Jetline
Ni Jet Claveria
Kaunlaran nga ba?
Tuloy na ang plebesito sa hati Quezon.
Lalabas kaya ang mga Quezonian para bumoto sila ng kanilang gusto? Iboboto ba nila ang pagpabor o hindi na mahati ang lalawigan?
Isusulat ba nila sa balota ang kanilang nasa puso o dikta lamang ng pera na bigay ng mga pulitikong may pansariling interest?
Ang magiging resulta ba ng plebesito ang magbibigay ng tunay na kaunlaran sa Quezon?
Paano kung magkamali ang mga taga Quezon ng pagpasya sino ang kanilang sisisihin?
Kaya bang ibalik pa ang kanilang naging desisyon?
Maraming tanong….maraming sagot…ngunit alin ang tama?
Si Governor ba? Sina Congressman ? sina mayor o ang mga taong magpapasya? Ito ba’y mula ba sa puso o mula sa bulsa?
Ang paghahati nga ba ng Quezon ay para sa pagmamalasakit at kaunlaran o para linlangin ang ating mga kaisipan?
Huwag daw pakialaman ang mga opponent dahil tao daw naman ang magpapasya?
Huwag daw kaawaan ang Quezon del Sur at bigyan daw ito ng laya….Nakakulong ba?
Dapat na maging mapanuri at mapagmatyag ang mga mamamayan.Pakiusap ng mga matitino sa Quezon,gamitin ng tao ang isip sa pagpapasya at hindi ang dikta ng mga naghahari-harian sa Quezon.
Laging dapat na isipin na ang mga pulitiko ay hindi habampanahon na nakaupo sa kanilang trono subalit tayong mga taga Quezon ay habang panahon na taga-Quezon.
Hahayaan ba natin na mapagbigyan ang kanilang mga kapritso para lamang sa kanilang mga pansariling interest.
Pagkatapos ay mga walang mukha sa kanilang tunay na paninindigan at nananangan na lamang sa utos ng kanilang mga hari na tumutulong kuno sa panahon ng eleksyon.
Anong mananalo ang “yes ba o ang No” ?
Kaibigan magsuri kang mabuti….iginagalang ang desisyon ng bawat isa subalit isiping mabuti ang isusulat sa balota dahil dito nakasalalay ang ating pagiging isang Quezonian, ang ating minimithing kaunlaran.
Dapat nating isipin na kung sakali bang mahati ito ay kaagad na makakamit natin ang kaunlaran o mahabang panahon pa rin ang gugugulin at hihintayin ?
Kung sakali ba na hindi mahati ang Quezon, may pag-asa pa ba tayong makakamit na kaunlaran na ating minimithi?
Napakahalaga ng kahalalan ng bawat isang Quezonian na lalabas at boboto kung matutuloy ang plebesito subalit kung papayagan natin na lamunin tayo ng mga gutom na buwaya, mamamatay kang walang kalaban-laban?
MAYOR BINAY
Naimbitahan ang PTA Federation at iba’t ibang sector ,gayudin ang media sa isinagawang forum patungkol sa Mutual Cooperation na isinagawa sa Mug CafĂ© sa Pacific Mall kamakailan.
Bagama’t late ang Jetline ay narinig naman ang mga ipinahayag ni Makati Mayor Jejomar Binay ng konti.Hindi kasi masyadong marinig sa pwesto namin ang mga sinasabi sa unahan dahilan sa mahina ang sound system.Sabi nga ng mga katabi ko sayang naman hindi maintindihan.
Pero bilib na bilib sa kanya ang dalawang media na nakausap ko si Bosing Billy at si Belly.Matalino daw talaga ito ang magaling magsalita at take note hindi masyadong kurakot ,kaya naman hindi daw kataka-takang maging ika-apat sa mga pinakamagaling na Mayor sa buong mundo at maging number 1 sa pinakamahusay sa buong Asya.
Sabi nga ni Bosing Billy, noong magkaroon silang magkaklase ng kaso sa Mapua ay si Binay ang kanilang naging abogado at wala silang ibinayad dito.
Isang patunay lamang na makatao at hindi naghihintay ng kabayaran sa makatulong lamang sa kapwa.
Kaya naman pala hindi kataka-takang makasama siya sa pinakamahusay na Mayor sa buong mundo.Hindi kurakot.
Kayganda bagang pakinggan na ang mga opisyal sa Pilipinas ay magagaling sa kanilang mga programang pantao kesa naman sa mga programang pansarili nilang interest lamang.
Ang ipinunta niya sa Lucena ay para sa sisterhood…Tulungan ang Lucena upang higit na mapaunlad ito?
Pero mukhang nangangamoy Presidente ang pabangong iwinisik ni Mayor Binay sa Quezon.
POST OFFICE SA SM LUCENA
Mukhang sumisigla ngayon ang Philpost sa Quezon at nagkaroon ng isang makabangong gimik.Sabi ni Celine mayroong one stop shop ito.Maganda ang naisipan nilang ito upang mabuhay ang bumagsak na isang departamento ng gobyerno.
Nang maglabasan nga naman ang iba’t uri ng cellphone at naging “In “ ang mga text messages at parang nabalewala ang Post Office.
Kasi daw naman, ang mga sulat ay napakatagal dumating samantalang kapag text ay ilang minuto lamang lalo pa’t walang aberya ang network na mga ginagamit ng mga cellphone user.
May mga pagkakataon pa na hindi kaagad nakakarating ang mga sulat sa paroroonan dahil natetengga sa post office.
Madalas maging biktima ang Jetline dahil minsan ay mayroon hearing subalit dumating ang notice ay lampas na sa takdang petsa.Ang katwiran ng postmaster ay iniipon pa para sa lugar na iyon.Ganon ba talaga?
Ibig bang sabihin ay naghihirap ang post office at inalisan na rin ng budget para sa mga gagamitin sa pagdedeliver.
Aba’y hindi lamang pala pulis ang nauubusan ng gasolina pati pala post office.
Ngunit sa isang banda ay maganda ang naisipang ito ng Post Office ngayong kapaskuhan.
Ipinakikita lamang nila sa taumbayan na andyan pa rin sila kahit na laganap ang madadaling communication.
Hindi nga naman maaring mawala ang post office dahil kailangan talaga ito.Kaya nakakatuwa ring marinig mula sa kanilang opisina na masisipag ang kanilang mga kartero sa pagdadala ng mga sulat kahit na nga sa mga liblib na lugar.
MGA BATA PASASAYAHIN NG SM
Make a child happy…ngayong ilang araw na lamang ang nalalabi at malapit na tradisyunal na kapaskuhan, magiging fiesta ng mga bata sa kalye.
Kaya naman tulad ng dati katuwang ang SM Lucena at SM Foundation ,gayundin ang Toy Kingdom sa pagpapasaya sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga mumunting regalo bilang pamasko sa kanila.
Hindi katulad ng Jetline, noong maliit akong bata ay hindi ako nakaranas na magkaroon ng manika at mamahaling laruan.Natatandaan ko noon ay naggugupit na lamang ako ng cartoon na korteng manika at gayundin ng mga papel na korteng damit at kinukulayan ng iba’t ibang kulay.Masaya na ako non.Kaya palagi kong sinasabi sa tatlong anghel ng buhay ko na masuwerte sila at magaganda ang mga laruan .Swerte rin si Wisdom dahilan sa sanggol pa lamang siya ay may nakalaan ng magagandang laruan para sa kaniya mula sa mga tita’s niya.
Kaya naman si Celine ay kinukulit na ang kanyang kumareng Ayra para sa kanyang gustong manika.Gusto niya para sa baby niya.(hehehe)Mabuti na lamang at dalagita na si Shaira kaya di na bagay ang manika sa kanya.
Masarap maging bata…walang problema at normal ang buhay…Salamat at mayroong SM na laging katuwang ng lahat, bata,matanda, may ngipin at wala….Napapasaya nila.
Saturday, November 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment