KALIWAT KANAN
NI JET CLAVERIA
Pabango ni Mayor Binay
Biglang nangamoy ang iwinisik na pabango ni Makati Mayor Jejomar Binay nang magtungo siya sa Quezon kamakailan.
Hindi amoy pinipig na bagong bayo…Kundi amo’y ng isang kandidatong presidente.
Sa tema ng kaniyang mga pananalita ay amoy na amoy na.
May sense of humor naman sya, magaling na speaker at mahusay daw na abogado.
Sabi ni bosing Billy, kasi mas kilala yata niya ng personal ito dahil minsan na niyang naging abogado noong nag-aaral pa siya sa Mapua.
Kunsabagay, hindi naman siya magiging ika-apat na pinakamahusay na alkalde sa buong mundo at number one sa buong Asya kung di siya magaling.
Ilang panahon na nga naman itong naging mayor ng Makati,kumbaga kinagisnan ko na nang maging media ako.
Nagtungo siya sa Lucena para sa pagiging sisterhood ng dalawang lungsod.tutulungan daw ang Lucena para higit na kaunlaran nito. Ang galing naman di ba? Syempre kung may naisin ka na kumandidato ay iisip ng magandang paraan.
Kung 16 na city ang binawian ng pagiging lunsod sa Pinas ay tiyak na susuyudin naman ni Binay na magkaroon ng sisterhood sa ibang lunsod bilang target na rin sa kanyang pangangampanya sa 2010.Tama o mali?
Pero kung bilib sila ay hindi pa rin ako bilib sa kanyang mga ginagawa.Lahat daw kasi ng mga pulitiko ay magnanakaw.Opsss…bato, bato sa langit ang tamaan bukol.
Pero kung isa rin si Binay sa mga magnanakaw, mabuti siyang mangupit kasi napaunlad niya ang Makati.Kaya nga kapag nagtatrabaho ka sa Makati ay “totyal “ di ba?sa kalinisan at kaunlaran ,wala nang hihigit pa sa Makati.Kahit ikumpara ito sa Maynila na duro ang squatter area.
Kunsabagay, sabi nga ni Quezon Board Member Alona Obispo ay 20% SOP, kung totoo nga ito ay tiyak na maraming opisyal ang yayaman.Kaya naman pala ipinaglalaban talaga ng patayan ng mga kandidato ,mapalagay lamang sila sa pwesto.Nasa trono pala nila ang minahan ng ginto.Ang tawag sa mga ganito ang mga ginagawa ay makakapal at mukha at mga walang konsensya.
Kung 20% ang standard sa mga komisyon ng isang opisyal di tama rin ang nabalitaan ko na 35 % para sa mga Kongresista.Ay bawasi para naman kay Quezon dela Cruz.
Kaya naman pala ang mga pagawaing kalsada ay sobrang nipis ng mga semento at ilang daan lamang ng mga truck na overloaded ay bitak-bitak na.Yon pala mas malaki ang napapabigay sa mga “commissioner” kesa sa proyekto.At take note.mas malaki ang SOP sa mga opisyal….tsk..tsk..tskk.
QUEZON SAAN KA PATUTUNGO?
Nakakalungkot isipin na ang aking sinilangang bayan ay mahihiwalay na sa lalawigan ni Quezon kung magkakamaling bomoto ng yes ang mga kabalen ko.
Kaming mga taga Bondoc Peninsula ay lalo nang magiging taga-linang kapag napahiwalay ang Quezon del Sur.
Pakiramdam ko imbis na maging sibilisado ay lalong malalayo sa kabihasnan ang aking mga kamag-anak at kababayan.
Iniisip ko kasi, anong halaga na palayain ang Quezon del Sur kung maghihintay pa rin ng mahabang panahon bago ito umunlad.
Saludo ako kay Cong. Danny Suarez ng mapaganda niya ang kalsada sa lupang aking pinagmulan.Kahit mawala siya sa mundo pagdating ng panahon ay nakaukit pa rin sa puso namin at sa mga magsusulputang bagong henerasyon ang kanyang magandang nagawa sa Bondoc Peninsula.Bakit kailangang hatiin pa kung kaya naman palang paunlarin na buo ito.Nanghihinayang kasi ako sa galing at talento ni Congressman Danny dahil naniniwala akong sa kaniyang pagreretiro ay nababagay siya sa pagiging gobernador.At hindi akma sa kanya na pamunuan ang isang maliit na teritoryo lamang,Kawawa ang ibang Quezonian na hindi taga Quezon del Sur kung sakali na naniniwala sa kanyang kakayahan.Tutal naman pagkaraan ng dalawang termino ay tapos na si Gov. Nantes at sino pa ang may kakayanan na pamunuan ang Quezon.Kung magkakaisa lamang ang mga opisyal at magbibigayan .Tapos na ang election sa Quezon.
Saksi ang Kaliwa’t Kanan sa hirap ng buhay sa aming baryo ng mahabang panahon…Noon inaabot kami ng magdamag kapag ang aming sinasakyan ay nabalaho sa daan sanhi ng putik noong walang magandang kalsada.mabagal ang usad ng orasan.
Hindi ba mas madaling maabot ang kaunlaran kung mayroong political will ang isang opisyal.
Sabi ng aking mga paru-parong naglipana sa Quezon…Distrito ang paramihin at hindi Quezon ang hatiin.
Saturday, November 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment