Saturday, November 22, 2008

FIL-AM CONGRESSMAN SA AMERICA/TIAONG QUEZON



CATHERINE LORIA



CONG.STEVE AUSTRIA


Bayan ng Tiaong humahakot ng karangalan
Tubong Quezon, nanalong kongresista sa Amerika
Ni Jet Claveria

Isa na namang may dugong Pilipino ang nagdala ng karangalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Filipino-American na si Steve Austria nang pagwagian nito ang pagiging kongresista sa Ohio USA kasabay ng pagkapanalo ni US President Barack Obama.

Si Cong. Steve Austria ay panganay na anak ng yumaong Dr. Clemente Austria na naging 1st Lt. Veterans naman noong World War 11 at Jean Brockham Austria na taga-Poblacion 3 Tiaong Quezon.

Si Austria ang kauna-unahang Filipino-American na naging kongresista sa America kung kayat todo ang naging suporta dito maging ng mga Pilipino.

Ayon kay G. Diony A. Garcia, tiyuhin ng kongresista, masaya ang buo nilang angkan sa pagkapanalo ng kanyang pamangkin dahil minsan pang pinatunayan na mahuhusay ang mga Pilipino at ang mga taga Tiaong.

Tuwang-tuwa rin umano ang mga Pilipino sa Amerika sa pagkapanalo ni Austria sapagkat anila’y mayroon na silang kakampi at magtatanggol sa kanilang mga pinoy at pinay sa Tate.

Nauna rito, napaulat na mahihirapan si Obama sa kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Amerika dahilan sa kanyang pagiging African –American subalit hindi ito naging hadlang ito upang suportahan siya .

Ganito rin naman ang naging suporta sa isang Filipino-American kung saan sa isang mahusay na pamamalakad ay hindi tiningnan ang dugong nananalaytay sa kandidato,bagkus ay nakita nilang karapat dapat pa nga itong suportahan .

Magugunitang isang tubong Tiaong Quezon pa rin ang nagbigay karangalan sa bansa at sa nasabing bayan sa pagkapanalo naman ni Catherine Loria sa World Champion of Performing Artist kung saan dalawang titulo ang kanyang nakuha . Ang naturang titulo at ang pagiging Junior Championship Performing Artist of the World na ginanap naman sa California.


Si Loria ay 13 anyos na batang Pilipina na nagpakitang gilas sa buong mundo matapos nitong makalaban sa pag-awit ang magagaling na performing artist mula sa 40 bansa sa buong mundo.


Sa pagkapanalo nina Austria at Loria sa kani-kanilang larangan,buong bansa ay ipinagmamalaki sila.

Malaki ang paniniwala ni Loria na buo palagi ang suporta ng Quezon Government sa mga katulad nilang nagbibigay karangalan sa Quezon.

Ito na rin aniya ang unti-unting pagkilala ng buong mundo sa Quezon at natutupad na ang pangarap ni Gov. Raffy Nantes na Pilipinas Quezon naman.

Gayunman, inaasahan din ang suporta ng alkalde ng Tiaong sa dalawang nabanggit na nagdala ng karangalan sa kanilang bayan at hindi ito isasantabi na lamang.

No comments: