Saturday, November 15, 2008

Laguna News

Please read....

1st LAGUNA INVESTMENT AND BUSINESS EXPO, INILUNSAD SA STA. ROSA LAGUNA



Ni Gladys Alfonso



STA ROSA LAGUNA-Kung sa lalawigan ng Quezon ay isinagawa ang 1st Quezon Business Conference sa lalawigan ng Laguna, inilunsad na naman noong nakaraang linggo ang 1st Laguna Investment and Business Expo, na naging daan upang maipakita ang mga potential ng lalawigan ng Laguna sa mga namumuhunan mula sa iba’t ibang sector at mag-uugnay sa kanila sa mga bagong oportunidad sa pagnenegosyo.



Naging pangunahing panauhin ditto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ginanap sa Events Center ng SM Sta. Rosa sa lalawigan ng Laguna.



Ayon kay Laguna Governor Teresita Lazaro maraming benepisyo gaya ng Physical Infrastructure at Social Services ang tinanggap ng probinsya dahil sa pagiging bahagi nito sa Growth Passageway na tinatawag na Calabarzon, Cavite , Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, at Marilaque na binubuo ng Marinduque, Laguna at Quezon.



Itinuturing malaki ang naging bahagi nito ang pag-unlad ng lalawigan ng mga State of the art Telecomunication Facilities, world class research at educational institutions, highly skilled professional labor force at iba pang mga mahahalagang support infrastructure na nakatulong sa pag-transform ng probinsya bilang modernong agro-industrial Economy.




Problema sa chemical waste, lutas na
Celine Tutor

San Pablo City - Umaabot na sa tinatayang 300 tonelada ng kemikal at toxic waste ang nahahakot buhat sa ipinasarang treatment plant sapul nang magbaba ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil dito
Ang kautusan ng Pollution Adjudication Board (PAB) ng DENR ay nag-aatas sa mga kompanyang nagtambak ng mga naturang chemical at toxic waste sa compound ng ipinasarang Clean Earth Solution International (CESI) sa Barangay Balanga lunsod na ito na ito’y malipat sa ibang processing plant para sa kaukulang treatment.
Magugunitang umani ng batikos ang PAB buhat sa iba’t-ibang sektor bago ang naturang pagpapasya kung kaya’t umaksyon ng mabilisan si DENR Sec. Lito Atienza upang magkaroon ng agarang kalutasan.
Sabay na nag-akda ng resolusyon ang mga kagawad ng Sangguniang Panlunsod ng San Pablo at si 3rd Dist. Board Member Reynaldo Paras para naman sa Sangguniang Panlalawigan na humiling sa kalihim ng agarang aksyon sanhi ng pangambang baka ito makapinsala sa kalusugan ng mga mamamayan.

Ayon kay PENRO Isidro Mercado ay matatapos ang paghakot ng 900 toneladang kemikal waste sa susunod na buwan kung saan ay sisimulan na nila ang rehabilitasyon ng naturang lugar.

No comments: