Saturday, November 22, 2008

comment for division of quezon

sabbbbbeeeee


Comment for Hati-Quezon Quotable Quotes



" We don't need to devide the quezon province .. we just need is the right leaders that can implement good management in the province. Ang mahirap sa mga pinoy pagdating ng eleksyon nagiging perahan ang labanan at hindi naikokonsidera ang pumili ng karapatdapat na tao na may magandang liderato.Kapag nahati ang Quezon.. ilang porsiyento ang kasiguraduhan na may pag-unlad ang bagong lalawigan? Lahat naman may mga vested interest eh.. hindi pwedeng mawala... " Sgt. Adan ng Bocohan



Cong. Tañada to Atty. Sonny Pugar

" It is the right of Atty. Pulgar to question the law before the Supreme Court. But i believe he should have left it to the people to decide the matter through an plebiscite. I just hope the Supreme Court will act swiftly and resolve Atty. Pulgar's petition as soon as possible. However, the case of Atty. Pulgar will not deter our continuing campaign to inform Quezonian to vote Yes to Quezon del Sur" ---------Cong. Tañada


" Obligasyon ko bilang isa sa pumirma sa pagbuo ng bagong probinsya ang ipaalam sa taong bayan kung ano ang pinag-uusapang batas. Magsasagawa ako ng isang forum at mag-iimbita ng magagaling na speaker para ipaalam sa mamamayan kung ano ang nilalaman ng batas. ". Cong. Procy Alcala ng 2nd District


" Sa aking obserbasyon ay hindi epektibo sa pamamahala si Governor Nantes kaya naghahangad na humiwalay ang 3rd at 4th Districts ng sa ganun ay makapagpatupad sila ng tamang pamamahala at sana ay tuparin nila
ito!!------



Joe Madarang
San Antonio, Quezon







20,000 mahihirap na pamilya sa Quezon, makikinabang sa 4 P's
nina Babes Mancia at Edgar Borja
Pormal ng nilagdaan ng gobernador ng lalawigan ng Quezon, Provincial Social Welfare and Development Officer at ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malacañang Palace kamakailan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at ng DSWD para sa pagpapatupad ng Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4 P's) sa lalawigan na naglalayong maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap na mamamayan sa buong bansa.
Ipinahayag ni Gov. Raffy P. Nantes sa panayam na sa nasabing programa ay makakatanggap ng P1,400.00 bawat buwan sa loob ng limang taon ang mga beneficiaries na aabot sa may 20,000 pamilya.
Ayon kay PSWD Officer Sonia Leyson, tanging ang lalawigan lamang ng Quezon sa buong CALABARZON area ang napasama sa mga nabiyayaan ng nasabing programa na malaking bilang ng mga beneficiary ay matatagpuan sa kalakhang Maynila.
Naniniwala si Leyson na makakatulong ito ng malaki sa mga magiging beneficiaries sapagkat sa ilalim umano ng nasabing programa, hindi lamang pera o cash ang matatanggap, matutulungan rin ang mga magulang na maging responsableng ama at ina sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga pamantayang itinakda ng DSWD, kabilang na dito ang pagpapaaral sa kanilang mga anak sa Day Care at Elementary, tamang pag-aalaga sa mga inang nagdadalang-tao at ang wastong nutrisyon para sa buong pamilya. Ito ay sa dahilang nakatutok sa Edukasyon, Kalusugan at Nutrisyon ang nasabing programa.
Sa ngayon ay patuloy pa umano ang ginagawang “survey at validation” ng DSWD sa anim na bayan dito sa lalawigan na kinabibilangan ng San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Patnanungan at Jomalig upang matukoy ang mga pamilyang dapat makinabang sa mga nasabing programa. Tiniyak naman ni Leyson na ang mga makakatugon lamang sa mga itinakdang pamantayanng DSWD ang mapapabilang dito.
Naniniwala naman si Nantes na hindi lamang sa mga mahihirap na pamilya dito malaki ang maitutulong ng nasabing programa lalo't higit sa lalawigan sapagkat mas magiging produktibo umano ang mga ito sa pamamagitan ng ibibigay ng pamahalaan na tulong na pera at kaalaman na makapag-aangat sa kanilang kabuhayan at sa kabuuan ay makakatulong upang makamit ng lalawigan ang inaasam na kaunlaran.
Inaasahang sa taong 2009 ay magsisimula na ang implementasyon ng nasabing programa dito sa Quezon Province.

CNA sa pagitan ng UNIKA sa Quezon at pamahalaang panlalawigan, nalagdaan na
nina King Formaran at Babes Mancia
Nalagdaan na ang kasunduan o Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng gobernador ng Quezon Province at ni G. Joselito M. Bunyi, pangulo ng UNIKA sa Quezon.
Naging saksi at lumagda din sa kasunduan sina 1st district Board Member Alona Obispo at G. Gene Beloso, pangulo ng Samahan ng mga Puno ng Tanggapan.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, kinikilala ang karapatan ng mga government workers na bumuo at makilahok sa isang collective negotiation. Nabuo ang UNIKA sa Quezon noong 1994 at inirehistro sa Civil Service Commission at DOLE. Ito ay sole and exclusive negotiating representative ng mga rank and file employees (salary grade 22 and below) ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.
Makasaysayang matatawag ang nasabing paglagda sapagkat ang CAN ang siyang dokumento o patunay ng magandang samahan sa pagitan ng mga manggagawa at ng pamahalaang panlalawigan. Ito'y kumakatawan sa mga kahilingan ng mga manggagawa upang maiangat ang katatayuan bilang manggagawa.
Nakapaloob sa CNA ang mga benepisyong maaaring asahan ng mga manggagawa mula sa pamahalaang panlalawigan katulad ng pagkilala at seguridad ng Unyon, ang karapatan at responsibilidad ng bawat partido, ang mga gawain o aktibidades ng Unyon, ang seguridad o katatayuan ng isang empleyado, pagpapaunlad ng edukasyon at katatayuang propesyunal ng mga manggagawa, promosyon, kaligtasan at kalusugan, oras at tagal ng pagtatrabaho, salary/overtime/honoraria pay incentive ng mga manggagawa, pribelihiyo at kagalaingan ng mga empleyado, iba pang mga benefit programs, personnel file and others, grievance machinery, pagbubuo ng labor management council at malayang mapagkalooban ng mga pondo.








Mayor Binay set provincial sortie in Quezon in three days




It is an early campaigning, political critics said

Lucena City--- Makati Mayor Jejomar Binay set a provincial sortie in Quezon among towns of Candelaria, Pagbilao, Tayabas, Lucban, Sariaya, Tiaong and Lucena City to get the pulse of Quezonians of his plan to run for president comes 2010 election.

During his visits in Lucena last Thursday, Binay opened up to some business sectors, NGO’s, Barangay captains and other multi-sectoral groups the advantages of being a residence of Makati City as he govern the metropolis with consistent objectives and good management.

Mayor Binay criticized the present administration of Gloria Macapagal Arroyo and compared the high rate of corruption from the govern period of former President Joseph Estrada to Pres. Arroyo.

He also introduced the fast development of Makati and systematic taxation process which benefits people of Makati particularly the member of senior citizens which received a birthday cake and one thousand peso bill.

Though his intention in his visitation was to boost harmonious relationship among towns in Quezon yet it also received negative comments from political experts in the province.

The declaration of Mayor Binay as presidential candidate for 2010 election last November 11, 2008 became basis for his early campaigning as per his courtesy calls to incumbent mayors of aforementioned towns, political critics said.

1 comment:

Anonymous said...

The petition filed by Pulgar and Dator in a petition for certiorari before the supreme Court to declare the law RA 9495 unconstitutional is very timely since the plebiscite which was be reported to be held supposedly on January, 2008 then on October 2008 and now December 13 is forthcoming.We need people like them who comes forth and questions laws of these caliber ( Division of Quezon) we should be aware that they are real residents of Quezon who care for our Heritage and our people.

More power to you, Pulgar and Dator, as an old Chinese saying goes, may you live a thousand years!