Saturday, November 15, 2008

KALIWA'T KANAN

Kaliwat kanan
Ni Jet Claveria


Tao daw ang magpasya!


Ano daw?..........Sa isyu ng paghahati ng Quezon,isang maselang usapin na nangangailangan ng gabay at tamang impormasyon ng ating mga kababayan ay dapat ipaalam ng pinagpipitaganang mga opisyal sa lalawigan.Tapos sasabihin “tao ang magpapasya”. Ay haruh!.Paano magpapasya kung salat sila sa kaalaman.

Nakakalungkot isiping maraming Quezonian ang hindi alam kung ano ang nilalaman ng RA 9495.Sa isang simpleng mamamayan na hindi lubos na nakakaunawa ng batas at mga usapin ay dapat na maipaliwanag ng husto at kung anong lilikhain ng batas na ito sa lalawigan ng Quezon.

Mabuti kung ang mga opisyal ay mayroong mukha na ihahatag sa tao ang kanilang paninindigan at sariling pananaw sa paghahati ng Quezon.Kung ano ang advantages at disadvantages.

Nakakatuwang pakinggan sina Bokal Rommel Edano ng ihayag nito sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng batas na ito.Kung bakit pumapabor siya na mahati.Si Bokal Alona Obispo na talagang nag research pa upang ipakita at ipaliwanag sa tao kung bakit matigas ang kanyang paninindigan na huwag mahati ang Quezon.Bagama’ tumaas ang kilay ng ilang mga observer sa Sangguniang Panlalawigan sa kanyang inamin na mayroong 20% SOP ang mga opisyal.Kumbaga para na niyang inamin na talagang nangungurakot ang isang opisyal.HALA KAYO!

Subalit ang mga nagtalumpati na sinasabing Let the people decide….Tao daw ang magpapasya…ito’y mga kung tawagin ay mga lider na walang mukha at takot na maapektuhan ang kanilang mga political career.Mga opisyal na pansariling interest lamang ang iniisip.Itama nyo kung mali ang aking sinasabi.KAYO’Y MGA DUWAG!

Let the people decide….ano ngang idedecide ng tao kung kulang sa paliwanag ninyong mga tinaguriang mga opisyal at halal ng bayan.

Tao daw ang magpapasya…mga nagsasalita nito’y mga iwas pusoy at takot harapin ang katotohanan.

Hindi kaya mas angkop ang sabihin na hayaan si tatay ,si nanay si kuya o baka naman sina lolo at lola ang magpasya.

Daig n’yo pang si Joc-joc Bolante ng iharap sa Senado ay aral na aral ang mga sasabihin at hindi napiga sa kaniyang mga kasinungalingan.


PHILIPPINES MY PHILIPPINES


HINDI kasali ang Philippine National Police sa usapan destibilization laban sa government of the Republic of the Philippines .Nakatuon daw ang kanilang atensyon sa madlang people para protektahan nila ito sa anuman kaguluhan na balak gawin ng mga kumakalaban.SIYANGA?

May mga kumakalat na balita plano daw ang mga junior officers sa Armed Forces of the Philippines na para sa bayan na kumikilos daw ang mga ito para sipain sa malakanin este MalacaƱang pala si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Kung bakit, iyan sila-sila lang ang nakakaalam?

Kumakalat kasi ngayon ang mga tsimis na bagsak at lumalaki ang bilang ng madlang people sa Philippines my Philippines ang may ayaw kay GMA.

Sabi nga, bagsak sa rating!

Kaya naman sinasamantala ito ng mga kritiko ng pangulo para yugyugin ang tahimik na mamamayan ng Republic of the Philippines.

Hintayin na lamang kasi ang 2010 dahil kahit ano namang gawin ng mga kritiko ni GMA di rin naman mapaalis sa trono.Gumawa na lamang muna kayo ng mga kapakipakinabang sa bayan.





PROBLEMA SA GULANG-GULANG NATIONAL HIGHSCHOOL SA LUCENA

Higit na kailangan ngayon ng GNHS ang mga class rooms dahilan sa iba’t ibang problemang lumitaw ng magkaroon ng panggabing klase sa naturang mataas na paaralan.

Dahil madilim at mahabang lakarin bago sumapit sa kanilang mga tahanan ang mga lalaking estudyante ay malimit na kinukursunada at ang mga babae naman ay binabastos at mayroon pang mga hinihipuan ng mga tambay.

Ito ang pangamba palagi ng mga magulang na nagpapa aral ng kanilang mga anak sa sunod-sunod na mga insidente ng panghoholdap at mga pambabastos sa mga estudyante na tuwing labasan ng mga ito kung gabi nagaganap.

Humingi na rin ng assistance ang principal sa PNP at nagkaroon dito ng dalawang pulis noong mga unang araw subalit ng mga sumunod ay hindi na nagpunta kaya mga takot na ulit ang mga estudyante.

Kaya hiling ng mga magulang kay City Mayor Ramon Talaga Jr. na madagdagan pa ang mga rooms upang maalis na ang panggabing klase.

Ang Gulang-gulang National HighSchool ay malayo sa kabayanan kung saan ang nilalakaran ng mga estudyante ay mga madidilim na bahagi ng daan bago sila makauwi sa kanilang bahay.






Please read....

No comments: