Saturday, November 15, 2008

KOLUM NI JET CLAVERIA

Please read....

Jetline
Ni Jet Claveria

Ano bang meron sa Kapitolyo?


Ano bang meron sa Kapitolyo……Hiramin ko lamang ang word na ginamit na ito ni Quezon Vice Gov. Kelly Portes.Nagkaroon kasi ng forum noong isang lingo ang Rotary Club of Lucena patungkol sa isyu ng “Hati Quezon”.

Isa ang Jetline sa naimbitahan sa kanilang launcheon meeting kung saan ang guest nila ay si Vice Gov. Portes.Bagama’t ang bise gobernador ay parang wa ‘pakels sa mga media na andon,ni hindi nga niya tiningnan ang upuan ng mga media .( si Ola lamang daw ang kilala) ay naging maganda naman ang kanyang mga paliwanag.Inisa-isa ng bise gobernador ang mga advantages at disadvantages na ngayon lang nila ipinapaliwanag sa mga tao.Bilang isa sa mga leader sa Quezon dapat noon pa nila iyan ginawa,hindi yong ngayon sila nagkakandakumahog.Baka maiwan kayo sa kangkungan niyan.

Yon din ang kauna-unahang nagpalabas ng statement ang Vice governor hinggil sa usapin ng hati Quezon. “ No hati siya”.May mukha din pala ang bise gobernador .Kaya nyang manindigan at natouch si Ola ng sabihin nitong hindi na niya inisip ang kahihinatnan ng kaniyang political career.Basta’t maipaliwanag lamang niya sa taga Quezon na hindi dapat itong mahati.

Natawag rin ng pansin sa Jetline ang tungkol sa sinabi niyang ano ba ang meron sa Kapitolyo at yon ang sinasabi ng mga proponent na mapapalapit sila sa Kapitolyo kung magkakaroon ng Quezon del Sur.Ito ang sinasabi nilang dahilan kung bakit kinakailangan daw na mahati. Sabi nga noong tagapagsalita ni Cong/ Erin Tanada, ngayon daw kapag pumupunta sa kapitolyo ang mga taga 4th district ay inaabot ng P200 ang pamasahe pero kapag nasa Gumaca na ay aabutin lamang ng P90.00.Aba’y ito ba ang magandang paliwanag para sa paghahati.Ano bang meron sa Kapitolyo?

He-he-he…Syempre nasa kapitolyo ay si Governor , mga department heads…Bakit gusto ba nilang laging nakikita ang gobernador at gusto nilang malapit ang kapitolyo?

Sa ating kapitolyo ngayon,ang alam ko mayroong kape….kapag andyan si Gov.Nantes…@#$%^&*()@@@%%&()+_$###. Ano daw?na-virus ata computer ko.


Talagang mainit na ang usapin sa paghahati ng lalawigan ng Quezon.Sa mga kwentuhan, online sa mga forum sa internet Quezon ang kanilang topic at nakakatuwa naman ang iba nating mga kababayan na mayroong pakialam sa isyung ito.

Nakakaawa naman sina Quezon at Maria dela Cruz na andon lamang sa isang baryo at walang alam sa isyung ito at isang araw ay babalikwas na lamang dahil kailangan nilang bumoto sa plebesito.Pero anong kanilang ilalagay sa balota yes or no.Bakit Yes, narinig na ba nila ang dahilan kung bakit hahatiin.?Bakit No, dahil ba sa hindi naman nila alam ang isyu.


INSULTO SA MGA BARANGAY CAPTAIN

Sabi ng ilang nakausap ng Jetline na mga kapitang ayaw mahati ang Quezon.Parang insulto naman sa kanila na hatiin ito kung ang sinasabing dahilan ay para maabot ng gobyerno.

Hindi ba kaya mayroong mga barangay captain, mga konsehal ng barangay ,isama na ang mga Sitio leader o Purok leader ay upang ang mga ito ang maging daan at makaalam ng mga problema ng isang lugar.

Para ano pa at nagkaroon ng mga barangay officials kung hindi naman pala kayang gampanan ang mga tungkulin na ibinigay sa kanila para tutukan ang mga suliranin sa isang lugar.


Sabi naman ng mga pabor na mahati, iyon daw ang mabilis na paraan para mabigyan sila ng mga proyekto galing sa gobernador.

Aba’y ala ba talagang naibibigay na programa ang iniluklok nating gobernador.Hindi ba kabi-kabila ang proyekto ngayon ng punong lalawigan.

Hindi ba ito’y nakakarating sa dako pa roon ng mga lugar sa lalawigan ng Quezon.

Sa ikatlong distrito ng Quezon,kitang-kita naman ang mga programang dinala ni Cong. Danny Suarez .Ang kagandahan ngayon ng kalsada doon ay kahit ilang dekada pa ang lumipas ay hindi kalilimutan ang kaniyang ginawa.


Kung mayroon mang hindi naabot ng tulong ang may problema na marahil ay mga barangay officials o mga mayor na hindi inaalam ang suliranin ng kanilang bayan.


TUNAY NA LIDER


Matatawag ba nating tunay na lider ang walang sariling paninindigan at parang nais pang ipahamak ang mga Quezonian.Nakakadismaya ang ilang Bokal sa Sangguniang Panlalawigan.Napapailing na lamang ang mga nakikinig sa kanilang mga talumpati hinggil sa usapin ng pagkakaroon ng Quezon del Sur at Del Norte.

Ang sabi nila hayaan daw ang taumbayan ang magdedesisyon.Natural na taong bayan.Pero anong dedesisyunan nila gayong kulang sa kaalaman ang ating mga kababayan kung ano ang tunay na layunin ng paghahati para naman alam nila kung sakaling NO or Yes ang kanilang isusulat.

Dapat na manguna ang mga lider sa paninindigan at pagpapaliwanag kung ano ang mga magaganda at masasamang dahilan kung bakit ito ginawa ng mga proponent.

Kung ang isang lider ay malambot at salat sa paninindigan at kaalaman kawawa ang kanilang mga nasasakupan.Hindi nila alam na kumunoy na pala ang kanilang tinatapakan sa kanilang paghahanap ng tunay na kasagutan.

No comments: