Friday, November 7, 2008

Forum at Infanta Quezon










Failure of governance kaya di umaasenso-Atty. Guerrero
Ni Jet Claveria


Mariing ipinahayag ni Quezon Provincial Attorney Dennis na failure of governance kaya walang asenso sa isang bayan.Ito ang kaniyang sinabi sa isinagawang forum hinggil sa hati Quezon noong Oct. 30,2008 , na isinagawa sa sa Infanta Quezon na pinangunahan ng simbahan at mga representantes mula sa iba’t ibang bayan particular sa unang distrito ng Quezon.


Ayon kay Atty. Guererro, hindi lamang naman pagkakaroon ng Quezon del Sur at Quezon del Norte ang maaring gawin sa Quezon kung san pwede rin itong magkaroon ng Quezon Oriental at Occidental.

Ngunit hindi anya nakatitiyak ang mga mamamayan na magkaroon ng tunay na kaunlaran kung sakali nga na mahati o makailang hati pa ang lalawigan kung failure pa rin ang governance.

Binigyang halimbawa pa nito ang lalawigan ng Aurora kung saan dati’y kasama sa lalawigan ng Quezon subalit inihiwalay ito na umano’y kaunlaran at bulok na pamamalakad rin ng mga nangunguna sa Quezon ang dahilan,subalit nang maihiwalay na ito ay lalo lamang naghirap at halos hindi na rin mapansin sa mga proyektong ibinibigay ng nasyunal.

Ipinaliwanag din ni Guerero bilang kumakatawan ni Governor Raffy Nantes sa nasabing forum na aniyay taumbayan pa rin ang magpapasya ngunit kailangang alam ng mga tao kung ano ang mga posibilidad na kung sakaling magkaroon ng Quezon del Sur at Quezon del Norte, possible aniyang maiwan rin ang del Sur dahilan sa kung magtatayo man ng mga negosyo ang mga negosyante ay tiyak na uunahin nilang lagyan ang del Norte.


Ngunit kung buo at malaki ang lalawigan ay tiyak ang higit na kaunlaran ang matatamo nito kung magtutulungan at magkakaisa ang lahat.

Aniya,sa pagkakaroon ng bagong lalawigan ay maraming mababago, sa pagtatayo pa lamang ng bagong kapitolyo at mga opisyal ay hindi lamang panahon ang igugugol kundi malaking pondo o pera pa rin ng bayan.Subalit hindi pa rin tiyak ang kaunlaran.Nagbagong bihis lamang sa aspetong bago ang mga opisyal mula sa governador hanggang sa pababa.

No comments: