Saturday, November 8, 2008

news in Lucban Quezon

Dahil sa sumbong ng taong bayan
Notoryos na drug pusher, nahuli ng mga awtoridad
ni Rico Catampungan


Lucban Quezon ,matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Lucban Police station at 415th Provincial Police mobile Group ng Quezon pnp ang isang notoryos na drug pusher sa bayang ito kamakailan
Kinilala ni P/SINSP. Francis Pasno hepe ng pulisya Sa bayang nabanggit ang mga suspek na sina Tirso Villarivera y Salumbides alias Tirso 32 anyos binata at Noel Villarivera y Salumbides alias Awing kapwa naninirahan sa interior E. Jacnto st. Brgy.4 Lucban Quezon.
Ayon kay SPO2 Ater Mirillo matagal na umano nilang sinusubaybayan ang aktibidad ng dalawang suspek dahil sa natatanggap nilang sumbong mula sa taong bayan na diumanoy nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot o shabu ang mga ito kayat ng makumpirma nga nila na positibo ang nasabing impormasyon ay agad silang nag apply ng search warrant sa sala ni judge Marienette Devela Padua ng MTC Lucban at sa bisa ng seach warrant ay sinalakay nila ang bahay ng mga suspek at agad nahuli si Tirso samantalang wala naman sa bahay ang isa pang suspek na si Noel ng pasukin ng mga awtoridad ang kanilang tahanan
Nakuha ng mga pulis sa pag iingat ni Tirso Villarivera ang 4pcs Transparent plastic packet containing undetermined weight of suspected shabu, at mga shabu paraphernalia sa kasalukuyan nakapiit na ang suspek matapos sampahan ng kasong palabag sa RA. 9165. O pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Samantala nanawagan si capt. Francis Pasno sa mga mamayan ng bayan ng Lucban na tulungan sila sa kanilang kampanya na sugpuin ang kreminalidad upang manatiling matahimik ang bayan ng Lucban.
Please read....

No comments: