Saturday, November 22, 2008

news in quezon

SM Lucena, kaisa sa Make A Child Happy
nina Lyn Catilo at King Formaran
Makapagbigay ng saya at ligaya sa bawat bata ang layunin ng programang Make a Child Happy ng SM Foundation, katuwang ang Toy Kingdom, Social Welfare and Development Office sa lungsod ng Lucena.
Taun-taon tuwing sumasapit ang Kapaskuhan, ang SM na pagmamay-ari ng tinaguriang nangungunang negosyante sa buong Pilipinas, Mr. Henry Sy, Sr. ay ibinabahagi ang kasiyahan sa bawat kabataan.
Sa pamamagitan ng Make A Child Happy, ang mga laruang nalilikom (bago o luman man) ay ipinagkakaloob naman sa mga batang walang kakayahan ang kanilang mga magulang na mabigyan sila ng regalo kasabay ng pagdatal ng Dakilang Lumikha.
Isang pagpapadama ito ng SM, paliwanag ni Ms. Lilibeth Azores, PR Officer ng SM Lucena at mula sa SMFI na pinapahalagahan nila ang bawat bata.
Likas sa mga bata ang mahilig sa laruan at ngayong nalalapit na naman ang Pasko, ang mga batang sa espesyal lamang na araw nagkakaroon ng laruan ang nais ng SM Lucena na mapagkalooban nito.
Higit na maraming bata ang magkakaroon ng laruan kung nanaisin lamang ng bawat isa na makapagbigay ng ligaya sa mga ito. Sa pamamagitan ng Make a Child Happy, bukas na ang booth nito na matatagpuan sa 2nd floor ng SM Lucena kung saan puwedeng ilagay ang mga laruan at sakaling maipon na ito, ipagkakaloob na sa mga mapipiling mga bata.
Ang nasabing booth ay inilagay na noon pang a- ng buwang kasalukuyan at tatagal hanggang sa Disyembre.
Ang SM Lucena ay pa-limang taon ng nakikiisa sa programang Make A Child Happy at ngayong taon, hangad na mas maraming bata ang mabigyan ng kasiyahan.




Sangguniang Kabataan, ‘di dapat mabuwag – Mayor Binay
nina Lyn Catilo at King Formaran
Nananatiling mataas ang pagtingin at pagkilala ng alkalde ng lungsod ng Makati sa kakayahan ng mga kabataan na makatulong ng pamahalaan sa pagtamo ng kaunlaran at sa pagresolba na rin ng mga kinakaharap nitong suliranin.
Sa harap ng mga opisyal ng may 33 barangay ng nasabing lungsod, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga opisyal ng DepEd, bumubuo ng Parents & Teachers Association, mga mag-aaral, at iba’t-ibang samahan, ipinaliwanag ni Makati Mayor Jejomar Binay na hindi dapat mabuwag ang Sangguniang Kabataan dahil sila ang boses ng kabataan at sa pamamagitan nila, higit na naiipaunawa sa mga namumuno sa pamahalaan at maging sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.
Tugon ito ng opisyal sa naging katanungan ng isa sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation ng lungsod sa forum na ginawa sa Mug Café Pacific nang dumating ang alkalde kaugnay ng “Sister Cities Entwined in History An Open Forum For Mutual Cooperation”.
Ayon pa kay Binay, hindi siya pabor na mabuwag ang SK ngunit upang higit ang mga ito na maging epektibo sa kanilang tungkulin, dapat ay hindi makialam ang mga magulang sa pagdedesisyon ng mga ito.
Binanggit pa na kaya aniya nagigiging bahagi ng bulok na sistema ng pulitika sa bansa ang mga kabataan ay dahil sa kahit hindi pa 18-anyos ang isang lalaki o babae ay pinepeke ng mga ito ang birth certificate ng kanilang mga anak na iginiit ni Binay na maling gawain.
Dahil dito, nanawagan si Binay na iwasan ang nasabing hindi magandang gawain at tulungan ang mga kabataan na magdesisyon ng tama at naaayon sa pangangailangan ng kapwa.




Sa pagtaas ng bilang ng nagka-typhoid sa Real
SOLCOM Medical Team, tumulong
ni King Formaran
Real, Quezon – Tumaas na sa bilang na 109 ang biktima ng hinihinalang sakit na typhoid sa bayang ito mula pa noong Nobyembre 15 at kasalukuyan pang inaalam kung saan nagmula ang nasabing sakit kung sa pagkain o sa tubig na inumin.
Nabatid mula kay Dr. Epifanio Crisostomo, Municipal Health Officer dito na maaring tumaas pa ang bilang ng mga nagkasakit base sa karaniwang “trend” typhoid cases.
Samantala, mabilis namang nagpadala ng medical team si Southern Luzon Command Chief Lt.Gen. Delfin N Bangit kahit abala sa mga gawain upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng dalawang rehiyon na kanyang nasasakupan.
Dalawang team ng mga doctor mula sa V. Luna Hospital, isang team mula sa Solcom, isang team mula sa Phil. Asir Force, isang team mula sa Fort Bonifacio General Headquarters at isang team mula sa Army's 2nd Infantry Division na tumulong upang mapunuan ang kakulangan ng mga manggagamot para sa mabilis na lunas sa lahat ng biktima ng hinihinalang typhoid outbreak.
Kaugnay nito, bukod sa mga doctors na ipinadala ni Gen. Bangit ay nagpadala din ng mga medicines at basic items para sa mga residenteng apektado.
Noong nakaraang Huwebes, ay personal na tinungo ni Gen. Bangit ang nasabing bayan upang alamin ang kasalukuyang status ng mga biktima ng sakit na typhoid at tugunan pa ang anumang pangangailangan ng lokal na pamahalaan ng Real.
Matatandaan na ang Solcom ang isa sa pinakamabilis na mag-response sa ganitong sitwasyon o maging sa mga kalamidad at trahedya sapagkat ang Solcom ang may pinakamalaking manpower at resources sa buong rehiyon.


Peace and order situation, kontrolado pa rin ng Solcom at PNP
ni King Formaran
Lucena City – Makalipas lusubin noong Oktubre 25 ang Quezon Provincial Jail at naitakas ng mga hinihinalang NPA ang pitong kasamahan ay lingid sa kaalaman ng marami na patuloy hanggang sa kasalukuyan ang operation na isinasagawa ng mga operating units ng Southern Luzon Command partikular na ng Army's 2nd Infantry Division sa ilalim ni Mgen. Rholand Detabali.
Marami ang hindi nakakabatid na makalipas ang paglusob sa QPJ ay sunud-sunod ang mga panganib na nakaamba subalit ito'y kasalukuyan lamang na napipigilan ng mga operatiba ng Solcom at Quezon Police Provincial Command.
Ayon sa ilang source mula sa Intelligence community ay pigil na pigil ang mga rebelde sa kanilang plano upang muling magre-group at magbalik sa gawaing normal, Kabilang sa mga napigilan na balakin ng mga NPA ay ang paglusob sa ilang CAFGU detachment, Municipal Police Station, pananabotahe ng pribadong pag-aari ng pribadong negosyo at pananabotahe ng ilang government vital installations.
Sa isang phone interview kay Mgen. Detabali, sinabi niya na ng nagtakbuhan ang mga rebelde sa bahagi ng Sariaya hanggang Rosario, Batangas noong mga nakalipas na araw ay nagkaroon mismo ng pagkalito ang mga NPA nalokal at ilang mula sa Regional Unit sa isang lugar na bulubundukin sa bahagi ng San Juan, Batangas kung kaya't sila-si9la mismo nanbg nagbanatan noong gabi ng Nobyembre 15 sapagkat hindi kabisado ang terrain ng mga NPA na dayo na nagtago sa nasabing lugar.
Samantala, nanatiling nasa full alert status ang lahat ng Municipal Police Station at Provincial Police Mobile Group na nakakalat sa apat na distrito upang pigilin ang anumang diversionary tactics o pag-atake sa alinmang area ng lalawigan, maging si Quezon Police Provincial Director S/Supt. Fidel Posadas ay 24-oras na naka-monitor at lumilibot sa AOR.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng foot patrol sa mga remote barangays at visitation na isinasagawa ng tropa ng mga army mula sa iba't-ibang battalion.
Sa bahagi ng Bicol Region sa bayan ng San Miguel, Catanduanes nito lamang nakalipas na Miyerkules ay dalawang hinihinalang NPA ang nasawi sa pakikipag-engkwent4ro sa mga tropa ng Army's 9th Infantry Division sa ilalim ni Mgen. Jeffrey Sodusta.
Tumagal ng 45-minuto ang pagpapalitan ng putok at dalawampung rebelde ang nakipagsagupa sa tropa ni 1Lt. Liquido. Nabawi ang isang M-16 at isang M-14 rifle at pinaniniwalang marami pa sa mga NPA ang tumakas na sugatan ayon na rin sa mga residente sa nasabing lugar.
Hindi pa nakikilala ang dalawang NPA na nasawi at wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga tropa ng mga pamahalaan.

Biomass Waste Utilization Technology, inilunsad sa Quezon
nina King Formaran at Babes Mancia
Dalawang araw na nagsanay at nagsagawa ng demonstrasyon ng Biomass Waste Utilization Technology sa Quezon National Agricultural School, Malicboy sa bayan ng Pagbilao kamakailan.
Ito ay isang teknolohiya na tutulong sa mga magsasaka upang matuto o madagdagan ang kaalaman sa paggawa ng mga pataba (fertilizer) na mula sa inaakala natin na wala ng pakinabang na balat o dahon ng gulay at mga dumi ng mga hayop o animal manure. Malaki ang maitutulong ng nasabing teknolohiya sa ating kalikasan sapagkat hindi ito ginagamitan ng mga kemikal na maaaring makasira sa ating likas na yaman. Dito, malaki ang mamemenos o matitipid ng mga magsasaka sa kalimitan nilang hinaing na “high production cost” o mataas na puhunan sa pagtatanim.
Dumalo at naging tagapagsalita sa nasabing pagsasanay ang iba't-ibang kawani ng gobyerno na may kinalaman sa pagsasaka na sina Dr. Rodel G. Maghirang ng Crop Science Research ng University of the Philippines, Los Baños, Laguna (UPLB) Institute of Plant Breeding. Kanyang ipinakita ang pagprepara ng organic Pesticides na ayon sa kanya ay bahagi pa din ng Executive Order No. 481 sa ilalim ng Section 10 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagsasaad ng paggamit ng organic fertilizer at pesticides.
Ipinakilala din dito ang EM Technology (Effective Microorganisms Technology) na ayon kay G. Leandro P. Aure ng EM Research Philippines Inc. ito ay ang pinaghalo-halong mabubuting mikrobyo tulad ng yeast at fungi na nabubuhay sa kondisyon ng aerobic o anaerobic at sinabi din niya na ang EM Technology ay kasalukuyang ginagamit ng isang daan at labing-anim (116) na bansa sa paggawa ng gamot, paghahalamanan, paghahayupan at sa maraming kapaligiran.
Nabatid din na ang EM Technology marahil ang pinakamtipid, pinakamhusay at pikaperpektong paraan ng pagproseso ng mga basura na ginagawang enerhiya, feeds o pagkain ng hayop, abono o fertilizer na mula sa (90%) na kabuuang mga dumi na mula sa bukid, bahay, eskuwelahan, restawran at sa halos lahat ng establisyemento.
Naging bahagi din ng pagsasanay6 na nabanggit na aktuwal na pagsasagawa o demonstrasyon ng Carbonized Rice Hull (CRH) Production na sinaksihan bilang tapagsanay nina Dr. Virginia C. Cuevas ng IBS-UPLB, Los Baños, Laguna, Ms. Marilou P. Arciaga na kinatawan ng Regional Soils Laboratory-DA-RFU-IV-A, Mr. Richard Romanillos ng Science Research Specialist Phil-Rice, Los Baños, Laguna.
Dumalo din sa nasabing pagsasanay ang ilang kawani ng tanggapan ng panlalawigang agrikultor sa pamumuno ni G. Domingo Mamasig.
Sinabi ni Mamasig na napapanahon ang ganitong uri ng pagsasanay upang matulungan ang mga magsasaka na makagamit ng murang pataba upang mapataas ang kanilang ani at maitaas ang natas ng pamumuhay ng mga magsasaaka sa lalawigan ng Quezon.




2 Reds killed in Bicol clash

CAMP Nakar, Lucena City -- Two communist guerrillas were killed in a 45-minute firefight with Army troops in Barangay San Marcos, San Miguel, Catanduanes at dawn yesterday.

Reports reaching the office of Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Delfin Bangit said the rebels are yet to be identified.

Capt. Leah Santiago, public information officer of Solcom, said the clash occurred at 5 a.m. when a team from the 9th Infantry Battalion were on routine foot patrol.

Santiago said the troops managed to take cover when they were fired upon by some 20 rebels. She said the soldiers retaliated, killing two of the rebels who were forced to widraw.

Troops recovered an M- 16 Armalite rifle and an M-14 rifle, a number of ammunition and subversive documents from the fatalities.

A team of soldiers were dispatched to track down the fleeing rebels.

No comments: