25 ng Oktubre, ito ang ibinunyag ng ilang source mula sa Intelligence Community na sumusubaybay partikular sa grupo ng Rehiyong Guerilya Yunit na binuo upang magsagawa ng naganap na raid at itakas at pito sa siyam na kasamahan.
Bagama’t ilan sa mga kasama sa “raiding team” ay kilala at nasa O.B ng PNP at AFP ay sadyang mahirap mahuli sa kadahilanang ilan sa mga local officials ay hindi nakikipagtulungan sa mga tropa ng pamahalaan at mabilis ang ilang civilian sympathizer o ‘yung tinatawag na “pasabilis” na nakakalat sa ilang lugar na pansamantalang tinutuluyan ng mga hinihinalang rebelde na nasa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee.
Ayon pa sa source, ilan sa isinagawang diversionary tactics ng mga rebelde makalipas ang isinagawang raid sa QPJ ay ang harassment sa isang CAFGU detachment sa Real, Quezon ngunit sadyang direktang ayaw makipaglaban ng mga rebelde sapagkat sa layong 500 meters ay pinapoutukan ang nasabing detachment ngunit wala namang iniulat na tinamaan.
Gayundin ang panununog ng generator ng Globe Cell Site Tower sa Burdeos, Quezon ng mahigit dalawampung armadong rebelde ngunit ng magresponde ang tropa ng gobyerno ay parang mga bolang mabilis na nagsitakas na sadyang ayaw makipagtayan at hinihinalang diversionary tactics lamang upang makalabas ang ilan nilang kasamahan na nasa area ng 2nd district kasama pa ang pitong (7) itinakas.
Noong nakalipas na ika-29 ng Oktubre ay isang nagngangalang Ruben Jenosa ang napatay sa engkwentro sa Barangay Katihan at San Isidro, Candelaria, Quezon kasunod ng pagkakabawi ng mga backpacks at ilang uniporme ng SWAT/PDEA na hinihinalang ginamit sa raid ng QPJ.
Sinabi noon ni 202 Brigade Comdr. Col. Tristan Kison na mabilis na naitakas ng mga kasamahan ang baril ng nasawing rebelde kung kaya’t walang nabawing armas sa naganap na engkwentro.
Samantala, hindi tumitigil ang mga oepratiba ng Southern Luzon Command at Phil. Nantional Police sa buong CALABARZON at makalipas lamang ang naganap na raid sa QPJ ay nahuli naman ang mag-asawang NPA na sina Donato Navia at Margie Lupo Navia na pawang mga taga-Lopez, Quezon at kasalukuyang may mga kinakaharap na iba’t-ibang kaso sa Gumaca Regional Trial Court, Gumaca, Quezon.
Napatay din ang isang lider NPA noong nakalipas na Nobyembre a-7 sa Calatagan, Batangas ng mga operatiba ng Southern Luzon Command. Kinilala ang nasawing rebelde na si Reynlado Rejano y Mayo, top NPA leader at secretary ng Komiteng Probinsiya (KOMPROB) ng Batangas at naging lider din ng Platun Gerilya (PLAGER) ng Mindoro Island Party Committee bago nadakip noon at nakulong sa Batangas Provincial Jail noong 2003 ngunit siya ay tinakas din noong 2006 ng kanyang mga kasamahan tulad ng naganap sa QPJ.
Nabawi sa nasabing engkwentro ang isang M653 rifle (baby armalite), 4 military backpacks na fully loaded ammo for M16, 1 MK 2 hand grenade at isang handheld radio. Wala namang iniulat na nasawi sa panig ng mga tropa ng Southern Luzon Command.
Maging sa ilang bahagi sa Bicol Region sa Camarines Norte na nasa ilalim ng direktang control ng Southern Luzon Command ay patuloy ang sagupaan at noong nakaraang Nobyembre 9 ay nasawi si Oscar Galicia alyas Ka Eugene at nakatakas ang isang amazona makaraang maka-engkwentro ng tropa ng Army’s 31st INF Battalion sa pangunguna ni Col. Ramon L. Baldemor, nabawi sa nasabing engkwentro ang isang shorgun with 25 rounds of ammo, one bandooler at isang M16 armalite rifle.
Nahuli naman sa isang checkpoint ng CAFGU sa Mayuro Detachment noong Nobyembre 12 sa Rosario, Batangas ang dalawang hinihinalang NPA na bahagi ng lumusob sa QPJ, nakatakas ang isa habang ang isa naman ay kinilalang si Ceazar Umali alyas Ka Jojo at miyembro ng PYG-Quezon tubong Catanauan, Quezon ngunit residente ng Gen. Luna, Quezon.
Ayon kay Army’s 2ID INF Division Commander MGen. Rholand Detabali, si Umali ay nakumpiskahan ng mga subersibong dokumento at nagsisilbing in-charge sa mga ruta o lugar ng operation sa Quezon Province at isa sa kasama sa isinagawang raid sa QPJ.
Si Umali ayon pa sa ulat ng 202 BDE ay kamag-anak ng mayor ng Rosario, Batangas at mismong ang opisyal ang nag-turn-over sa Rosario PNP Station bagama’t nagkaroon ng attempt ang mayor na i-custody si Umali.
Nabatid pa mula sa ilang ulat mula sa Intelligence community na si Umali ay aktibong kasama noon na nagsasagawa ng operation sa lugar ng kahabaan ng Maharlika Highway noong mga nakaraang taon.
Kaugnay ng pagkakahuli kay Umali ay pinaniniwalaang marami pang kasamahan ang nagpupumilit na makabalik sa Bondoc Peninsula kung saan ay aktibo ang Gurilla Front 42 (GF42) na kumikilos kung kaya’t magkatuwang ang Army’s 202 Brigade at Queon Police Provincial Mobile Group (415th) sa mabilis na paglalatag ng iba’t-ibang checkpoints sa kahabaan ng Maharlika Highway upang hulihin o pigilin ang muling balak ng mga rebelde na mag-re-group o maglunsad muli ng mga diversionary tactics sa area ng 3rd at 4th district ng Queon.
Kaugnay ng mga nagaganap na offensive movement ng Solcom at PNP ay inaasahang muling madadakip ang ilan sa mga tumakas at nagpatakas sa QUEZON Provincxial Jail sa mga susunod na araw gayundin ay inaasahan na ilang matataas na NPA leader pa ang madadakip o masasawi kung patuloy na makikipaglaban sa tropa ng pamahalaan.
Nabatid na lahat ng local police stations ay nakahanda ng 24-oras gayundin ang police provincial mobile group sa buong CALABARzON Region upang pigilin ang anumang plano ng CPP-NPA sa mga susunod na araw.



Kaugnay ng nangyayaring nakawan sa QNHS
Dapat magsagawa ng imbestigasyon – Atty. Ilagan
ni King Formaran
Lucena City - Suhesyon ni Atty. Adolfo Ilagan President ng Alumni Foundation sa Principal ng Quezon National Highschool na si Mr. Emilio Ulpindo na magkaroon ng proper investigation kaugnay ng paulit-ulit na nakawan ng mga kabli ng kuryente sa eskuwelahan, na sa kabila ng may mga nakatalaga ditong mga security guard ay nawawala ang mga linya ng kuryente.
Ayon kay Atty. Ilagan nakakaalarma na ang pagkawala ng mga kagamitan ng school, na ipinagtataka nito kung papaano nakakapasok ang mga magnanakaw sa loob ng QNHS ng hindi namamalayan ng mga security guard.
Dapat na aniyang imbestigahan ito para malaman kung papaano maiiwasan ang ganitong pangyayari na hindi na maulit muli, dahil malaking halaga na ang nawawala sa paaralan.
Pinag-susumite na rin n itty. Ilagan ng complaint letter ang principal ditto sa Legal Administrative Office upang mabatid ang paulit-ulit na nakawan ng buong linya ng kuryente sa ilang building ng QNHS.



MRF, bukas na sa Dolores
nina Lyn Catilo at King Formaran

Dolores, Quezon - Pormal ng binuksan ang Material Recovery Facility o MRF sa Bayan ng Dolores Quezon na magsisilbing dalahan ng mga pinaghiwa-hiwalay na basura kaugnay na rin ng masidhing kampanya ditto ni Mayor Renato Alillio.
Sa harap ng mga kawani ng local na pamahalaan ipinahayag ng alkalde ang magiging magandang resulta ng pagkakaroon ng MRF sa kanilang bayan.
Ayon ditto ipapatupad na ang bagong collection scheme ng basura ditto kung saan walang dadaan na mga truck para kumuha ng basura, tanging ang itinalaga ng local na pamahalaan na Eco-Aid ang magkokolekta ng basura na hiwa-hiwalay na, at pasisimulan sa apat na barangay sa bayan ng Dolores.
Ang MRF ay isang estruktura na pagdadalahan ng mga basurang nakolekta na ditto ipo-proseso sa pamamagitan ng alternatibong teknolohiya.



Sa halip na hatiin ang Quezon
Magdagdag ng distrito para umunlad – Vice-Gov. Portes
nina Lyn Catilo at King Formaran
Pormal ng ipinahayag ng bise-gobernador ng Quezon Province ang kanyang posisyon hinggil sa mainit na pinag-uusapan ngayon na Repulic Act 9495 o paghahati ng Quezon sa dalawa pang lalawigan, Quezon del Sur at Quezon del Norte.
Ito ay makaraang imbitahan ng Rotary Club of Lucena (Mother Club) si Vice-Gov. Carlos “Kelly” Portes sa kanilang isinagawang regular na pagpupulong noong Miyerkules sa Plaza Green & Restaurant sa lungsod ng Lucena.
Ayon kay Portes, hindi marapat na hatiin ang Quezon sa dalawang lalawigan dahil hindi ito dadayuhin ng mga foreign investors at malalaking negosyante na nagbabalak na magtayo ng negosyo sa lalawigan.
Gayundin, sakaling magtungo sa Malakanyang sa tanggapan ng Pangulo ng Republika ang gobernador kung sakali ng Quezon del Sur at nakasabay ang gobernador ng lalawigan ng Batangas, mas uunahin aniya ng sinumang Presidente ang gobernador ng Batangas dahil malaki ang sakop nito kumpara sa Quezon del Sur.
Inihalimbawa pa ng opisyal ang mga lalawigan na nahati sa dalawa tulad ng Camarines, Mindoro at Negros na hindi naman umangat ng husto ang pamumuhay ng mga naninirahan doon sa kabila ng nahati sa dalawa ang kanilang lalawigan.
Ito ang ilan sa mga pangunahing dahilan na inilatag ng opisyal sa harap ng mga Rotarians at ilang hanay ng mga mamamahayag na naimbitahan sa nasabing pagpupulong.
Iginiit din ni Portes na may nakasaad sa RA 9495 na ang kita ng dalawang malalaking planta ng kuryente na nasa lalawigan tulad ng Quezon Power Limited na nasa Mauban, Quezon at Team Energy na nasa Pagbilao, Quezon kung sakaling mahati ay maghahati ang dalawang lalawigan sa kikitain nito ngunit sa liability umano o mga kagastusan at bayarin ay masosolo lamang ng Una at Ikalawang Distrito.
Iilan lamang aniya ang nakakaalam nito, pahayag pa ng bise-gobernador at walang nagbabanggit nito sinuman laluna ang mga nagsusulong ng hati-Quezon.
Binatikos din nito ang katwiran ng mga proponent ng RA 9495 na lalapit ang gobyerno sa mga taga-3rd at 4th district sa mga mamamayan. Isa aniya itong kalokohan dahil ang Provincial Government ay bahagi lamang ng gobyerno at bahagi din nito ang mga naunungkulan sa municipal at barangay levels.
Ang mga opisyal ng barangay at bawat bayan-bayan umano ang magpaparating ng problema o pangangailangan ng kani-kanilang lugar sa pamahalaang panlalawigan. Hindi aniya dapat na iasa lamang sa tulad nila na miyembro ng pamahalaang panlalawigan.
Pabiro pa nitong binanggit na wala namang mamahalin o anumang makikita sa Kapitolyo para sabihin ng iba na kaya dapat na mahati ang Quezon ay para makapunta ang mga tao sa Kapitolyo.
Ang totoo aniya ay nililigaw ng ilan ang mga tao hinggil sa usaping ito. Tinatanong aniya kung nakarating na sa Kapitolyo at kapag sinabing hindi pa ay sinasabing oras na mahati ang Quezon ay makakapunta na bawat isa sa Kapitolyo.
Dagdag paliwanag pa ni Portes na hindi kailangang magtungo ng bawat taoa sa Kapitolyo para madama ang tulong ng pamahalaan kundi ang mga nanunungkulan ang magbibigay nito sa pamamagitan ng mga programa at magagandang serbisyo.
Inilatag din ng bise-gobernador ang mga posibleng laki ng halaga na kakailangan para sa pagtatayo ng panibagong lalawigan tulad ng pagtatayo ng Kapitolyo at dagdag gastusin para sa suweldo ng mga bagong empleyado.
Isa-isang ipinaliwanag at sinagot ng opisyal ang mga nagging katanungan ng bawat miyembro ng Rotary Club of Lucena (Mother Club) sa nasabing pagpupulong na ayon mismo kay Portes ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpahayag siya sa publiko ng kanyang posisyon hinggil sa usapin ng hati-Quezon bagama’t noon pa aniyang taong 1998 ay nagpapahayag na siya ng mariing pagtutol dito.
Sinabi din nito na nakahanda siyang magtungo sa mga bayan-bayan sa buong lalawigan upang ipaliwanag sa publiko ang mga advantage at disadvantages ng paghahati. Pinuna pa nito ang ilang opisyal ng pamahalaan na hindi maliwanag ang posisyon kung pabor o hindi sa nasabing RA 9495. Marapat aniya ay tumayo kung ano ang posisyon at igiya ang tao sa dapat na maging hakbangin.
Sa halip na hatiin ang lalawigan, isinuhestyun nito ang tulad ng ginawa ng mga nanunungkulan sa kalapit lalawigan na Cavite na nagdagdag ng mga distrito na sa kasalukuyan aniya ay piton a ang district ditto mula sa apat na distrito. Mas malaki aniya ang tsansa na umunlad ang lalawigan kung dagdag distrito ang mangyayari dahil t’yak na dagdag pondo din ito para sa mga pagawaing pang-imprastraktura, dagdag pondo para sa programang pang-edukasyon, pangkalusugan at marami pang iba.
Ang paghahati aniya ng lalawigan ay isang hakbangin din ng iilan lamang na pulitiko na nais na magkaroon ng kaharian.

Sa pagkakatakas ng 7 NPA na detainee sa QPJ
Hindi kami dapat sisihin – PD Posadas
ni King Formaran



Sa panayam ng programang Punto por Punto, sinabi ni Quezon PNP Provincial Director PS/Supt. Fidel Posadas na noon pang buwan ng Agosto ay binigyan na niya ng babala ang Provincial Warden na maging alerto dahil may mga rebelde na nasa loob nito at base na rin sa Intelligence report nila na nakakalap ay balak itong itakas ng kanilang mga kasamahan.
Iginiit nitong hindi nagkulang ang QPPO at hindi rin umano nila kasalanan kung napasok ito ng mga NPA dahil hindi naman sila ang nagbukas ng pintuan ng QPJ tulad ng nangyari na ginawa ng duty entrance gate guard kung kaya’t malayang nakapasok ang mga NPA noong gabi ng Oktubre 25, bandang alas-sais ng gabi, na nagresulta sa pagkakatakas ng may pitong detainee na pawang may mga kasong murder, frustrated murder habang ang dalawa ay may kasong rebelyon.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na mabilis din silang nakaresponde sa nasabing pangyayari at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang manhunt operation upang papanagutin ang mga nasa likod ng nasabing pangyayari.
Aminado ito na hindi magandang pangyayari ang jailbreak at nagre-reflect ito sa mga nanunungkulan dito at sa tulad din niya na nasa hanay ng authorities ngunit hindi aniya makakatulong ang ginagawang sisihan at turuan sa nasabing pangyayari kundi ang kailangan ay magtulungan tulad ng kanyang naging panawagan sa ilan mismong opisyal ng barangay sa 2nd district na magbigay ng anumang kanilang nalalaman para sa ikalulutas ng kaso.
Mahihirapan aniya ang mga awtoridad kung mismong ang mga local officials ay hindi magbibigay ng tulong sa kanila.
Tinuran pa nito na magkaagapay ang PNP at ang SOLCOM sa pangunguna ni Lt.Gen. Delfin N Bangit sa pagresolba ng nasabing usapin. Kaagad aniyang kumilos ang mga tauhan ng heneral at ang buong kapulisan para habulin ang mga rebelde.
Kaugnay nito, nagpahayag ng panawagan ang opisyal sa mga mamamayan na manatili ang suporta sa pamahalaan at sa administrasyon ni Gov. Raffy P. Nantes dahil mababalewala lamang aniya ang magandang inisyatibo ng gobernador na higit na mapaunlad ang lalawigan kung ang kaguluhan naman ang mamamayani dito.
Labis nitong hinangaan ang mga magagandang programa na inilulunsad ni Gov. Nantes sa mga kanayunan na ibinibigay sa mga mamamayan kaya’t mainam aniyang ang peace & order dito ay tahimik nang sa gayon, ang mga negosyante at mga turista ay masiyahang magtungo sa lalawigan.


NUJP Quezon Chapter condemns restrictive media policy of Quezon Medical Center

The National Union of Journalists of the Philippines – Quezon Chapter strongly condemns the restrictive media policy being implemented by officials of the Quezon Medical Center in Lucena City.

The mandatory permit being imposed by hospital administrator Abner Malabanan for news reporters wanting to interview patients confined at the said hospital smacks of obstructionism in the media's pursuit of its sworn obligation to provide the public with relevant and timely information.

In the morning of November 13, several news reporters trooped to the said hospital to interview victims of the latest shell poisoning case in the city and to gather facts surrounding the incident to be able to immediately alert the public if warranted.

However, the media group was ordered to wait in Malabanan's office for the issuance of an official permit to enter the medical building and interview the victims.

After waiting for more than one hour, no one from the said office was willing to grant the permit in the absence of the official order from their superior which was then not available.

All wanting to beat their respective deadlines, the media group decided to leave the hospital and proceeded to the City Health Office to gather whatever available information about the incident.

The newsmen accompanied Dr. Vicente Martinez, assistant City Health Officer, back to QMC when he decided to visit the victims to personally verify the incident in the absence of an updated official report to his office from concerned hospital staff as part of routine procedures to safeguard the health welfare of the general public.

But even with the company of the city health official, the nursing staff of QMC still blocked news reporters from entering the ward because of the lack of official permit from the hospital administrator.

This time, the journalists stood their ground and insisted their rights to personally gather relevant facts not only in pursuit of their profession but also in the fulfillment of their obligation to immediately inform the public especially if their safety and protection is in peril.

Some news reporters were not as lucky because after the successful interview, another group of newsmen was able to contact Malabanan through his mobile phone to secure permit to enter the hospital to interview the victims but was turned down.

In an apparent move to cast away the heat from persistent news reporters, Mr. Malabanan directed journalists to proceed to the office of provincial administrator Aris Flores located at the Quezon capitol ground 20 minutes away by public transportation for proper media briefing.

The newsmen reluctantly heeded his advice but the move also turned out as another futile and senseless effort because Mr. Flores did not even bothered to entertain news reporters.

The NUJP-Quezon chapter demands the immediately lifting of the restrictive media policy being implemented by the QMC administrator for it only helps impedes the public rights to know.

As responsible journalists, we respect the rights to privacy of every hospital patients that's why we first secure their consent before we conduct our interview. This is a matter of mutual consent between the journalist and his subject.

But subjecting newsmen to secure an official permit before granting access to a government-owned medical institution which is open to the general public is another matter. It is a blatant repulsive restriction to all journalists.

The said hospital policy on media not only obstructs the flow of relevant information to the public, it also violates the sacrosanct tradition of the freedom of the press.


For reference:
Sonny T. Mallari
Chairman
National Union of Journalists of the Philippines
Quezon Chapter

No comments: