Saturday, November 22, 2008

IRON WILL-CELINE TUTOR

IRON WILL
ni Celine M. Tutor
LT.GEN. BANGIT, dinamayan ang mga taga-Real
Pinatunayan na naman ng Southern Luzon Command na hindi lamang sa pagtatanggol sa bayan sila maaasahan ng mga mamamayan kundi maging sa oras na kailangan ng tulong.
Paulit-ulit ko itong sinasabi sa bawat mambabasa dahil ang IRON WILL ay naniniwalang ang mabuti ay dapat papurihan upang higit itong makapagbigay ng inspirasyon sa iba.
Noong Huwebes lamang ay personal pong binisita ni LT.GEN. DELFIN N BANGIT ang mga kababayan natin sa Real, Quezon. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa pagtiyak ng katahimikan hindi lamang ng Quezon Province kundi ng buong Area of Responsibility ng SOLCOM ay nagawa pa ni Sir na damayan ang mga nagkaroon ng sakit na typhoid sa bayan ng Real.
Isang Boy Scout si Sir. Hindi kailangang utusan. Laging nangunguna basta’t may nangangailangan ng tulong. Tama ang kanyang sinabi noon ‘nung siya ay 2nd Infantry Division Commander na kanyang patutunayan na ang sundalo ay nananatiling MAKA-DIYOS, MAKATAO, MAKABAYAN at MAKAKALIKASAN.
Ang lahat ng ito ang siyang ipinakikita ng bawat kasundaluhan sa lugar na nasasakop ni LTGEN. BANGIT.
Sabi nga niya, kailangang magbigay ng magandang serbisyo sa mamamayan upang manatili ang tiwala ng tao sa kanila.
Sa ginawang pagtungo ni Sir sa Real, dala niya ang pag-asa ng mga nagkasakit na mabilis silang gumaling. Maraming doctors na kasama si Sir mula sa iba’t-ibang medical teams tulad ng SOLCOM, 2nd Infantry Division, Fort Bonifacio General Headquarters, V. Luna Hospital, Phil. Air Force. May mga gamot po silang dala at ilang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan doon.
Ang mga sundalo ay talagang maaasahan sa panahon ng kalamidad o trahedya. ‘Di po nila iniisip ang kanilang sariling kapakanan kundi ang kaligtasan ng iba.
Sa kabila ng may ibang gawain ang SOLCOM, hindi po nag-aksaya ng oras si LT.GEN. BANGIT kundi nagkaloob siya ng tulong na hindi makakalimutan ng mga taga-Real, Quezon.

PhilPost sa SM Lucena
Parang One Stop Shop ang SM City Lucena. ‘Pag nagtungo ka, andun na lahat ang kakailanganin mo.
Ngayon, nasa SMLC na rin ang PhilPost at t’yak na dadagsa ang magpapadala ng sulat sa kanilang mga loveones ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.
Masasabing right decision ang pagkakapili ng PhilPost sa SM Lucena dahil ito’y mall, dinarayo ng mga tao at hindi ‘lang Lucenahin ang mga nagtutungo dito.
Isa pa, mas mahabang oras ang ilalagi nila sa mall na hindi kinakailangang magmadali ninuman para lamang makapagpadala ng sulat dahil ang kanilang office hour ay tulad na rin ng sa mall.
Isa pa’y mababait ang mga nasa PhilPost sa SM Lucena, ipinapaliwanag nila ang kahalagahan ng Postal ID sa isang tao.
Sa halagang P240 ay makakakuha na po kayo ng Postal ID at napakabilis pa. Kailangan lamang ng dalawang 2x2 pictures, barangay clearance at cedula.
Ang Postal ID ay isa sa kinikilala ng mga ahensiya ng pamahalaan at maging ng mga awtoridad at banko bilang pagkakakilanlan sa isang tao. Hindi ito basta ID lamang.
Bukod dito, talagang mai-engganyo kayo sa mga magagandang collection stamps na mabibili sa PhilPost kaya ano pa ang hinihintay n’yo. Hanapin n’yo lang si Ms. Nicodemus at si Ms Violy. Baladad.

###
Lumilibot na si Makati Mayor Jejomar Binay sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Matunog ang kanyang pangalan bilang si Obama ng ating Republika. Sa kanyang ginawang pagtungo sa lungsod ng Lucena noong Huwebes, ang alam ko’y ang Sisterhood ng Lucena at Makati ang talagang agenda. Higit nga sigurong kaunlaran ang matatamo ng mga Lucenahin kung ang ginawang pagpapaunlad ni Binay sa Makati ang gagawing pattern ng mga opisyal sa Lucena. Sa susunod sigurong pagtungo ni Mayor Binay sa Lucena Jet ay malakas na ang kanyang boses dahil hindi naman siguro siya papayag sakaling siya ang maging Presidente na mas malakas pa ang boses ng kanyang mga alagad. Para sa anumang suhestyun o opinyon, email n’yo ‘lang ako sa brilliantceline@yahoo.com

No comments: