Saturday, December 13, 2008

BOKAL NG BAYAN NI BILLY ANDAL

BnB Dec 15 – 16 ‘08
GMA in pain?

Last Thursday, President Gloria Macapagal Arroyo was in Barangay Concepcion, Sariaya Quezon. Arriving by a tourist bus, she went directly to the stage especially prepared for the inauguration of the Quezon Livelihood and Livelihood Center (QLLC) and graduation of about 1,000 TESDA sponsored technical-vocational trainees.

The QLLC is a noble private and voluntary undertaking by a group of successful Quezonians; comprising the past and current government officials in the civilian and uniformed services and from different professions and businesses known as Quezonians 1923, Inc. To be more effective and fruitful in it’s mission, the group headed by Gentleman President Charlie Alejandrino tied up with TESDA.

This elite Quezonian grouping is doing good and the Tek-Bok trainee-graduates will help improve the lot of our kababayan in the province. QCCL deserve our support to keep goin for this country.

Before taking her seat, GMA stood for a moment to smile and wave to over 1000 people, mainly graduates and local officials including police and military officers.

Solcom chief Gen Delfin Bangit and PNP Region IVA Director Ricardo Padilla who both appeared in good mood exchanging pleasantries with the national and local media practitioners, came well ahead of the President.

Seated right beside Quezon 2nd district rep Procy Alcala, GMA seemed to listen to what the congressman was talking about, It was obvious, though, that the Chief Executive was looking too far and away.

What’s in her mind, we don’t know. While she was with the Quezonians physically on that rainy Thursday afternoon , her looks does not show GMA is. The President appear sad, gloomy. I saw no glitter in her eyes, except perhaps when she was leaving, already in the bus, waving good-by to us which I caught on my Carl-Zeis lens. GMA in pain, could be, I really don’t know.

We can only speculate that she is either bothered by the political and economic crisis and perhaps, the legitimacy issue confronting her. I could be wrong, of course.

I am not a fan of GMA. Until when? I can’t tell, perhaps, time would. Or, undoubtedly, when she becomes the opposite of how I see and perceived her to be. Setting that aside,
I am worried for the President irrespective of whether she is illegitimate for some or not.

SENATE VS HOUSE OF REP

The Senate for the first time in history that I know of had never been as solid as it is last week when all 23 senators voted against the Con-Ass proposal of the Arroyo dominated House of Representatives. With that, the tit-for-tat battle for supremacy between to equal parts of Congress in the effort of the Lower House majority to effect changes in the Constitution is now unfolding before us.

By forcing the issue that altering the basic law could be possible by a constituent assembly with the Upper and Lower House voting altogether as one and not separately, Malacanan’s mercenaries at the Batasan aims to bring the matter to the Supreme Court for resolution or intervention.

Sen. Kiko Pangilinan was saying that even a freshman in law school knows that the manner by which the House would want amendment to the Charter is unsconstitutional. We agree, of course, with Rep Luis Villafuerte that only the Supreme Court can officially decide on the constitutionality of any legal issue. However, there are issues or actions which need no doctors in law to be able to determine whether it is violative of the Charter.

Never had it occurred to this nation that legislation can be made possible as the mercenaries insist, with just the Lower House as Congress. As we all know, Congress is the House of Representatives and the Senate of the Philippines. To pass a law, the bill has to pass both the Senate and the House. Even the change of towns names require approval of both Houses. Why the Palace’ Batasan mercenaries stubbornly wants to do on their own singly manifest their total and full disregard to our established norms in legislation and who would arrogate unto themselves the right and power which never belongs to them.

It has never been like this before. While there were pawns of the Palace in the House of Representatives in the long past, never had it so gall that Villafuerte and his co-mercenaries would go this far.

Other than the Batasan of Marcos time, the 14th Congress is the worst. At cost to them and to most governors and mayors, four successive impeachment complaints had been dumped thereby setting aside the only legal opportunity to hear allegations of thievery, human right violations and maladministration.

Of course, it’s not gonna be forever.

PLEBISCITE TO SPLIT QUEZON

The plebiscite results to split Quezon clearly indicated a trend of rejection as of presstime. By the time you’re reading this paper, it is possible that the results, province-wide are already known though proclamation may not be possible unless the Supreme court TRO is lifted.

It was expected that both parties from the Yes or No camp would exert every effort and resources to achieve the desired goals.

As usual, the political exercise was indeed one. Political reformists hope the matter should have been one on the issue but it never came. The fight for people’s vote became two against two among the political giants of the province. I mean between the camp of Governor Raffy Nantes and Rep Mark Enverga versus Reps Erin Tanada and Danny Suarez who was the aggressor in pushing for the break-up of united Quezon.

In the 2nd district or in Lucena, in particular, the Talagas and the Alcalas refuse to slug it out. Alcala failed to counterpunch against Mayor Talaga’s offense. Instead, the congressman preferred to remain mum on his stand. The people expected guide from their leader, in vain.

People now perceive the representative as wanting a real creation of Quezon del Norte as he argued consistently during the campaign that he’s done with it. Meaning, he already authored the law that creates Quezon del Sur. While Atty Euclides Forbes is for a split, my lawyer and friend wouldn’t want to come out on his Yes stand for fear that people may construe that it is what his client Alcala is campaigning for.

Easy now to say Alcala wants a new kingdom as Talaga is. Perhaps either one of the two political king in the area thinks the 1st and 2nd district are easier political expanse for power grab.

Unfortunately, assuming (from the word ass) in the unlikely event that the minisculed Quezon comes to place, there are other political jades difficult to bear with. Expectedly, Nantes and the Envergas would not allow themselves not to be the principal actors.

Political forces in the next elections will have a very good issue on leadership failure against the solon on a very critical issue of splitting Quezon. It would be easy to say Alcala cannot make up his mind and decide when critical issues are on hand.

NBI in QUEZON

Since when has the NBI become server of subpoena? I don’t know but a certain Toledo and a group of heavily armed men claiming to be Quezon NBI elements went out of their jurisdiction to Blumentritt Sta Cruz Manila to deliver one letter from a vested party to a market vendor. Employing overwhelming force, the poor meat vendor was pressured to receive and signed the document against his will.

Since when did the NBI become messengers?

Can you tell us Mr Nelson Mantaring? Are this condone in your office? Governor Nantes is not aware yet of this and will not allow one of his constituency from Bignay Sariaya, making a living in Manila to be forced at gunpoint just to sign a document.

No one it his right mind would think Toledo would do it for a song.

Brgy. concepcion Sariaya Quezon




GMA, REPS ALCALA AND ENVERGA President Gloria Macapagal Arroyo showed up to inaugurate the Quezon Livelihood And Learning Center. With her are Reps Procy Alcala who seems curious on something while Congressman Mark Enverga is looking somewhere. Billy L. Andal



Ang pagdating ni PGMA sa Brgy. concepcion Uno Sariaya Quezon

NO HATI QUEZON

Quezon buo pa rin
Batay sa mga partial unofficial tallies, No, bandera sa plebisito

Mananatiling buo pa rin ang lalawigan ng Quezon batay sa mga partial at di-opisyal na mga bilang na lumilitaw hanggang sa sinusulat ang balitang ito. Maaga pa lamang, nagpakita ang lahat ng apat na distrito ng lalawigan ng botong batay sa tantos ng tuos ay 80-20 pabor sa botong No sa plebisitong isinagawa nitong nakaraang araw ng Sabado.

Ayon kay dating Mulanay Mayor Tito Ojeda, ‘irreversible’ o di na mababaliktad pa ang ‘trend’ na ipinakikita ng mga naunang tally ng mga boto mula sa 40 bayan at 2 lunsod. Aniya ay mahirap ng mahabol pa ang angat sa bilang ng botong kontra sa Hati-Quezon sapagkat mismong sa inaasahang balwarte ng mga Suarez at Tanada na ikatlo at ika-apat na distrito ay buhos ang botong No kaya’t paano pa maipapanalo ang nais na paghati ng lalawigan.

Sa lunsod ng Lucena kung saan ay aktibong nangampanya si Mayor Ramon Y Talaga para hatiin ang probinsiya, kumain din ng alikabok ang Yes sa tantos na 70 – 30 boto. Gayunman, kaagad na nagpkita ng kababaang loob si Mayor Y. Ramon Talaga Jr. sa pagsasabing sa bawat labanan ay mayroong natatalo at panalo.

Lumilitaw na mas naniwala ang taong bayan sa mga paliwanag ni Gobernador Raffy Nantes keysa sa Obispo ng Lucena na ginamit ang pulpeto para isulong ang hati-Quezon, ayon sa obserbasyon ni dating Bokal Billy Andal. Kung tutuusin ani Andal, dapat ay nakaungos si Marquez ng malaki dahil sa nauna at matagal itong nangangampanya samantalang hindi kaagad nakalahok si Nantes sa pagpapaliwanag sa bayan-bayan dahil sa abala ang gobernador sa mga proyektong panlalawigan.

Idinagdag pa nito na ang resulta ng botohang pumabor sa pananatiling buo ng Quezon ay manipestasyon na ginagawa ng tama ni Nantes ang trabaho niya sa probinsiya sapagkat kung hindi, iba ang resulta ng halalan.

Nasiyahan naman ang mga tao at nawala ang kaba sa dibdib dahil sa RA 9495, ang batas na maghahati sa lalawigan. Mabuti naman at mananatiling Quezon ang probinsiya natin, masayang sambit ni Larry Lontok, isang artista sa larangan ng paglililok.

Sinikap ng pahayagan na makuha ang panig ng mga Suarez at Tanada at ni Nantes ngunit nakasara ang mga mobile phones ng mga ito.
Please read....

NEWS IN QUEZON

Panunuluyan sa SM Lucena, hinangaan ni Mayor Talaga
nina King Formaran at Babes Mancia
Sa pamamagitan ng Lucena City Council for Culture and the Arts at ng Soroptimist International Lucena Chapter, matagumpay na naipamalas sa mga kabataan at sa mga mamamayan ang talento ng mga mahuhusay sa larangan ng musika sa isinagawang Panunuluyan sa SM City Lucena noong Huwebes ng hapon sa Entertainment Plaza dito.
Labis na pinasalamatan ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr. ang bumubuo ng Soroptimist Int’l sa lungsod dahil sa patuloy na pagsasagawa nito ng Panunuluyan na matagal na umanong ipinapalabas sa Lucenahin bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ang Panunuluyan na kinatatampukan ng mga programang musikal ay nakabase sa naging buhay ng Dakilang Lumikha at kung ano ang hiwaga ng Pasko sa buhay ng mga tao.
Ayon pa sa alkalde, mahalaga ang ginagawa ng Soroptimist Int’l dahil sa kabila ng pinagkakaabalahan ngayon ng mga kabataan ay nahihikayat pa ng mga ito na gumawa ng isang programa upang makita ng karamihan ang talento ng mga ito at ipinadadama din sa pamamagitan ng mga awitin ang diwa ng Pasko.
Ayon kay Mrs. Mila Carlos, ang Panunuluyan ay matagal na nilang ginagawa at ninais nila ito ngayong ipakita sa publiko sa pamamagitan ng SM Lucena.
Ang Panunuluyan ngayong taon na tinawag na Christmas Music and Arts Celebration na kinatampukan din ng Christmas Painting Contest, Parol Making Contest at ng Musical Parade sa loob ng nasabing mall.
Ilan sa mga nakiisa na choir group sa nasbaing aktibidad ang Maryhill Choir, Sacred Heart College Violin Ensemble, Manuel S. Enverga University Foundation Concert Singers at MSEUF ChamberWinds na ang tumatayong Band Master ay si Mr. Erwin Rolle.
Naging matagumpay ang Panunuluyan sa suporta na rin mga miyembro ng LCCA, Ms. Chuchay Marasigan, Overall Coordinator, Konsehal Benny Brizuela, Mr. Felino Tañada bilang Artistic Director, Mel Abadilla bilang Musical Director, Mignon Tan bilang Parade Director, Juliet Villanueva bilang Finance Officer, Lumen Avena at Maria Abulencia bilang Contest Chairmen, Marvin Fuentes sa Documentation, Leo Lagos at Donna Rodriguez na tumayo bilang Secretariat at sina Lilibeth Azores, Amy Balagtas at Tita Baronia bilang mga DepEd Coordinator.

Sinaksihan din ang pagtatapos ng 1,009 na “TEK-BOK” trainees
Pangulong Arroyo, nanguna sa inagurasyon ng QLLC
nina Lyn Catilo at King Formaran
Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang isinagawang inagurasyon ng bagong Quezonian Livelihood and Learning Center (QLLC) sa bayan ng Sariaya noong Huwebes ng hapon na pinaniniwalaang malaki ang maitutulong sa pagtamo ng tamang kaalaman ng karamihan na magigiging sandata ng mga ito sa magandang bukas.
Isa sa advocacy ng Pangulo ng bansa ay ang matiyak na mabigyan ng mga livelihood programs ang mga mamamayan partikular na ang maralitang pamilyang Pilipino.
Ayon kay Don Ado Escudero, QLLC Chairman, ang nasabing learning center ay nagkakaloob ng may labing-apat (14) na livelihood and learning program na kinabibilangan ng mga kursong dressmaking, welding, massage therapy, bakery at pastry production, housekeeping services, food processing, cosmetology at crop at animan production.
Ang QLLC ay bagong katatayong two-storey building na nakatayo sa may isa’t kalahating ektarya ng lupain sa Barangay Concepcion I, Sariaya, Quezon.na naglalayong matulungan ang mga maralitang mamamayan na matulungang umangat ang pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t-ibang pagsasanay na matututunan dito.
Dito din aniya, ayon pa sa panayam kay Escudero, ang mga estudyante ay sasailalim sa “hands-on training” laluna sa mga kursong cosmetology, computer technology at mga agricultural courses upang ang mga ito ay higit na magkaroon ng kasanayan na kailangan oras na sila ay magtrabaho.
Maliban sa inagurasyon ng QLLC, sinaksihan din ni Pangulong Arroyo ang naging pagtatapos ng may 1,009 na mga estudyante ng QLLC na matagumpay na natapos ang kani-kanilang kursong napili.
Sa isang panayam naman kay Quezon 2nd district Cong. Procy Alcala, sinabi nito na malaki ang naitutulong ng QLLC sa kanyang mga kadistrito lalo’t higit sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral na ngayon ipinagpapatuloy gayundin sa mga ngayon pa lamang mag-uumpisa na mag-aral para sa nais nilang kurso na mayroon sa QLLC.
Si Alcala, bilang isa sa masugid na nagbibigay ng magagandang proyekto at programa sa kanyang mga constituents ay naniniwalang ang QLLC ay isa ding solusyon sa mataas na matrikula sa mga pribadong paaralan. Sa pamamagitan aniya nito, matutupad ang pangarap ng karamihan na makapag-aral.
Isang malinaw itong halimbawa, ayon pa sa mambabatas na ang administrasyon ni Pangulong Arroyo ay patuloy na inilalapit sa mga mamamayana sa pamamagitan ng mga programa.
Kaugnay nito, nilibot ni Pangulong Arroyo ang loob ng QLLC tulad ng computer, demonstration at training rooms.
Ang QLLC ay itinatag ng Quezonians 1923, Inc., isang social organization ng mga estudyante, professionals at ng mga naninirahan sa Quezon Province.
Ang Quezonians 1923, Inc. ay nagkakaloob ng edukasyon, job skills training at iba pang programa sa mga karapat-dapat na pagkaloobang kabataan.
Ang ginawang pagtungo ni Pangulong Arroyo sa Quezon noong Huwebes ay naging matagumpay sa pamamagitan na rin ng pagsuporta ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan, Quezon National Agricultural School (QNAS), tanggapan ni Cong. Procy Alcala at ng QLLC.

KALIWAT KANAN

KALIWA’T KANAN
Ni Jet Claveria


Kaek-ekan ng pulitiko( Si Aling Vivian)

Bago ako lumawig sa aking kolum nais kong magpasalamat sa mga nagte-text at nag-e- email na nagbabasa ng Kaliwa’t Kanan.Kay ex-Mayor Tito Ojeda ,kasama niya sa pagkakape niya ang pahayagan .Sa mga kaibigang natutuwa at ilang nagagalit sa mga nakukurot ng ating kolum.


Maraming nakakausap ang Kaliwa’t Kanan patungkol sa sinasabing mga ginagawang kaek-ekan ng mga pulitiko sa isyu ng “yes at no” sa hati Quezon.

Ito ang kalimitang maririnig sa karamihang taga Quezon at mga taga ibang probinsya .Pareho lamang daw naman ng katwiran ang mga pulitikong pumapabor at tumututol sa paghahati ng lalawigan.Ito ang lumalabas bibig ng ilang mga opisyal na nakakakwentuhan ng kaliwat kanan sa pag-iikot sa Calabarzon.

Dami nga daw naman dapat na pagtuunan ng pansin sa pagpapa-unlad bakit paliliitin ang Quezon .

Syempre sa harap ng mga tao pabor sa tao ang ipangangalandakan pero sa isang panig nito andoon ang kanilang mga political interest.Ang kanilang mga ambisyon sa kanilang mga political career.Kaya sila nagkakagulo at gagawin ang lahat maipanalo lamang ang kanilang ninanais.

Ibig sabihin hindi para sa tao kundi sa kanila lamang.Tama ba ang aking sinasabi Aling Vivian.

Kaek-ekan lamang daw sabihin na para sa tao ang kanilang ginagawa kaya hindi pabor at pabor ang ipinahahayag ng mga ito sa isyu ng paghahati ng lalawigan ng Quezon.


Itong si Aling Vivian ,isang simpleng mamamayan,subalit subaybay niya ang ikot at galaw ng mga pulitiko sa bansa , lalo na sa lalawigan ng Quezon.

Natawa nga ako (isa sa naimbitahan ng Rotary) ng biglang sumigaw siya ng “yon” kaya nagkatawanan…. Nang magtanong si Nida Junco sa isang forum ng Rotary sa resource speaker na si Cong,. Erin Tanada, na kung sakali bang magkaroon ng Quezon del Sur ay ito na ang simula ng daynastiya ng mga Suarez at Tanada?Syempre takip ang Congressman sa kaniyang pagpapaliwanag.Ngunit bukas ang kanyang panig na pumapayag siyang maging gobernador kung ilalagay siya ni PGMA.


Isa ang Kaliwa’t Kanan sa bumibilib kay Cong. Erin sa Kongreso,siya lamang daw kasi ang nag-iisang legislator sa Quezon.Tanong ko nga kay kabise ,bakit? Ito lamang daw ang may boses sa mga kongresista sa Quezon.Talagang purong sa batas lamang na ikagagaling ng Quezonian ang kanyang pinaninindigan.Kung project nga naman ang kaniyang pagtutuunan ng pansin ay wala ng gagawin ang gobernador at mga mayor hanggang maliliit na opisyal ng barangay.

Siya kasi ang congressman na hindi nakikialam sa mga proyekto sa kanyang distrito.Pondo lamang ang kanyang mga ibinibigay.Kaya nga naman mayroong District Engineer na ito ang namamahala sa mga proyekto.Hindi yata alam ni Cong. Erin ang salitang komisyon at SOP ano po Bokal Alona?

HATI O HINDI

Sa paghahati ng Quezon ang nakikita lamang daw ng pabor sa pagkakaroon ng Quezon del Sur ay ang tatamasahin pero ang pagkakautang ay iiwanan sa Norte.Totoo ga yon?

Nakakatuwa ring kakwentuhan itong si Bokal Gelo,pabor kasi siyang mahati ang Quezon,sabi ko nga halimbawang isa siyang malaking negosyante na nais na maglagak ng puhunan saan siya maglalagay sa Quezon del Sur o sa Norte.ang bilis ng sagot niya sa Norte daw…eh pano ang del Sur, eh pasensya sila ,ginusto nila na magkaroon eh…Gets nyo!

Ang karamihan sa mga taga Lucena ay walang pakialam sa kung magkaroon man ng Quezon del Sur .Kasi daw hindi naman apektado ang Lucena kung sakali na mahati ito sa dalawa.GANON!


Sa isang matalinong mamamayan,wala daw namang ibang iisipin…yon na!

JETLINE NI JET CLAVERIA

Forum ng media sa SM City Lucena

Tunay na nakatuwang panoorin at pakinggan ang mga mamamahayag na mayroong kaniya-kaniyang prinsipyo at paniniwala subalit pagdating sa karapatan ng tungkulin ay nagkakaisa at nagkakasama-sama.

Nakakalungkot nga lamang dahil marami pang mga mamamahayag sa Quezon ang hindi alam ang batas na kikitil sa karapatan ng malayang pamamahayag kung tuluyan itong ipapasa sa Kongreso at Senado.

Tama lamang ang ginawa ni Quezon Publisher Association President Billy Andal na pangunahan at hikayatin ang bawat grupo ng media sa Quezon na sama-samang labanan ang kung tawagin niya ay “killer bill”. Ang Right of Reply na ginagawa umanong “tanga” ng nasabing batas ang mga mamamahayag dahil sa una pa lamang ay alam na ng media na dapat bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ng dalawang panig ng tinalakay,subalit sa batas ay kailangan pa umanong diktahan ang sinumang bumatikos o tumalakay at utusan na kaagad itong sagutin.Sa batas ay nakalagay din na kung gaano kahaba ang isinulat at kung saang program ay dapat don din sinasagot at kung di kaagad magawa ay kailangang magmulta ng P200,000.00 ,tapos ay suspension ng operation ng radyo, telebisyon at publication at sa susunod ay kulong na.

Maganda ang naging forum na isinagawa sa SM, nakita na ang anumang grupo ng media ay maaring maging isa sa aspeto na ang nakataya ay panggigipit sa malayang pamamahayag.
Iba’t ibang suhestyon ang dapat umanong gawin upang tuluyan nang ibasura ang batas kung kaya’t kagyat na gumawa ng isang manifesto na nilagdaan ng iba’t ibang grupo at individual upang i-lobby sa apat na kongresista sa Quezon para sa Kongreso at pagkatapos ay sa Senado.

Sa kabuuan kahit pasaway si Belly ay naging masaya ang forum at higit sa lahat ay nalinawan ng mga media sa Quezon ang tinatahak ng kanilang ginagawang tungkulin at nalaman nila ang kanilang dapat na gawin bilang isang mamamahayag.

Nagpapasalamat din ang Quezon Publisher Association kay Tita Beth Azores, kay Sir Jayson Terrenal, kay Ms. Mildred de Castro at kay Jen ,syempre sa SM City Lucena sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga programa na isinasagawa ng mga mamamahayag sa Quezon.

Gayundin ang Team Energy na kungdi dahil sa kanila ay hindi makakarating ang magaling na resource speaker na si Ms. Yvonne T. Chua, isang professor ng Journalism sa UP,Investigative Journalism at kilalang batikang media na nagsimula pa noong panahon ni president Marcos.

Sa Transco na nagbigay ng di malilimutang remembrance sa naging Guest Speaker at Coca Cola Bottling Co. na nagbigay katuwaan sa media ang kanilang ipinadalang token para dito.

Syempre sa Solcom na sinasabing lagi silang nakasuporta sa mga media upang higit na makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga mamamayan.

Salamat din sa pangulo ng CNPC Gemi Formaran, NUJP Sonny Mallari at QTMG Noreen Villalva-Hoffman sa kanilang pakikiisa at pagpapadalo ng kanilang mga myembro ,gayundin sa mga individual na media na nagpakita ng sigasig na ibasura ang “right of reply bill”.


PTA INDUCTION SA MUGCAFE


Congratulations sa lahat ng mga nanumpa bilang mga officers sa district at PTA Federation sa lunsod ng Lucena.

Gayundin kay Mr. Marvin Fuentes PTA Federation President kung saan naging masigla ang mga guro at magulang na dumalo sa nasabing pagtitipon.

Kaya naman maging si Mayor Ramon Talaga Jr. ay nakisaya at nagbigay ng papremsyo sa mga distritong magaling sumayaw.

Marami ring umatend sa panig ng Highschool ,dumalo ang masipag naming principal si Ms. Villaruel na hindi naging KJ sa kasayahan at ang President si Mr. Rivera na siyang nahalal bilang Vice President ng PTA Federation.

Nagpakitang gilas din sa pag-awit ang pangulo ng distrito si Tita Fanny (ang galing pala niya kumanta).

Naging mapalad din kaming mga officers dahil naging panauhin din naming ang ikatlong Pilipino na nanalo sa pagkanta sa ibang bansa sa ginanap na World Champion of Performing Artist Catherine Loria.

Nakisaya rin si Cong. Mark enverga na napapabalita na mag vice governor kapag di nahati Quezon at Governor naman kapag nagkaroon ng Quezon del Norte.

YES HATI

Sabi ni Mayor Ramon Talaga Jr. hindi siya nangangampanya sa “yes” pero nakikiusap siya sa mga magulang at guro para sa paghahati ng Quezon.
Ang katwiran niya kaya pabor siya dito ay upang matulungan ang mga rural areas.


NO HATI


Kasama pala ni Gov. Raffy Nantes sa hindi pumapabor na mahati ang lalawigan ang mga nagdaang governor ng Quezon.Maganda ang kanilang mga binitiwang salita ng ipakita at iparinig nila sa taumbayan na ginanap sa Convention Center ang kanilang pagtutol.
Sabi ni Gov. Nantes, may mali daw sa batas kaya tutol siya.Baka daw mapagaya sa bill na sinuportahan niya tungkol sa pagiging city ng Tayabas subalit binawi ulit makaraan ang ilang panahon dahilan sa hindi pala maari itong maging syudad dahil kulang sa mga requirements.

PARANG ELEKSYON DIN NG PULITIKO

Ang gaganapin din palang plebisito ay parang sa eleksyon din ng mga pulitiko na nais na maluklok sa kanilang pwesto.May mga bayaran din…..Pera pa rin ang isusulong para makamit ang victory nila…Tulad sa pagkakaroon ng Quezon del Sur.Mayroong mga pulitiko na magbabayad tiyak ng “yes” at meron din sa “no” upang ito ang suportahan o kanilang iboto.Kaya minsan ang mga mamamayan na hindi nagagamit ang kanilang kahalalan bilang tao ay parang robot na sunod na lamang ng sunod sa naisin ng nag-ooperate sa kanila.



Please read....

PTA Federation

PTA Federation balik sigla talaga
NI Jet Claveria

Pinangunahan ni City Mayor Ramon Talaga Jr. ang induction of officers and acquaintance party ng PTA Federation na isinagawa sa Mug Café Pacific Mall Lucena City.

Ayon kay PTA President Marvin Fuentes, ang oathtaking na isinagawa ay isang magandang simulain upang magkaroon ng higit na ugnayan ang mga magulang at guro sa mga paaralan.

Sinabi naman ni SP Sec. Ernesto N. Jalbuena co-Founder ng LCPTA, sa muling pagsigla ng PTA Federation ay nangangahulugan na magkakaroon ng tinig ang bawat magkabilang panig sa anumang mga suliranin o dapat na gawin sa mga paaralan.

Nagbigay rin ng mga mensahe sina Bokal Romano Talaga at Konsehal Romano Talaga na anila’y ito nang muli ang simula ng magandang ugnayan ng mga magulang at guro sa bawat eskwelahan sa Lucena.

Naging panauhin din sina Konsehal Felix Avillo, Amer Lacerna, Willie Asilo at lahat ng mga punong guro sa North, West, South East, at Highschool.

Nasiyahan naman si Mayor Talaga, sa PTA federation balik sigla talaga, sapagkat napag-isang muli ang mga magulang at mga guro sa lunsod ng Lucena .Higit na mapapataas ang antas ng edukasyon sa pagbabalik sigla sapagkat mapagtutuunan ng pansin ng PTA ang mga dapat pang gawin sa pagpapa-unlad ng karunungan ng kanilang mga anak.

Tuwang-tuwa rin si mayor ng magbigay ng masiglang awitin ang special guest na 13 taong gulang na batang taga Quezon na nagwagi ng kaniyang talento sa ibang bansa.

Tinalo ni Catherine Ilagan Loria ang mga performing artist sa 40 bansa kung saan nakuha niya ang 2 pinakamataas na titulo ang Junior Grand Championship at Grand World Championship Performing Artist 2008.

Naging lalong masaya naman ang ikalawang yugto ng programa sa dancing contest ng mga magulang at guro mula sa mga distrito.

Lalo na nang magbigay ng cash price si Mayor Talaga na lalong nagpasigla sa bawat grupo.

Habang umiindak naman ang bawa’t isa ay dumating naman si Cong. Mark Enverga na nagpamalas din ng galing niya sa pagsayaw sa gitna ng mga guro at magulang.

Kaugnay nito,umaasa ang mga magulang na matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa bawa’t school lalo na sa pagpapataas ng antas ng karunungan sa pag-aaral.

BOKAL GERARD ORTIZ 4TH DISTRICTOF QUEZON


COMMERCIAL MODEL: Ito ang bukang bibig ng mga taga-ika apat na distrito ng Quezon sa billboard na ito ni Bokal Gerald Ortiz.Hindi nila maintindihan kung model siya ng “barong” o ano .Mas magiging tanggap pa marahil sa mga mamamayan kung ito’y isang slogan na hihikayat sa kaniyang mga kadistrito upang mas umangat ang kanilang pamumuhay.Alam na umano nilang magandang lalaki ang kanilang Bokal pero hindi naman marapat na ipagpagawa pa ng mga billboard na katulad nito na wala namang katuturan. Jet ClaveriaPlease read....

NO HATI QUEZON


Please read....NO TO 'HATI QUEZON' . Leaders and provincial government employees of Quezon led by Gov. Rafael Nantes (7th from left), Vice Gov. Kelly Portes (4th from left) and former Gov. Eddie Rodriguez (8th from left) flash their thumbs-down sign during their meeting Nov. 26, 2008 at the Quezon Convention Center in Lucena City to express their resounding "No" and strong opposition to the proposed division of Quezon into two that will be decided in a plebiscite on Dec. 13, 2008. Others in photo are Lopez Mayor Sonny Ubaña, Tiaong Mayor Raul Umali, San Antonio Mayor Ariel Wagan, Macalelon Vice Mayor Pacita Baretto, 1st Dist. Board Member Alona Obispo, 4th Dist. Board Member Derick Magbuhos, Quezon ABC president Macario Bongaling, provincial administrator Aris Flores, Prosecutor Diony Butonera, Mercy Pornela and Ryan Maminta. About 27 out of 41 Quezon mayors have already signified their "No" stand. lst Dist. Rep. Mark Enverga and former Gov. Wilfrido Enverga also reject the proposed split of Quezon.

Saturday, December 6, 2008

FORUM ROTARY CLUB OF LUCENA-HATI QUEZON



Please read....



FORUM NG ROTARY CLUB OF LUCENA : Nagsagawa ng isa forum ang Rotary Club of Lucena hinggil sa mainit na usapin ng plebisito sa December 13.Inanyayahan ng Rotary sa pamamagitan ni Rotarian member Billy Andal si Cong. Erin Tanada na ipaliwanag naman kung bakit nararapat na hatiin ang Quezon.Sa kabilang larawan sina Belly Otordoz Editor in Chief ng ADN at Michelle Zoleta ng Phil. Star at Eyewatch reporter.

PARA SA BAYAN

Para sa Bayan
ni Celine M. Tutor

Ms. Cervantes…masungit?
Hindi ko alam kung nakakatulong ng husto sa alkalde ng Atimonan, Quezon ang kanyang tumatayong private secretary na si Ms. Cervantes.
Siguro naman ay Oo dahil matagal na siguro siyang tsinugi sa kanyang posisyon ngayon sa munisipyo sa nasabing bayan kung walang ginagawa. O puwede ring kaya nananatiling nasa unahang lamesa pa naman ang puwesto niya sa Office of the Mayor ay dahil sa walang nagpaparating kay Mayor Mendoza na masungit ito at hindi maayos kausap.
Hindi ba’t kung ikaw ay sekretarya ang trabaho, dapat ay nice ka, mabait at laging naka-smile? Bakit kaya itong si Ms. Cervantes ay nakakunot ang noo kapag nakikipag-usap at wala man ‘lang kagiliw-giliw?
Natatandaan ko pa noon nang si Lucena City Councilor Ramil C. Talaga ay tumayo bilang Private Secretary ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr ay napaka-friendly nito. Bakit naman kaya kabaliktaran ito ng ginagawa ni Ms. Cervantes?
Papaano na ‘lang po kaya Mayor Mendoza kung isang mahirap na tao, walang masyadong pinag-aralan ang nagtungo sa inyong opisina at hihingi ng tulong ang sadya? Siguro’y mahihirapan ito na makausap kayo dahil sa napakasungit ni Ms. Cervantes.
Balita ko kasi ay may nagtungo na media sa opisina ni Mayor Mendoza at iinterbyuhin tungkol sa posisyon nito sa mainit na usapin ngayon ng RA 9495 o Hati-Quezon. Ang sagot daw ni Ms. Cervantes ay na-interbyu na ito ng media din at ng sabihin ng kausap niya na iba naman ako dun sa nag-interbyu na dahil magkakaiba kami ng entity ay nakipagtalo pa ito at alam daw niya at take note…media din daw siya.
Saan kayang entity si Ms. Cervantes?
Kung ikaw ay media nga din (ayon sa iyo) magaling na sekretarya ni Mayor Mendoza, dapat ay alam mo ang ginagawa mo. Dapat kapag may naghanap sa amo mo ay makipag-usap ka ng maayos.
Paano kaya n’yo naii-promote ang turismo ng Atimonan kung ganyan Mayor Mendoza ang iyong tauhan? Sana’y nag-iisa lang si Ms. Cervantes dahil kung marami pang katulad niya sa inyong munisipyo, aba’y sa Mauban, Quezon na lamang po kayo magpunta at napakabait ni Mabel. Nagpupunta din po dun at madalas magpakita ang mga BUTANDING na IPINAGMAMALAKI pa naman ng Atimonan. Tara na, sa Mauban na ‘lang tayo magpunta…

Mayor Bantayan at serbisyo sa mga Maubanin
Patuloy na nasisiyahan ngayon ang mga mamamayang naninirahan sa Mauban, Quezon dahil sa mga magagandang programa na ipinagkakaloob ni Mayor Rex Bantayan.
Sa kabila ng patuloy na paggiba sa kanya ng kanyang mga katunggali sa pulitika ay walang patid naman ang pagdadala niya ng magandang serbisyo sa bawat barangay na kanyang nasasakupan.
Inilapit ni Mayor Bantayan sa mga bara-barangay ang pamahalaan. Hindi ba’t ito ang gusto ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga kapwa opisyal sa bara-barangay? Ang magserbisyo ng totoo at ipinagkaloob ang pangangailangan ng mga tao.
Tapos na kasi ang election kaya yaong mga hindi pinalad na manalo, dapat ay magtrabaho na lamang ng maayos at hindi yaong walang ginagawa kundi hanapan ng butas ang pinagtiwalaan ng mamamayan.
Sabi nga ng mga kapitan ng ilang barangay na nakausap ko sa Mauban, HINDI NILA KAYANG GIBAIN SI MAYOR BANTAYAN dahil kami mismo sa bara-barangay ang makakapagpatunay na NANALO siya at NAGSESERBISYO NG TOTOO.

# # #
Salamat sa imbitasyon nina former Quezon 2nd district board member Billy Andal, Ms. Jet ng pahayagang ito, Ms. Belly at sa bumubuo ng Quezon Publisher’s Association kung kaya’t nasaksihan ko ang masiglang Seminar-Workshop hinggil sa Right of Reply na ginawa noong Biyernes sa SM City Lucena. Makabuluhan at interesting ang topic sa bawat kasamahan sa industriya. Sabi nga’y alam na natin sa ating mga sarili ang Right of Reply at ibinibigay natin ito sa ating mga parukyano ngunit ang diktahan tayo at gawin itong batas ay isang paninikil na naman sa ating malayang pamamahayag. Kung meron kayong opinyon o suhestyun, email n’yo lamang ako sa brilliantceline@yahoo.com




Please read....

NEWS IN QUEZON PROVINCE

QUEZON UPDATE

Suarez clarifies ‘equitable division’ between Quezon del Sur and Quezon del Norte



LUCENA CITY - Quezon 3rd District Rep. Danilo Suarez said the proposed Quezon del Sur province would not touch the real property income from the Quezon Power Plant in Mauban and the Team Energy Power Plant in Pagbilao which are located in the proposed Quezon del Norte.

This was stressed by Suarez when asked about Section 55 of RA 9495 (the law providing for the division of Quezon into two and the creation of Quezon del Sur) last Saturday, Nov. 22, during the “Yes” public forum held at the Pastoral Gym , Bishop’s Residence here, to drum up support for the split of Quezon concerning the December 13, 2008 plebiscite.

“What we will benefit from the power plants is perhaps pollution and if their transmission lines are installed to energize Quezon del Sur,” he pointed out.

Some observers during the forum said Suarez’s answer during the forum was misleading and tended to confuse the people of Quezon about RA 9495 which he co-authored. “Congressman Suarez should tell the truth,” they appealed.

Because Section 55 of said law expressly provides that “upon the effectivity of this Act, the obligations, funds, assets and other properties of the present Province of Quezon, renamed Quezon del Norte, shall as much as possible be divided equitably between Quezon del Sur and Quezon del Norte. The President of the Philippines shall order such division upon the recommendation of the ad hoc committee which may avail of assistance from the Commission on Audit and other departments concerned.”

Moreover, Section 55 states that “The tax revenues from business enterprises principally located in one of the two provinces extend to the other such as, but not limited to, power generating plants shall be proportionately divided between the two provinces: Provided, that such enterprises shall not be subjected to a second tax in addition to what is already imposed by the province where they are principally located.”

Observers said Section 55 of RA 9495 is unconstitutional and is contrary to Section 201 of RA 7160 (Local Government Code), which states: “Appraisal of Real Property. - All real property, whether taxable or exempt, shall be appraised at the current and fair market value prevailing in the locality where the property is situated.”

Lawyer Sonny Pulgar and Hobart Dator Jr. cited this legal infirmity in their petition with the Supreme Court last Nov. 17, 2008 for certiorari, prohibition and injunction with application for temporary restraining order (TRO) to stop the plebiscite on Dec. 13, 2008 and to declare RA 9495 as unconstitutional.

“In other words, Republic Act 9495 is sui generis limited to Quezon del Norte and Quezon del Sur, seeking to amend the effects of Section 201 of Republic Act 7160, otherwise known as the Local Government Code,” Pulgar and Dator said.

“Section 55 of RA 9495 runs counter to the disposition of the real property tax and all its incidents pursuant to Art. Sec. 271 of the Local Government Code,” they further pointed out..
Please read....





Proklamasyon sa resulta ng plebisto hinadlangan ng Korte Suprema
Plebisto tuloy pa rin sa Disyembre 13-Tañada



Nina Chelle Zoleta at Danny Estacio



Lucena City- Partial victory sa panig ng proponents ng Republic Act 9495 or “An Act Creating the Province of Quezon del Sur” ang desisyon ng Korte Suprema ang hindi pagpigil sa gagawing plebisito ngayong darating na Disyembre 13, 2008 na siyang pangunahing naisin ng tatlong petisyuner kungdi tanging proklamasyon lamang ng resulta ng plebisto ang hinahadlangan.



Ito ay base sa naging pahayag ni 4th District Congressman Lorenzo “ Erin ”Tañada, principal author ng nasabing batas ng maging panauhin at tagapagsalita ng Rotary Club of Lucena hinggil sa lumabas na resolusyon mula sa Korte Suprema kaugnay sa Temporary Restraining Order ng plebisito.



Ayon kay Tañada hindi natupad ang hangarin ng mga petisyuner na sina Atty. Ferdinand Talabong, Atty. Walfredo Sumilang at ang Save Quezon Province Movement (SQPM) na sina Atty. Frumencio Pulgar at Hobart Dator na ipahinto ng Korte Suprema ang nakatakdang plebisito, manapa’y ang naging desisyon ng nasabing Korte ay huwag iproklama ang resulta hangga’t walang nagiging pinal na desisyon ang Korte.



Dahilan sa desisyon na ito, nabigo ang mga petisyuner na tuluyang mahadlangan ang nasabing political exercise subalit sa panig ng SQPM ay partial victory din ang naging hatol na ito.



Sa paniniwala ni Tañada, kung anuman ang naging resulta ng plebisto, ito ay isa na lang “moot and academic”. Isa sa miyembro ng Rotary Club ang nagkomentaryo na “Balewala din pala ang nasabing petisyon”.



Sinabi pa ng kongresista na sa dami ng mga usapin na inihain ng mga petisyuner sa Korte ay naging dalawa na lamang ang pinagbasehan nito kung saan nakasaad sa ipinalabas na resolusyon na may petsa November 25, 2008 “ These are three separate petitions questioning the constitutionality of Republic Act No. 9495 “ “An Act Creating the Province of Quezon del Sur”. Petitioner claim that the law preterminates the term of office of the present elected officials of the Province of Quezon without due process and also creates a now province, Quezon del Norte, thereby covering another subject matter in a manner contrary to the Constitution Respondent Commission on Election has reportedly set a plebiscite for the measure on December 13, 2008.”





Ipinaliwanag din ni Tañada na ang RA 9495 ay dumaan sa tamang proseso at tumugon sa resikitos na hinihingi ng batas sa mababang kapulungan at senado partikularsa Committee on Local Government ng dalawang kapulungan. Idinagdag pa ulit nabago magkaroon ng committee hearing sa nabanggit na kapulungan ay pinadalhan ng notice of hearing ang mga tanggapan ng gobernador sa administrasyon ni Gov. Willie Enverga, Sangguniang Panlalawigan, sa opisina ng Pangulo ng Liga ng mga Baranggay, Councilors League, Sangguniang Kabataan at iba pang sector subalit ang mga ito ay hindi nagpadala ng kani-kanilang kinatawan o nagpadala ng anumang position papers kaya ang mga pagdinig ay itinuloy hanggang sa maipasa.



Nagsimula ang pagbuo ng bagong lalawigan noong 1996 sa pangunguna ni dating Senador Bobby Tañada na may katanungan na kung bakit hindi pantay ang pag-unlad sa katimugang Quezon kumpara sa Norte at siya ay nag-isip at pinag-aralan kung paano pabibilisin ang pag-unlad nito. Naging matindi ang hangarin ni Tañada noong panahon na inabot ng bagyong Rosing noong 1995 ang Quezon ay nakita kung gaano kahirap ang mahagip ng tulong ng gobyerno kung ang kinaroroonan mo ay isla at malayong lugar buhat sa kapitolyo.



Ang nasabing batas ay ifinile sa 11th Congress at 12th Congress hanggang naipasa sa 13th Congress gayundin sa senado noong Setyembre 2007 matapos hindi mapirmahan ni Pangulong Gloria Arroyo at mag-lapsed into law ang inihaing batas ng apat na kongresista na sina congressmen Erin Tañada; dating kongresista Rafael P. Nantes, ngayon ay gobernador; Proceso Alcala at Danilo E. Suarez



Hindi itinggi ni Tañada na kung sakali at siya ay i-aappoint ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hindi niya tatangihan dahil bilang sa pangunahing may-akda ng batas ay matututukan niya ang pagtatayo ng pundasyon at sistema ng Quezon del Sur.



Nilinaw din ng solon na ang Quezon del Sur ay hindi kabahagi sa kikitain ng dalawang power plant na nakatayo sa Quezon del Norte. Ang tangi lang opsiyon para magkaroon ng kita sa mga powerplant ay sa pamamagitan ng tax sa mga powerline o transmission line ng TRANSCO na dadaan sa Quezon del Sur.



Naging mainit na argumento sa kasalukuyan ay ang provincial classification ng Quezon kaya’t ibinatay ni Cong. Tañada sa kwalipikasyon ng Department of Finance (DOF) kung mahati ang Quezon sa dalawang probinsya ay magiging 1st class pa rin ang dalawang probinsya na binigyang kasiguraduhan ng DOF.



Ikinukumpara rin ang kasalukuyang estado ng Aurora province sa magiging Quezon del Sur na magkakaroon ng mabagal na pag-unlad subalit ang usapin na ito ay pinabulaanan ni Tañada sapagkat base sa Human Development Index (HDI), ika- 38 ang bilang ng Aurora samantalang ang probinsya ng Quezon ay ika-42 .



Sa HDI, nakasaad ang rate batay sa life expectancy, income, educational attainment at Gross Domestic Product (GDP) ng tao sa isang lugar.



Sa World Bank Survey kaugnay sa poverty incident na may respondents na umaabot sa isang daang tao, lumalabas sa statistics na ang Aurora ay may 18.49 na nagsasabi na sila ay nabibilang sa mahihirap samantalang ang 1st at 2nd districts ng Quezon ay may 34.78 at ang 3rd at 4th districts ay may 47.82 na patunay nagpapakita sa kasalukuyan na marami sa bahaging timog ng Quezon ang may mababang level ng kabuhayan.

Bagama’t nalulungkot ang kampo ng Tañada sa naging kilos kampanya ni Governor Raffy Nantes sa lantarang pagpapahayag ng pagtututol sa isinulong din niyang batas ay minabuti na lamang na respetuhin ang desisyon ng gobernador at ipagpatuloy ang paninindigan nila na magkaroon ng panigbagong probinsya.




Japan technology transfers for Quezon farmers
by Lyn Catilo and King Formaran
The Philippine-Japan Friendship Association Incorporation (PJFAI), a non-profit organization transferred Japan technology for agricultural farming to improve the farmer’s duties in harvesting period in Quezon and Laguna.
Kazushi Katagiri, President of PJFAI, said that they are going to donate for Quezon Province four (4) units of combined harvested machine manufactured by KUBOTA CO. in Nigeria, Japan.
The said combined harvested machine is a motor operated that can directly harvest and prepare tons of Palay consuming much lesser time. It can control only by two persons, the operator and the assistant.
The said machine can run up to 263 hours and specifically can operate in one hectare in just 40 minutes.
Katagiri also cited that they are going to educate Filipinos in using the machine were in Japanese experts will come to Philippines and personally assist the farmers.
The PJFAI through its coordinations with Congressman Procy Alcala of 2nd district, inspired by the solon advocacy to boost the organic farming which also applied in the country of Japan, this agricultural technology will bring great help for farmers in Quezon.
Alcala prioritized to produced 2,000 varieties of black rice called “Engkantong Bigas” and avoid another rice crisis which happened in the Philippines lately.
“Japanese Government are also going to pass a law were in can send agricultural workers to Japan so after that law will take in to effect at least the people from Quezon have learn well to use the equipment”, Alcala added.



SC issues TRO vs Quezon plebiscite
by King Formaran and Babes Mancia
The Supreme Court (SC) has issued a temporary restraining order preventing the Commission on Elections (Comelec) from proclaiming the results of any plebiscite that may be held on the proposed division of Quezon into two separate provinces under Republic Act 9495, which creates Quezon del Sur.
In a two page resolution, the SC said the TRO will remain in effect “until further orders”.
Last Nov. 17, the Save Quezon Province Movement led by Frumencio Pulgar, a former Quezon provincial board member, and Hobart Dator, a businessman, filed a petition for certiorari before the SC questioning the constitutionality of RA 9495.
The petitioners asked the SC to issue a temporary restraining order and prevent the holding of the plebiscite, which would ratify the creation of the Quezon del Sur and rename the “mother province” of Quezon as Quezon del Norte.
In their 40-page petition, Pulgar and Dator asked the SC to stop the plebiscite, arguing that RA 9495, which Congress passed in September last year, was unconstitutional.
“RA 9495 is constitutionally infirm because of its failure to comply with the provisions of the implementing rules and regulations of RA 7160 (Local Government Code),” the petition said.
RA 9495 mandates the division of the province into Quezon del Norte and Quezon del Sur.
Quezon del Norte would be composed of 17 towns and the cities of Lucena and Tayabas from the first and second districts, while Quezon del Sur would include 22 towns from the third and fourth districts.
Names as respondents in the petition were Executive Secretary Eduardo Ermita, the budget secretary, and the Comelec.
The petitioners argued that RA 9495 is also constitutionally infirm as no sufficient standard was laid down for the powers that the interim appointees may exercise.
The SC ordered the respondents to file their comments on the alleged unconstitutionality of RA 9495 within 10 days upon notice of the order.

Kaisa sina Ex-Gov. Rodrigues, VG Portes at kawani ng Provincial Gov’t
Gov. Nantes: “NO TO HATI QUEZON”
nina King Formaran at Babes Mancia
Binasag na ng gobernador ng lalawigan ng Quezon ang kanyang pananahimik hinggil sa paninindigan kaugnay sa mainit na pinag-uusapang Republic Act 9495 makaraang opisyal nitong ideneklara kamakailan na hindi siya pabor sa paghahati ng lalawigan.
Ang deklarasyon ni Gov. Raffy P. Nantes ukol sa nasabing isyu ay kanyang isinagawa kaalinsabay sa opening ng Quezon Provincial Meet noong Nobyembre 25 sa San Narciso, Quezon na sinaksihan ng mga delegado mula sa apat na distrito ng lalawigan, gma guro, mga mayors at mga barangay officials.
Sinabi ng gobernador na matagal na siyang nanahimik kaugnay sa nasabing usapin at mas higit niyang pinagtuunan ng pansin ang pagtungo sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan upang maghatid ng mga kapaki-pakinabang na proyekto katulad ng pagpapagawa ngayong taon ng nasa 330 silid-aralan.
Umaasa ang opisyal na mawawala na ang agam-agam ng mamamayan sa lalawigan sa tunay na paninindigan niya sa paghahati ng Quezon ngayong opisyal na siyang nagdeklara ng mariing pagtutol dito.
Naging katanggap-tanggap sa mga sumaksi sa okasyon ang deklarasyon ng gobernador nang gamitin niya sa kanyang pananalita ang isang “verse” sa Bibliya ukol sa dalawang babaeng may problema kung sino ang dapat na magmay-ari sa isang sanggol.
Ang suliranin ng dalawang babae ay kagyat na nalutas dahil sa matalinong pagdedesisyon ni Haring Solomon. Ipinagkaloob ng hari, ayon kay Nantes ang sanggol na buhay sa inang ayaw itong mahati. Sa pagsasabuhay ng kuwento, tinukoy ng gobernador na mahal niya ang lalawigan ng Quezon kung kaya ayaw niya itong mahati sa dalawa.
Sa naturang okasyon ay ipinahayag din ni Vice-Governor Kelly Porte sang kanyang saloobin at paninindigan na pagtutol sa anumang magaganap na paghahati sa lalawigan. Mas higit umanong uunlad ang lalawigan kung ito ay buo at napaglilingkuran ng totoo katulad ng ginagawa ni Nantes, pahayag pa ng bise-gobernador.

Kon. Talaga, namahagi ng 100 sako ng palay
nina King Formaran at Lyn Catilo
Upang makasiguro at mapanatiling matibay ang suplay ng pagkain sa buong lungsod ng Lucena, ipinamahagi dito kamakailan ang may 100 sako ng binhi ng palay para sa mga magsasaka.
Pinangunahan mismo ni Konsehal Ramil C. Talaga ang pamamahagi kasama ang City Agriculturist Office.
Ang pamamahagi ng mga binhi ng palay ay bahagi ng certified seeds total subsidy program ng Department of Agriculture (DA) Regional Unit IV, pamahalaang panlungsod at sa ilalim ng Ginintuang Masaganang Ani (GMA) program.
Ayon kay Talaga, isang pagpapatunay ito na hindi nagpapabaya ang pamahalaang panlugnsod para patuloy na maipagkaloob ang magandang serbisyo sa mga magsasaka. Walang sawa umano silang naghahanap ng paraan upang patuloy na matulungan ang bawat mamamayang naninirahan dito.
Samantala, sinabi naman ni City Agriculturist Jun Canlac na ang mga binhi ay ipinagkaloob ng DA base na rin sa kahilingan ni Mayor Ramon Y. Talaga, Jr.
Siniguro naman ni Corazon Gallego, Agricultural Officer ng DA Regional Fielf Office IV-A, na lahat ng magsasaka sa lungsod ay mabibigyan ng mga binhi.



Sangguniang Kabataan, ‘di dapat mabuwag – Mayor Binay
nina Lyn Catilo at King Formaran
Nananatiling mataas ang pagtingin at pagkilala ng alkalde ng lungsod ng Makati sa kakayahan ng mga kabataan na makatulong ng pamahalaan sa pagtamo ng kaunlaran at sa pagresolba na rin ng mga kinakaharap nitong suliranin.
Sa harap ng mga opisyal ng may 33 barangay ng nasabing lungsod, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga opisyal ng DepEd, bumubuo ng Parents & Teachers Association, mga mag-aaral, at iba’t-ibang samahan, ipinaliwanag ni Makati Mayor Jejomar Binay na hindi dapat mabuwag ang Sangguniang Kabataan dahil sila ang boses ng kabataan at sa pamamagitan nila, higit na naiipaunawa sa mga namumuno sa pamahalaan at maging sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.
Tugon ito ng opisyal sa naging katanungan ng isa sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation ng lungsod sa forum na ginawa sa Mug Café Pacific nang dumating ang alkalde kaugnay ng “Sister Cities Entwined in History An Open Forum For Mutual Cooperation”.
Ayon pa kay Binay, hindi siya pabor na mabuwag ang SK ngunit upang higit ang mga ito na maging epektibo sa kanilang tungkulin, dapat ay hindi makialam ang mga magulang sa pagdedesisyon ng mga ito.
Binanggit pa na kaya aniya nagigiging bahagi ng bulok na sistema ng pulitika sa bansa ang mga kabataan ay dahil sa kahit hindi pa 18-anyos ang isang lalaki o babae ay pinepeke ng mga ito ang birth certificate ng kanilang mga anak na iginiit ni Binay na maling gawain.
Dahil dito, nanawagan si Binay na iwasan ang nasabing hindi magandang gawain at tulungan ang mga kabataan na magdesisyon ng tama at naaayon sa pangangailangan ng kapwa.



Upang maging peaceful ang Quezon Province
Mamamayan, dapat magtulungan – PD Posadas
ni King Formaran
Sa kabila ng naganap na jailbreak kamakailan sa loob ng Quezon Provincial Jail na nagbigay ng ‘di magandang imahe sa lalawigan partikular na sa mga awtoridad dito, patuloy na hinihikayat ng Provincial Director ng PNP ang mga mamamayan na makipagtulungan sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan.
Malaki ang paniniwala ni PS/Supt. Fidel Posadas na sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng suporta at pakikiisa ng bawat mamamayan sa kanilang kampanyang inilulunsad ay walang duda aniyang magiging matagumpay ito.
Balewala, dagdag pa ng opisyal ang anumang paghihigpit na kanilang ginagawa sa bawat kampanya kung mismong mga mamamayan ay lumalabag dito.
Ikinalungkot ni Posadas ang nangyaring jailbreak sa naturang piitan at iginiit nito na hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng paalaala sa mga namamahala ng QPJ upang maghigpit ng seguridad at maiwasan ang tulad ng nangyari.
“Magmula noong may ipinasok na umano’y NPA sa QPJ, nagbigay na ng instruction ang PNP na doblehin ang seguridad kaya’t ‘di kami nagkulang,” paglilinaw ng opisyal sa ginagawang paninisisi ng ilan sa hanay ng kapulisan na umano’y kapabayaan ng mga ito ang pagkakatakas ng ilang rebelde kamakailan.
Nagpahayag pa ng panawagan si Posadas na upang matamo ng lalawigan ang katahimikan, marapat aniya na makipagtulungan ang bawat isa sa kampanya ng PNP at sa mga naising mangyari ni Gov. Raffy P. Nantes.
Pinuri nito ang gobernador sa ginagawang programa at masasayang ang lahat ng ito, paliwanag pa ni Posadas kung may mga mangyayaring kaguluhan.
Samantala, ipinagmalaki ni Posadas na ang Quezon ay pumangalawa kamakailan sa pinakamatahimik na lalawigan sa buong CALABARZON. Maliban sa nangyaring jailbreak, wala naman aniyang maitatala na malaking kaguluhan na naganap dito.

CAVITE NEWS

150 computer ,ipinamahagi ni Gov. Maliksi
Ni Jet claveria



TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Dahil sa patuloy na pagbibibigay ng mga programa sa administrasyon ni Gov. Ayong Maliksi,nais niyang lalong palakasin ang aspetong pang teknolohiya sa Cavite.

Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang kanyang pamimigay ng computer kung saan ang 150 yunit ng computer mula sa South Korea ang ipinamahagi nina Cavite Gov. Ayong S. Maliksi at Dr. Nelda Dator ng DepEd Cavite sa 19 na pampublikong paaralan para maiangat ang kasanayan sa Information and Communication Technology (ICT) ng mga kabataang Kabitenyo.

Ang mga sa mga eskuwelahang tumanggap ng siyam na yunit ng computer ay ang Bacoor Central Elem. School, Tibig Elem. School, Silang; Amadeo Elem. School; Alfonso Elem. School; Ligtong Elem. School, Rosario; Kawit Elem. School; Gen. E.San Miguel Elem. School, Noveleta; Carasuchi Elem. School,Indang; Buenavista Elem. School, Gen. Trias; at Trece Martires City Elem. School.

Nagbigay naman ng walong computer naman bawat isang ang ipinagkaloob sa Dasmariñas National Hayskul; Carmona National Hayskul; at sa Bagbag National Hayskul sa bayan ng Rosario. Samantala, anim na computer ang ipinamahagi sa Bagtas Elem. School,Tanza; Malabag National Hayskul,Silang; San Jose Com. Hayskul, GMA; Gen. E. Aguinaldo Hayskul; Naic Coastal National Hayskul at Bendita National Hayskul sa bayan ng Naic.


Napag-alaman na ang isinagawang pamamahagi ng computer ni gov. Maliksi ay ika-4 na batch simula noong 2005 kung saan lumagda siya sa Education Information Exchange Agreement kasama ang Ministry of Jeollabukdo-Office of Education.

Sa ngayon ay lubos ang kasiyahan ng mga eskwelahan na nabiyayaan ng mga gamit pang teknolohiya kung saan hindi na mahuhuli ang mga ito sa mga basic sa paggamit ng mga computer.

Malaki ang maitutulong ng mga ipinamahaging computer sa mga eskwelahan upang higit na mapataan ang karunungan ng mga estudyante para sa makabgong teknolohiya.

SM CITY ROSALES, SM's 32nd Supermall




SM City Rosales, SM's 32nd Supermall and the first mall in Pangasinan will serve shoppers from Pangasinan, Tarlac, Dagupan, Urdaneta, Nueva Ecija, and Ilocos. SM Hypermarket, one of it's anchors opened today along with 27 other tenants. More tenants will be open for the next couple of weeks.SM Founder and Chairman Henry Sy, Sr. led the ribbon cutting ceremony with (left to right) Rosales' Mayor Ricardo Revita, Bishop Jacinto Jose, SM Prime Holdings president Hans T. Sy, TV and movie actress Katrina Halili and Congressman Conrado Estrella III. Courtesy of Ms. Lilibeth Azores (PR Manager SM Lucena ).

Saturday, November 22, 2008

JETLINE-NI JET CLAVERIA

Jetline
Ni Jet Claveria

Kaunlaran nga ba?

Tuloy na ang plebesito sa hati Quezon.

Lalabas kaya ang mga Quezonian para bumoto sila ng kanilang gusto? Iboboto ba nila ang pagpabor o hindi na mahati ang lalawigan?

Isusulat ba nila sa balota ang kanilang nasa puso o dikta lamang ng pera na bigay ng mga pulitikong may pansariling interest?

Ang magiging resulta ba ng plebesito ang magbibigay ng tunay na kaunlaran sa Quezon?

Paano kung magkamali ang mga taga Quezon ng pagpasya sino ang kanilang sisisihin?

Kaya bang ibalik pa ang kanilang naging desisyon?

Maraming tanong….maraming sagot…ngunit alin ang tama?

Si Governor ba? Sina Congressman ? sina mayor o ang mga taong magpapasya? Ito ba’y mula ba sa puso o mula sa bulsa?


Ang paghahati nga ba ng Quezon ay para sa pagmamalasakit at kaunlaran o para linlangin ang ating mga kaisipan?

Huwag daw pakialaman ang mga opponent dahil tao daw naman ang magpapasya?

Huwag daw kaawaan ang Quezon del Sur at bigyan daw ito ng laya….Nakakulong ba?


Dapat na maging mapanuri at mapagmatyag ang mga mamamayan.Pakiusap ng mga matitino sa Quezon,gamitin ng tao ang isip sa pagpapasya at hindi ang dikta ng mga naghahari-harian sa Quezon.

Laging dapat na isipin na ang mga pulitiko ay hindi habampanahon na nakaupo sa kanilang trono subalit tayong mga taga Quezon ay habang panahon na taga-Quezon.

Hahayaan ba natin na mapagbigyan ang kanilang mga kapritso para lamang sa kanilang mga pansariling interest.

Pagkatapos ay mga walang mukha sa kanilang tunay na paninindigan at nananangan na lamang sa utos ng kanilang mga hari na tumutulong kuno sa panahon ng eleksyon.

Anong mananalo ang “yes ba o ang No” ?

Kaibigan magsuri kang mabuti….iginagalang ang desisyon ng bawat isa subalit isiping mabuti ang isusulat sa balota dahil dito nakasalalay ang ating pagiging isang Quezonian, ang ating minimithing kaunlaran.

Dapat nating isipin na kung sakali bang mahati ito ay kaagad na makakamit natin ang kaunlaran o mahabang panahon pa rin ang gugugulin at hihintayin ?

Kung sakali ba na hindi mahati ang Quezon, may pag-asa pa ba tayong makakamit na kaunlaran na ating minimithi?

Napakahalaga ng kahalalan ng bawat isang Quezonian na lalabas at boboto kung matutuloy ang plebesito subalit kung papayagan natin na lamunin tayo ng mga gutom na buwaya, mamamatay kang walang kalaban-laban?



MAYOR BINAY

Naimbitahan ang PTA Federation at iba’t ibang sector ,gayudin ang media sa isinagawang forum patungkol sa Mutual Cooperation na isinagawa sa Mug Café sa Pacific Mall kamakailan.

Bagama’t late ang Jetline ay narinig naman ang mga ipinahayag ni Makati Mayor Jejomar Binay ng konti.Hindi kasi masyadong marinig sa pwesto namin ang mga sinasabi sa unahan dahilan sa mahina ang sound system.Sabi nga ng mga katabi ko sayang naman hindi maintindihan.

Pero bilib na bilib sa kanya ang dalawang media na nakausap ko si Bosing Billy at si Belly.Matalino daw talaga ito ang magaling magsalita at take note hindi masyadong kurakot ,kaya naman hindi daw kataka-takang maging ika-apat sa mga pinakamagaling na Mayor sa buong mundo at maging number 1 sa pinakamahusay sa buong Asya.

Sabi nga ni Bosing Billy, noong magkaroon silang magkaklase ng kaso sa Mapua ay si Binay ang kanilang naging abogado at wala silang ibinayad dito.


Isang patunay lamang na makatao at hindi naghihintay ng kabayaran sa makatulong lamang sa kapwa.

Kaya naman pala hindi kataka-takang makasama siya sa pinakamahusay na Mayor sa buong mundo.Hindi kurakot.

Kayganda bagang pakinggan na ang mga opisyal sa Pilipinas ay magagaling sa kanilang mga programang pantao kesa naman sa mga programang pansarili nilang interest lamang.

Ang ipinunta niya sa Lucena ay para sa sisterhood…Tulungan ang Lucena upang higit na mapaunlad ito?

Pero mukhang nangangamoy Presidente ang pabangong iwinisik ni Mayor Binay sa Quezon.

POST OFFICE SA SM LUCENA


Mukhang sumisigla ngayon ang Philpost sa Quezon at nagkaroon ng isang makabangong gimik.Sabi ni Celine mayroong one stop shop ito.Maganda ang naisipan nilang ito upang mabuhay ang bumagsak na isang departamento ng gobyerno.

Nang maglabasan nga naman ang iba’t uri ng cellphone at naging “In “ ang mga text messages at parang nabalewala ang Post Office.

Kasi daw naman, ang mga sulat ay napakatagal dumating samantalang kapag text ay ilang minuto lamang lalo pa’t walang aberya ang network na mga ginagamit ng mga cellphone user.

May mga pagkakataon pa na hindi kaagad nakakarating ang mga sulat sa paroroonan dahil natetengga sa post office.

Madalas maging biktima ang Jetline dahil minsan ay mayroon hearing subalit dumating ang notice ay lampas na sa takdang petsa.Ang katwiran ng postmaster ay iniipon pa para sa lugar na iyon.Ganon ba talaga?
Ibig bang sabihin ay naghihirap ang post office at inalisan na rin ng budget para sa mga gagamitin sa pagdedeliver.

Aba’y hindi lamang pala pulis ang nauubusan ng gasolina pati pala post office.

Ngunit sa isang banda ay maganda ang naisipang ito ng Post Office ngayong kapaskuhan.

Ipinakikita lamang nila sa taumbayan na andyan pa rin sila kahit na laganap ang madadaling communication.

Hindi nga naman maaring mawala ang post office dahil kailangan talaga ito.Kaya nakakatuwa ring marinig mula sa kanilang opisina na masisipag ang kanilang mga kartero sa pagdadala ng mga sulat kahit na nga sa mga liblib na lugar.


MGA BATA PASASAYAHIN NG SM

Make a child happy…ngayong ilang araw na lamang ang nalalabi at malapit na tradisyunal na kapaskuhan, magiging fiesta ng mga bata sa kalye.

Kaya naman tulad ng dati katuwang ang SM Lucena at SM Foundation ,gayundin ang Toy Kingdom sa pagpapasaya sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga mumunting regalo bilang pamasko sa kanila.

Hindi katulad ng Jetline, noong maliit akong bata ay hindi ako nakaranas na magkaroon ng manika at mamahaling laruan.Natatandaan ko noon ay naggugupit na lamang ako ng cartoon na korteng manika at gayundin ng mga papel na korteng damit at kinukulayan ng iba’t ibang kulay.Masaya na ako non.Kaya palagi kong sinasabi sa tatlong anghel ng buhay ko na masuwerte sila at magaganda ang mga laruan .Swerte rin si Wisdom dahilan sa sanggol pa lamang siya ay may nakalaan ng magagandang laruan para sa kaniya mula sa mga tita’s niya.
Kaya naman si Celine ay kinukulit na ang kanyang kumareng Ayra para sa kanyang gustong manika.Gusto niya para sa baby niya.(hehehe)Mabuti na lamang at dalagita na si Shaira kaya di na bagay ang manika sa kanya.

Masarap maging bata…walang problema at normal ang buhay…Salamat at mayroong SM na laging katuwang ng lahat, bata,matanda, may ngipin at wala….Napapasaya nila.

Ex Mayor Emralino vs. Mayor Maliwanag

Quezon Mayor raps fraud charges during 2007 election.

Lucena City---- The opening of 22 ballot boxes confirmed irregularities due to one penmanship written by only one person after the start up of revision in relative to the election protest filed by David Emralino against Mayor Bong Maliwanag of Candelaria.

The revision of 89 precincts was then conducted at Regional Trial Court, branch 58 under Judge Loida Diaz. It started on September 12, 2008 and expected to end at the month of January by next year based from the six months ruling of the Supreme Court.

According to Attorney Joan Padilla, legal counsel of Emralino, the revision committee found out that there are lots of irregularities because some of election returns has no watermarks and written by only one person while also the other has two penmanship.

Emralino believed that a large deception during last 2007 election has occurred.

“Fraud ang aking isinampang kaso , hindi sa kung ano pa man na ako’y makabalik sa posisyon kungdi mapatunayan ko na ang nakaupong punongbayan ay hindi lehitimo, kapag napatunayan na siya ay nandaya nung nakaraang eleksyon ay saka lamang mapapanatag ang aking kalooban ” Emralino said.

Because of the controversial issue faced by the Commission on Election (COMELEC) during the chairmanship of Benjamin Abalos the decision to the filed case was then brought to RTC, branch 57 of Judge Adolfo V. Encomienda then transferred to Judge Diaz due to the motion for inhibition filed by Mayor Maliwanag.

The Eyewatch tried to contact Maliwanag but remain silent about the issue and still waiting for the result of the said case

pictures with councilor Dada Cabana



Kasama ni Konsehal Cabana (nasa gitna) sina Managing Editor Jet Claveria at News Editor Celine Tutor sa isang souvenir shot makaraang nagtungo sa lungsod ng Lucena si Makati Mayor Jejomar Binay noong Huwebes. Si Cabana ay aktibong miyembro ng Sangguniang Panlungsod na nagsusulong para sa kabutihan hindi lamang ng mga kababaihan kundi ng halos lahat ng sektor ng lipunan. Nasa larawan din ang batang si Wisdom na ngayon pa lamang ay tila iniidolo si Cabana dahil sa walang humpay nitong pagseserbisyo sa mga Lucenahin.

FIL-AM CONGRESSMAN SA AMERICA/TIAONG QUEZON



CATHERINE LORIA



CONG.STEVE AUSTRIA


Bayan ng Tiaong humahakot ng karangalan
Tubong Quezon, nanalong kongresista sa Amerika
Ni Jet Claveria

Isa na namang may dugong Pilipino ang nagdala ng karangalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Filipino-American na si Steve Austria nang pagwagian nito ang pagiging kongresista sa Ohio USA kasabay ng pagkapanalo ni US President Barack Obama.

Si Cong. Steve Austria ay panganay na anak ng yumaong Dr. Clemente Austria na naging 1st Lt. Veterans naman noong World War 11 at Jean Brockham Austria na taga-Poblacion 3 Tiaong Quezon.

Si Austria ang kauna-unahang Filipino-American na naging kongresista sa America kung kayat todo ang naging suporta dito maging ng mga Pilipino.

Ayon kay G. Diony A. Garcia, tiyuhin ng kongresista, masaya ang buo nilang angkan sa pagkapanalo ng kanyang pamangkin dahil minsan pang pinatunayan na mahuhusay ang mga Pilipino at ang mga taga Tiaong.

Tuwang-tuwa rin umano ang mga Pilipino sa Amerika sa pagkapanalo ni Austria sapagkat anila’y mayroon na silang kakampi at magtatanggol sa kanilang mga pinoy at pinay sa Tate.

Nauna rito, napaulat na mahihirapan si Obama sa kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Amerika dahilan sa kanyang pagiging African –American subalit hindi ito naging hadlang ito upang suportahan siya .

Ganito rin naman ang naging suporta sa isang Filipino-American kung saan sa isang mahusay na pamamalakad ay hindi tiningnan ang dugong nananalaytay sa kandidato,bagkus ay nakita nilang karapat dapat pa nga itong suportahan .

Magugunitang isang tubong Tiaong Quezon pa rin ang nagbigay karangalan sa bansa at sa nasabing bayan sa pagkapanalo naman ni Catherine Loria sa World Champion of Performing Artist kung saan dalawang titulo ang kanyang nakuha . Ang naturang titulo at ang pagiging Junior Championship Performing Artist of the World na ginanap naman sa California.


Si Loria ay 13 anyos na batang Pilipina na nagpakitang gilas sa buong mundo matapos nitong makalaban sa pag-awit ang magagaling na performing artist mula sa 40 bansa sa buong mundo.


Sa pagkapanalo nina Austria at Loria sa kani-kanilang larangan,buong bansa ay ipinagmamalaki sila.

Malaki ang paniniwala ni Loria na buo palagi ang suporta ng Quezon Government sa mga katulad nilang nagbibigay karangalan sa Quezon.

Ito na rin aniya ang unti-unting pagkilala ng buong mundo sa Quezon at natutupad na ang pangarap ni Gov. Raffy Nantes na Pilipinas Quezon naman.

Gayunman, inaasahan din ang suporta ng alkalde ng Tiaong sa dalawang nabanggit na nagdala ng karangalan sa kanilang bayan at hindi ito isasantabi na lamang.

BACO DE ORO SA SM LUCENA


Upang higit na makapagbigay ng magandang serbisyo ang Banco de Oro na nasa loob ng SM City Lucena, lumipat ang mga ito sa bago nilang puwesto, katabi ng McDonald. Higit na mas malaki ngayon ang kanilang puwesto na ikinatutuwa ng marami nilang depositors na araw-araw ay may transaksyon sa BDO. . King Formaran

KOLUM-KALIWA'T KANAN-NI JET CLAVERIA

KALIWAT KANAN
NI JET CLAVERIA


Pabango ni Mayor Binay

Biglang nangamoy ang iwinisik na pabango ni Makati Mayor Jejomar Binay nang magtungo siya sa Quezon kamakailan.

Hindi amoy pinipig na bagong bayo…Kundi amo’y ng isang kandidatong presidente.

Sa tema ng kaniyang mga pananalita ay amoy na amoy na.

May sense of humor naman sya, magaling na speaker at mahusay daw na abogado.

Sabi ni bosing Billy, kasi mas kilala yata niya ng personal ito dahil minsan na niyang naging abogado noong nag-aaral pa siya sa Mapua.

Kunsabagay, hindi naman siya magiging ika-apat na pinakamahusay na alkalde sa buong mundo at number one sa buong Asya kung di siya magaling.

Ilang panahon na nga naman itong naging mayor ng Makati,kumbaga kinagisnan ko na nang maging media ako.

Nagtungo siya sa Lucena para sa pagiging sisterhood ng dalawang lungsod.tutulungan daw ang Lucena para higit na kaunlaran nito. Ang galing naman di ba? Syempre kung may naisin ka na kumandidato ay iisip ng magandang paraan.

Kung 16 na city ang binawian ng pagiging lunsod sa Pinas ay tiyak na susuyudin naman ni Binay na magkaroon ng sisterhood sa ibang lunsod bilang target na rin sa kanyang pangangampanya sa 2010.Tama o mali?

Pero kung bilib sila ay hindi pa rin ako bilib sa kanyang mga ginagawa.Lahat daw kasi ng mga pulitiko ay magnanakaw.Opsss…bato, bato sa langit ang tamaan bukol.

Pero kung isa rin si Binay sa mga magnanakaw, mabuti siyang mangupit kasi napaunlad niya ang Makati.Kaya nga kapag nagtatrabaho ka sa Makati ay “totyal “ di ba?sa kalinisan at kaunlaran ,wala nang hihigit pa sa Makati.Kahit ikumpara ito sa Maynila na duro ang squatter area.


Kunsabagay, sabi nga ni Quezon Board Member Alona Obispo ay 20% SOP, kung totoo nga ito ay tiyak na maraming opisyal ang yayaman.Kaya naman pala ipinaglalaban talaga ng patayan ng mga kandidato ,mapalagay lamang sila sa pwesto.Nasa trono pala nila ang minahan ng ginto.Ang tawag sa mga ganito ang mga ginagawa ay makakapal at mukha at mga walang konsensya.

Kung 20% ang standard sa mga komisyon ng isang opisyal di tama rin ang nabalitaan ko na 35 % para sa mga Kongresista.Ay bawasi para naman kay Quezon dela Cruz.

Kaya naman pala ang mga pagawaing kalsada ay sobrang nipis ng mga semento at ilang daan lamang ng mga truck na overloaded ay bitak-bitak na.Yon pala mas malaki ang napapabigay sa mga “commissioner” kesa sa proyekto.At take note.mas malaki ang SOP sa mga opisyal….tsk..tsk..tskk.


QUEZON SAAN KA PATUTUNGO?

Nakakalungkot isipin na ang aking sinilangang bayan ay mahihiwalay na sa lalawigan ni Quezon kung magkakamaling bomoto ng yes ang mga kabalen ko.

Kaming mga taga Bondoc Peninsula ay lalo nang magiging taga-linang kapag napahiwalay ang Quezon del Sur.

Pakiramdam ko imbis na maging sibilisado ay lalong malalayo sa kabihasnan ang aking mga kamag-anak at kababayan.

Iniisip ko kasi, anong halaga na palayain ang Quezon del Sur kung maghihintay pa rin ng mahabang panahon bago ito umunlad.

Saludo ako kay Cong. Danny Suarez ng mapaganda niya ang kalsada sa lupang aking pinagmulan.Kahit mawala siya sa mundo pagdating ng panahon ay nakaukit pa rin sa puso namin at sa mga magsusulputang bagong henerasyon ang kanyang magandang nagawa sa Bondoc Peninsula.Bakit kailangang hatiin pa kung kaya naman palang paunlarin na buo ito.Nanghihinayang kasi ako sa galing at talento ni Congressman Danny dahil naniniwala akong sa kaniyang pagreretiro ay nababagay siya sa pagiging gobernador.At hindi akma sa kanya na pamunuan ang isang maliit na teritoryo lamang,Kawawa ang ibang Quezonian na hindi taga Quezon del Sur kung sakali na naniniwala sa kanyang kakayahan.Tutal naman pagkaraan ng dalawang termino ay tapos na si Gov. Nantes at sino pa ang may kakayanan na pamunuan ang Quezon.Kung magkakaisa lamang ang mga opisyal at magbibigayan .Tapos na ang election sa Quezon.

Saksi ang Kaliwa’t Kanan sa hirap ng buhay sa aming baryo ng mahabang panahon…Noon inaabot kami ng magdamag kapag ang aming sinasakyan ay nabalaho sa daan sanhi ng putik noong walang magandang kalsada.mabagal ang usad ng orasan.

Hindi ba mas madaling maabot ang kaunlaran kung mayroong political will ang isang opisyal.

Sabi ng aking mga paru-parong naglipana sa Quezon…Distrito ang paramihin at hindi Quezon ang hatiin.

IRON WILL-CELINE TUTOR

IRON WILL
ni Celine M. Tutor
LT.GEN. BANGIT, dinamayan ang mga taga-Real
Pinatunayan na naman ng Southern Luzon Command na hindi lamang sa pagtatanggol sa bayan sila maaasahan ng mga mamamayan kundi maging sa oras na kailangan ng tulong.
Paulit-ulit ko itong sinasabi sa bawat mambabasa dahil ang IRON WILL ay naniniwalang ang mabuti ay dapat papurihan upang higit itong makapagbigay ng inspirasyon sa iba.
Noong Huwebes lamang ay personal pong binisita ni LT.GEN. DELFIN N BANGIT ang mga kababayan natin sa Real, Quezon. Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa pagtiyak ng katahimikan hindi lamang ng Quezon Province kundi ng buong Area of Responsibility ng SOLCOM ay nagawa pa ni Sir na damayan ang mga nagkaroon ng sakit na typhoid sa bayan ng Real.
Isang Boy Scout si Sir. Hindi kailangang utusan. Laging nangunguna basta’t may nangangailangan ng tulong. Tama ang kanyang sinabi noon ‘nung siya ay 2nd Infantry Division Commander na kanyang patutunayan na ang sundalo ay nananatiling MAKA-DIYOS, MAKATAO, MAKABAYAN at MAKAKALIKASAN.
Ang lahat ng ito ang siyang ipinakikita ng bawat kasundaluhan sa lugar na nasasakop ni LTGEN. BANGIT.
Sabi nga niya, kailangang magbigay ng magandang serbisyo sa mamamayan upang manatili ang tiwala ng tao sa kanila.
Sa ginawang pagtungo ni Sir sa Real, dala niya ang pag-asa ng mga nagkasakit na mabilis silang gumaling. Maraming doctors na kasama si Sir mula sa iba’t-ibang medical teams tulad ng SOLCOM, 2nd Infantry Division, Fort Bonifacio General Headquarters, V. Luna Hospital, Phil. Air Force. May mga gamot po silang dala at ilang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan doon.
Ang mga sundalo ay talagang maaasahan sa panahon ng kalamidad o trahedya. ‘Di po nila iniisip ang kanilang sariling kapakanan kundi ang kaligtasan ng iba.
Sa kabila ng may ibang gawain ang SOLCOM, hindi po nag-aksaya ng oras si LT.GEN. BANGIT kundi nagkaloob siya ng tulong na hindi makakalimutan ng mga taga-Real, Quezon.

PhilPost sa SM Lucena
Parang One Stop Shop ang SM City Lucena. ‘Pag nagtungo ka, andun na lahat ang kakailanganin mo.
Ngayon, nasa SMLC na rin ang PhilPost at t’yak na dadagsa ang magpapadala ng sulat sa kanilang mga loveones ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.
Masasabing right decision ang pagkakapili ng PhilPost sa SM Lucena dahil ito’y mall, dinarayo ng mga tao at hindi ‘lang Lucenahin ang mga nagtutungo dito.
Isa pa, mas mahabang oras ang ilalagi nila sa mall na hindi kinakailangang magmadali ninuman para lamang makapagpadala ng sulat dahil ang kanilang office hour ay tulad na rin ng sa mall.
Isa pa’y mababait ang mga nasa PhilPost sa SM Lucena, ipinapaliwanag nila ang kahalagahan ng Postal ID sa isang tao.
Sa halagang P240 ay makakakuha na po kayo ng Postal ID at napakabilis pa. Kailangan lamang ng dalawang 2x2 pictures, barangay clearance at cedula.
Ang Postal ID ay isa sa kinikilala ng mga ahensiya ng pamahalaan at maging ng mga awtoridad at banko bilang pagkakakilanlan sa isang tao. Hindi ito basta ID lamang.
Bukod dito, talagang mai-engganyo kayo sa mga magagandang collection stamps na mabibili sa PhilPost kaya ano pa ang hinihintay n’yo. Hanapin n’yo lang si Ms. Nicodemus at si Ms Violy. Baladad.

###
Lumilibot na si Makati Mayor Jejomar Binay sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Matunog ang kanyang pangalan bilang si Obama ng ating Republika. Sa kanyang ginawang pagtungo sa lungsod ng Lucena noong Huwebes, ang alam ko’y ang Sisterhood ng Lucena at Makati ang talagang agenda. Higit nga sigurong kaunlaran ang matatamo ng mga Lucenahin kung ang ginawang pagpapaunlad ni Binay sa Makati ang gagawing pattern ng mga opisyal sa Lucena. Sa susunod sigurong pagtungo ni Mayor Binay sa Lucena Jet ay malakas na ang kanyang boses dahil hindi naman siguro siya papayag sakaling siya ang maging Presidente na mas malakas pa ang boses ng kanyang mga alagad. Para sa anumang suhestyun o opinyon, email n’yo ‘lang ako sa brilliantceline@yahoo.com

NEWS IN TAYABAS CITY---TAYABAS QUEZON

BANNER SA MONDAY TIMES (NOV.24-30/08)

Mga kababayan ko, napaingo-Atty.Forbes
Tayabas,balik-bayan
Ni Jet Claveria

Hindi nakasunod sa panuntunan na hinihingi ng batas ang bayan ng Tayabas para maging lungsod kung kaya’t sinabi ng Korte Suprema sa desisyong ipinalabas nitong isang lingo
na ang “Tayabas City “ ay balik-bayan. Kaya naman nang malaman ang desisyon ,sinabi ni Atty. Euclides G. Forbes kilalang abogado sa probinsya ng Quezon na “napaingo lamang ang aking mga kababayan”.


Ang “Tayabas City” ay kabilang sa 16 na syudad na binawian ng ‘ cityhood ‘ ng Kataas –taasang Hukuman dahil sa kakulangan ng mga ito na makatugon sa katulad ng kawalan ng sapat na kita na dapat ay umabot sa P100 million na hindi naaprubahan noong 11th congress.

Kabilang ang Tayabas sa mga bayan na minadaling aprubahan ng mga Kongresista upang maging isang lungsod kaya’t hindi napag-aralang mabuti kung ang naturang bayan ay makatutugon ngang tunay sa hinihingi ng batas upang ganap na maging lunsod.

Ayon kay Forbes, paano ba naman nga magiging lunsod nga ang Tayabas ay ni kapirasong mall o sinehang pang 20 tao ay wala ito at dumadayo pa sa Lucena upang magshopping at manood ng sine.

“Dapat , aniya, natuto sila sa halimbawa ng Lucena bago ito naging lunsod at hindi naging kahiya-hiya”.

Kaugnay nito, aapela naman ang ibang alkalde na binawian ng taguring lunsod sa Korte dahil sa pagiging “unconstitutional.”


Sinabi ni Guilhungan, Negros Oriental Mayor Ernesto Reyes na iaapela nila ito dahil sa ginagampanan na nila at nakapagtayo na ng mga establisimiyento para sa isang lungsod tulad ng regional trial court at city schools.

Pipilitin umano nilang ipaliwanag sa Korte Suprema ang mga dahilan kung bakit dapat silang gawin nang isang lungsod at ipagtatanggol na kaya nilang tumayo bilang isa.

Sinabi naman ni Mati, Davao Oriental Mayor Michelle Rabat na ipapaliwanag nila sa korte na nakapagdesisyon na ang mga residente ng kanlang lugar na bumoto para sa pagiging lungsod ng kanilang bayan.

Sa desisyon ng Korte Suprema, pinaboran nito ang petisyon ng League of Cities of the Philippines na humiling na bawiin ang pagiging lungsod ng nabanggit na mga bayan.

Sinabi ng Korte na nilabag ng Kongreso ang “criteria” na isinasaad ng Local Government Code na nagsasabing kailangang kumikita ng P100 milyon kada taon ang isang bayan upang maging ganap na lungsod. Nabatid na wala umano sa nabanggit na mga bayan ang nakasunod dito.

Pinagbawalan rin ng Korte Suprema ang Commission on Elections na magsagawa ng plebisito para sa pagiging lungsod ng naturang mga bayan.

Sa pagiging lungsod ng naturang mga munisipalidad, makakatanggap ang mga ito ng mas malaking hati sa Internal Revenue Allotment (IRA) kumpara sa ibang mga mas mahihirap na munisipalidad.



Ang mga binawian ng pagiging lungsod ay ang mga bayan ng Baybay sa Leyte; Bogo sa Cebu; Catbalogan, Samar; Tandag, Surigao del Sur; Borongan, Eastern Samar; Tayabas, Quezon province; Lamitan, Basilan; Tabuk sa Kalinga; Bayugan sa Agusan del Sur; Batac, Ilocos Norte; Mati sa Davao Oriental; Guihulngan, Negros Oriental; Cabadbaran, Agusan del Norte; Carcar, Cebu; El Salvador sa Misamis Oriental; at Naga, Cebu.

Habang sinusulat naman ang balitang ito ay hindi pa rin nakapagbibigay ng kaniyang pahayag si Tayabas Mayor Dondi Silang kung ano ang kanyang reaksyon sa muling pagbabalik ng Tayabas sa Quezon.

news in quezon

SM Lucena, kaisa sa Make A Child Happy
nina Lyn Catilo at King Formaran
Makapagbigay ng saya at ligaya sa bawat bata ang layunin ng programang Make a Child Happy ng SM Foundation, katuwang ang Toy Kingdom, Social Welfare and Development Office sa lungsod ng Lucena.
Taun-taon tuwing sumasapit ang Kapaskuhan, ang SM na pagmamay-ari ng tinaguriang nangungunang negosyante sa buong Pilipinas, Mr. Henry Sy, Sr. ay ibinabahagi ang kasiyahan sa bawat kabataan.
Sa pamamagitan ng Make A Child Happy, ang mga laruang nalilikom (bago o luman man) ay ipinagkakaloob naman sa mga batang walang kakayahan ang kanilang mga magulang na mabigyan sila ng regalo kasabay ng pagdatal ng Dakilang Lumikha.
Isang pagpapadama ito ng SM, paliwanag ni Ms. Lilibeth Azores, PR Officer ng SM Lucena at mula sa SMFI na pinapahalagahan nila ang bawat bata.
Likas sa mga bata ang mahilig sa laruan at ngayong nalalapit na naman ang Pasko, ang mga batang sa espesyal lamang na araw nagkakaroon ng laruan ang nais ng SM Lucena na mapagkalooban nito.
Higit na maraming bata ang magkakaroon ng laruan kung nanaisin lamang ng bawat isa na makapagbigay ng ligaya sa mga ito. Sa pamamagitan ng Make a Child Happy, bukas na ang booth nito na matatagpuan sa 2nd floor ng SM Lucena kung saan puwedeng ilagay ang mga laruan at sakaling maipon na ito, ipagkakaloob na sa mga mapipiling mga bata.
Ang nasabing booth ay inilagay na noon pang a- ng buwang kasalukuyan at tatagal hanggang sa Disyembre.
Ang SM Lucena ay pa-limang taon ng nakikiisa sa programang Make A Child Happy at ngayong taon, hangad na mas maraming bata ang mabigyan ng kasiyahan.




Sangguniang Kabataan, ‘di dapat mabuwag – Mayor Binay
nina Lyn Catilo at King Formaran
Nananatiling mataas ang pagtingin at pagkilala ng alkalde ng lungsod ng Makati sa kakayahan ng mga kabataan na makatulong ng pamahalaan sa pagtamo ng kaunlaran at sa pagresolba na rin ng mga kinakaharap nitong suliranin.
Sa harap ng mga opisyal ng may 33 barangay ng nasabing lungsod, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga opisyal ng DepEd, bumubuo ng Parents & Teachers Association, mga mag-aaral, at iba’t-ibang samahan, ipinaliwanag ni Makati Mayor Jejomar Binay na hindi dapat mabuwag ang Sangguniang Kabataan dahil sila ang boses ng kabataan at sa pamamagitan nila, higit na naiipaunawa sa mga namumuno sa pamahalaan at maging sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.
Tugon ito ng opisyal sa naging katanungan ng isa sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation ng lungsod sa forum na ginawa sa Mug Café Pacific nang dumating ang alkalde kaugnay ng “Sister Cities Entwined in History An Open Forum For Mutual Cooperation”.
Ayon pa kay Binay, hindi siya pabor na mabuwag ang SK ngunit upang higit ang mga ito na maging epektibo sa kanilang tungkulin, dapat ay hindi makialam ang mga magulang sa pagdedesisyon ng mga ito.
Binanggit pa na kaya aniya nagigiging bahagi ng bulok na sistema ng pulitika sa bansa ang mga kabataan ay dahil sa kahit hindi pa 18-anyos ang isang lalaki o babae ay pinepeke ng mga ito ang birth certificate ng kanilang mga anak na iginiit ni Binay na maling gawain.
Dahil dito, nanawagan si Binay na iwasan ang nasabing hindi magandang gawain at tulungan ang mga kabataan na magdesisyon ng tama at naaayon sa pangangailangan ng kapwa.




Sa pagtaas ng bilang ng nagka-typhoid sa Real
SOLCOM Medical Team, tumulong
ni King Formaran
Real, Quezon – Tumaas na sa bilang na 109 ang biktima ng hinihinalang sakit na typhoid sa bayang ito mula pa noong Nobyembre 15 at kasalukuyan pang inaalam kung saan nagmula ang nasabing sakit kung sa pagkain o sa tubig na inumin.
Nabatid mula kay Dr. Epifanio Crisostomo, Municipal Health Officer dito na maaring tumaas pa ang bilang ng mga nagkasakit base sa karaniwang “trend” typhoid cases.
Samantala, mabilis namang nagpadala ng medical team si Southern Luzon Command Chief Lt.Gen. Delfin N Bangit kahit abala sa mga gawain upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng dalawang rehiyon na kanyang nasasakupan.
Dalawang team ng mga doctor mula sa V. Luna Hospital, isang team mula sa Solcom, isang team mula sa Phil. Asir Force, isang team mula sa Fort Bonifacio General Headquarters at isang team mula sa Army's 2nd Infantry Division na tumulong upang mapunuan ang kakulangan ng mga manggagamot para sa mabilis na lunas sa lahat ng biktima ng hinihinalang typhoid outbreak.
Kaugnay nito, bukod sa mga doctors na ipinadala ni Gen. Bangit ay nagpadala din ng mga medicines at basic items para sa mga residenteng apektado.
Noong nakaraang Huwebes, ay personal na tinungo ni Gen. Bangit ang nasabing bayan upang alamin ang kasalukuyang status ng mga biktima ng sakit na typhoid at tugunan pa ang anumang pangangailangan ng lokal na pamahalaan ng Real.
Matatandaan na ang Solcom ang isa sa pinakamabilis na mag-response sa ganitong sitwasyon o maging sa mga kalamidad at trahedya sapagkat ang Solcom ang may pinakamalaking manpower at resources sa buong rehiyon.


Peace and order situation, kontrolado pa rin ng Solcom at PNP
ni King Formaran
Lucena City – Makalipas lusubin noong Oktubre 25 ang Quezon Provincial Jail at naitakas ng mga hinihinalang NPA ang pitong kasamahan ay lingid sa kaalaman ng marami na patuloy hanggang sa kasalukuyan ang operation na isinasagawa ng mga operating units ng Southern Luzon Command partikular na ng Army's 2nd Infantry Division sa ilalim ni Mgen. Rholand Detabali.
Marami ang hindi nakakabatid na makalipas ang paglusob sa QPJ ay sunud-sunod ang mga panganib na nakaamba subalit ito'y kasalukuyan lamang na napipigilan ng mga operatiba ng Solcom at Quezon Police Provincial Command.
Ayon sa ilang source mula sa Intelligence community ay pigil na pigil ang mga rebelde sa kanilang plano upang muling magre-group at magbalik sa gawaing normal, Kabilang sa mga napigilan na balakin ng mga NPA ay ang paglusob sa ilang CAFGU detachment, Municipal Police Station, pananabotahe ng pribadong pag-aari ng pribadong negosyo at pananabotahe ng ilang government vital installations.
Sa isang phone interview kay Mgen. Detabali, sinabi niya na ng nagtakbuhan ang mga rebelde sa bahagi ng Sariaya hanggang Rosario, Batangas noong mga nakalipas na araw ay nagkaroon mismo ng pagkalito ang mga NPA nalokal at ilang mula sa Regional Unit sa isang lugar na bulubundukin sa bahagi ng San Juan, Batangas kung kaya't sila-si9la mismo nanbg nagbanatan noong gabi ng Nobyembre 15 sapagkat hindi kabisado ang terrain ng mga NPA na dayo na nagtago sa nasabing lugar.
Samantala, nanatiling nasa full alert status ang lahat ng Municipal Police Station at Provincial Police Mobile Group na nakakalat sa apat na distrito upang pigilin ang anumang diversionary tactics o pag-atake sa alinmang area ng lalawigan, maging si Quezon Police Provincial Director S/Supt. Fidel Posadas ay 24-oras na naka-monitor at lumilibot sa AOR.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng foot patrol sa mga remote barangays at visitation na isinasagawa ng tropa ng mga army mula sa iba't-ibang battalion.
Sa bahagi ng Bicol Region sa bayan ng San Miguel, Catanduanes nito lamang nakalipas na Miyerkules ay dalawang hinihinalang NPA ang nasawi sa pakikipag-engkwent4ro sa mga tropa ng Army's 9th Infantry Division sa ilalim ni Mgen. Jeffrey Sodusta.
Tumagal ng 45-minuto ang pagpapalitan ng putok at dalawampung rebelde ang nakipagsagupa sa tropa ni 1Lt. Liquido. Nabawi ang isang M-16 at isang M-14 rifle at pinaniniwalang marami pa sa mga NPA ang tumakas na sugatan ayon na rin sa mga residente sa nasabing lugar.
Hindi pa nakikilala ang dalawang NPA na nasawi at wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga tropa ng mga pamahalaan.

Biomass Waste Utilization Technology, inilunsad sa Quezon
nina King Formaran at Babes Mancia
Dalawang araw na nagsanay at nagsagawa ng demonstrasyon ng Biomass Waste Utilization Technology sa Quezon National Agricultural School, Malicboy sa bayan ng Pagbilao kamakailan.
Ito ay isang teknolohiya na tutulong sa mga magsasaka upang matuto o madagdagan ang kaalaman sa paggawa ng mga pataba (fertilizer) na mula sa inaakala natin na wala ng pakinabang na balat o dahon ng gulay at mga dumi ng mga hayop o animal manure. Malaki ang maitutulong ng nasabing teknolohiya sa ating kalikasan sapagkat hindi ito ginagamitan ng mga kemikal na maaaring makasira sa ating likas na yaman. Dito, malaki ang mamemenos o matitipid ng mga magsasaka sa kalimitan nilang hinaing na “high production cost” o mataas na puhunan sa pagtatanim.
Dumalo at naging tagapagsalita sa nasabing pagsasanay ang iba't-ibang kawani ng gobyerno na may kinalaman sa pagsasaka na sina Dr. Rodel G. Maghirang ng Crop Science Research ng University of the Philippines, Los Baños, Laguna (UPLB) Institute of Plant Breeding. Kanyang ipinakita ang pagprepara ng organic Pesticides na ayon sa kanya ay bahagi pa din ng Executive Order No. 481 sa ilalim ng Section 10 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagsasaad ng paggamit ng organic fertilizer at pesticides.
Ipinakilala din dito ang EM Technology (Effective Microorganisms Technology) na ayon kay G. Leandro P. Aure ng EM Research Philippines Inc. ito ay ang pinaghalo-halong mabubuting mikrobyo tulad ng yeast at fungi na nabubuhay sa kondisyon ng aerobic o anaerobic at sinabi din niya na ang EM Technology ay kasalukuyang ginagamit ng isang daan at labing-anim (116) na bansa sa paggawa ng gamot, paghahalamanan, paghahayupan at sa maraming kapaligiran.
Nabatid din na ang EM Technology marahil ang pinakamtipid, pinakamhusay at pikaperpektong paraan ng pagproseso ng mga basura na ginagawang enerhiya, feeds o pagkain ng hayop, abono o fertilizer na mula sa (90%) na kabuuang mga dumi na mula sa bukid, bahay, eskuwelahan, restawran at sa halos lahat ng establisyemento.
Naging bahagi din ng pagsasanay6 na nabanggit na aktuwal na pagsasagawa o demonstrasyon ng Carbonized Rice Hull (CRH) Production na sinaksihan bilang tapagsanay nina Dr. Virginia C. Cuevas ng IBS-UPLB, Los Baños, Laguna, Ms. Marilou P. Arciaga na kinatawan ng Regional Soils Laboratory-DA-RFU-IV-A, Mr. Richard Romanillos ng Science Research Specialist Phil-Rice, Los Baños, Laguna.
Dumalo din sa nasabing pagsasanay ang ilang kawani ng tanggapan ng panlalawigang agrikultor sa pamumuno ni G. Domingo Mamasig.
Sinabi ni Mamasig na napapanahon ang ganitong uri ng pagsasanay upang matulungan ang mga magsasaka na makagamit ng murang pataba upang mapataas ang kanilang ani at maitaas ang natas ng pamumuhay ng mga magsasaaka sa lalawigan ng Quezon.




2 Reds killed in Bicol clash

CAMP Nakar, Lucena City -- Two communist guerrillas were killed in a 45-minute firefight with Army troops in Barangay San Marcos, San Miguel, Catanduanes at dawn yesterday.

Reports reaching the office of Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Delfin Bangit said the rebels are yet to be identified.

Capt. Leah Santiago, public information officer of Solcom, said the clash occurred at 5 a.m. when a team from the 9th Infantry Battalion were on routine foot patrol.

Santiago said the troops managed to take cover when they were fired upon by some 20 rebels. She said the soldiers retaliated, killing two of the rebels who were forced to widraw.

Troops recovered an M- 16 Armalite rifle and an M-14 rifle, a number of ammunition and subversive documents from the fatalities.

A team of soldiers were dispatched to track down the fleeing rebels.